Chapter 7

1546 Words
Tulala at buryong-buryo na ako rito sa tunog ng wall clock isama mo na ang pagtapik-tapik ko sa mesa ng ballpen ko. Nakapangalumbaba ako at humihikab nang biglang bumukas ang pinto ng office ko. It was Rienn as usual. He was wearing his usual smile as he walked towards my table. Ipinatong niya ang tasa ng kape at ang platito ng sandwich na tingin ko ay gawa niya rin. Lagi siyang nagsasanay na gumawa at sa'kin niya ipinapakain. There were no problem in there because I actually enjoyed eating those. "Ma'am, you look awful." Tuwid itong tumayo at ipinilig pa ang ulo niya sa'kin. "Is that a compliment?" I lazily asked as I reached the coffee. Hinipan ko ito at saka sumimsim. It was great even though I wasn't really a fan of coffee. Nasanay na lang dahil naging routine niya na ang pagbibigay sa'kin nito tuwing hapon. Saka kahit gano'n naman, masarap talaga ang gawa niyang kape kaya kahit na hindi ka mahilig dito, mapapainom ka talaga. It was really confusing pero kapag ako ang nagtitimpla ng kape, iba ang lasa. Sa kanya, sakto lang lagi. Kailangan ko rin sigurong magpaturo minsan kung anong technique niya. "What do you think, ma'am?" His voice was teasing but I just burst out laughing. I wonder kung paano siya makitungo sa iba? I mean, cheerful din ba siya? "Your eyebags are back..." He blurted out. Kumunot ang noo ko at tinakpan niya agad ang bunganga niya. Alanganin itong tumawa at kumamot sa batok niya. "Sorry, I couldn't help it, ma'am." Yumuko pa siya. "No, it's okay," He looked cute. "Pero 'di ba, sabi niyo–" I cut him off. "I was just kidding when I said that. You know, it was kinda embarrassing..." Humalakhak ako at kumagat sa sandwich na dinala niya rito. It tasted good. Mukhang nasasanay na talaga siyang gumawa. May balak ba siyang magquit sa pagiging barista? I would feel bad if there's a chance. Hindi magiging successful 'tong coffee shop ko kung hindi dahil sa kanila – sa kanya. "Nagkaboyfriend na ba kayo, ma'am?" His question got my interest. Usually, kapag tinatanong ng lalaki 'yong mga gan'yang tanong, may gusto sila sa isang babae. Base sa experience ko. But still, it doesn't mean na may gusto siya sa'kin. He was smiling, his usual smile so I couldn't see anything that was suspicious. Diretso rin ang tingin niya sa'kin at parang dumaan lang 'yong tanong na 'yon sa utak niya. Hindi sinasadya. "Uh, oo. Bakit?" He looked interested, though. Wala bang masyadong costumer at hindi pa siya hinahanap ni Lala? "Kayo pa ba, ma'am?" My forehead creased as I slowly shook my head. Anong mayro'n at tinatanong niya? "So, brokenhearted kayo?" Umiling ulit ako. Seriously, naiisip ko pa lang na brokenhearted ako dahil sa lalaki, nasusuka na ako. Kahit no'ng nagbreak kami ni Fin, hindi ako masyadong naapektuhan. Isang araw na natulala pero kinabukasan, naging ayos din naman ulit ako. Parang mas iniyakan ko pa yata 'yong earphone ko no'ng aksidenteng nasira dahil nahila. "Bakit mo natanong?" 'Yong boredom na nararamdaman ko kanina, sa isang iglap ay nawala lahat. Iba talaga ang vibes na dala niya. "I'm interested, I guess?" Inosente itong ngumiti. "Ooh..." I uttered. "That was a long oh, ma'am." Nakakunot ang noo niya kaya tinawanan ko lang siya. Lahat talaga, napapansin niya. Natutuwa ako dahil kahit na ganito, hindi siya nabo-boring-an sa'kin. "How about you, do you have a girlfriend?" My voice wasn't that interested but deep down, I really wanted to know. This is my chance. I couldn't afford to let it slide. "Hindi pa ako nagkakagirlfriend, ma'am," he casually said. Umawang ang labi ko sa sagot niya at dahan-dahan na lang na napatango. So, perfect talaga siyang maging boyfriend. I mean, wala kang pagseselosan dahil wala naman siyang naging kafling o ano rati. "Nililigawan?" I wanted to make sure. "Wala rin, ma'am." Humalakhak ito. "Malabong magkaroon dahil hindi naman ako palakausap ng ibang tao." Nagkibit-balikat siya at lumapit sa table ko. Nagtataka ako pero agad na nawala 'yon no'ng kuhanin niya ang tasa at platito sa table ko. Akala ko kung anong gagawin niya. What was I expecting, anyway? "Back to work na muna, ma'am." Ngumiti ulit siya sa'kin bago tuluyang lumabas ng office at isara ang pinto. He already disappeared, huh? Naiwan na naman akong tulala rito at walang ginawa kundi bumuntong-hininga. He has poor social skills. Introvert talaga. If he would be my boyfriend, that's fine. Medyo madali akong mainis lalo na kapag sweet 'yong boyfriend ko sa iba, pero siya, tiyak na hindi dahil introvert nga. Though, wala namang kaso sa'kin 'yong pagiging friendly sa babae, naiinis lang ako kung masyado ng sweet. Beyond the limits na 'yon as a friend, 'di ba? But seriously, what's gotten into me and I'm thinking of this? It wasn't like that I wanted him to be my boyfriend. He just got my interest and of course, I felt indebted because of using her physical appearance. "Ma'am! 'Wag matutulog ng maaga para malate bukas, ah?" Ito agad ang bungad sa akin ni Jerome pagkalabas ko ng office ko. Medyo ginabi kami ng uwi dahil mas maraming costumer ngayon at patuloy ang pagdating nila kanina kaya napilitan kaming mag-overtime. Hindi naman problema sa kanila 'yon dahil dagdag sweldo rin. "Kapag naunahan kita bukas, tanggal ka sa'kin," I threatened him. "Isusumbong ko kayo sa DOLE, ma'am!" Umakto pa itong umiiyak at kinuha ang cellphone saka kunwaring nagdial. I bet, lumuwag na naman ang isang turnilyo sa utak nito. "Una na kami, ma'am!" Masiglang ani Jane bago lumabas kasama si Cris. Magkapatid sila at malapit lang din ang bahay nila rito. Iyong iba ay nauna ng umuwi kanina bago pa ako makalabas ng office. Nagpaalam na rin sa'kin si Jerome na mauuna na dahil magluluto pa raw siya. Ako na lang mag-isa rito. Bumalik ako sa office at kinuha ang wallet saka cellphone ko. Binunot ko ang susi ng shop mula sa wallet ko at lumabas. Ang lamig nga ngayon tulad ng sabi kanina ni Lala. No wonder at maraming costumer ngayon. Hinawi ko ang ilang strand ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Nagtataka akong tumingin sa langit nang may pumatak sa aking maliliit na butil ng tubig. Umuulan? Inilahad ko ang kamay ko. Palakas nang palakas ang tulo ng tubig. Umuulan nga. Hindi ako nakapanood ng balita kaninang umaga bago umalis dahil nagmamadali ako at malapit na nga akong malate. Ngayon ko lang din napagtanto kung bakit may dalang payong si Jerome. Akala ko dahil mainit lang. Hindi ako sanay na may dala siyang payong kahit mainit kasi hindi hilig 'yon. Gusto kong maghintay na lang ng tricycle dahil hindi ako pwedeng magpaulan at baka magkasakit ako bukas, kaso wala namang masyadong dumadaan. Mayro'n nga pero may sakay na at sa kabilang direksyon naman ang punta. What an unfortunate day... "Ma'am." My gaze automatically turned to someone who talked. Nandito pa siya? Isinara niyang muli ang pinto ng shop at inilahad ang kamay niya. Hahawakan niya ako? "'Yong susi, ma'am," Oh... so, ila-lock niya lang pala 'yong shop. I got the wrong thought. Ibinigay ko agad sa kanya at pinanood siyang isara ang shop saka ibinigay ulit sa'kin ang susi. Tinago ko 'yon sa bulsa ko at hindi na ulit siya tinapunan ng tingin. Nakakahiya... iyan lang 'yong tanging masasabi ko. Mabuti na lang talaga at nagsalita siya na 'yong susi ang kinukuha niya kundi napatong ko na ang kamay ko sa kamay niya. Katapusan ko na 'yon kung sakali. Damn! Bakit ba naman kasi pumasok sa isip ko 'yon? Of course, malabo niyang gawin iyon. "Ma'am," He called me again. "What?" I couldn't hide the bitterness in my voice. "Are you cold?" Umiling ako. "Sure?" "Yeah," I shortly replied. "Lapit ka sa'kin, ma'am." Hindi ko na maiwasang hindi tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Hawak-hawak niya iyong payong at nakangiting nakatingin sa langit. I thought, he was looking at me. "Why?" Tumingin din ako sa langit at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan. "Wala kang payong," tipid niyang sagot. "So? I could walk without my umbrella," I coldly said. "You'll get sick," He was persistent. Nagtatalo ba kami? Sinulyapan ko siya pero naroon pa rin ang tingin sa ulan. Umismid ako at humakbang. "Mauuna na ako, ingat ka na lang." I was about to step forward again when he gripped my left arm tightly. "I won't allow you to walk alone. Kung gusto mong magpaulan, sasamahan kita, ma'am." Tumingin ako sa kanya at ikinunot ang noo ko. "Idiot, gusto mo bang hindi ko ibigay 'yong sweldo mo, ha?" He loosened his grip on my arm so I was able to pull it from him. "I was just concerned about you, ma'am." Natawa na lang ako dahil parang bata ang boses niya. He's really something. If ever ba na hindi siya introvert, ganito rin siya kaconcern sa ibang babae? The thought of it made me a little sad. "Really, huh? Crush mo ako, 'no?" I blurted out. "Uhm... hindi..." Tumango ako pero humigpit ang hawak ko sa damit ko. That was a joke para makita kung paano niya sasagutin. And it turned out na ganito. "Pero..." Tumingin ako sa kanya dahil do'n. "Special ka sa'kin, ma'am." Ngumiti siya sa'kin. Lumuwag ang hawak ko sa damit ko at napatango na lang ulit. Special ako sa kanya... It made my day, huh? "T-Thank you," I said. Nanlaki na lang ang mata ko nang hawakan niya ang braso ko at hilahin palapit sa kanya. "Tara na, ma'am." Tumawa pa ito pero nanatili lang akong tulala. "O-Okay..."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD