ROOFTOP
"Ano ba kasing itinatago natin.? Nakangusong sabi ni Diana kay Cassandra. Pano ba naman nasa rooftop sila ng school campus.
"Wag' mong sabihin na papalit kana Kay "ANGEL LOCSIN" bilang Darna. Nakataas kilay na sabi ni Diana sakay tumingin sa ibaba kung saan makikita ang mga taong ng lalakad.
Tumingin ako sa kanya saka tumingin ulit sa langit, saka tumingin ulit Kay Diana. Nag dalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang kissing screen namin kahapon n Ryan.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pweding makakuha ng first kiss niya eh! Sa taong ayaw niya pa.
Mabilis kong inayos ang sarili ko saka hinarap si Diana.
"I have something to tell you bessy" sabi ni Cassandra kay Diana habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Diana. Tinitigan niya ang kaibigan na naghihintay sa sasabihin ko.
"I got my first kiss." Nakatitig na sabi ko kay Diana, "A--and" it's Ryan" pagkasabi ng pangalan ng kutong lupa na yon ay tumalikod ako kay diana. Hinihintay ko ang reaction nito. Dahil ang pangako namin na dapat ang unang lalaking makaka first vases samin ay ang magiging asawa na namin, na siya namang nararapat. Pero malabo na ata iyon dahil nakuha na ng kutong lupa ang unang halik na iniingatan ko.Nag Hindi ko pa din marinig ang boses ni Diana. Mabilis akong umikot saka humarap dito.
Nakatayo lang ito habang hawak nito ang bibig nito na para bang ito pa ang na nakawan ng first kiss. "Tama, nakaw yun dahil hindi naman sila at lalong hindi magiging sila. "never" Napailing ako saka hinawakan si Diana na namaligno na ata.
"Hoy!" Mahinang tulak ko dito. Tumingin lang ito sakin sabay sigaw ng malakas
"A-ahhhhh ,omg,oh-- my g------" nakahawak na sabi nito sa balikat ko na kulang nalang eh! maalis ang boto sa katawan ko sa sobrang lakas ng yugyug nito sa balikat ko.
"Pano?" Tinig ni Diana. Kalmado na ito at mukhang masaya pa ata sa pag kakanakaw ng first kiss ko. Kaibigan ko ba talaga ang babaeng 'to. Mabilis kung ikinwento dito ang mga pang yayari , pero imbes na makuha ko ang SIMPATYA nito mukhang bilib na bilib pa siya sa the moves daw ng kutong lupa na yun.
Matapos Kong ma ikwento kay Diana ang ng yari sa tindahan ni aling Nora. Malutong na halakhak nito ang narinig ko. Taas kilay kung tinitigan ito,saka humarap sa malawak na kabahayan na natatanaw Mula sa rooftop ng school.
"Mukhang kailangan ko na atang tanggapin na wala na Ang first kiss ko."
JAKE P.O.V
Kanina pa ako nakaupo pero di ako mapakali sa kinauupuan ko. Kanina pa din ako pasilip silip sa pintuan, nag aabang na pumasok doon si Cassandra.
"Wag' mo ng hintayin pre!" Tinapik pa ni Mark ang balikat ko. Mabilis kung inalis ang kamay nito saka sumilip ulit sa pintuan. Ilang minuto nalang kasi at mag sisimula na Ang klase nila.
"Pustahan tayo, nasa rooftop." Sabi ni Vince na ikinatuwid ng aking pag kakaupo. " Oo! nga pala, palagi sila ni Diana doon tuwing umaga bago mag simula ang klase. Mabilis akong tumayo saka humakbang palabas ng pintuan. Narinig ko pa ang pag tawag sakin nila Mark at Vince pero hindi ko na yun pinansin. Sa pag kakataong ito, ayukong ma dagdagan pa lalo ang galit ni Cassandra sakin.
Mabilis akong umakyat sa 5th floor. Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan sila Diana at Cassandra doon.
Humihinga akong tumayo sa may pintuan ng rooftop. Mukhang hindi pa ata alam ng dalawang ito na ilang minuto nalang mag sisimula na ang klase.
"Diana" hunihingal kung tawag kay Diana. Sabay silang lumingon ni Cassandra. Matalim ang titig nito sakin habang makangiti naman si diana.
Humakbang ako papalapit sa dalawa.
Maganda pala ang view dito sa itaas. Kita mo kasi ang mga bahay na malalaki at maliliit sa paligid. Siguro mas maganda dito pag gabi dahil makikita mo ang mga ilaw ilaw sa buong paligid.
"Anu namang sadya mo sa lugar nito?" Naka taas ang boses na sabi n Cassandra sakin. Sinalubong ko ang titig ng dalaga, nilingon ko si Diana na nakatawa sa likoran nito saka ko ulit tinanaw ang malawak na kabahayan.
"Hindi ka naman siguro ng punta dito para lang makita ang view ng rooftop diba?" Humakbang ito palayo sakin dahil sinalubong ko na naman ang titig nito. Sa pagkakataong iyon nakatitig ako sa mga labi nito na buong mag damag na di nag pa tulog sakin. Kung iyo ang unang halik nito, iyon din namn ang unang halik niya.
Naalala ko pa ang sabi nito na iyon ang first kiss ng dalaga. Kahit pa isa lang itong aksidente. Napangiti ako sa isipan iyon saka humakbang ako palapit kay Cassandra.
"Iisipin ko talagang mag jowa kayo, at may love quarrel lang." Tinig ni Diana ang ng pa hinto sa paghakbang ko. Mabilis akong napahinto sa pag hakbang saka tumalikod sa dalawa.
Humalak naman si Diana. Siguro ay nasabi na nito ang ng yari sa kanila kahapon. Isa pa Best friend ang dalawa since Elementary kaya siguradong hindi mag lilihim ang dalaga sa kaibigan.
Inayos ko ang nagusot kung uniform saka humarap sa dalawa.
" Diana, pwede ko bang makausap so Cassandra?" Tumingin ako kay Diana na nakangiti sakin. Siguro naman papayag ito. Tiningnan ko si Cassandra na nakatingin kay Diana at nilalakihan nito ng mata ang kaibigan na parang sinasabi na wag itong pumayag.
"Wala tayong dapat pag usapan." sabi ni Cassandra sakin saka hinatak si Diana para umalis.
"Bessy, baka naman need niya langah explain" sabi ni Diana sa dalaga .humawak pa ito sa kamay n Cassandra tanda ng pakiusap nito saka nakangiting tumingin sakin.
Taas kilay akong nilingon n Cassandra.
"Ano naman pag uusapan namin?" Sabi nito, "isa pa malapit an mag start Ang klase" humakbang ito para sana aalis na.
Mabilis kong hinatak ang kamay nito papunta sakin. Siningyansan ko sa Diana na Iwan kami na ipinag papasalamat ko dahil na gets agad nito.
Magsasalita pa sana ito ngunit sabay kaming napalingon sa pag sarado ng pintuan mula sa loob na siguradong so Diana ang may gawa. Napangiti ako dahil doon.