Nakangiti kung pinag mamasdan si Cassandra habang gigil na gigil na pinupokbok ang pintuan. Kanina pa ito sigaw ng sigaw sa pangalan ni Diana na siguradong nakaalis na dahil wala na kaming naririnig mula sa labas maliban sa sigaw at hampas ni Cassandra sa nakasaradong pintuan. Na wala ang ngiti ko ng makita kong papalapit ito sakin na ang sama-sama ng titig nito. Napaatras ako ng makalapit ito.
"Ano bang trip mo,huh?" sabay turo nito sakin. Ilang sigundo rin akong hindi naka kilos sa kinatatayuan ko dahil sa lalim ng mga titig nito na ilang na parang making kilos mo lang ay! mababalian ka ng boto.
Nang hindi pa din ako sumagot, bigla nalang itong naupo sa kinatatayuan nito saka binaliktot ang mga tuhod. Napalingon si Ryan kay Cassandra ng marinig ng binata ang paghikbi nito.
"Ano ba ryan, kakausapin mo ba o hahayaan mo nalang?" Tanong ko saking sarili.
Yuyuko na sana ako para patahanin ito ng bigla naman itong tumayo saka pumunta sa dulong bahagi ng rooftop. Sinundan ko si Cassandra. Mahirap na at baka maisipan pa nitong tamalon sa rooftop para lang makaiwas sakin.
Mabilis kong sinundan si Cassandra. Lumiko ito sa dulo ng rooftop kung saan may matatagpuan na tangke ng tubig. Nang makalapit ako nakita ko ko si Cassandra na komportabling nakaupo. "Kailan pa ng karoon ng kubo da rooftop?" Napailing ako sa tanong ko na yun. Parang nabasa naman no Cassandra ang tanong sa isip ko.
"Ginawa namin 'to ni Diana." Nakasimangot na sabi nito sakin. maaring ang tinutukoy nito ay ang pag punta nila ni Diana sa rooftop kahit na alam nilang bawala iyon.
Lumapit ako dito saka umupo ng dahan-dahan sa tabi nito. Tinitigan ko si Cassandra, mahirap na at baka ma gulpi ako nito ng tuluyan kapag lumapit ako dito.
Kunti nalang at sasayad na sa upuan ang 'pwet' ko ng bigla naman itong magsalita. Napatingin ako dito bigla kasabay ng pag lunok nag laway ko sa gulat.
"Limang minuto." sabi nito habang naka angat ang limang daliri sa harapan ko.
"Hindi ka naman siguro, pupunta dito ng walang sapat na dahilan?" Maatoridad na boses ng dalaga.
"A---ano kasi, gu---gusto ko lang sa---nang sabihin na." Napakamot ako ng ulo sa pag kakautal utal ng boses ko. Kailan pa ba ako naging turpe sa babae.
Matalim ang titig na binigay nito sakin na lalong mas lumakas ang kabog ng dibdidb ko.muli akong limingon sa kanyang tabi saka umayos ng upo.
"Kung ang sasabihin mo,ay yung ng yari satin kahapon." Nakatitig na sabi nito sakin.
"Wag, mo ng isipin yun dahil wala naman sakin yun." Sabay talikod ni Cassandra. Tumayo ito at hahakbang na sana para umalis ng pigilan ko ang kamay nito. Napatitig namn ito sa kamay ko na hawak parin ang kamay niya saka tumingin sakin. narealize ko naman agad nag action na nagawa ko.
Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pag kakahawak sa mga kamay ni Cassandra.
"Hmm, I'm sorry" bigla akong napatalikod. "Gosh, Ryan ba't kaba kinakabahan." Sabi ko saking sarili saka inayos ang pag kakaupo ko .
Bumalik naman si Cassandra sa kina uupuan nito kanina.
CASSANDRA P.O.V
Ilang minuto na kaming nakikipag pakiramdaman ni Ryan kung sino samin nag unang magsasalita. Kung bakit ba naman kasi gusto pa nitong pag usapan ang nagyari kahapon.eh! Ako nga pinipilit kung kalimutan.
Total naman nawala na Ang first kiss ko.
Tinitigan ko si Ryan na umiiwas ang tingin sakin.
"Wala kabang balak na mag salita Jan?" Humarap ako sa kanya saka tinitigan ito. Bakit nga ba ako ma iilang dito, Hindi ba at ito naman ang may atraso sa kanya. Ito pa nga dapat ang mailang sa kanya dahil sa pag nakaw nito ng unang halik na dapat ay sa mapapangasawa niya lang ipagkakaloob. kahit pa sabihin na hindi naman nito sinasadya.
Napakamot si Ryan ng batok saka umiwas ng tingin kay Cassandra.
Madami siyang gustong sabihin dito pero tilang ni isang salita ay wala siyang masabi dito. Muli niyang tinitigan ang dalaga. Sinalubong ni Ryan ang mga tititig nito.
"Gusto ko lang sana mag sorry, tungkol sa nagyari kahapon" nakakamot ang ulong sabi nito.narardaman niya naman na sincer ito sa pang hingi ng sorry sa kanya pero iba ang bigkas ng bibig niya.
"Kahit naman mag sorry kapa, Hindi na maibabalik ang nawala na" makahulugang sabi ko dito. Mabilis naman itong napalingon sakin na tilang nagulat pa. aba't ang akala pa ata nito ay madami na siyang naging boyfriend. Pinag salubong ko ang mga kilay ko na nakatitig sa kanya.
Mabilis naman itong ng paliwanag na para bang alam na nito ang takbo ng utak ko.
Hinawakan nito ang dalawang balikat ko na saka timitig sakin.
Nagdalubong naman ang mga mata namin ni ryan. Sa ginawa kasi nito na pag dampi sa balikat ko hindi ako agad naka kilos. Para bang may kuryente ng lumapat ang balat nito sa kanyang balat.
Napatitig siya dito saka tinitigan ang kamay nito. Bigla naman itong napabitaw bigla.
"Sorry, sorry" mabilis nitong paumanhin sakin saka tumalikod ng bahagya.
Napabunyong hininga ako saka pinakalma ang puso ko na mukhang tatalon na sa dibdib ko sa subrang bilis ng pintig.
"I, told you, wala nga sakin yun." Sinalubong ko pa ang titig nito ng humarap ito sakin. Pero,mukhang wrong moves ata iyun dahil, hero nanaman ang puso ko na mas lalo pa atang bumilis ang pagkabog.
"First kiss ko din naman yun, eh!" Mahinang sabi nito na malinaw sa pandinig ko. Napatuwid ako sa pag kakaupo ko saka ito nilingon, kasabay ng pag taas ng kilay ko.
"Aba', si Ryan Dela Fuente, Hindi pa nahahalikan?" Napailing ako habang nakatitig sa binata.
Nahihiyang ng yuko ito ng ulo. Walang pag aalinlangan naman na hinawakan ko ang mukha nito,saka pina harap sakin.
"Wag, mo nga akong isasali Jan sa mga trip mo." Malakas Kong singhal dito.
Sino ba naman maniniwala na Hindi pa ito nahahalikan ng kahit na sino. Samantalang bawat buwan ata ay nababalitaan niya na iba iba ang girlfriend nito. Tumayo ako at iniwan si Ryan. Sinukyapan ko pa ito baka umalis at kita ng dalawa kung mata ang ngisi nito.
Akala ata ng kutong lupa madadala siya sa mga pa first base nito
Aminin man niya o hindi muntik na siyang bumigay sa drama nito kanina . Kung Hindi lang niya kilala ang isang RYAN DELA FUENTE, malamang na isa nanamn siya sa mga babaeng nahuhumaling dito.
Mabilis akong ng lakad at hindi na nilingon pa si Ryan. Mas mabuting umiwas ng maaga.
Pabagsak Kong isinara ang pintuan ng rooftop. Tapos na din naman ang klase kaya siguradong wala na akong dadatnan sa classroom.