bc

PAGLALAKBAY

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
lighthearted
loser
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

STORYANG MAKATOTOHANAN, PAGHAKBANG AY DAPAT MASUBAYBAYAN

Sa lungsod ng Magdalena may isang dalagang pinagkaitan ng kasiyahan sa buhay. Halos lahat ng mga negatibong pangyayari ay naranasan niya. Bagyo-bagyong problema nga ang tumama sa kanya.

Pero paano nga niya ba haharapin ang lahat ng unos na dumarating at darating sa kanyang buhay?

Makakaya kaya niya ang lahat ng mga ito?

SANA... sana makaya niya.

chap-preview
Free preview
PAGMULAT
Sa pagmulat ng kaisipan, may tama o eksakto nga bang edad itong sinusundan para iyong matandaan sa kasalukuyan? Marahil ay halos lahat ng tao ay paiba-iba ng sagot sapagkat walang tugmang edad ang karamihan kung kailan namulat ang kanilang isip sa mundo ng kawanangan. Pero may isang dalagang namugso ang kaisipan sa murang edad lamang. Shaiyeen, 16 na taong gulang pero mulat na ang kanyang kaisipan nung nagkahiwalay ang kanyang mga magulang sa murang edad na 12 anyos lamang. Masakit para sa kanya pero hiniling niya ito sa Ama. Oo ang pangit mang pakinggan pero hiniling niyang magkahiwalay nalang ang kanyang mga magulang kesa paulit-ulit niyang masaksihan ang panglolokong paulit-ulit na ginawa ng kanyang nanay sa kanyang tatay. Bagama't inaasam niyang magkahiwalay ang kanyang mga magulang, ang di niya inaasahan ang pagbabago ng takbo ng kanyang buhay. Ang dating pangloloko lang ng nanay niya ang kanyang natatandaang problema ay naging mas marami pa. Ang buong akala niya na pag magkahiwalay na ang kanyang magulang ay maayos na sapagkat sa isip niya ay wala ng away, wala ng sigawan, wala ng basagan ng gamit, at higit sa lahat ay wala ng sakitan tuwing gabi sa pagitan ng kanyang nanay at tatay. Sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang doon nagsimula ang kanyang paghihirap. Unti-unting nawawala ang mga bagay na dating sa kanya. Unti-unti niyang nararanasan ang hirap ng buhay na di niya nararanasan nung buo pa ang kanyang pamilya. Unti-unti niyang naramdaman na kulang pala ang kanyang pagkatao sapagkat di na kumpleto ang pagmamahal na gusto niyang maramadaman. Maraming mga hiling si Shaiyeen ngunit tanong sa isip niya'y bakit yung hiling pa na makakapagbago ng sobra sa kanyang buhay ang natupad? Hindi ba pweding bawiin yung hiniling? Hindi ba pweding ibalik yung oras ng paghiling para mga salita'y di na muing sambitin? Ayon nga sa salitang Ingles " be careful of what you wish for because it might come true in the future and you will regret it afterall" Hindi na pweding ibalik pa ang nakaraan kaya harapin mo ang kasalukuyan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
50.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.7K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
21.3K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
10.0K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
16.1K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
138.7K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
42.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook