INNOCUOUS
"ELYSEE... Elysee..."
Minulat ko ang mga mata ko dahil sa isang tinig ng lalaki na tumatawag sa pangalan ko. Nang tuluyan ko nang mamulat ang mata ko ay bumungad sa akin ang isang matipuno at gwapong lalaki na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"S-Sino k-ka?" nauutal na tanong ko sa kanya. Paano siya nakapasok sa kwarto ko? At bakit parang bigla akong napipi?
Nakita ko ang kamay niya na hinihimas ang binti ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ako makagalaw at mas lalong hindi rin ako makasigaw. Ano ang nangyayari?
Napatingin ako sa kanya. Isang ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.
"I want you badly, Elysee..." Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya na hinihimas ang gitna ko. Wala na ang kumot na nakatakip sa akin.
Gusto kong sumigaw, itulak siya, at suntukin pero nanatili ako sa posisyon ko. Hindi ako makagalaw parang may pumipigil sa akin na gumalaw.
"Just say yes and I'll make you feel happy tonight. Just say that word, Elysee... " pabulong na sabi niya na nakapagbigay ng kakaibang kiliti sa akin.
Sino ba siya? Anong ang nangyayari? Ang huli kong naaalala ay natulog lang ako. Panaginip lang ba ito?
"Elysee..." Iniangat niya ang kamay niya at hinimas ang mukha ko. Napapikit naman ako dahil sa pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko.
Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na kinuha ang kamay ko.
"Do you want this?" Mimulat ko ang mata ko. Napaatras ako nang makita kung saan nakahawak ang kamay ko — sa p*********i niya. Napakurap ako ng ilang beses at nakaramdam ng init sa pisngi.
First time kong makakita at makahawak ng bagay nasa harap ko! Gusto kong bawiin ang kamay ko na nanatili pa rin sa p*********i niya pero ayaw talagang sumunod ng katawan ko sa akin.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya. Yumuko siya at dahan-dahang lumapit sa mukha ko. Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa may bandang leeg ko. Kakaibang kiliti at sarap ang naramdaman ko sa bawat paghalik niya sa leeg ko. Pababa nang pababa ang halik niya.
"P-Please..."
Tumulo ang luha ko. Ayokong magpatuloy siya. Hindi puwede! Ayokong may mangyari sa amin lalo na't hindi ko siya kilala. Hindi ko kailanman pinangarap na mahalay ng sino man kaya bakit nangyayari ito ngayon?
"HOY! Elysee?! Ba't ka umiiyak? Ayos ka lang?" Napamulat ako. Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako.
"Pawis na pawis ka! Nanaginip ka ba ng masama?" Napatingin ako sa katabi ko na si Ailey. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Hindi ko alam..." tanging sagot ko. Napatingin ako sa bintana, bukas ito, at mukhang si Ailey ang nagbukas. Umaga na.
Panaginip lang ba iyon?