CHAPTER 42 Nung sinabi niya sa ‘kin na mahal niya ako ay sobrang saya ang naramdaman ko sa mga oras na ‘yun dahil sa wakas, alam niya na kung ano ang tunay na pagmamahal. Nararamdaman niya na kung gaano kasaya ang magmahal. Mahirap ang mga pinagdaanan ni Bullet para masabi ang tunay na nararamdaman niya. Dati nga naisip ko kung paano o kailan niya nasabing mahal niya ako sa ilang taon na magkasama kami. Minsan nga gusto ko siyang tanongin kung kailan niya unang naramdaman ito at ano ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para sabihin ‘yun sa ‘kin. Ilang taon rin ang nagdaan, at ang dami rin n gaming pinagdaanan. Nakita kong biglang nataranta si Bullet ng makitang lumuluha na pala ako. Bakit ba ako naiiyak? Bigla akong nakaramdam ng panmamanhid sa buong katawan ko saka ko dahan-dah

