ALLYSANA’S POV ** FLASHBACK ** Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Bullet ay umalis na ako. Gusto kong makahinga at makapagdesisyon ng maayos. Dumeretso ako sa mansion ni Mom at Dad at agad naman akong sinalubong ng mga security. “Andyan si mom?” “Wala po, Ma’am. May business trip po sila,” “How about daddy?” “Nasa kwarto po siya Ma’am kasama ang kapatid niyo.” Tumango naman ako at agad na pumasok sa mansion habang karga ko si Jiro. “Pakilagay ang gamit ko dyan, Mang Edgar.” Utos ko saka deretsong pumusok sa dating kwarto ko. Mabuti na lang at ilang beses kong binilin sa mga yaya namin na lagi nilang lilinisan ang kwarto ko kahit wala ako dahil baka dumating ang araw na uuwi ako at dito matutulog. Agad namang sumunod ang butler namin at tinulungan akong e-pwesto ang

