CHAPTER 52 ** ALLYSANA’S POV ** 3 Years After “Jiro, bantayan mo ang kapatid mo.” Tawag ko sa panganay kong anak na busy sa pagbabasa ng libro. Napakunot ang noo nito bago sumagot. “Mom, hindi pa ako tapos sa assignment ko.” Saka niya binalik ang paningin niya sa libro niya. Napailing na lang ako habang tinatawag si Jamir at Beatrice na kanina pa naglalaro. “Ang kukulit niyo talagang mga bata kayo. Mamaya na kayo maglaro. Kumain muna kayo nitong hinanda ko.” Lumapit kami sa pwesto kung saan nakaupo si Jiro. Lumipat naman agad si Jiro sa kabilang lamesa kaya napangiti ako. Lumalaki na ang anak ko at nakikita ko na sa kanya ang ugali ng ama niya. Mahilig siyang gumawa ng mga bagay na mag-isa lang at sa edad na walong taon ay natuto na siyang maging independent. Minsan ng

