CHAPTER 20 Maaga akong pumasok sa opisina dahil marami akong nakatambak na mga dapat gawin at pirmahan. Ilang oras na akong nakaupo sa upoan ng opisina ko at hindi ko namalayang lampas lunch na. Tinawagan ko si Carla. “Please bring me a lunch, Carla. Thanks.” Saka ko binaba ang telepono. Napahilot naman ako sa sintedo ko at napapikit. Ang daming kailangan ayusin sa kompanya at pati merging ng Collins na kumpanya at Elid Laboratory ay iniisip ko pa. Nagdadalawang isip pa rin kasi ako hanggang ngayon kung anong gagawin ko sa kompanya nila. Well, they are still productive. Every hour may pumapasok na pera sa ‘kin. Kung tutuosin ay hindi pa gaano ka lubog ang kompanya ng mga Collins. Sadyang naiipit lang sila dahil sa sitwasyon ng CEO ng kompanya na si Mr. Collins. Hanggang nga

