CHAPTER 37 It’s 7:00 in the evening at nagluluto ako para sa dinner namin ni Bullet. Tumawag kasi ako kanina sa kanya para tanungin kung maaga siyang uuwi at sinabi niya namang oo. Tinigilan ko muna ang kakahinala k okay Bullet. Ayokong masaktan sa pwede kong malaman at pinagkatiwalaan ko ang sinabi niya na ako lang ang mahal niya at wala siyang ibang babae. Inaamin kong hindi ako naniniwalang wala siyang babae. Hanggang ngayon may kutob pa rin ako pero hangga’t wala pa akong napapatunayan ay mananatili ako sa tabi niya. Isa pa, we deserve another chance. Kung dati ay puro away bati na lang kami, ngayon pagsisikapin kong maayos namin ang relasyon naming dalawa. “Mommy, daddy was here!” tili ni Jiro sa sala. Agad ko namang inayos ang lamesa bago salubungin si Bullet. “How w

