Chapter 18

1174 Words
"Bro pagpasensiyahan na muna natin si Spencer." Iniwaksi niya ang kamay ng mga kaibigan at inaayos ang damit niya."Hindi ko siya hahayaan na ganun na lang ang trato niya kay Felicity." "Levi ano ba ang meron kay Felicity bakit parang simula noon dikit na dikit ka diyan..Alam mo naman hindi talaga mahal ni Spencer iyan,simula noon hanggang ngayon."diretsong saad ni Theros.. "Bahala kayo kung hindi niyo ako tutulungan basta ako kay Felicity ang loyalty ko." Agad umuwi si Spencer dahil sobrang naiinis 'to.. Habang nakaupo 'to sa biranda ng kanyang kwarto biglang tumunog ang Cellphone niya at agad niya naman tiningnan sa pag-aakala si Marisol ang tumatawag ngunit ng makita na si felicity agad niya pinatay at tinapon sa kama. "Arrrgg! s**t matagal na ako sa'yo nagtitimpi,"sumigaw 'to at gigil na gigil kay Spenscer "Ano ang nagyari dito Felicity?" saad ng Ginoo "Tito kasi si Spencer hindi sinasagot ang tawag ko.Bakit kasi hindi na lang natin ipapatay iyan pati na rin ang matanda."saad nito "Hija,hindi ganun kadali 'yon halos ginawa na namin ang lahat.Lalo pa ngayon na may nagbukas ng kaso ng Pamilya Oliver." "S-sino Tito?"kinakabahan 'to dahil baka ang babaing anak nito,ang pinapahanap ng matanda. "Si Oscar Mendez.Pero pinaimbestigahan ko 'to hindi ko makita ang koneksyon niya sa pamilya dahil ang tanging lumalabas lang na record ay mag-isa na siya buhay,walang pamilya ito." "B-baka Tito b-buhay ang babaing anak niya at 'to ang nag-utos." "Impossible na background check ko na lahat ng kasamahan niya ganun din si Marisol Sanchez isang anak ng Retired na General at Matinik na Agent.Kaya mag-ingat ka dahil hindi biro ang magiging karibal mo lalo na ngayon mukhang nababaliw na ang Nobyo mo sa kanya." Seryosong nag-uusap sila ng biglang bumukas ang pinto. "Hi,Dad!"sabay tapik sa balikat ng Ama. "Kamusta anak ang pinapagawa ko sa'yo?"tanong ng Ginoo "Malapit na ako magtagumpay sa plano natin Dad.At ikaw bakit ka nandito bantayan mo ang Nobyo mo."pagalit nito sa Dalaga. "Okay,aalis na ako."humalik 'to sa dalawa at umalis na. "Bilisan mo ang plano mo dahil pinaghirapan ko iyan..Kahit ang Partner ko na mag-asawa Oliver pinapatay ko para lang ma-solo ang ari-arian ng Meriths kaya huwag mo ako biguin." "Dad paano mo nagawang patayin ang pamilyang iyon,alo na si kaibigan ko.Kababata ko siya at noon pa man mahal ko na iyon!?" "Huwag kang maging hangal hindi ka nararapat sa kanya.Kung sakali buhay pa siya at tuparin natin ang pinagkasunduan na ikakasal kayo pagdating ng araw sa tingin mo hindi ka niya papatayin oras na malaman niya ako ang may gawa sa pamilya niya." "Dad,Alam mo naman noon palang malapit na kami sa isat-isa p-pero i-dinamay mo siya."sabay talikod nito. Huwag kang situpido.pagbutihan mo ang pag-inarte mo. "Kailangan ko ibaling ang atensyon niya sa ibang babae habang ginagawa ni Felicity ang plano niya kay Spencer." Habang mahimbing na natutulog si Marisol,Panay tawag naman si Oscar ngunit sadyang tulog mantika 'to simula naglihi siya. Knock...knock..knock!" Ma'am si Sir Oscar tumawag pumunta ka daw sa Opisina may importante daw na sasabihin sa'yo." Inunat nito ang mga kamay at pahikab-hikab pa ito sa habang pumapasok sa banyo. Mabilis lang ang pagkaligo ng dalaga kasi mukhang importante talaga ang pag-u-usapan nila. "Ma'am inumin niyo muna ang Coffee mo,"alok ng kasambahay sa kanya. "Thank you Manang.Pwede palipat nalang sa thermos mug,dadalhin ko nalang iyan."pakisuyo nito Agad naman isinalin nito ang coffee at binigay sa dalaga.Nauna na kasi 'to sa loob ng sasakyan. Mabilis na nakarating si Marisol dahil wala pang traffic ngayon umaga. Goodmorning Ma'am.Inaantay na kayo ni si Oscar sa Opisina mo. "Hi,Kuya.Magandang Umaga sa'yo." "Magandang umaga din,lalo na sa pamangkin ko."at ginulo ang buhok ng kapatid. "Bunso,mayroon tayo good news at bad news.Alin ang u-unahin ko?" "Kuya pwedi ang bad news muna para may pangbawi ako na good news." Ibinigay lahat ni Oscar ang mga report ng mga tauhan nila tungkol sa pumatay sa kanilang Ama. "Based sa report diyan andito na ngayon sa pilipinas ang pumatay sa ating Ama." Ikinuyom ni Marisol ang kanyang kamao dahil hindi niya makalimutan ang ginawa ng kaibigan ni kuya niya at kaibigan niya rin kung paano 'to nakipagtulungan sa mga mamatay tao. "Bunso sinasabi ko sa'yo 'to.Na mangibang bansa ka muna dahil hindi maganda ang sitwasyon mo ngayon dahil buntis ka." "Ano ibig mong sabihin Kuya?" "May isang tao na nag-i-imbestiga sa atin.Siguro nakarating na sa kanila ang pagbukas ko ng kaso ni Daddy at Tita kaya kailangan mo ma-double ingat." "Don't worry about the Company dahil hindi ko 'to pababayaan.Importante ngayon ay kayo ng pamangkin ko." Naningkit ang Mata ni Marisol dahil malapit niya makikita muling ang kababata niyang taksil. Gusto ko kapag nakita ko si Mike.Hindi ko tatantanan ang pagmumukha niya hanggang sa d-dugo ang kamao ko sa kakasuntok sa kanya. "Sinong Mike?" "Siya ang kababata namin ni kuya.That time nauna silang umuwi ng bahay dahil maglalaro sila ng Games ni kuya.Iyon pala may pinaplano siya..Ang bahay namin ay machine operated.Pero nang time na iyon Panay siya tanong kay kuya paano gawin o i-shut down ang system.Ito naman si Kuya sobrang tiwala kaya i-tinuro niya din.Iyon ang dahilan bakit ang bahay napasok ng mga kalaban.Dahil ng kaibigan ako ng ahas."Habang kinukwento ni Marisol ang nagyari,halos madurog na ang folder na hawak niya sa matinding emosyon na matagal niya nang tinatago. "Bunso Good news na tayo.Calmdown!" Ibinigay naman ni Oscar ang isang brown envelope na hawak nito Ano to?nagtatakang tanong ng dalaga sa kapatid. "Buksan mo."nakangiting saad nito. Pagbukas ni Marisol ng brown envelope nanlaki ang mata niya at napaawang ang mga labi niya. "Kuya, so ibig sabihin si Spencer ang ama ng anak ko." "Yes,bunso.Siya ang nagmamay-ari ng Kap at T-shirt na suot mo nang umalis ka sa bar...Pumunta din ako sa bar na iyon.At sobrang nagulat ako dahil nalaman ko siya ang may-ari ng Bar. At si Spencer ang tanging nabuhay sa pamilyang Meriths." "W-what do you mean K-kuya?" "Ang batang pinoproktektahan nina Daddy at Tita noon ay patay na.Itinago nila si Spencer para hindi ipaalam na may isa pa silang anak.Lumaki talaga si Spencer sa Amerika.Ngunit tinuruan siya na magsalita ng tagalog at ugaling pinoy.." "Sa ngayon kailangan mong mag-ingat dahil kung sasabihin mo sa kanya na siya talaga ang Ama,Nasa panganib kayong dalawa hindi pa natin alam kung sino-sino ang mga taong nagtatangka sa buhay niya." "P-pero kuya nnarinig ko siya na ikakasal na siya?" "Ako na ang bahala,I told while ago bunso.Hindi simpleng tao ang Ama ng anak mo.Kaya pagkatapos mo manganak ikaw ang bahala kung ano ang gagawin mo." Tumango ang dalaga ngunit gulong-gulo parin ang isip nito..Naintindihan ko kuya.Mukhang palaban din ang Nobya niya kaya mahihirapan ako dahil buntis ako.Kung sakali malaman niya na siya ang Ama at pakasalan ako may posilidad parin na ang anak ko malalagay sa panganib. "Tama ka bunso.Iyan ang gusto kung sabihin sa'yo.Kaya sabihin mo na sa mga kaibigan mo na buntis ka." "Thank you Kuya.sasabihin ko sa kanila.Balak ko si Marga ang mag-aalaga sa anak ko dahil ayaw niya panaman umuwi.." Habang alam na nilang dalawa ang totoong pagkatao ni Spencer.Lihim nam silang pina-i-imbestigahan ng kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD