Chapter 1
"Mommy! Daddy! Sino kayo? bakit niyo sinasaktan ang Mommy ko..Ang bad niyo," sigaw ni Martina habang hawak-hawak ng mga lalaking hindi niya kilala.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ng isang lalaking humahawak sa kanya."Gusto mo yata ikaw ang una kung patayin.Siguro mas masaya pag ang anak ang nauna." saad nito,sabay tawa na parang demonyo!
"Maawa kayo huwag n'yo i-damay ang mga anak ko!"sigaw ng Ama ni Martina.
"Kunin mo ang babae at ilagay mo dito sa harapan ko."saad naman ng isang lalaki sa mga tauhan niya.
"Nagmamakaawa ako, sasabihin ko na, kung nasaan ang taga pagmana ng mga Meriths. Huwag niyo lang saktan ang mga anak ko."paki-usap ng Ginoo.
Bang! bang! "bobo ka ba? kaya nga kami nandito para singilin ka dahil pinatakas mo ang tagapagmana.Hindi kami tanga, alam namin nakalabas na ng ibang bansa ang anak ng mga Meriths, at dahil sa inyo.Kaso malas kayo kasi huli ang mga daga,"natatawang saad nito.
"Walang hiya ka! Itinuring kitang kaibigan pero traidor ka!"sigaw ulit ng Ginoo.
Nagtawanan ang mga alipores nito habang sinasaktan ang mag-asawang Oliver.
"Martina! baby,makakaalis din tayo dito.Huwag na huwag niyo saktan ang mga anak ko kung hindi ako makalaban niyo."
"Ano ang magagawa mo? isang tulak ko lang sa'yo sigurado maghihiwalay na ang mga buto mo!"
"Bugbugin niyo ito,"utos ng ng leader nila.
"Boss walang thrill dahil wala ng laban iyan," reklamo ng tauhan nito.
Booogggg,boogg! pakkk! Malalakas na sipa at bogbog ang tanging naririnig ng magkapatid.
Ngunit parang gumuho ang mundo ng magkapatid nang makita ang Daddy nila na, nakahandusay at puno ng dugo dahil binaril nila ito. Malungkot na pinagmamasdan nila ang Ama habang patuloy na binubogbog 'to.Tanging pag-iyak ang maririnig sa kanila.
Bago nawalan ng Malay ang Ginoo nakasigaw pa 'to."Kuya,bunso,tumakbo na kayo ng mabilis, takbo na mga anak!"paulit- ulit na sigaw ng Ama nila.
Habang hila-hila siya ng kuya niya.Hindi kayang tiisin ni Martina na hindi lingonin ang Ina niya na humihiyaw.Mas lalo siyang nanlumo sa nakita niya na pinagtutulungan nilang 'tong gahasain.
"Mommy,"Palihim na tawag niya sa ina habang tumatakbo palabas ng bahay!
"Baby malayo na ito sa bahay, dito kana muna kahit ano mangyari huwag kang lalabas dahil hindi natin alam sino kalaban natin.May mga bumaliktad sa mga tauhan at kaibigan ni Daddy!"umiiyak na saad ng kuya niya.
"Kuya sina Manang at Kuya driver nasaan sila?"
"Patay na silang lahat Bunso, kaya please maging matapang ka! pinagplanohan nila mabuti kaya hindi natunugan agad ni Daddy ang paglusob nila sa bahay!"
Tumango 'to. "Ang sakit sobrang dahil mabait ang mga magulang natin,masyado silang tapat at responsible sa trabaho nila as a Agent at pulis."humahagolhol na saad nito sa kapatid.
"Kuya!" niyakap niya ng mahigpit ang kapatid."Mag-ingat ka aantayin kita dito."
"Promise me kuya na balikan mo ako.Natatakot ako kuya!"
"Babalik ako, kung hindi man ako makabalik maging matapang ka at huwag kang papadaig sa kanila.Hanapin mo kung sino ang may gawa sa pamilya natin.I love you bunso."
Pinagmasdan niya ang kapatid habang papalayo sa kan'ya, hindi siya kumurap ng mata hanggang nawala sa paningin niya.
Kalahating oras na simula ng umalis ang kuya niya, ngunit wala parin itong paramdam sa kanya.
Booooogggg.... Isang malakas na pagsabog ang narinig ni Martina na sobrang nagpakaba sa kanya dahil alam niya sa bahay nila iyon.."Mommy! Daddy! Kuya ko,huwag niyo ako iwan."Sigaw ni Martina habang yakap-yakap ang tuhod.
Kahit anong sigaw nito walang kuyang bumalik sa Kan'ya."Gusto ko narin mamatay, wala akong kamag-anak dito kasi na sa ibang bansa ang pamilya ni mommy,paano na ako?"sigaw ng isip niya habang hirap na hirap sa paghinga.Galit at awa ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
"Boss narinig mo iyon boses ng batang babae iyon."
"Hanapin niyo.Maganda rin ang pangangatawan ng batang iyon,kaya sigurado mas masarap iyon kay sa nanay,"nakangising saad ng lalaki habang iba ay nagtatawanan.
Napayukom ng kamao si Martina ng marinig ang boses ng mga lalaki ngunit mas pinili niya na magtakip ng bibig dahil hindi niya pa kayang lumaban.
"Ano nakita niyo?"
"Wala boss baka guni-guni lang natin iyon."
Pakk! "tarando ka! ano akala mo sakin bingi?"Inis na saad ng leader nila.
"Boss naman huwag mo naman hampasin ang mukha ko ang pangit na nga,lalo mo pangdadag-dagan," sagot naman nito sa boss nila.
"Humanda kayo! pagnagkita tayo ulit sisiguradohin kung pupulbusin ko kayo ng pinong-pino.Pinapangako ko sa sarili ko,hahanapin ko kayo at pagbabayarin sa lahat ng ginawa niyo sa pamilya ko,kahit buhay ko pa ang maging kapalit! bulong nito sa sarili habang nakayukom ang kamao.
"Boss wala talaga.Hindi naman pwedi andiyan iyan sa baba.Malalim na bangin na yan d'yan, at sigurado ako na takot yan diyan bumababa ."
"Tara na kahit magsumbong pa si bugwit wala naman maniniwala sa kanya at sigurado ako walang proof na naiwan dahil sinunog natin!"
Mga ilang minuto ang nakalipas tumahimik na ang paligid gutom na gutom na siya at ang dungis niya na rin dahil puno na siya ng dugo.Hinang-hina na 'to dahil sa natamong sugat.Wala na 'tong magawa kung hindi gumapang palabas nang kalsada dahil hindi niya kaya maglakad.Ubos narin ang lakas niya sa kakaiyak at sigaw. Tanging liwanag nalang ang sinusundan niya.Tiniis niya kahit sobrang sakit ng buong katawan at damdamin.
"Darling stop tingnan mo may batang nakadapa sa kalsada!"
"Saan darling?"saad ng asawa nito.
"Buksan mo ang pinto bilis?" utos ng asawang babae.
"Darling huwag padalos-dalos at baka style ng mga nangbubudol iyan sa daanan!"
"Darling Nurse ako at the same time isang Agent din. At ikaw naman ay isang Agent sigurado naman alam mo hindi iyan fake ang dugo,kaya bilisan mo baka matuluyan pa iyan!"
"Tama kanaman darling.Sige bumbaba na tayo!"
Ngunit ng makita ng mag-asawa ang kalunos-lunos na itsura ni Martina napamura 'to ng malutong.
"Putang-ina,kung sino man ang gumawa nito gusto ko bogbogin hanggang magaya ang itsura nila sa batang ito," galit na saad ng Ginang.
"Putang-ina baka anak 'to ni Lights! Kinakabahan ako.Masama talaga ang kutob ko!"
"Kung ganun hindi natin ito pwedi dalhin sa pribadong hospital sigurado malaking tao ang nakabangga o may gawa nito!"
"Tama ka uwi natin sa bahay. Kumplito ang gamit doon.Tawagan mo na rin si Dra. Cel para siya na ang gumamot sa bata.Mas mabuti na tayo lang ang nakakaalam muna habang hindi pa ito nagigising."
"Nakakaawa ang batang ito darling nadudurog ang puso ko habang tinitingnan ang mga matang maga sa bugbog,ang kilay niyang sabog at labi niyang sugatan."
Pagdating sa bahay agad binuhat ng Ginoo si Martina papasok sa loob."Sino iyan Minda bakit dugu-an?"nagtatakang tanong ng Ina ng Ginang.
"Nakita namin sa daanan mommy.At kutob ni Celso anak 'to ng kaibigan niya!"
"Hindi kayo sigurado?"tanong ulit ng Matanda.
"Alam niya may anak ang kaibigan pero masyado daw 'tong private pagdating sa mga anak niya!"
"Diyos ko kaawang bata,Cedes!"
Agad tinawag ng Ginang ang mga katulong upang ipalinis ang guestroom.
"Bakit po madam? tanong ni Manang
"Linisin niyo ang guestroom kasi may bisita tayo!"utos ni Donya Tess sa mga katiwala.
"Sige po madam masusunod! bilisan natin maglinis sa guestroom" wika ni manang sa iba pa.
"Darling nasaan na si Dra. Cel?" tanong ni Ginoong Celso.
Paparating na siya, dumaan pa kasi sila sa hospital kumuha ng ibang gamit!
"Sige ikaw na ang bahala dito may pupuntahan lang ako.Maiba ako,siguro linisan at bihisan niyo na muna siya siguro. I think ang ibang damit ni Marisol ay kasya sa kanya!saad ng Ginoo bago umalis.
Napabuntonghininga ang Ginang ng maalala ang anak nito.
"Darling siguro need natin palayain sa puso natin si Marisol.It's been 3 yrs narin ang nakalipas.Hindi natin maibabalik pa ang buhay niya ,nasa kulungan na ang pumatay sa kanya.Kalimutan na natin kung ano man ang nangyari, para naman maging masaya na siya sa kabilang buhay!"
"Siguro tama ka nga Minda, masakit pero ito ang tama.Kailangan na natin palayain ang kan'yang kaluluwa,dahil hindi na natin maibabalik ang nakaraan, basta magtulungan tayong labanan ang pangungulila natin sa kanya."
"Tiwala lang sa panginoon dahil sigurado ako malalagpasan din natin 'to."Sagot naman ng Ginoo.
Nagyayakapan ang mag-asawa ng biglang nagsalita ang kanilang Ina.
"Minda, Celso,andito na si Doktora.
"Goodevening ma'am Minda,"bati ni Dra. Cel.
"Mamaya na tayo magkwentohan, gamutin na muna natin ang batang iyan."sabat naman ng matanda.