Chapter 2

1612 Words
"Mas mabuti pa nga Donya Tess.Nakakaawa naman ang batang to."Saad ni Dra.Cel Jugno habang naglilinis ng mga sugat ng dalaga. Pagkatapos malinisan ang sugat ng dalaga.Agad naman ipinaliwanag ni Dra. Cel ang kalagayan nito. "Wala naman siyang major wounds at wala naman akong nakita na saksak sa katawan niya, maliban sa sugat nito sa taas ng kilay. I think pinukpok ito ng baril at isa din 'to sa dahilan kung bakit namamaga ang kanyang mata ."saad ng batang Doktora. Napayukom ng kamao si Minda dahil sa sobrang awa dito."Nasasaktan ako para sa ginawa nila sa bata,kaya sisiguradohin ko na tutulungan ko siyang makamit ang hustisya."Galit na saad ni Ginang Minda. "Paano, mauuna na ako. Bilhin mo nalang lahat ng gamot na niresita ko. Ilang araw lang maka-recover na iyan pero ang black eye niya,siguro aabutin ng linggo bago gumaling." "Maraming salamat,Doktora.Ihatid na kita sa labas !"pagmamagandang loob ni Donya Tess kay Dra. Cel. Habang nag-aayos ng gamit si Ginang Minda nagulat 'to ng bilang humiyaw at umiyak ang dalaga. "Please po, huwag n'yong saktan si Mommy!"hiyaw ng dalaga habang nakapikit ang mga mata nito at may mga luhang dumadaloy sa gilid ng kanyang mata. "Mommy..Mommy-"Paulit-ulit na sambit nito. Napatingin ang ginang sa Ina."Mom,nanaginip yata siya ng masama."saad ng Ginang sa Ina. Nilapitan nilang dalawa ang dalaga at ginising."Hija,gising!" niyogyog ni Minda ang dalaga dahil patuloy itong humihiyaw at sumisigaw habang tulog. Dumilat 'to at biglang gumapang patungo sa headboard ng kama.Pagkatapos palipat-lipat ang tingin nito sa mag-ina at sa lalaking kakapasok lang. "Sino kayo? please po huwag niyo ako saktan." Humihikbi na pagmamakaawa ng dalaga habang yakap ang tuhod nito. "Please calm down, hindi kami masamang tao tulad ng iniisip mo.Ako si Minda at siya naman si Celso ang asawa ko." "At ako naman si Mamo Tess ang magiging lola mo Hija."Pakilala nito sa sarili. "Don't worry Hija, hindi kami masamang tao.Hindi kita masisi kung takot ka sa amin!"nakangiting saad ni ginang Minda. "Ano ang pangalan mo?" mahinahon na tanong ni Celso sa dalaga. "M-martina Oliver po! pero ayaw ko na po itong pangalan ko,dahil sigurado ako papatayin nila ako oras na malaman po nila na buhay pa ako."natatakot nitong saad. "Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin!" mariin na saad ng Ginoo. "Hija, pwedi natin palitan ang pangalan mo!"Diretsahang mungkahi naman ni Minda. "Sir andiyan po sa labas sina Sgt. Angas at Captain ligwak" sabat ni Manang Cedes,isa sa pinagkakatiwalaan nilang katulong dahil sa sobrang tagal na itong naninilbihan sa kanila. "Sige lalabas na ako"sagot naman ng Ginoo kay Manang. "Darling puntahan mo na sila baka may balita na sila tungkol sa pamilya niya." Tumango naman ang Ginoo tanda ng pagsang-ayon sa asawa.Pagkababa mula sa taas naabutan niyang nagkakape ang mga kasamahan niya sa sala. "Kumpadre, kamusta ang pinapalakad ko sa inyo?"diretsahang tanong nito. "Kumpadre, ayon sa mga tauhan ko dalawang bangkay lang ang kompermadong kamag-anak niya ito at iyon ay ang Mommy at inaanak ng Ginang. Then the rest ay mga katulong at mga tauhan ng pamilya,pero ang kuya niya at Ama ay buhay pa."Pagkatapos agad niya ibinigay ang folder na naglalaman ng information tungkol sa pamilya ni Martina. "Naawa ako sa bata," malungkot na saad ni Celso matapos mabasa ang nilalaman ng Folder. "Hayaan mo kumpadre makakaasa ka na tutulong kaming hanapin at mahuli ang gumawa sa pamilya niya." sambit ni Sgt. Angas "Salamat kumpadre, malaking tulong na ito para sa akin." "Sige kumpadre, babalitaan ka nalang namin kung may makuha kaming bagong information. Mauna na kami kumpadre,dumaan lang kami para ipaalam sa'yo ang nakuhang information." "Salamat, tatanawin kung malaking utang na loob ito."sagot naman ni Ginoong Celso sa mga kaibigan sa trabaho. Pagkatapos umalis ng mga kaibigan agad siya bumalik sa silid ng dalaga. Knock! knock!....Kumatok muna 'to ng marinig na may nag-uusap sa loob."Parang ang seryoso ng pinag usapan niyo? nakangiting saad ni Celso. "Darling hindi naman."Masayang saad ng Ginang sa asawa at palihim 'tong kumindat. "H-hija may sasabihin ako at huwag kang mabibigla.A-ang Mommy at ang kinakapatid mo ay wala na,samantala ang kuya at daddy mo hindi parin nakikita."Malungkot na saad nito. Humagulgol sa iyak ang dalaga ng marinig ang sinabi ni Ginoong Celso ngunit mabilis din 'to nakabawi at agad nagtanong tungkol sa kapatid. "Si Kuya baka buhay pa po.Sobrang sakit wala na po akong Mommy.Mag-isa nalang ako. Ang sakit-sakit po ."Umiiyak 'to habang tinuturo ang dibdib niya. "Halika ka dito! may alok kami sa iyo sana huwag mong masamain"wika ni Minda. Nang makita niyang handang makinig ang dalaga.Nagsimula na siya magkwento tungkol sa anak nilang na mayapa na. "3 years ago ng namatay ang nag-iisang anak namin.Na-ambush kami habang pauwi ngunit hindi siya nakaligtas. Sobrang sakit para sa amin hanggang ngayon ay nagluluksa parin kami.Gusto sana namin palitan ang pangalan mo para narin maitago ang identity mo at malayang kang mamumuhay na walang takot at tinatakbohan." mahabang paliwanag ni Minda sa dalaga. "Kahit unang kita ko palang sa'yo,ang gaan na ng pakiramdam ko dahil parang nakikita ko si Marisol sa sa'yo!"Segundang saad ng Ginoo. "P-paano po at anong pangalan ang ipapalit ko? Inosenting tanong ng dalaga. "Kung iyong mararapatin nais namin gamitin mo ang pangalan ng anak namin.Ipapalabas namin nakaligtas siya sa pagsabog para wala nang maraming tanong." seryosong saad ni Ginoong Celso. "P-paano po? "Kami na ang bahala sa lahat-lahat."Excited na saad ng Ginoo. "Wala na akong choice kung ito lang ang paraan para maging malaya ako. Gagawin ko ang nais niyo, ng sa ganun mabigyan ko ng hustisya sila."Saad nito habang nagpupunas ng luha. "Hija pumapayag kana ba?"nag-aalangan tanong nito. Ngumiti ang dalaga sa mag-asawa."Tinatanggap ko po ng buong puso" matipid na sagot nito. "Talaga?"hindi makapaniwalang saad ni Celso. "Simula ngayon patay na si Martina at ikaw na ngayon si Marisol Sanchez."masayang saad ng Ginang. "Thank you tita!" maiksing pasasalamat ng dalaga. "Hija,nakalimot ka agad!" pabirong saad ng Ginoo. Napakamot 'to sa ulo ."Sorry po Daddy at Mommy!"Naiilang na saad ng dalaga. "Thank you Hija.Masayang-masaya kami.Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin makabangon at hanapin natin ang Kuya mo,"saad ng Ginang. "Bukas na bukas ipapaayos ko kay Atty. ang dukomento mo para maging legal kanang anak namin." excited na saad ng Ginoo. "Baba na tayo.Kumain muna tayo para makainum kana ng gamot"wika ni Donya Tess habang inalalayan ang apo. "Sa susunod na linggo, pupunta dito ang mga kaibigan ko,makiki-usap ako sa kanila na dalhin dito ang mga anak nila para naman magkilala kayo." "Talaga po?Mabait po ba sila,daddy? " "Huwag kang mag-alala mga mababait ang mga iyon,kaya huwag kang mangamba!"nakangiting saad ng ginoo habang hinahalikan ang buhok ng dalaga. "Hija dito kana umupo, simula ngayon mamo na ang itawag mo sa akin!" wika ng Matanda at todo ngiti 'to sa dalaga. "Hija 'tong pasukan magtatapos kana.Gusto ko sanang turuan kita ng self defense para kaya mong ipagtanggol ang sarili mo!"seryosong ng Ginoo. "Daddy!Mommy, alam kung sobra-sobra po ang hinihingi ko pero nais ko sana maging secret Agent," matapang na wika nito. "Sigurado ka? hindi ka ba natatakot?pag-aalalang tanong ng Ginang. Kinuyom nito ang kan'yang kamao dahil hindi mawala ang galit sa puso niya.Parang siyang pinapatay ng paulit-ulit habang naalala ang nangyari sa kanyang pamilya. "Apo, may problema ka ba? tanong ni Mamo. "W-wala po,pero gusto ko talaga maging agent. Gusto ko rin kasi kayo tulungan para hanapin ang pumatay sa totoong Marisol." "Sige, kung iyan ang gusto mo, susuportahan kita.Humanda ka para sa pagsasanay mo.Kailangan mo matutuhan lahat ng kailangan para maging isang ganap na Agent."Seryosong saad ng Ginoo. Maaga itong natulog dahil masakit pa ang katawan niya ngunit mas masakit ang puso niya.Kailangan niya baliwalain ang nararamdaman niya para malagpasan ang mapait na kahapon. Walang puwang ang sakit sa puso niya dahil maaring maging hadlang 'to sa lahat ng plano niya. "Patay na si Martina Oliver at ako na ngayon si Marisol Sanchez. Balang araw magkikita rin tayo swanget ipaparanas ko sa iyong lahat ang dinanas namin sa 'nyo,"bulong ng dalaga sa sarili habang nakamasid sa taas ng kisame. Nakalipas ang isang linggo,magaling na ang ibang sugat niya,maliban sa kanyang black-eye sa mata.Araw-araw din 'tong nag-t-traning kasama ang ama. Maagang 'tong nagbihis dahil sa sobrang excited para sa first school niya.Halos hindi ininda ni Marisol ang sakit ng katawan.Gusto niyang makalimot sa lalong madaling panahon para masimulan ang paghahanap ng hustisya para sa pamilya. "Señorita Marisol gising na po,nasa baba na sina Señorita Marie." "Gising na po ako manang Cedes.Baba na rin po ako manang!"Sagot ng dalaga habang mabilis na kinukuha ang maliit na backpack nito at tumakbo palabas. Napalingon si Marisol sa gawi ng sala ng tinawag 'to ng ama."Hija, halika dito. "Tawag ng ama niya. "Hi! ikaw ba si Marisol?nakangiting tanong ni Marie. Medyo namula naman ang pisngi ni Marisol dahil nahihiya 'to.Sobrang namangha siya sa mga dalagang nasa harap niya. "Yes ako nga po," nahihiyang saad nito." "Ano nangyari sa mata mo? at bakit ka mukhang kuwago?"Kunot-noo na tanong ni Marites. "Marites kahit kailan iyang bunganga mo sarap tahiin,"galit na saad ng ama ni Marites "Okay lang po.Kahit sino ang makakita ng mata ko,mapapatanong talaga."Nakangiting saad ng dalaga. "Sorry,hindi ko sinasadya.Nagtataka lang talaga ako bakit ka may black eye sa mata." "Okay lang talaga sa akin, hindi ako galit!" Bigla naman sumabat si Margaret upang lihisin ang usapan."By the way, ako pala si Margaret at sila naman ay sina Maire at Marites!" "Hi Marisol." bati ni Marie. "Welcome to the hell Marisol."Sarkatiskong wika ni Marites.Napatampal naman sa noo ang ama dahil matalim talaga ang tabas ng dila ni Marites. "Marites iyang bunganga mo gusto mo siguro ma-grounded ulit," asar na paalala ni Marga sa kaibigan. "Okay fine,hindi na mauulit pa!" "It's okay.Gusto ko ang mga ganyan ugali,magkakasundo tayo."Nakangiting saad ng dalaga sabay abot ng kamay niya sa mga bagong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD