"Masaya kami at napili mo kaming maging kaibigan,"nakangiting saad ni Marga kay Marisol
"Kung ganun siguro pwedi na natin siya ipasyal mo na sa school."Excited na saad naman ni Marie.
"Oo nga Marie."Maiksing pagsang-ayon naman ni Marga.
Agad naman nagpaalam si Marites sa ama at ganun naman ang tatlong kaibigan."Dad, magpapaalam po sana kami.Balak kasi namin ipakita kay Marisol ang bago niyang paaralan,"paalam ni Marites sa Ama.
"Dad!Mom okay lang po ba na sasama ako sa kanila?"tanong naman ni Marisol sa mga magulang nito.
"Sure baby, go ahead!" sagot naman ng magulang ni Marisol.Masaya ang magulang ng dalaga nang makita na magkasundo ang mga anak nila.
"Thank you,Mommy,Daddy.Mamo aalis po ako ngayon, sasama ako sa kanila."Paalam naman nito sa lola niya.
"Sige basta mag-ingat ka apo!"tugon naman ng Lola niya.
"Thank you Mamo.I love you."
Umalis silang apat upang ipakita ang kanilang paaralan kay Marisol.Habang nasa byahe sila manghang-mangha si Marisol kay Marites habang nag-drive ito.Sobra kasi siyang na-astigan at naangasan kung paano 'to magmaneho.
"Galing mo naman mag-drive."Saad ni Marisol kay Marites.
"Hindi naman,tama lang!"sabay kindat nito sa kaibigan.
"Marisol 5 months lang tayong magkakasama dahil gagraduate na tayo sa high school.Sa State na kasi kami mag-aaral.Malungkot na saad ni Marie.
"Don't worry sabi ni Mommy doon din daw ako mag-aaral kasama niyo."excited na sagot naman ni Marisol.
"Really? wow congrats to us.So paano iyan buo na ang M4?" masayang wika ni Marie.
Pagdating sa paaralan agad binuksan ni Marites ang binatana ng sasakyaan upang magpaalam sa Guard.Bawal kasi pumasok sa paaralan kung hindi mag-aaral nila.
"Hello, Manong guard! ililibot lang namin ang bagong kaibigan namin!"paalam ni Marie sa guard.
Pinayagan naman sila ng guard dahil kilala naman sila nito.Agad nagyaya si Marites na umakyat sa stage upang ipakilala si Marisol sa ibang kamag-aral nila .
"Hi,everyone nais namin ipakilala ang bagong natin school mate.Siya si Marisol Sanchez mabait din siya tulad namin."
"Marites sigurado kang mabait iyan? Mukhang basag ulo din 'yan,tingnan mo nga may black eye sa mata,"sabat agad ng kamag-aral nila ubod ng arte.
Naiinis si Marisol sa mga naririnig ngunit pinilit niya parin ngumiti.
"Mabait talaga si Marisol.Naaksidente lang ang mata niya kaya nagka-black eye siya."Paliwanag naman ni Marga na pilit itinatago ang inis sa mga kamag-aral.
"Maniwala kami sa inyo.Ang sabihin mo pabaya ang magulang niyan kaya napaaway ang kaibigan niyo.Ayaw namin sa kanya mukhang mahina naman iyan."Saad ng isang kamag-aral nila, habang ang iba ay kitang-kita sa mga mukha nila kung paano kilitasin si Marisol.
Napayukom ng kamao ang dalaga dahil unang-una sa lahat, galit na galit siya sa tuwing nakakarinig siya ng pang-aalipusta tungkol sa magulang niya.
"Marisol, okay kalang?" nag-aalalang tanong ni Marga nang makita niya ang kamao nito na nakayukom.
"Halika kana huwag muna pansinin ang mga komang na iyan!"pag-iiba ng usapan ni Marie sabay hila kay Marisol.
"Hindi dito pwedi ang duwag.Dapat sa'yo tinatapon kasi wala kang kwenta.Kahit sarili mo hindi mo kayang ipagtanggol!"Pang-uuyam ng isang kamag-aral nito.
"Ano ba kayo! tama na iyan mga wala kayo magawa sa buhay.Ano ba ang layunin ng grupo niyo? ang mang insulto ng kapwa?"Inis na saad ni Marie.
Mas lalong nilakasan ng grupo ang tawanan na kinainis ni Marga."Puro kayo satsat parang kayong bakla pumapatol sa babae." inis na wika nito.
Tumayo ang isang lalaki mula sa pangkat nangbubully kay Marisol at lumapit 'to sa kanila.
"Hi! miss ang ganda mo panaman pero masyadong matalim ang bibig mo,"sabay sampal kay Marga
Nang makita ni Marisol ang ginawa kay Margaret,agad nanumbalik sa kanyang isipan ang nangyari sa kan'yang Mommy at Daddy.Paulit-ulit niyang narinig ang hikbi ng ina at hiyaw ng ama sa bawat suntok ng mga kalaban .Nabuhay ang galit sa kanyang puso. Umiba ang aura ng kanyang mukha,biglang nanilim ang mukha habang ang kanyang mga mata ay nanninigkit.Agad sumugod ang dalaga sa lalaking sumampal kay Marga.Kahit marami ang pangkat ng lalaki ,hindi man lang ito nakitaan ng takot.Dumampot siya buhangin at tinapon sa kanila. Habang abala sila sa pag pupunas ng mukha nila agad niya nilapitan 'to at pinagsisipa ang puson dahilan na, namilipit at nagtatalon ang mga 'to sa sakit.May aakmang lalapit na isa sa kanya ngunit naunahan niya itong batuhin ng lata ng softdrinks.
Agad naman tumulong sina Marites at Marga kay Marisol na atikihin ang mga lalaki.
"Marie akin na chewing gum mo?"sigaw ni Marites kay Marie.
"Bakit ano gagawin mo?"Naguguluhang tanong ni Marie.
"B-basta akin na.Ako na ang bahala,"nakangising kinuha ni Marites ang chewing gum at agad hinagis sa lalaki.
"Sino naghagis sa akin nito?"Galit na galit na sigaw nito.
"Ako bakit may angal ka?"paghahamon ni Marites sa mga lalaki.
"Alam mo pumapatol ako sa babae kaya lagot ka sa akin!"
"Huwag ka mag-alala pumapatol din ako sa bakla"balik na sagot naman ni Marites habang nakangisi.
Mas lalong ikinagalit nang mga lalaki ang pabalang na sagot nito kaya bigla nilang hinablot si Marites para sapakin ngunit bago nila nagawa iyon sinipa ni Marisol ang isang lalaki at hinampas niya ng bag sabay lamutak ng chewing gum sa mukha.
"Sa susunod magkita tayo, tumabi ka sa daanan ko, dahil kung hindi tutuluyan kung babasagin ang bayag mo!"Mariin na saad ni Marisol.
"Hoooo!! galing, ito ang gusto ko sa kaibigan.Magkakasundo talaga tayo beshy?"masayang wika ni Marites na parang gustong-gusto ang nangyari.
"Marga okay kalang?"tanong ni Marie
"Okay na okay nga beshy. Give me hi5." Masayang sagot ni Marga.
"Tara na punta na tayo sa canteen kain tayo, nagutom kasi ako."Yaya ni Marites na parang walang nangyari.
"Hi, Princess! saan kayo pupunta?"tanong ni Mak.Malapit na kaibigan ni Marie.
"Marisol si Mak,Mak si Marisol! pakilala ni Marie sa dalawa.Kilala na kasi nito sina Marga at Marites.
"Hi,nice meeting you Marisol." wika ni Mak
"Same to you Mak,right?" bati ni Marisol
Nang nasa loob na sila ng Canteen.Hindi napigilan ni Marites ang magtanong dahil nagulat sila sa ginawang pakikipaglaban ni Marisol kanina sa mga lalaki.
"Marisol bakit marunong ka makipaglaban?"tanong ni Marites
"Natutunan ko lang sa binigay ni Daddy na babasahin! At tuwing may oras ako,nag-iinsayo ako mag-isa,minsan kasama ko din si Daddy." saad nito,ngunit bukod sa pagsasanay niya ngayon,noong maliit palang sila ng Kuya niya ay marunong na sila sa self-defense ngunit hindi ganun kabihasa.
"Mamaya na kayo mag-usap.Ano ang o-orderin niyo?"tanong ni Marga.
"Isang slice cake at saka ice tea, okay na sa akin iyan." sagot ni Marisol
"Same na din sa akin" segunda ni Marites
"Okay, sige, apat nalang ang o-orderin ko para pareho tayo.Gusto ko rin matikman ang bagong flavor nila sa cake,mukhang kakaiba kasi."Excited na saad ni Marga.
"Marites may tumatawag sa phone mo."Kalabit ni Marisol.
"Ayy naku si Daddy. For sure,tatanungin lang naman niyan kung saan tayo nagpunta.At kung ano ang ginagawa ng mabait na anak niya!" pilyang wika nito..
"Wow, mabait nga ba talaga o nagbabait-baitan lang pagkaharap si Tito." pilyang sagot din ni Marga.
"Ikaw naman Marga panira ka talaga. Alam mo naman sawa na ako sa mga sermon ni Daddy!"
"Marisol hindi ba malungkot ang buhay mo? mag-isa ka lang diba?"
"Hindi naman Marga, lalo pa noong magkasama kami ni kuya sobrang saya!"
"May kuya ka?pakilala mo kami sigurado ako gwapo." excited na wika ni Marites
"Ahh,ehh.. I mean,pinsan ko lang iyon, kuya lang kasi ang tawag ko sa kanya. Miss na miss ko na kayo.Malakas ang kutob ko buhay ka kuya. Nasaan kana kuya ko?bulong nito sa sarili habang naluluha.
"Marisol okay kalang?"nagtatakang tanong ni Marie.
"Okay lang ako, sorry may naalala lang ako!"
"Sige basta simula ngayon bestfriend na tayo.Gusto ko pagmay problema kayo pag-usapan natin,pero siyempre hindi naman lahat ng nangyarari sa buhay natin ay iku-kwento natin sa bawat isa. Minsan may limitation din at kung dumating man iyon huwag tayo agad huhusga bagkus pag-usapan natin."Sabay-sabay lahat sila naglahad ng kamay para tanda ng pangako.
"Pangako till death to us part magiging bestfriend niyo ako kahit ano mangyari!" seryosong saad ni Marites.
"Ano ba iyan Marites parang linya naman iyan sa kasal eh." naiiyak na wika ni Marie
"Nawalan man ako ng mahal sa buhay ngunit dumating kayo para magpatuloy ang buhay ko,kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sa akin."
Nagyakapan silang lahat dahil sa sobrang saya.Para sa kanila nakatagpo sila ng tunay kaibigan.Pagkatapos ng dramahan kumalas si Marisol sa pagkayakap at tumingala sa langit.
Yumuko 'to at bumulong sa sarili."Sisiguradohin ko mommy na makakamit mo ang hustisya." malungkot na bulong ni Marisol sa sarili.
Pagkatapos nila kumain nagpasya silang umuwi.
"Dito na tayo. Marga mag-ayos ka, mukha kang sinabunutan." Inis na wika ni Marites
"Bakit hindi ba?" pilyang sagot nito
"Tsskk basta itali mo ang buhok mo para hindi mahalata ni Daddy na napaaway tayo!"saway ni Marites
"Mamo, i'm here.Daddy,Mommy andito na kami," masayang bati ni Marisol
"Saan kayo nanggaling bakit ang tagal niyo?tanong ng Daddy ni Marites.
"D-daddy galing kami sa school tapos nanood kami ng action movie!"
"Ay oo nga. Tito interested kasi ang tittle The M4 girls and the Gangs !"
"Ano? lagi akong nananood ng movie hindi ko nakita,na may ganyan na palabas."saad ng bodyGuard ng Ama.
"Kailan kapa po, nanood?"magalang tanong ni Marisol.
"Monday ng hapon ako nanood! sagot ulit ni Manong Guard.
"Ahh! Tuesday lang po pinalabas tapos mamaya pinapa-delete na kasi puro daw away kaya hindi maganda ipagpatuloy na ipalabas sa madla." sabay kindat sa tatlo.
Napakunot ng Noo ang Ama ni Marites dahil sa mga pilosopong sagot nilang tatlo.Alam niyang may itinatago ang anak niya dahil alam na alam niya pagnagsisinungaling 'to sa kanya.
"Kumain na kayo!" tawag ni Manang Cedes
"Okay po susunod na po kami! Ayos ba M4 girls?"masayang bulong ni Marisol sa tatlo.
Palihim na nagtawanan silang apat dahil nakalusot sila sa Ama ni Marites.
"Ayos na ayos ingat lang tayo sa Daddy ni Marites kasi daig pa si detective Conan kung makabantay"paalala ni Marisol.Samantala si Marites napakonot lang ng Noo.