Maagang ginising ng ama si Marisol dahil unang pasok nito sa paaralan.Maalaga sila masyado sa dalaga dahil nais nila 'to maging comfortable sa kanila.
"Hija,gumising kana at baka tanghaliin ka ngayon.Sige ka at baka unang pasok mo,late ka agad."
Mabalis na bumalikwas ang dalaga at agad bumangon.
"Goodmorning Dad.Don't worry dad lagi akong handa."
"Sabi mo eh.Saka huwag mo pala kalimutan na may training ka ngayon."
"Yes po Captain.Dad, susunod na ako sa baba.Maliligo lang ako.Promise mabilis lang ako."Nakangiting saad nito.
Naunang bumaba ang ama dahil maliligo pa 'to.
"Darling nasaan si Marisol?" tanong ng Ginang
"Nasa taas pa.Susunod nalang daw siya.Sige ipaghain mo na siya para pagbaba niya kakain nalang siya."
"Darling masaya ako at dumating sa atin ang bata na iyan."Masayang saad ng Ginang.
"Dad,Mom,goodmorning"nakangiting bati nito sa magulang.
"Hija,parang maganda ang gising mo ngayon?tanong ng ina niya
"Siyempre Mommy, masaya kasi ako dahil may magulang ako na super protective at bait."
"Naku saan kanaman natuto niyan.Darling bolera ang dalaga natin."
"Nasaan pala si Mamo?"saad nito ng mapuna na wala sa mesa ang lola niya.
"Umuwi muna siya sa probensiya anak.Alam mo naman ang Mamo mo, ayaw pumirmi sa isang lugar. Gusto lagi mamasyal."
"Sa bagay mom si Mamo matanda na,kaya hayaan natin siya mag-elax. For sure masaya naman siya sa ginagawa niya.
"Ma'am andiyan na po sa labas si Ma'am Marie."Saad ng katulong
"Salamat Cedes. Pakisabi kay Marie susunod na si Marisol."
"Anak ubusin mo na ang tinapay mo."
"Busog na ako Mom."
"Kukunti ng kinain mo.Kung gusto mo ibaon mo nalang ang sandwich."
"Huwag na Mom.Promise,masarap siya."
"Basta pagnagutom ka,kumain ka agad."Nag-aalalang saad ng ina.
Humalik na 'to sa magulang at mabilis na lumabas.
"Goodmorning Marie."Masiglang bati sa kaibigan.
"Goodmorning din beshy.Tara na at nag-aantay na sila sa atin."
Tahimik at katamtaman lang ang patakbo ng sasakyan ni Marie,ngunit laking gulat nila ng biglang may kumalabog sa bandang likuran nila.
"Ano iyon Marisol?"
"I think may bumangga sa atin"
"Patay ako nito kay daddy. Ang bilin niya pa naman sa akin,umiwas ako sa gulo dahil oras masangkot ako sa aksidente,kukunin niya ang sasakyan ko,"natatakot na saad ng dalaga.
Binilisan ni Marie ang pagpatakbo at pinagwalang bahala ang nangyari ngunit hindi sila tinantanan ng tinted na kotse.
"Sino naman kaya Marie ang humahabol sa atin?"
"Malapit na tayo sa school kaya humanda sa akin iyan."
Pagkadating sa paaralan agad dumiretso sina Marie at Marisol sa parking lot.
"Marie dito rin pala pupunta ang kotse na iyan."
"Ang lakas ng loob niya.Teka lang pupuntahan ko nga."Agad bumababa si Marie para tanungin kung bakit sila binangga,pero nagulat si Marie ng bigla bumukas ang pinto at mukha nina Marites at Marga ang bumungad sa kanila.
"Kayo? kahit kailan Marites siraulo ka talaga."Inis na saas ni Marie sa kaibigan.
"Sinadya ko talaga na banggain ka para hindi kana payagan mag-drive ni Tito.Boring kung dalawa lang kami ni Marga.Maganda ba ang bagong sasakyan ko."
"Kahit kailan loka-loka ka talaga!"Ingos ni Marie
"Oo nga pala.Mamaya pagkatapos ng klase,gumala naman tayo."
"Paano si Marisol? hindi natin siya kaklase."
"Problema ba iyan Marga."Nakangising saad nito at tinawagan ang ama para paki-usapan na ilipat si Marisol sa kanilang klase.
Tuwang-tuwa na ibinalita ni Marites kina Marga at Marie na pwedi na nila ilipat ang kaibigan.
"Tara na sol,puntahin na natin ang teacher mo para ipaalam na sa amin kana papasok."
Masayang-masaya sila ng pumayag ang teacher ni Marisol.
"Miss Almano,itatawag ko nalang sa principal office ang paglipat ni Marisol para maayos na ang papers niya agad."
"Thank you Ma'am dahil sobrang bait niyo po,pero alam na po ng principal ang tungkol dito."
"Kung ganun wala ng problema."
"Marisol tara na sumama kana sa amin.Simula ngayon mag-classmate na tayo,"excited na saad ni Marites.
Masayang naglalakad ang magkakaibigan ng biglang may bumato sa kanila.
"Sino ang nagbato sa amin"galit natanong ni Marga.
"Kami.Bakit masakit ba?"Saad ng babae sabay apir sa ibang kaklase.
"Bakit,may nakakatawa ba?tanong ni Marisol habang panay kapa ito sa panga na tinamaan.
"Bakit a-angal ka?kabago-bago mo lang dito,ang yabang mo."
"Umalis nalang tayo.Ayaw ko ng gulo at baka makarating kay daddy,"saway ni Marga sa tatlo.
Ngunit hindi nakinig sina Marites bagkus hinablot nila ang juice ng kasama ni Veron at ibinuhos dito."
"Ahhhhrrggggg...Isusumbong kita sa boyfriend ko."
"Go ahead."Matapang na saad ni Marisol .Kalmado lang 'to at hindi nagpapanic.
Maya-maya pa lumapit sa kanila ang grupo ng mga kalalakihan.
"Kayo na naman?"Kunot-noo na saad ni Nathan.
"Ayaw namin ng gulo pero ang girlfriend mo ang nauna.Nasaktan ako alangan naman tutunganga lang kami.Halina kayo."Yaya nito sa mga kaibigan tapos magpaliwanag.
"Mabuti pa nga Marisol."Segunda naman ni Marites.
Tumalikod na sila ng biglang tinamaan sa noo si Marga.
"Ouuucchhh ang sakit."Nakangiwing saad ni Marga.
"Marga malaki ang sugat mo."
"f**k,naninilim ang paningin ko."Pagkatapos sabihin nito bigla nalang 'to bumagsak.
"Sino ang may gawa nito?"galit na tanong ni Marisol
"Sino may gawa nito?Hindi nakakatawa ang ginawa niyo?"pag-uulit ni Marites
Walang sumasagot sa tanong nina Marisol at Marites habang si Marga ay dinala ni Marie at ibang kaklase sa clinic.
"So, ayaw niyo sabihin kung sino gumawa.Kung ganun maglaro nalang tayo!"nilingon ni Marisol si Marites sabay kindat ito.
"Go ako diyan."Agad inagaw ni Marites ang ice cream na hawak ni Veron at nilamas sa mukha nito.Sumigaw ito upang humingi ng tulong..
Agad tumakbo naman si Nathan sa kinaroroonan nila upang tulungan si Veron ngunit huli na kasi hinarangan siya ni Marisol at pinatid ito kaya nadapa ang binata.Pinagtawanan ng mga estyudante ang binata.
"Sumosobra kana Marites kaya walang magkagusto sa'yo kasi bukod talakira ka ang pangit pa nang ugali mo."Diretsahang saad ng binata.
Nang marinig ni Marisol ang sinabi nito agad niya hinila si Marites upang iiwas 'to sa binata ngunit huli na ang lahat dahil bugbog sarado na 'to.
Inis na inis silang dinala ng Adviser nila sa principal office.Dumating ang ama ni Marites dahil tinawagan agad 'to ng principal.
"Marites ano naman ito.Dinamay niyo pa si Marisol," galit na saad ng ama ni Marites.
"I'm sorry Tito pero hindi nila kasalanan bakit napaaway sila. Kung may sisihin man dito sila Veron at Nathan iyon, kasi binato nila ako ng can ng softdrinks kaya nasugatan ako sa noo."
"M-marga wala akong alam diyan, pilit ko silang inawat pero ako pa yong binugbog ni Marites."
"Hija are you okay? tanong naman ng ama ni Marisol.
"Don't worry dad.I'm fine,"sabay ngiti nito sa ama.
"Mr. Sanchez at Mr. Imperial dahil nilabag nila ang rules namin suspende sila ng 1 week, ngunit babalik sila sa school para maglinis ng paaralan.At lahat ng involve ay makakasama niyo sa paglilinis.
"Okay lang sa amin.Mabuti at may matutunan ang anak namin."Saad ng dalawang Ginoo.
"Thank you Mr Imperial at Mr Sanchez.Bukas na sila magsisimula.At kayo naman pwedi na kayo bumalik sa inyong silid-aralan. Please lang huwag na kayo gumawa ng gulo."
"Yes po ma'am. Sorry din po," Paghingi ng paumanhin ni Marie .