Chapter 16

1143 Words
"Kuya,tawag ni Marisol sa kapatid na kakarating lang.Humalik naman sa noo ang nakakatandang kapatid." "Kinakabahan ako na masaya bunso.Akala ko hindi na kita makikita."Inilahad ni Oscar ang kamay sa dalaga at naglakad papunta sa opisina ng Doktor upang kuhanin ang result ng DNA test.Samantala si Dra. Cel nakatanaw lang 'to sa malayo,at sobrang naiinis siya sa dalawa. Kumatok muna silang dalawa bago pumasok. "Ms.Sanchez at Mr. Mendez maupo muna kayo"anyaya sa kanilang dalawa.Mayat-maya pa inabot na sa kanila ang resulta. "Kuya,"ngumiti muna 'to bago binuksan ang brown envelop . 99.9% ang nakasaad sa papel kaya biglang napayakap silang dalawa sa tuwa. "Congratulations to both of you."saad ng Doktor. "Thank you doc. sige aalis na kami,"masayang paalam ng Dalaga. "Kuya,"nginuso ng dalaga si Dra. Cel nakasimangot 'to at walang balak silang pansinin. "Babe,how are you?"inakbayan nito si Dra. Cel,samantala si Marisol nakangiti lang dahil sa kinikilig 'to sa dalawa.. "Tanggalin mo ang kamay mo,at pwedi ba huwag na huwag mo akong tawagin na Babe dahil naiinis ako sa'yo." Napakamot ng ulo si Oscar dahil sa inasal ng Dalaga. "B-bakit kanaman naiinis wala naman ako gingagawa ah.."nagtatakang tanong nito. "Talaga wala!? ang sabi mo sa akin ako lang ang babae mo tapos ngayon may pahawak ka pa ng kamay diyan.." Humagalpak ng tawa si Marisol dahil sa inasal ni Dra. Cel. "At ano naman ang nakakatawa,abir!?" "Ikaw naman hipag masyado kang Selosa,"pilyang saad ni Marisol Nang makita nila,na parang naguguluhan ang dalaga,agad inabot ni Oscar ang papel na nakatupi.Binuksan naman agad 'to ng dalaga.Napaawang naman ang labi nito dahil sa nabasa. "S-so,ibig-sabihin magkapatid kayo?" "Yes,at pwedi na ba kitang tawagin na Ate.."habang sinasabi ni Marisol ang mga katagang iyon,kitang kita naman ang pagkislap ng mga mata nito. Namumula ang pisngi ng Dalaga dahil sa hiya,kung ano-ano ang iniisip niya 'yon pala ay magkapatid ang mga 'to kaysa ganon nalang ang paghingi niya ng pasensiya. "Paano ba 'yan malinaw na tayo!" Oo naman,sorry din kung pinag-isipan kita.Ito kasi ang kuya mo ang daming babae kaya na pa-praning na ako.paliwanag ng dalaga "Don't worry Ate,ako na ang bahala sa kuya ko.. " Pagkatapos maisiwalat ang katotohanan.Tumuloy na ang magkapatid sa bahay ni Marisol dahil andoon na narin ang mga kaibigan niya upang mag-celebrate.Samantala si Spencer wala na 'tong ginawa ko hundi pinasundan ang dalaga. "Sir,'to po ang mga ginawa ni Ms. Marisol sa buong maghapon." "Ano ang ginawa nila sa hospital"malamig ang pagkakatanong nito pero makikita sa mga mata niya naiinis. "Answer me,ano ang ginawa nila doon.?tanong nitong ulit." "S-sir hindi ko alam pero paglabas nila sa hospital agad silang dumiretso sa bahay ng dalaga at nag-celebrate.." "f**k,"nagsinungaling siya sa akin ang akala ko iba siya sa ibang babae,galit 'to habang kinakalumos ang papel. "Umalis ka ngayon at patuloy mo siyang sundan...Pwedi kana umalis...wala pang babae ang umaayaw sa akin,"makukuha din kita.bulong nito sa sarili. Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip ng kumatok ang Pinsan niyang si Jenny. Cous andito si Lola k-kasama si......,hindi niya pinatapos ito at pinapasok na ang ina. "Sige,Papasokin mo na?" "Hi,Mom! bakit hindi kaman lang nagsabi na uuwi ka ngayon sana sinundo kita." "It's okay anak dahil kasama ko naman si Felicity." "Hi,Boo!" tumakbo 'to at hinalikan sa labi ang Nobyo. Aahhhmm,"Hija! pwedi mag-usap mo na kami ng pribado.." "No worries Tita,pupunta ako kay Jenny total na miss ko din 'to.." Pagkalabas ng dalaga agad tumayo ang ina sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa malayo.. "Ano ito ang nabalitaan ko,May dinala ka daw na babae sa Opisina mo...?" "Yes Mom,kahit maiksing panahon ko lang siya nakikila seryoso po talaga ako sa kanya." "Anak alam mo naman kung sino ang gusto ko.Matanda na ako,hanapin mo ang anak na babae ng mga Oliver dahil siya lang gusto kung pakasalan mo.Tandaan mo patay na sana tayong lahat ngayon kung hindi sa kanila at bilang pagtanaw ng utang na loob gusto ko pakasalan mo siya." "Mom,bigyan mo ako ng time."Kahit labag sa loob niya,hindi niya kayang biguin ang simula kasi nang malaman nito ang nangyari sa pamilya mga Oliver sobrang na depress siya dahil itinuring niya 'tong pamilya,kaya ganun nalang ang kagustuhan niyang makita 'to. "Ang hiling ko lang bago ako mamatay ay makita kung hinahatid mo sa Altar si Martina,"seryosong saad nito. "Sige Mom gagawin ko ang lahat para mahanap siya...Sige maiwan ko na si Felicity sa'yo at hanggang maaga huwag mo na siyang paasahin.." Humalik ito sa noo ng Ina."Mom kita nalang tayo mamaya sa bahay." "Tita uuwi na po kayo?" Tumango lang ang matanda at umuwi na kasama ang mga body guards. "Boo,I miss you so much."Kumandong 'to at panay halik sa leeg ng binata habang ang mga kamay ng dalaga ay isa-isang tinatanggal ang butones ng polo ng binata.Ngunit pinigilan ito ni Spencer. "F-fee not now.Nandito tayo sa Office ko." "B-bakit dati kahit sasakyan ginagawa naman natin 'to ah..kahit months lang tayo hindi nagkikita sabik na sabik ka sa akin." "D-dati 'yon ngayon marami na ang nagbago."hinihimas nito ang sentido niya dahil hindi niya inaasahan na darating ang Nobya. "Iwan ko sa'yo.At bakit mo ako tinatawag sa pangalan ko.Baka pagod ka lang,antayin nalang kita mamaya sa bahay mo."Lumabas ang dalaga at nakasimangot 'to. "Cous saan ka pupunta?" "Ikaw na muna ang bahala dito..Thank you Cous! "Pagkasakay sa sasakyan agad nito pinuntahan ang address na sinabi ng inutusan niya.Mabilis ang patakbo nito kaya halos isang oras at kalahati lang ang naging byahe nito. "M-manong 'to po ba ang bahay ni M-marisol at ipinakita ang larawan ng dalaga." "Y-yes po sir,bahay niya 'to.Kaano-ano mo siya?" "Sabihin niyo po kaibigan niya.Sorry po tlaga,pero kailangan ko lang siya makausap." "Manong s-sino po ba 'yan?" tanong ni Oscar. "Oh! Spencer,ano ang ginagawa dito? naligaw ka ata?"nakangising wika ni Oscar. "Pwedi ba,huwag mo muna ako asarin,gusto ko lang maka-usap si Marisol." "Sige pasok ka..!" Habang nag-uusap sina Oscar at Spencer sa labas,ipinaliwanag naman ni Marisol sa mga kaibigan niya paano sila naging magkapatid ni Oscar,dahil naguluhan din sila kung paano. "Ikaw talaga Beshy masyado kang masecreto.Pero naiintindihan namin at sorry dahil hindi namin alam na ganyan ang nakaraan mo"saad ni Marites "It's okay,super thank you dahil naiintindihan niyo ako."gulat na gulat si Marisol nang makita sa harapan niya si Spencer. "Bunso may bisita ka!"saad ni Oscar. "S-spencer ano ang ginagawa mo dito?"konot-noo na tanong ng Dalaga. "S-sorry kung nasira ko ang engagement party mo,"malungkot na saad nito. "What? engagement party pala 'to beshy,sino at saan ang boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni Marie. "H-hindi niyo ba't celebration niyo ni Oscar 'to." Humagalpak naman ng tawa si Oscar sa narinig sa binata.. "I'm sorry Bro. pero hindi ko pweding pakasalan ang kapatid ko.." Pulang-pula ang mukha nito dahil sa hiya."I'm sorry a-akala ko kasi engagement party 'to,sabay ginulo nito ang buhok." Napairap naman si Marisol dahil sa tinuran ng binata.."Ikaw talaga tamang hinala ka.." "Since andito kana rin Bro. bakit hindi ka sumali sa amin,"saad naman ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD