"Oscar malayo pa ba tayo bakit ang tagal?" hindi mapakaling saad ni Spencer. "Bakit parang kiti-kiti ka diyan na hindi mapakali.Maupo ka lang at mag-antay dahil malapit na tayo."inis na saad ni Oscar. Halos isang kalahating oras din ang tinagal ng buong byahe nila bago nakarating sa bagong bahay ni Marisol. "Ohh,andito na tayo! pwedi mo na bitbitin lahat ng pinamili dahil atat ka d'ba?"nakangising saad ni Oscar "Akala ko ba tutulungan mo ako, bakit ngayon ganyan ka sa akin?" asar na sàad ni Spencer. "Sabi nga nila kung gusto mo makuha ang taong mahal mo,aba'y paghirapan mo.Kaya ano pa ang inaantay mo bitbitin mo na lahat iyan." "I hate you Bro!"pero parang walang narinig si Oscar at patuloy na lumapit sa gate at nag-doorbell. Halos 15 minutos din ang tinagal bago bumukas ang gate n

