“WHAT AN exciting beginning for our birthday celebrant! Since the guys in our debutant’s life have shown their dancing skills, how about let’s test the speaking skills of the women in the celebrant’s life? Let’s now proceed with the eighteen candles, starting with the mother herself, Mrs. Elena Franchesca Gutierrez-Domingo.”
Unang umakyat sa stage ay si Elena, ang ina ni Alana para sindihan ang unang kandila na nasa harapan ng stage. Pagkasindi nito ng kandila ay lumapit naman si Elena sa anak hawak ang wireless mic na iniabot ng host sa kanya.
“Happy birthday again, my dear,” nakangiting bati muna ni Elena sa anak bago napatingin sa audience. “Alana Brielle Cara Domingo is the light in my and my husband’s lives. She’s the missing piece of the puzzle that completes me and my husband. And she’s the oasis that saves us from the deserted land. My dear Alana is my only treasure. So everything that we have—money, wealth, fame—is nothing compared to when we had Alana. The greatest treasure we could ask for. And that is who Alana Brielle Cara is in our lives.”
Malakas na palakpakan ang pumaibabaw sa buong hall, habang magkayakap ang mag-inang Elena at Alana. Ilang minuto pa ang pinalipas nila para kumalma ang mag-ina na magsisimula pa sanang mag-iyakan kung hindi lang umakyat si Guilberto para hilain pababa ng stage ang asawa.
Natatawang ipinagpatuloy na rin sa wakas ng host ang event kung saan puro mga classmates at kaibigang babae ni Alana ang umakyat para ipakilala si Alana sa buhay nila. Iilan lang naman kasi ang pinsang babae ni Alana kaya mas nangibabaw ang mga kaklase niyang nagbigay at nagbunyag sa kung ano ang pinaggagawa niya sa school dahilan para mapuno ng tawanan.
Marami pang eighteen something ang ginawa sa opening na iyon ng kaarawan ni Alana. Pagkatapos ng eighteen candles ay sinundan iyon ng eighteen dedications kung saan kanya-kanyang dedicate ng performance ang eighteen niyang close friends, classmates, and cousins na siya mismo ang pumili.
Mayroong nag-dedicate sa kanya ng isang kanta, may tumula, may tumugtog ng piano at violin, at mayroon ding sumayaw. Pagkatapos ay sinundan naman iyon ng eighteen sweets dahil nga sa mahilig siya sa mga ito.
The chosen people in this part have to bake their own sweets that Alana must taste on the spot. Kaya naman napuno din ng tawanan ang lahat lalo na nga at may ilang pinsang lalaki si Alana ang nasama sa listahan na walang kaalam-alam sa kusina.
Para naman sa mga ninong, ninang, tito, at tita niya ay ang eighteen bouquettes imbes na eighteen bills. Masyado daw kasing mahal ang dress niya para sabitan lang ng mga lilibuhin kaya naman idinaan nila iyon sa bouquettes.
Pabonggahan tuloy ang mga ito at palakihan ng bouquette na ibinigay sa kanya. Pero katulad sa nangyari noong selebrasyon niya sa nakaraan, wala pa rin talagang tumalo sa bouquette ng kanyang Uncle Gavin.
It wasn’t only a big bouquet of flower bills but there were even different brands of chocolate bars that Alana really enjoyed eating before.
Pagdating naman sa eighteen wishes ay may mga by partners na na umakyat sa stage para bigyan siya ng blessings and wishes. Marami kasi ang gustong magbigay sa kanya kaya naman ang iba ay by pair or nag-by group na.
And as for the last segment, it was the most awaited eighteen gifts. Dahil sa marami din ang gustong umakyat sa stage ay nag-partner-partner na ang kanyang mga ninong at ninang, mga pinsan niyang magkakapatid, at mga kaibigan niya.
May kakaibang twist kasi ang eighteen gifts niya kung saan unang magbibigay ay ang pang-eighteen na dapat ay may eighteen din na regalo. Kaya naman ang grupo ng mga kaibigan niya ang pang-eighteen.
The seventeenth person to give her seventeen gifts would be a group of her cousins. Then another sixteen gifts from her classmates, and more.
Pagdating sa ika-sampo, ay ang kanyang mga tito at tita na kung saan paunti man nang paunti ang bilang ng regalo ay palaki naman nang palaki ang mga regalong nakabalot na halos hindi na magkasya sa mini stage.
Dahil yata sa sobrang saya at tuwa niya ay hindi na naman niya napansin na time na naman pala ni Kaede para magbigay ng regalo. Kaya hindi kaagad nabura ni Alana sa mukha ang ngiti nang makita si Kaede na naglalakad papalapit kung saan may bitbit na isang malaking nakabalot na regalo, at dalawang maliit na regalo.
“Happy birthday, Eybi.”
Dahil nga sa hindi kaagad nakapag-react si Alana ay nagawa siyang gawaran ni Kaede ng isang halik sa kanyang pisngi. Kung hindi pa yata siya mabingi halos sa lakas ng tilian ng mga kaibigan at mga kaklase ay hindi pa yata siya makaka-recover.
“T-thank you,” halos pabulong na wika ni Alana.
Nagulat talaga si Alana dahil hindi niya inaasahan na gagawin iyon bigla ni Kaede. Not even in her memory of her first debut celebration did Kaede give her a kiss. Kaya ganoon na lang talaga ang gulat niya.
Sa sobrang pagkabigla niya rin ay hindi niya maitatanggi ang biglang paglagabog ng kanyang dibdib.
Gusto man niyang kastiguhin ang sarili dahil sa naging reaksyon ay hindi naman niya maitanggi na mayroon pa rin talaga siyang natitirang emosyon para sa lalaki. And it was understandable since it wasn’t that long when she learnt everything.
Kung tutuusin ay wala pang isang araw mula nang mamatay siya at muling mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Wala pa ding isang araw nang walang prenong inamin sa kanya ng mga ito ang panloloko at panggagamit na ginawa nila sa kanya.
And she couldn’t just forget the deep love that she had for Kaede. Hindi naman kasi peke ang halos sampung taon niyang pagkahumaling at pagmamahal para kay Kaede. So forgetting it like she had amnesia would be hard for her. Lalo pa nga ngayon at nakikita at kasama pa si Kaede sa kanyang kaarawan. Since she couldn’t just tell her parents to remove Kaede’s invitation to her celebration, tanging siya na lamang ang may kakayahang umiwas.
So she could only hide her face from Kaede because she didn’t want the others to see that she’s flustered.
Unfortunately for her, hindi lang ang dibdib niya ang nag-react dahil maging ang mukha niya ay namula na siyang nakita naman ni Kaede dahilan para mapangiti ito sa kanya. Napakalaki tuloy ng pagkakangiti ni Kaede na bumaba ng stage.
Kahit pa nga nabangga siya sa balikat ng taong papaakyat pasalubong sa kanya ay mabilis lang siyang nag-sorry at bumalik na sa kanyang upuan.
“Mi Cara.”
Hindi sana agad aangatin ng tingin ni Alana ang tumawag sa kanya kung hindi dahil sa tawag nito sa kanya. Nakakapanibago kasi ang pagkalalim noon. Ibang-iba sa kadalasang tono nito sa tuwing kausap siya. Hindi niya rin naman mawari kung ano bang mayro’n doon basta ang alam niya lang ay may kakaiba talaga sa tono ng boses ni Gavin nang tawagin siya nito.
Pero dahil nga sa kilala naman niya ang tumawag ay inangat pa rin kaagad ni Alana ang tingin at pagkaangat niya ay bumungad sa kanya ang marahang pagkakangiti ni Gavin dahilan para balewalain na niya ang tungkol doon.
“Uncle Gavin!” masayang tawag ni Alana sa tiyuhin. “So you are also part of the eighteen gifts. Ang dami ko nang gifts tuloy.”
Bilang sagot naman sa kanya ay inabutan siya ng tiyuhin ng dalawang regalo. Base sa pagkakabalot ay masasabi ni Alana na kung hindi ticket ang mga iyon ay pwede ring tseke. But knowing her uncle so much, he would never gift a check but directly put it in a bank account.
Habang sinusuri ni Alana ang hawak na regalo ay hinaplos naman siya ni Gavin sa kanyang ulo na madalas nitong ginagawa noong bata pa siya. Kaya naman hinayaan lang ni Alana ang tiyuhin at mas lalong kinilatis pa ang hawak na regalo.
Hindi niya tuloy napansin kung paanong biglang dumilim ang mukha ni Gavin habang ang mga kamay na nasa kanyang ulo ay bumaba papunta sa kanyang pisngi kung saan siya iniwanan ng halik ni Kaede. Mabuti na lang at kahit gaano pa kadilim ang mga mata nito ay marahan pa ring ipinunas ni Gavin ang kamay sa pisngi ni Alana na para bang tinatanggal niya ang bakas na iniwan doon ni Kaede.
“Uncle…” Mabilis na binawi ni Gavin ang kamay na parang walang nangyari nang biglang umangat sa kanya ang tingin ni Alana. “Is this a ticket or maybe a gift check?”
“You’ll know when you open them later.”
Hindi na nagpumilit pa si Alana dahil sa iyon na ang oras para sa kanyang mga magulang na magbigay ng kanilang regalo.
“My little princess, happy birthday!” masayang bati ni Guilberto sa anak.
“Happy birthday, baby!” bati rin ni Elena sa anak.
Bilang sila ang huli at ang number one sa eighteen roses ay required na buksan agad ni Alana ang kanilang regalo. Kaya naman pagkaabot ng dalawa sa kanya ng maliit na box ay excited na binuksan iyon ni Alana. Kahit pa nga katulad nang nakaraang birthday niya ay alam na niya ang laman noon.
Maliban kasi sa regalo ni Kaede sa kanya noon ay ang regalo lang ng kanyang mga magulang ang naalala niyang binuksan at nakilala kung kanino galing. Kaya naman tanging ang regalo lang ng mga magulang at ni Kaede ang naaalala niya ngayon.
Pagkabukas ni Alana sa loob ng box ay agad siyang napahiyaw sa tuwa at gulat. There’s no need to fake that because she’s really happy and surprise to see the same key of the car that she had been using until her last breath. Ang kotse na naging saksi sa lahat ng pinagdaanan niya mula simula hanggang sa kanyang katapusan.
So when she started to tear up, she didn’t held herself and just hug the key including her parents. Na hindi naman malaman kung mag-aalala ba o matatawa dahil sa naging reaksyon niya. Wala na rin namang pakialam si Alana doon kung pagtawanan siya ng mga ito o ano pa ang isipin nila. She just want to let go of her emotions which she no longer want to hide.
Matapos ng segment na eighteen something ay nagkaroon na rin ng ilang sandaling break kung saan hinayaan na nilang kumain ang mga bisita samantalang umakyat muli si Alana para magbago ng suot na dress at make-up. Ganoon din ang kanyang mga magulang na sakto namang terno sa suot niyang dress.
It was a white and gold halter-top ball gown. From the top of the dress to the skirt is a silky white fabric that shines against the lights. While the small iridescent sequins that forms some lines and figures were scattered in the upper waistline to the skirt of the dress. As for the hemline, it was bordered by golden lace applique which was also decorated with some small beads.
Tinernuhan naman ng isang pares ng silver stiletto at silver gloves na umabot hanggang sa siko niya ang haba. As for her hair and make-up, a simple lace braid updo with some pearl bead accessories and an illuminating blush with a light color lip tint to complete her celestial look.
Inabot din ng mahigit kalahating oras ang buong pag-aayos niya dahil nga sa nag-request pa muna siyang kumain sandali. Doon lang naman sa pag-suot ng dress siya natagalan dahil lahat naman ay planado na ng mga napili nilang hair and make-up artist maging ng kanyang dress designer.
So after almost an hour, Alana was once again presented in front of many people to start the second segment of the debut celebration. Parang part two lang iyon ng eighteen roses pero this time, hindi lang eighteen ang maaaring magsayaw sa kanya kung ’di kahit na sinong gusto siyang makasayaw.
If Alana remembered it right, it was only in this segment did she and her Uncle Gavin had the chance to dance. So aside from her father and Kaede, it was only her Uncle Gavin whom she had dance with for the whole span of one hour before the proper dinner was once again announced.
Kaagad na bumawi si Alana sa bandang ito. Although she had dance with Kaede, but she made sure it would only last for ten minutes. Hindi nga lang niya na-maintain iyon at umabot pa nga ng kinse minutos ang pag-sayaw nila. And because she doesn’t want to be reminded with it, Alana quickly find another dancing partner from her classmates and cousins. Then when the dinner was announced, she was still dancing with her father with the other pairs who finally joins them in the center.
Nagsimula na namang kabahan si Alana lalo pa nga at alam niyang nalalapit na ang pagtatapos ng oras niya. Pagkatapos kasi ng dinner na ito ay ang pag-uwi ng karamihan sa mga bisita lalo na ang mga matatanda. Tanging ang mga kaibigan at kaklase, mga kaedarang pinsan at pamangkin na lang niya ang matitira para ipagpatuloy ang huling parte ng kanyang kaarawan sa garden ng kanilang manor.
And if she was right, it was also at this time when Alana suddenly announce to everyone that she wanted to marry and become Kaede’s fiancee in a form of a wish.
“Okay, everyone, attention on this host please! Since we are nearing the end of the celebration, the parents wanted to close it with the birthday cake and a wish from the debutant. So may we call on the stage, Ms. Alana Brielle Cara Domingo, our dearest birthday celebrant on the stage to blow the candles and make her wish together with her family!”
Ramdam ni Alana ang pamamasa ng kanyang kamay kahit pa nga hindi naman siya pasmado. Kung hindi lang dahil sa mamahaling tela ng suot na gloves ay baka mapansin nila ang pamamasa ng kanyang mga kamay.
Everything was like a replay when Alana and her parents, and her Uncle Gavin walked towards the stage and surrounded the eighteen layered cake. Ayaw sanang kuhanin ni Alana ang iniabot na wireless mic sa kanya ng host pero sa huli ay kinuha niya pa rin iyon. Samantalang magkabilaan naman siyang inalalayan ng kanyang ama at tiyuhin paakyat sa idinagdag na hagdan para makasing-level niya ang taas ng kanyang birthday cake.
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!” Ang sabay-sabay na pag-awit sa kanya ng lahat.
Mariing ipinikit ni Alana ang kanyang mga mata at nanginginig pa ang mga kamay na itinapat ang mic sa kanyang mga labi. It has been ten seconds since everyone stop singing yet Alana was still not moving.
With a shaky breath, Alana exhaled which was heard from the mic. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at sa pagitan ng nanginginig din niyang mga labi ay nagsalita.
“My wish has been to be engaged and married to my dream man since I was young. I want to marry Uncle Gavin!” Alana whispered on the microphone before blowing the candles.