To be a Real Domingo

2503 Words
AYAW NANG bumangon ni Alana sa pagkakahiga niya pagkamulat ng kanyang mga mata. Napuyat talaga siya dahil nga sa ginawang pagpupuyat kagabi dahil nga sa umabot din ng alas tres ng madaling araw ang kanilang after-party. Hindi naman sila nag-inom dahil nga sa hindi din niya pinangarap ang matutong mag-inom pero dahil sa mga kalokohang naisip ng mga pinsan at kaibigan ay kung anu-anong mga pinagpagawa ng mga ito sa kanya. Pero maliban doon ay napuyat si Alana kakaisip sa magiging reaksyon ng mga magulang lalo na ng kanyang Uncle Gavin pagkatapos ng eskandalosang birthday wish niya sa kaarawan niyang iyon. Kahit nga pagkatapos niya mismo itong sabihin ay hindi na niya tiningnan pa ang reaksyon ng mga magulang. Mabilis siyang nakapag-isip ng excuse kung saan pinangunahan niyang hatiin ang kanyang birthday cake at nauna na ring kumain. Medyo pinasalamatan niya rin ang host sa pagiging mabilis nitong pumick-up kaya naman nagawa ni Alana na makalusot. Mas lalo pa siyang nagpasalamat sa host nang i-announce naman nito ang pagtatapos ng main event at simula naman ng last event kung saan nga silang mga kabataan naman ang mag-enjoy. Pagkasabi noon ng host ay mabilis na nagpaalam si Alana sa mga magulang na mukhang balak yata siyang kausapin na magpapalit na siya sa kanyang cocktail dress na kulay itim na may kulay pink at silver linings. Halos magkulong na si Alana sa isang guest room ng kanilang mansyon na pansamantalang ginawang changing and make-up room niya para sa event na iyon. Binantaan pa niya ang kanyang make-up artist at dress stylist na huwag bubuksan ang pinto kahit sino pa ang kumatok. At mukhang pinagbigyan din naman siya ng mga magulang na huwag tanungin at hayaan na muna. Although Alana is hundred percent sure that the next morning, she will be bombarded with questions that she’s expecting them to ask of her. And that’s also the reason why even though she has been awake for a while now, Alana still has no plan on leaving the physical comfort of her bed. Halos mapatili si Alana nang marinig ang marahang katok sa kanyang pinto. Ang kaninang kahit papaano ay kalmado pang t***k ng puso ay biglang dumagundong dahil sa patuloy pa ring tunog ng katok. Hindi naman iyon ganoon kalakas o kaya naman ay nagmamadali pero talagang agad na dinapuan siya ng kaba at takot sa kung sino man ang kumakatok sa labas ng pintuan. “Ma’am Alana? Gising na po ba kayo?” tinig ng isa sa mga katulong nila sa mansyon. “Ayon po kay Ma’am Elena ay huwag na raw po kayong magtulog-tulugan pa at magmadali na raw po kayong bumangon at maghilamos dahil hinihintay na po kayo nina Sir Guilberto at Sir Gavin sa hapagkainan. Hindi raw sila magsisimulang mag-almusal hangga’t hindi kayo kasabay.” Nanlupaypay na napahiga si Alana sa kanyang kama sa sinabing iyon ng katulong. She could already intercept the hidden threat that her mother wanted to convey to her. At dahil nga nagbigay na ng pagbabanta ang kanyang ina ay wala ng ibang choice si Alana kung ’di ang sumunod. This is what she would get with all her evasion and avoidance from them. Ngayon nga ay dumating na rin ang kanyang karma. Iyon na siguro ang pinakamabilis na kilos ni Alana sa tanang buhay niya. Daig pa niya ang naka-fastforward sa sobrang bilis niyang bumangon sa kanyang kinahihigaan. Pakiramdam niya nga ay hindi na niya naayos pa ang paghihilamos niya maging ang pagsisipilyo niya sa sobrang pagmamadali. Even the clothes she wear, it was presentable but it wasn’t fashionable enough. Kahit pa nga hindi naman siya iyong tipo nang maselan sa mga sinusuot pero kahit papaano naman ay gusto pa ring maging maayos ang impresyon sa kanya ng lahat. Napahinto lang si Alana sa kanyang paspasan na kilos nang nasa tapat na siya ng pintuan papunta sa dining area. Idinikit niya ang katawan sa dingding at ginamit ito para itago ang sarili sa ginawa niyang pagsilip mula doon. At sa pagsilip niya ang unang nakita niya ay ang harapan ng kanyang mga magulang na masayang nakikipag-usap sa seryosong tiyuhin niya. May kalayuan pa ang kinatataguan niya kaya hindi niya marinig ang kung anumang pinag-uusapan ng mga ito pero nakikita niya ang pagbuka-buka ng mga bibig nila. And she didn’t know how to lip read so she really has no idea about their topic. Halos maningkit tuloy ang mga mata ni Alana para lang mabasa niya ang bawat buka ng mga bibig nila. Sa sobrang pokus niya roon ay hindi niya na napansin ang pagkakahuli sa kanya ni Gavin. “Mi Cara.” By instincts, Alana tried to hide herself behind the wall. Lalo tuloy siyang pinamulahan ng mukha dahil sa ginawa. Nahuli na nga siyang nakasilip, parang tanga pa siyang nagtago pagkatapos. Pagkatapos kastiguhin ang sarili ay dahan-dahang lumabas si Alana sa tinataguan. She couldn’t look straight to their eyes as she still felt the warming of her face. “Good m-morning…” halos pabulong na bati ni Alana. Lalo siyang hindi makatingin sa mga ito nang mahagip niya ang nakangiting mukha sa kanyang Uncle Gavin. Pero sa loob-loob niya ay pinagagalitan niya ito. “How dare he laugh at me?” ani Alana sa isip. “Good morning, baby,” magkasabay na bati ni Elena at Guilberto sa anak. Feeling that she was saved by her parents from embarassment, Alana wanted to thank the two so she just gave them a sweet smile and took her seat. Ang upuan ni Alana ay sa tabi ng kanyang ina pero dahil nga sa may additional sa kanila ngayon ay sa tabi na siya ng kanyang tiyuhin umupo. “Did you sleep well, Mi Cara?” Hindi naman makasagot si Alana sa tanong na iyon ni Gavin dahil nga sa tahimik niyang pinanonood kung paano siya paghainan ng pagkain. Pansin pa ni Alana kung paanong lahat lang ng kanyang paburitong pagkain ang inilalagay sa plato niya nang kanyang Uncle Gavin. Tahimik lang din na pinanood sila ng mga magulang ni Alana kaya naman ang inaasahan niyang hotseat na almusal ay naging tahimik lang at normal. Nawala tuloy sa isipan ni Alana ang tungkol doon kaya sa buong durasyon ng kanilang pagkain ay nakangiti lang siya at masaya. So when her father suddenly cleared his throat when they were about to finish eating their desserts, Alana did not reacted immediately. Kahit nga nang tawagin siya nito ay nakangiti pa niyang tiningnan ang kanyang ama. “Are you willing to talk now, my princess?” tanong pa ng kanyang ama. Doon lang nagproseso sa kanya ang ibig sabihin ng kanyang ama. At dahil sa pagkabigla, although, late reaction, mabilis na nabilaukan si Alana. Holding and thumping her chest, Alana took the glass of water that her Uncle Gavin handed her. “Come on, brother Gill. You’re pressuring Mi Cara,” saway ni Gavin sa kapatid. “Am I? Nagtatanong lang naman ako, ’di ba?” nagtatakang tanong ni Guilberto sa asawa. Bilang sagot sa kanya nang asawa ay tinawanan lang siya nito. And then it was her who tried to interrogate her daughter first. Mas lalo tuloy kinabahan si Alana. Compared to her mother, Alana prefers her father. Maliban sa pagiging daddy’s girl niya ay mas kinatatakutan niya talaga ang kanyang ina. Mas mahigpit kasi ito at talagang marunong magalit unlike her father who would always spoiled her no matter what. “Okay now, tama na sa biruan. Magseryoso na tayo. Care to explain now what you said last night, Alana Brielle?” Hindi malaman ni Alana kung ano ang mararamdam nang muli niyang marinig na tawagin siya ng kanyang ina sa kanyang pangalan. Gusto niyang matuwa dahil nga sa narinig niya ulit siyang tawagin sa buong pangalan ni Elena. At the same time, she also wanted to cry since she wanted to be called like that by her mother on her first life before her death specially when their life started to get ruined and in a jeopardy dahil din sa kagagawan niya. Gusto niyang pagalitan ng kanyang ina, sisihin siya nito katulad na lang ng ibig sabihin sa tuwing tatawagin siya sa pangalan niya o kaya naman sa buong pangalan niya. But she never heard them call her that until they died. Na kahit pa daig pa niya ang pagiging malas dahil nga sa dinulot niya noong unang buhay niya. Fortunately, Alana quickly handled her emotions. She acted like she had been before, pouting her lips towards her mother while looking at the other pitifully. “Ano pa ba ang kailangan kong i-explain, Mom? Whatever I said that night, iyon na ’yun. I wanted to marry Uncle Gavin. And I only want him and no one else!” “But Princess—” Balak sanang kumontra agad ni Guilberto pero pinigilan siyang muli ng asawa. “What happened? Nag-away ba kayo ni Kaede? May nasabi ba siyang hindi mo nagustuhan? If yes, can’t you just forget about it and forgive him? Nagpunta siya kanina rito ng maaga para kausapin ka but you’re still asleep kaya sinabi namin na kakausapin ka muna namin. So if this is only one of your tantrums then could you forget it now and talk with him. Sasamahan ka ng uncle mo para pumunta—” “No,” she resolutely denied. “But—” “Mom, I am serious.” Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Alana. “Kung ano man ang mayroon ako noon para kay Kaede, it was nothing but a fleeting thing. Honestly speaking, it wasn’t Kaede whom I like. It was because he slightly resembles Uncle Gavin that’s why I wanted to put all my attractions and love towards him. Because I know that Uncle Gavin and I can’t be together.” Napahinto saglit si Alana sa pagsasalita nang makita ang gulat na bumakas sa mukha ng kanyang ina at ama. Mukhang nagulantang talaga sila sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Who wouldn’t? Kahit siya ay nagulat na nagawa niyang deretsahang magsinungaling nang hindi man lang kumukurap o ano. All the words escaped her mouth naturally and fluently like it wasn't a patchwork of lies that she fabricated. “Yes, Alana Brielle. You and your uncle really cannot be together. He’s your uncle for pete's sake!” Elena exclaimed, obviously couldn’t believe her daughter’s words. “But not by blood. I am your adopted daughter, right? So hindi dumadaloy sa akin ang dugong Domingo. That’s what I thought first. Everyone knows that I am not a real Domingo. Hindi niyo ba napansin ang reaksyon ng mga bisita kagabi? They are not even surprised when they heard that. Because they knew that marrying Uncle Gavin was not an immoral act.” To prove a point that Alana is really confident about her words, she even proudly crossed her arms. “Kapag ikinasal ako kay Uncle Gavin, then at least, mas may rights na ako bilang Domingo! I am no longer an adopted child of Guilberto Domingo but a legal wife of Gavin Domingo!” Gustuhin man sanang idahilan ni Alana na alam niya ang tungkol sa pagiging ampon ni Gavin katulad niya pero dahil wala naman siyang masabing alibi kung paano at saan niya nalaman iyon ay hindi na niya binanggit pa ’yon at ginamit na dahilan. Isa pa, unlike how everyone had known how she is an adopted daughter, the adoption of Gavin Domingo is widely spread but wasn’t widely talked about. Kaya nga sa nakaraang buhay niya ay nalaman niya lang ang tungkol sa pagiging ampon din ng tiyuhin niya noong bago siya mamatay. Ganoon katikom ang mga bibig ng mga tao patungkol sa bagay na iyon. Isa pa’y ang sinabi niya ay nasasakto lang sa kanyang edad. She couldn’t just act like a real matured woman because her parents might question that. Na mas lalong mahihirapan siyang ipaliwanag kaya naman ito na nga lang ang naisip niyang solusyon. “Oh dear!” Napapatapling na lang sa noo si Elena sa ginawang rebuttal ng anak. Hindi naman na nakapagsalita pa si Guilberto at seryoso lang na nakatingin sa anak. Mukhang natameme sa kanya ang mga magulang lalo na sa kadunungan niyang sumagot. She felt a little bit proud and wanted to add more when the silent man besides her suddenly chuckled. “What have you done to Mi Cara? It was the first time I saw you giving up like that, sister Elena.” Malakas na napaingot si Elena. “Kasalanan ’yan niyang kapatid mo. No, actually kayong dalawa ang may kasalanan. You spoiled her rotten that she became as stubborn as a bull. Kayo ang kumausap diyan!” Pasimpleng napangiwi si Alana para sa kanyang ama. Nasisi pa tuloy ang dalawa dahil sa kanya. Muling napatawa lang naman si Gavin samantalang malakas na napabuntonghininga si Guilberto. Ang kaninang seryosong mukha ng ama ay naging gentle lalo na nang napatingin ito sa kanyang tiyuhin. “Sabihin na lang natin na may tama naman sa sinabi ni Alana—” “What? Guilberto!” Guilberto looked at his wife with a knowing look. “Calm down, Darling.” Nagtitigan pa muna ang dalawa na para bang sa mga tinginan nila ay nag-uusap na sila. It was Elena who look away first with a harrumph. Napangiti lang si Guilberto doon at muling napalingon sa kapatid. “As I was saying, I wanted to hear from you first. Kasi kung ako lang, Gavin is the best choice for her. Pero ang tanong ay kung okay lang ba sa ’yo, Gavin?” tanong ni Guilberto sa kapatid. Imbes na sumagot ay seryosong tumingin sa kanya si Gavin. “I have a question first,” ani niya at nagtanong. “Are you serious about marrying me, Mi Cara?” Isang tanong lang iyon at yes or no lang ang sagot pero parang hirap na hirap si Alana na sumagot. Hindi dahil sa nahihirapan siyang um-oo. Kung ’di dahil sa kakaibang tingin sa kanya ng tiyuhin. Since the man asked him with a straight look in her eyes, it doesn’t seem like it was his mouth who asked the question but his eyes instead. Ang mga mata nito ay parang nangungusap na kung ano man ang lumabas sa bibig niyang sagot ay malalaman at malalaman nito kung totoo ba o hindi. Hindi naman siya magsisinungaling dahil katulad nga ng sabi niya ay kaya niyang isakripisyo ang kalayaan para lang sa siguradong kaligtasan niya at ng mga magulang. It was just, her feelings wasn’t real, and that’s why she’s hesitating. Parang ang tanong kasi ng mga mata ng tiyuhin ay hindi tungkol sa kaseryosohan niya kung ’di mas malalim pa doon. But if she hesitates more, the more it would become fake. So Alana throw those unwanted thoughts at the back of her mind, smiled genuinely at her uncle and answered with her heart. “I’m serious about you, Uncle Gavin. Kung hindi lang naman ako ikakasal sa ’yo, then no one will marry me. That, I swear in the name of the Lord Almighty!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD