bc

[MONTEREAL SERIES8] One Night MISTAKES (Kieanne Alcantara Montereal)

book_age18+
2.8K
FOLLOW
12.9K
READ
dark
HE
playboy
dominant
badboy
bxg
campus
rejected
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhan ni Janella na mapalapit sa lalakeng iniibig nito ay ipinain ang sarili sa isang action party. Ngunit sa kasamaang palad ay ibang lalake ang nakakuha sa kanya at ang taong kinasusuklaman pa nito. Si Kieanne Montereal. Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay magbubunga ng inosenteng buhay? May mabubuo bang pag-ibig sa dalawang taong nagsimula sa isang. . . One Night Mistakes.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Bidding
JANELLA: "Sigurado ka na ba, beshy? P'wede ka pang umatras. Tignan mo nga ang mga makakalaban mo, oh? Halos lumuwa na ang mga kaluluwa nila sa kanilang kasuotan. Mapapansin ka kaya laban sa kanila?" nag-aalalang saad ng kaibigan kong si Melanie. Nandito kami ngayon sa exclusive hotel ng isa sa pinakamayamang pamilya nitong bansa. Ang Montereal's Exclusive Hotel. Pumuslit lang kami ng kaibigan ko para masundan ang lalaking walong taon ko na ring lihim na minamahal. Si Lawrence Castañeda. Anak ng isa sa mga nangunguna ring pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Alam kong suntok sa buwan na mapansin ako nito kahit iisa lang ang campus na pinapasukan namin pero. . . desperada na ako. Nang narinig namin ni Melanie ang usapan nilang magbabarkada. Habang nasa tambayan nila sa likurang bahagi ng campus nami'y parang lumukso sa sobrang tuwa ang puso ko. Ito na ang pagkakataon kong makuha ang attention niya. Kung kinakailangan kong magpanggap na may karanasan na sa pakikipagtalik mapalapit lang dito ay gagawin ko. Mahirap lapitan ang magkakaibigan. Kahit nga mga kapwa nilang mayayaman ay hindi basta-basta nakakalapit sa sino man sa kanila. Ang isang katulad ko pa kaya? Kabado ako sa gagawin ko. May parte sa puso ko na gustong umurong na lamang. Tiyak ko kasing sino man sa magkakaibigan ang makakakuha sa akin ay meron at merong mangyayari sa amin. Si Lawrence lang ang tanging rason kaya ako sumali sa auction party na 'to.Kung kay Lawrence lang ay handa kong ipagkaloob sa kanya ang virginity ko. Pero paano kung iba ang makakuha sa akin? Paano kung hindi niya ako matipuhan at mapunta ako sa isa sa mga kaibigan niya? Mariin akong napapikit na kinakalma ang puso kong hindi mapalagay. Gusto ko mang mag-back-out ay nanghihinayang naman ako sa chance kong makalapit kay Lawrence. Ito na lang ang daan ko para magpapansin dito. Sa university kasi ay hindi ka basta-basta nakakalapit sa kanila. Bukod sa pinagkakaguluhan sila lagi ng mga schoolmates namin ay marami ding bodyguard ang mga itong nakaaligid sa kanila kahit saan sila magpunta. "Sigurado na ako, beshy. Kailangan lang ako ang piliin niya sa oras na siya na ang pipili sa aming nasa auction. Wish me luck!" pinal kong hayag. Tinapik ko ito sa balikat na may ngiti sa mga labi bago pumasok na sa dressing room nitong hotel room naming mga isasalang sa auction. Para maayusan na ako at makapagbihis na rin. Mabuti na lang napapayag namin ang isa sa mga babaeng nabayaran na para sumalang dito sa auction-ang magaganap kaya nakapuslit ako. Abot langit ang kaba at dasal ko na sana. . . sana ako ang mapili ni Lawrence para hindi ako mapasubo sa iba. Kampante naman akong siya ang unang pipili dahil siya ang may birthday at sa kanya talaga nakalaan ang mga babaeng hinire ng mga kaibigan nito para ipan-regalo sa kanya ngayong gabi. PANAY ang buga ko ng hangin habang inaayusan ako sa harap ng malaking salamin. Nangangatal ang mga kamay kong mahigpit na magka-intertwined dahil sa kabang hindi maalis-alis sa dibdib ko. Habang papalapit ang oras na pumasok kami ng auction ay palakas naman ng palakas ang kabog sa dibdib ko. Mabuti pa ang mga kasama ko at excited silang makita ang magkakaibigan. Habang ako naman ay halos maihi na sa panty ko dala ng labis-labis na kaba. "Tadan! Okay na, ganda! Grabe naman. Para kang artista sa ganda mo. Para kang buhay na barbie lalo't maliit ka at balingkinitan ang perpektong hubog ng pangangatawan mo! Nainggit tuloy ako," namamanghang bulalas ng make-up artist na binabaeng siyang nakatokang mag-ayos sa amin. Unti-unti akong nagdilat at halos lumuwa ang mga mata kong napanganga sa salamin sa transformation ko! Napasipat-sipat pa ako sa mukha ko na ikinahagikhik ng binabaeng nag-ayos sa akin. Napakaganda ko nga at halos hindi na makilala ang sarili. Maganda naman kasi talaga ako dahil may lahi akong Italian. Italiano ang ama ko at purong pinay naman si Mama na binuntis lang ng ama kong isang turista noon sa probinsya namin sa Ilocos. Pero nang mabuntis niya si Mama ay naglaho itong parang bula. Kaya wala akong kinagisnang ama dahil na-trauma si Mama sa karanasan kay Papa na matapos pagparausan ay iiwan na lang basta. "Magbihis ka na do'n, ganda. Ikaw na lang ang hinihintay para maisalang na kayo sa loob," anito na ikinatango ko. Nangangatog ang mga tuhod kong tumayo at inabot ang kapirasong telang isusuot ko. "T-Teka. . . w-wala po bang iba? Napaka-revealing nito masyado. Sa sobrang nipis tanging mga n*****s at butas ko na lang yata ang hindi kita," reklamo ko na ikinatawa nito ng pagak at napapailing sa akin. "Ano ba sa tingin mo ang pupuntahan mo, day? Hello? Auction party 'yon. Paano ka pagnanasahan ng mga lalake do'n kung nakapang-Maria Clara kang balot na balot?" naiiling saad nito. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago pumasok sa silid na pagbibibisan ko. Naluluha kong pinagmasdan ang kabuoan ko dito sa loob ng dressing room kung saan kaharap ang isang full length mirror. Daig ko pa ang babaeng pokpok na sasayaw sa isang club sa suot ko! Mapait akong napangiti at makailang beses nag-enhaled exhale para kalmahin ang sarili. Hindi naman kasi ako revealing magsuot. Palagi ngang jeans at sweatpants ang suot ko. Hindi ako komportable na nakalantad ang mga hita at cleavage ko. Kaya pakiramdam ko ngayon ay nakahubad ako sa laswa ng lingerie na suot-suot ko. Napaka-revealing na nga, napakanipis pa na halos kita na ang kaluluwa ko. "Kaya mo 'to, Ella. Ngayon ka pa ba pag-uurungan ng buntot? Abot-kamay mo siya. Konti na lang," pagpapakalma ko sa sarili. Ilang minuto muna akong napapabuga ng hangin dito sa loob na kinakalma ang puso ko. Pero kahit anong pakalma ko sa sarili ay lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Iisipin ko pa lang na makakaharap ko at makakasama sa kama ngayong gabi ang ultimate crush ko ay para ng sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyong nadarama ko. Matamis akong ngumiti para i-relax ang mukha ko bago lumabas at tumuloy na sa vip room na akupado ng magkakaibigang tinaguriang mga Greek God sa campus namin. Dahil bukod sa likas silang saksakan ng kakisigan at kagwapuhan ay mga nanggaling din sila sa mga pamilyang pinakama kapangyarihan sa bansa maging sa Asia. Mga bilyonaryong tagapagmana ng pamilyang pinanggalingan nila kaya lahat ng kababaihan at maging mga binabae ay nagkakandarapang magpapansin sa kanila. Nasa apat sila sa grupo at tinawag ang grupong HH4 na ibig sabihin ay 'handsome heirs 4' na totoo naman. Si Kieanne Montereal. Ang leader ng grupo galing sa angkan ng pamilya Montereal. Kung tutuusi'y siya ang pinakamalakas ang dating sa kanilang apat dahil siya ang pinakagwapo, pinakamakisig at pinakamayaman sa kanila pero ito ang pinaka-arogante na lalong ikinalakas ng kanyang dating! Si Lawrence Castañeda naman ang pumapangalawa at pinakatahimik sa grupo. Siya ang lalakeng unang kita ko pa lang noon ay humanga na ako. Nasa first year highschool pa lang ako noon ng makita ko ito sa bayan namin sa Ilocos. Naligaw siya sa tindahan namin ni Mama noon sa harap ng resort na tinutuluyan nito. Mula noon ay sinusubaybayan ko na ito sa social media niya at talaga namang milyon-milyon lang namang die hard fans ang karibal ko sa kanya. Hindi pa kabilang ang mga model, beauty queen at actress na nagkakagusto at nali-link sa kanya na ikinadudurog ng mumunting pag-asang meron ako. Na mapasaakin ito. . . balang araw. Si Claude Ivan Madrigal naman ang pangatlo na pinsan din ni Kieanne Montereal. Hindi rin pahuhuli sa kanilang apat dahil walang itulak-kabigin sa kanila! Pero dahil loyal ang puso ko kay Lawrence ay sa kanya lang talaga ako napapanganga at kusang napapatulo ng laway sa tuwing nakikita ito! At ang panghuli si Spencer Buenaventura. Pinakasimple sa kanilang pumorma pero pokerface naman lagi at focus lang sa pag-aaral. Kahit ang tatalino na nila at silang apat ang nangunguna sa school maging sa mga sports na kinabibilangan nila. Kahit napakamahal ng tuition fee sa university namin ang Del Prado University na pag-aari rin ng pamilya Montereal ay ginawa ko lahat makapasok lang as scholar ng school. Hindi kasi kakayanin ni Mama ang tuition fee na aabot sa kalahating milyon sa isang semester lang! Kaya nga utak at diskarte ang pinuhunan ko para makapasok sa school nila Lawrence Castañeda at mas mapalapit ako dito. Graduating na kami dahil kasabayan at kaedaran ko lang naman ang mga ito at iisa ang kurso namin dahil ginaya ko talaga ang kinuha nito. Business Add. Pero hindi naman kami classmates dahil naka-separate silang apat ng silid na tanging mga bilyonaryong mag-aaral ng school ang nakakapasok doon. Kaya hindi kami p'wedeng mga schoolar lang ng school sa room nila. "Drink this, ganda. Para kumalma ka at magkalakas-loob ka sa pagpasok at pagsungkit sa puso ng mga herederong Greak God sa loob." NAPALINGON ako sa nagsalita sa likuran ko at nabungaran ang binabaeng nag-ayos sa amin. Inabutan ako nito ng isang glass ng red wine. Tipid akong ngumiti at inisang lagok iyon na nagpangiti ng pagkatamis-tamis dito. "How do you feel?" malambing tanong nito. Pilit akong ngumiti na tumango lamang. "Okay lang po. Kinakabahan po pero kaya naman," pagtatapat ko. Napanguso naman itong bahagya pang inayos ang ilang nalukot sa lingerie ko. Matamis na napangiti na pinasadaan ang kabuoan ko. Naiilang tuloy ako dahil damang-dama ko ang tiim ng pagtitig nitong bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata. "Sige na. Pumasok na kayo doon. Good luck," anito na hinaplos pa ako sa ulo at matamis na ngumiti. "Salamat po," aniko at lumabas na ng silid. Naaubatan ko naman ang limang makakasama ko sa bidding na nababagot nang nag-aabang sa paglabas ko. Bakas ang pagkagulat at mangha sa mga mata nilang nakatutok sa akin na lihim kong ikinangiti. Kahit paano'y nagkaroon ako ng lakas na loob dahil 'di hamak na mas lamang ako sa kanila. Kahit pa ako ang pinakamaliit sa amin sa height kong 5'2 ay ako naman ang pinaka-fresh tignan at may pinakaperpektong hubog ng pangangatawan. At pinakamaganda rin na nagpalakas lalo ng kumpyansa ko. Tahimik akong napasunod sa mga itong pumasok ng VIP room. Nangangatog ang mga tuhod ko pagpasok namin ng silid. Damang-dama ko tuloy ang lamig na ibinubuga ng aircon dala ng kaba ko at halos manigas na. Mariin akong napapikit na nagpatianod sa staff na umalalay sa aking pumasok sa isang silid na puro salamin ang dingding. Nangangatog ang mga tuhod na naupo. Ngayon pa lang ay para ng sasabog ang dibdib ko na nasa harapan ko ang apat na magkakaibigan. Ni hindi ako makaangat ng mukha sa kanila at hiyang-hiya dito sa harapan. Mabuti pa ang mga kasama ko dahil kitang proud na proud pa silang matamis na nakangiti at hindi mo mababakasan ng kaba. Habang ako ay para ng tuluyang nanigas dito sa loob at ni hindi makaangat ng mukha. PANAY ang buga ko ng hangin habang hinihintay ang sunod na mangyayari. Kung saan pipili na sila Lawrence sa aming mga nakahain ng auction. Napapalibutan kami ng salamin kaharap ang apat na Greak God na tila mga judge sa harap namin na siyang pipili sa amin ng makakasama sa kama! Nangangatog ang mga tuhod ko at napayuko ng sa wakas ay bumukas na ang ilaw sa kinaroroonan namin at dumilim naman ang kinaroroonan ng apat. May malaking screen din sa gilid namin kung saan naipapalabas doon ang mga nickname na ginamit namin. Habang dahan-dahang umaangat ang camera sa pangangatawan namin isa-isa na tila introduction sa isang movie. Panay ang lunok ko at 'di makaangat ng mukha nang masulyapan kong ako na ang nasa screen. Kung saan nag-umpisa sa talampakan kong nakaangat mula sa pagkakadapa ko sa kama at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa akin. Dinig ko naman ang hiyawan at palakpakan nilang lihim kong ikinadiwang. Kahit paano'y nagkaroon ako ng malaking kumpyansang mapipili ako ni Lawrence! Kahit isang gabi ko lang itong makakaniig kung magbubunga nama'y may habol na akong mapasa akin ang lalaking pinagpapantasyahan ko buong buhay ko. Wala naman akong pakialam sa yaman niya dahil hindi naman pera niya ang nagustuhan ko sa kanya kundi. . . siya mismo. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang sa wakas ay natapos din ang auction. Malakas ang kutob kong si Lawrence ang nakapili sa akin dahil ako ang unang napili. Para kay Lawrence kasi ang auction party na ito kung saan siya ang unang pipili ng babaeng makakasama niya sa kama. Kaya naman malakas ang hinala kong. . . si Lawrence ang nakapili sa akin. Iisipin ko pa lang na makakaharap ko siya, makakausap, mayayakap, mahahalika and worst. . . makakasama ko siya sa kama ay para na akong nanalo sa lotto! Hindi ko maitago ang kilig at saya ko na makakasama ko sa buong magdamag ang ultimate crush ko. Once in a blue moon lang dumating sa akin ang chance na 'to kaya hindi ko na sasayangin pa. NANG makapili na ang mga ito ay inalalayan na kaming lumabas ng ilang staff at dinala sa kanya-kanyang silid! Sobrang bilis ng kabog ng puso ko habang tinatahak ang hallway papasok sa silid na kinaroroonan ng taong pumili sa akin. Umaasang si Lawrence iyon dahil siya naman ang unang pipili sa kanilang apat dahil ito ang birthday celebrant kaya kumpyansa akong siya ang pumili sa akin. Nangangatal ang kamay kong mahigpit na humawak sa doorknob ng silid na nakalakip pa ang private residential suites na lalo kong ikina-excite! Pikitmata kong pinihit ito at marahang itinulak. Lalong nadagdagan ang hilo at init na nararamdaman ko nang mabungaran ang lalaking nakapamulsa. Nakaharap sa salaming bintana habang may hawak na glass wine. Kabado ako at makailang beses napapalunok sa init na lumulukob sa akin! Para akong biglang sinapian ng ibang enerhiya at gusto na itong hilahin para maangkin! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko pa naman nararamdaman ang ganito dati. Napahaplos ako sa lalamunan ko at biglang sumagi sa isip ko ang pinainom sa akin ng binabaeng nag-ayos sa akin na isang glass wine. Magmula no'ng mainom ko iyon ay parang may lumukob na lang sa akin na kakaibang init at pagnanasa! Napatakip ako sa bibig at nangilid ang mga luha na mapagtanto kong may inilagay ito sa pinainom sa akin kaya ganito ang nararamdaman ko. Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Pilit kinakalma ang puso ko. Ayoko namang ma-dissapoint ko ito na mabasa niyang kabado ako. Baka mamaya ay mabisto pa niyang hindi naman talaga ako ang babaeng prostitute na nabayaran nila para sa auction na ito. Huminga akong malalim na inihanda ang matamis kong ngiti sa mga labi habang nakamata sa likuran nito. Kahit nakatalikod siya sa akin ay bakas ang kagwapuhan niya. Pero ang matamis na ngiti ko ay unti-unting napalis nang dahan-dahan itong pumihit paharap sa akin. Ngunit ang lalong nagpahina ng mga tuhod ko kaya napasalampak sa gilid ng kama ay nang mapaangat ako ng tingin sa lalakeng nakangisi sa akin at napagtantong hindi siya si Lawrence kundi. . . si Kieanne Montereal! "Hi, gorgeous. Ganyan ba kalakas ang tama ko sa'yo para panghinaan ka ng mga tuhod pagkakita mo pa lang sa akin?" tila nang-uuyam pang saad nito bago inisang lagok ang hawak na glass wine. Muli itong nagsalin at dahan-dahang naglakad palapit sa kinauupuan ko. Hindi ako makatingin sa mga mata nitong napakalagkit ng pagkakatitig sa akin at tumatagos hanggang buto ko. Iniabot nito ang dalang glass wine na ininuman nito pero ang nakabote ang kinuha ko at direktang tinungga iyon na ikinahalakhak at iling nito. Napairap na lang ako dito at dismayadong hindi ako pinili ni Lawrence. Sa kaisipan pa lang na isa na sa mga nakasama ko kanina ang kaniig nito ngayon na sumasamba sa pinagpapantasyahan kong pangangatawan nito'y parang pinipira-piraso ang puso ko. Nangilid ang mga luha ko at sunod-sunod na nilagok ang wine hanggang maubos ko ito. Matiim lang namang nakatitig sa akin si Kieanne na wala akong pakialam! Dismayado talaga ako na nagbaka-sakali sa bidding-bidding na 'to! Parang isang malakas na sampal sa akin ang katotohanan. Na kahit bumaba na ako para makuha lang ito ay wala pa rin. Hindi niya pa rin ako makita at wala pa ring interest ito ni katiting sa isang tulad ko. Tumayo na ako at akmang tatalikuran na ito nang bigla nitong hinablot ako sa brasong ikinanigas ko. Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang lumukob sa akin sa pagkakahawak nito sa balat ko! "Not too fast, honey. Why, are you disappointed and expecting someone else from my friends, hmm?" Kinikilabutan ako sa lalim ng baritonong boses nito at 'di makatingin sa mga mata nito ng diretso. Napayuko ako at pinangilidan ng mga luha dahil totoo naman ang hula nito. Pinihit ako nito paharap sa kanya at humawak sa baba ko patingala dito. Sa laki niyang tao'y nasa tapat lang ako ng dibdib nito! Nag-aapoy ang mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. Ngumisi ito at hinila ako palapit pa dito kaya tumatama na rin sa puson ko ang nakabakat nitong alagang tila bakal na sa tigas! Umiling ako dito at nagsusumamong tumitig sa kanyang mga mata na ikinasalubong ng malago at itim niyang mga kilay. Kahit napakagwapo niya lalo na sa malapitan dahil makikita mo kung gaano ito kakinis at kaganda ng kulay abong singkit niyang mga mata. Idagdag pang mahaba at malago ang itim na itim nitong mga pilikmatang lalo niyang ikinagwapo! Maging hugis ng mukha nito'y napaka-perpekto ang pagkakahulma. Dinaig pa nito ang mga local actor at model dito sa bansa sa kanyang itsura. Pero wala akong pakialam at hindi talaga ako intresado sa kanya. Si Lawrence ang gusto ko. Pero heto at ang tinagurian pang beast in bed ang pumili sa akin. Pesteng buhay 'to! Napakamalas ko talaga! "Uuwi na ako. Pasensiya na, young master. Hindi ko po kaya," pakiusap ko na ikinangising aso nito at bahagyang umatras. "Paano 'yan? Bayad ka na, honey," saad nito habang isa-isa ng binubuksan ang mga butones ng suot nitong light blue long sleeve. Umiling ako at nagsusumamong tumitig dito kahit wala ng pag-asang pakakawalan niya ako. "Hindi na ako virgin. Iba na lang po, young master. Hindi po ako nababagay maikama niyo. Marumi na po ako at ilang lalake na rin ang nakinabang sa katawan ko," pangungumbinsi ko pa dito. Malutong itong napahalakhak at naiiling habang patuloy pa rin sa pagkalas ng butones sa suot nito. "Mas maganda nga 'yon eh. Mas gusto ko ang wild at experienced na mga babae para masabayan naman ako." Tumulo ang mga luha ko sa sinaad nito. Kaagad akong lumapit at lumuhod sa harap nito para pakawalan lang ako. " I'm sorry po, young master. Nagsinungaling ako. V-Virgin pa po ako at walang kaalam-alam sa kama. Hindi ko po kayo mapapaligaya. Pakiusap po, payagan niyo na akong makauwi," desperadang pakiusap ko habang nakaluhod. Muling napahalakhak ito at tuluyang hinubad ang polo kaya tanging white sando na lang nito ang suot pang-itaas na nagpalunok sa akin. Muli na namang bumangon ang pagnanasang nararamdaman ko na pilit kong nilalabanan. Ngumisi ito at isinunod na ini-unbuckle ang sinturon at walang pasabing kinalas ang kunsa no'n. Namilog ang mga mata ko na dumausdos sa paanan nitong kaharap ko ang slack black pants nito. Tumambad sa harap ko ang makinis at mahaba nitong binti na lalo kong ikinalunok! "Gawin mo na lang ang trabaho mo. Nakahanda naman akong gastusan ka, honey. Kahit milyon pa ang hingin mo para sa gabing 'to," anito na ikinatingala ko. Yumuko ito at hinawakan ako sa magkabilaang braso patayo. Wala akong mabasang emosyon sa kulay abong mga mata nitong napakalagkit ng pagkakatitig sa akin. Pigil ang hininga ko nang pasadaan ako nito mula ulo hanggang paa dahil nakasuot pa rin ako ng napakanipis at iksing white lingerie. Nanginginig na ako sa sobrang kaba at lamig ng silid! Napadila pa ito sa ibabang labi habang nakatutok na ang mga mata sa mayaman kong hinaharap. "From now on. . . you are mine. Janella. From your head. . . down to your toe. Keep that on your f*****g pretty head, honey," anito at marubdob inangkin ang mga labi ko! NANIGAS ako at hindi makahulma sa kinatatayuan. Nagsilaglagan na rin ang butil-butil kong luha sa kawalan ng pag-asang pakawalan pa ako nito. Hindi ko gustong ibigay sa kanya ang katawan ko. Hindi para sa kanya ang katawan ko. Pero paano pa ako makakatakas sa kanya ngayon? Kung para lang akong daga at isa itong leon na ikinulong ako sa kanyang hawla. Paano ako makakatakas sa kanya kung. . . wala na akong kawala. Mariin akong napapikit na hinayaang umagos ang masaganang luha ko. Napaka agresibo pa naman ng ginagawad nitong halik na halos higupin ang buong labi ko. Hindi ako makakilos o makatugon at parang mauubusan ng hangin sa baga. Ni hindi ko ito maitulak dahil nakahawak ito sa batok ko at mapusok na inaangkin ang mga labi ko. Pakiramdam ko nga ay nangangapal na ang mga iyon. Gigil na gigil itong sinisipsip at kinakagat kagat ng salitan at napapaungol pa. "Tama na. Tama na po," piping usal ko na nanghihina ang mga tuhod at kalamnam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook