bc

A Frisbee Lovestory (one-shot story)

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
second chance
badboy
goodgirl
lighthearted
highschool
classmates
friends
like
intro-logo
Blurb

May highschool sweethearts na naging magkasing-irog dahil gusto 'lang' nila.Walang masyadong ligawan ang nangyari at sakatunayan, dinaan lang sa text ang ligaw at sagot... Masasabi natin na parang AyosDito.com ang naganap... ito'y HANAP, USAP, DEAL...

Pero ang babae ay matagal ng may pagtingin sa lalaki kaya dali dali niya itong sinagot... pero ito'y kabaliktaran para sa lalaki.Umabot sila ng isang taon pero ganun pa rin ang kanilang relasyon na wari ba'y sa unang tingin ay hindi sila mapa pag-kamalang magsing-irog. Hanggang sa umabot sa puntong napagtanto ng lalaki na ang relasyon nila ay dapat ng tapusin at wakasan...

May Chemistry kaya sila na magkakaroon ng isang 'Covalent bond, a chemical bond formed between atoms by sharing of electrons?'

or

Math na ±XYZ(.05)-AB(-56)AB-BCD = 'its too complicated?'

chap-preview
Free preview
The Beginning of an End which is a Beginning...
What comes easy, won't last... What last, won't come easy... ••• Micheal's POV     Tahimik kaming kumakain ngayon sa tahimik na canteen. Napabuntong hininga ako. Ano ba naman to! Ang tahimik na nga ng canteen, tahimik pa ng babaeng kasama ko ngayon, ang girlfriend ko. Boring! Sana nandoon na lang ako sa babes 1 ko, o di kaya sa babes 2... 3... 4...     Tinignan ko siyang maigi at hindi ko maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko katulad ng mga lalaking mahal ang kanilang mga nobya yung tipong walang halong kalokohan.     Hindi ko ito maramdaman sa kanya at kahit maghiwalay kami ngayon ay sigurado akong hindi ako mang-hihinayang at iiyak sa isang taon naming relasyon. Sabagay, siguro?... naglalaro lang naman ako.     Napabuntong hininga ulit ako at tumingin sa paligid ng canteen. May nakita agad akong isang magkasintahan dahil katabi lang sila ng table namin. Pinagmasdan ko silang maigi at ang sweet nila, kulang na nga lang langgamin sila dahil sa paghaharutan eh. Pfft! Mga corny!     Binalik ko ang tingin ko sa kanya at umiinom na siya ng Coke niya. Napagtanto kong ang layo na nga ng petsa ng aming relasyon dahil First Anniversary na namin ngayon at simpleng "Happy Anniversary" at isang scrapbook na puro litrato KO lang ang natanggap ko galing sa kanya. Di sa mapili ako at hindi ko na-appreciate ang ginawa niya pero sa isang taon naming magkasintahan ay ni isa wala kaming holding hands, walang kiss (kahit sa cheeks), walang yakap, walang endearment, walang away, walang selos, walang lambingan at higit sa lahat walang kasiyahan. Ang meron sa amin ay wala, walang-wala. Napaka boring talaga.     Natanong ko bigla sa aking sarili, meron ba kaming, kami?! at dahil sa wala talaga akong maisip na kami, napag-desisyunan kong tapusin nato. Nag-aaksaya lang kami ng oras sa isa't isa...     "Mika--"     "Uy, tol! Andito ka lang pala!" sigaw ni Mark sakin, ang bestfriend ko at ang walang hiya ay umupo agad sa tabi ko "Tara tol Dota tayo," pinandilatan ko siya. Di ba niya nakikita kumakain kami ni Mikaela?! "Sige na! Simula na ng Christmas vacation natin bukas, wala ka ng alalahanin para sa school project. Pumayag ka na!" pangungulit nito. Aba, wala talagang modo! Di ba niya napapansin na andito si Mikaela?!     "Aray! Bakit mo ginawa yun?!" aniya niya ng binatukan ko siya sabay himas sa ulo niya. Baka gumana ang utak ng taong to KUNG meron mang utak.     Pinandilatan ko siya ulit. "Ahh, hehe. Hi Mikaela, andyan ka pala," sabi niya na parang nahihiya pero sakatunayan ay wala talaga tong bahid ng hiya sa katawan. Napansin lang niya si Mikaela ng tumawa ito ng mahina dahil sa pag-batok ko sa kanya. "Okay ba sayo sama sakin si tol?" tanong niya.     Tumingin si Mikaela sakin at ngumiti. Masasabi kong maganda si Mikaela, maganda ang kanyang mga ngiti pero ewan ba't hindi kumakaripas ang puso ko sa tuwing ngumingiti siya. Aaminin ko na niligawan ko siya dahil sa naging interesado ako sa kanya. Isang babaeng maganda, mahinhin, matalino at tahimik. Pinangako ko sa sarili ko na susubukan kong mag-seryoso sa kanya, ang babaeng masasabi kong 'ideal girl' para sakin pero ewan, nung nakamit ko ang kanyang 'Oo' at naging nobya, hindi ko masabing na galak ako. Sakatunayan, gusto ko pang magka-nobya ng iba, eh.     "Okay lang," simple niyang sabi sabay ngiti na naman.     At siya lang ata ang babaeng ni hindi marunong magalit kong palaging nagdo-dota o nakikipag-harutan sa ibang babae ang kanyang nobyo. Robot ba to?! Parang walang damdamin eh!     Tumingin ako sa kanya, baka sakaling nagbibiro lang siya kasi baka gusto niya talaga akong makasama dahil anniersary namin pero nginitian niya ako na waring pinapaalis na. Ngumiti nalang din ako sa kanya.     "Sige, alis na kami," sabi ko sabay tayo at umalis na. Ngayon mas napatunayan kong walang kami.     Nilabas ko ang cellphone ko at nag-text sa kanya... To: Mikaela Kita tayo bukas, 4:00 pm sa park ng village. May sasabihin ako sayo. [Sent]     At binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko. Dapat matigil na ang kahibangang ito. Mikaela's POV     Napabuntong hininga ako at ginulo ang buhok ko. Ay! Sayang, gusto ko pa siya makasama pero alam ko gusto niya mag-dota kasi kung may plano siyang samahan ako, niyaya niya sana ako, diba? o kaya naman tumanggi siya kay Mark.     Napabuntong hininga ulit ako. Ba't ba kasi hindi ako expressive na tao. Oo, hindi ko ma-express ang nararamdaman ko para sa kanya, nahihiya talaga ako.     Gaga lang talaga ang peg diba?! Nahihiya sa kanyang nobyo pero yun ako eh, kahit gustong gusto kong iparamdam ang damdamin ko sa kanya... Wala! Walang kabuluhan ang nangyayari, ni hindi ako makapag-salita pag andyan siya. Laging may kumukuryente sakin pag nag-lapit kahit konting balat namin kaya hanggat sa maaari ay ayaw ko siyang hawakan at ayaw kong magpahawak sa kanya.     *Totoot... totoot*     Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng school uniform ko. From: Micheal Kita tayo bukas, 4:00 pm sa park ng village. May sasabihin ako sayo. [End of Message]     Bigla akong kinabahan. Ewan ko, may nakukutuban akong hindi maganda. Siguro magka-katotoo ang sinasabi ng manghuhula na sa Disyembre seventeen ay may mangyayaring masama sakin at maganda ang magiging resulta. Maganda ang resulta?! Dahil sa masamang pangyayari, maganda ang kinalalabasan nun?! (ANO YUN?! JOKE?! ABAY EWAN!) AT BUKAS NA IYON LAHAT MANGYAYARI.     Nag-reply ako sa kanya habang nanginginig ang aking mga kamay. To: Micheal O sige [Sent] ***Dec. 17***     Naglalakad na ako papuntang park sa village namin. Kinakabahan talaga ako, sa puntong maririnig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso at pinalala pa ng nanginginig kong mga tuhod na halos magkan-dadapa ako habang naglalakad.     Nakita ko siya agad, sa tangkad at gwapo niya siya lang talaga ang bukod tangi kong nakikita na parang na wala lahat ng taong nakapaligid sa amin.     Dug... Dug... Naprapraning na naman ang puso ko.     Napangiti ako. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Kinawayan ko siya, kumaway din siya pero di ngumiti. Bigla ulit akong kinabahan, mas domuble pa nga ang bilis ng pagtibok, na padabog kong puso. Nakakabingi!     "Hi," bati ko sa kanya. Ang kauna-unahang pagbati ko sa kanya kasi pag magkikita kami siya ang unang kakaway, ngingiti at babati sakin. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya eh pero hindi na ngayon, dapat maging expressive na ako. Payo nga ng mga kaibigan ko sa akin na, "If you can't tell it by words, express it through actions."     Nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ang kamay niya at tulad ng inaasahan ko ay may kung anong kumuryente sakin, mas hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa kamay niya para labanan ang kuryenteng ito.     Napasinghap siya sa ginawa ko, mahihinuha mong nabigla siya sa ginawa ko. Eh, sino bang hindi mabibigla, first time kong ginawa yun sa kanya. Takte! Bat ang init ata bigla.     "Uy, Micheal," sigaw ng isang lalaking di ko kilala. Ito'y lumapit samin at may kasama pa pala siyang dalawang lalaki at tatlong na babae. Napa bitaw ako sa paghawak sa kamay ni Micheal. "Kumusta na insan?"     "Okay lang," nagbatian sila at nag bro fist pati din dun sa mga kasamahan ng lalaki.     "Ah Mikaela, mga insan ko pala. Si Rence, Sophia, Roux at Rick," kinamayan ko silang lahat habang nakangiti. Si Rence ay matangkad at gwapo pero syempre mas gwapo parin ang nobyo ko, Si Sophia na mataray tignan pero feeling ko mabait naman, at ang kambal na sina Roux at Rick, ang gaganda din nila. Talagang nasa lahi nila ang gwapo't magaganda noh? "At si Theresse, girlfriend ni Rence at ito si Alden boyfriend ni Sophia."     "Humph! Di ko boyfriend yang pangit na yan, noh!" sabi ni Sophia sabay irap kay Alden at may flip hair pang kasama. Well, mataray nga talaga to.     "Uy, gf mo noh?" tanong ni Rick sabay nguso sakin at bigay ng pilyang ngiti. Tumango lang si Micheal. "Lika laro tayo!" pag-aaya niya sakin sabay akbay.     "Sige. Teka, ano bang lalaruin natin?" galak kong tanong. Sige na medyo na excite ako. Minsan lang magkaroon ng kaibigan at pinsan pa ni Micheal.     "Frisbee," excited na sagot ni Theresse. Tumango ako at maglalaro na sana kami ng hinawakan bigla ni Micheal ang aking braso.     "Wag ka sumali. Hindi ka marunong mag-Frisbee," sabi nito ng seryosong seryoso at andyan na naman ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.     "Okay lang yan pre, di din naman kami marunong mag-Frisbee eh," sabi ni Alden sabay akbay sakanya at wala ng nagawa si Micheal kundi payagan akong maglaro. Micheal's POV Sadyang may mga babae talagang pang-display sa tropa o pang-gala, Mga babaeng bine-bestfriend pero nag-iisang babaeng pang-bahay, di para gawing kasambahay kundi gawing misis para makasama habangbuhay... •••     Nag-laro na sila ng Frisbee at ako naka-upo lang sa ilalim ng puno. Ayaw kong makisali si Mikaela sa kanila kasi pano ko na sasabihin sa kanyang makikipag-break na ako?! Takte na buhay oh!     Pero bat ba may kung anong kuryente ang dumaloy sakin nung hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pati nung hinawakan ko ang braso niya?! Ahy naku! Gulo talaga ng buhay parang life!     "Sali ako," sigaw ko sa kanila. Bored na din kasi ako.     Naging four vs. four ang labanan. Ako, Rence, Alden at Rick ang magkakampi ang kalaban namin ay syempre, sina Mikaela, Theresse, Sophia at Roux.     "Oh saluhin nyo!" sigaw ni Rence sa kanila. Hinagis niya ang plastic disk ng malakas at ito'y napunta sa direksyon na malapit kay Mikaela.     Hinabol niya ito habang tawa ng tawa at naka-ngiti.     Dug... Dug... Dug... Dug...     Natulala ako at bigla parang nagslow-mo lahat.     Medyo dumidilim na ang paligid dahil sa malapit ng gumabi pero bat si Mikaela parang kumikinang at nagpa-liliwag sa aming madilim na paligid? Ang kanyang mga ngiti na wari'y nagpapahina ng aking mga tuhod, ang mapungay niyang mga mata na pinupuno ako ng kasiyahan, at ang nakalugay niyang buhok na dahan dahang umaalon dahil sa hangin ay biglang nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ano to?! Ang weird ata parang na bulls eye ako ni Cupid.     Biglang nagfast-forward lahat at imbis na masalo niya ang plastic disk ay nataman siya nito sa ulo dahilan ng pagka-tumba niya at napasub-sub ang mukha sa putikang d**o.     "Okay ka lang Mikaela?" tanong ni Roux at agad kaming tumakbo patungo sa kanya.     Lumapit si Mikaela sakin na naka yuko, grabe bat di ako agad na in love sa girlfriend ko, bat ngayon ko lang to naramdaman? Ang pakiramdam na nakumpleto dahil sa kanyang presensya.     Isang babaeng maganda, matalino, masayahin, mahinhin kahit lampa okay lang, mabait at higit sa lahat matinong babae. Ini-angat niya ang ulo niya at nakita kong putikan ang kanyang pisngi dahil sa pagkasub-sob sa putik.     "Natamaan ako," mahina niyang sabi sabay himas sa ulo niya na tinamaan ng plastic disk at parang maiiyak na ata.     Ngumiti ako sa kanya habang pinupunasan ang putikan niyang pisngi pagkatapos ay niyakap ko siya ng pagka-higpit higpit sabay sabing, "Ako din... Natamaan din ako."     "Ayeeeeee may Chemistry sila," kantyaw naman ng mga insan ko samin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.6K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
299.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook