Chapter 2

1228 Words
KINAUMAGAHAN ay nagising ako mula sa malakas na pagkatok sa kwarto ko. “Danice?! Danice! Uncle Renzo ‘to!” “Uncle, ano po iyon?” “Buksan mo ‘to, may bibigay ako sayo.” saad niya kung kaya't binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng fresh red roses. “Oh ayan, galing yan kay Mr. Dominguez. Hindi raw natuloy ang date niyo kahapon kaya ngayon na lang daw.” Napabuntong hininga ako at nagmake face kay Uncle. “Oh, bakit?” “Uncle, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko siya type?! and he’s way too older than me. He’s 40 something and I’m just 26 years old.” “Sobra ka naman! come on, Mr. Dominguez is a fine man.” “Uncle naman, wag mo naman akong ipagkasundo sa mga ka-edaran niyo ni daddy! at saka kung ganyan rin lang edi sana ikaw na lang ang pinatulan ko!” “Hey, kung anu-anong lumalabas na masama dyan sa bibig mo! Ikaw bata ka, hindi naman kita pinalaking ganyan ah!” “Ang sinasabi ko lang wag naman ho matanda ang ipa-blind date niyo sa akin!” “Alam mo ikaw, ang gulo mo eh, binibigyan kita ng ka-edaran mo ayaw mo kasi sabi mo immature, ngayon naman binibigyan kita ng mas matanda at mas matured sayo ayaw mo rin! gusto ko lang naman maging maayos ang buhay mo, Danice!” “Maayos ang buhay ko, Uncle, hindi ko kailangan ng lalaki!” “Nasasabi mo lang ‘yan ngayon.” “Buti kung lahat ng lalaki katulad mo Uncle, na responsable. Just look at my dad!” “Magulo lang isip ng tatay mo ngayon, hayaan mo, ako bahala.” “Kahit wala ka ng gawin Uncle, okay na ako! hindi ko naman na mababago ang nakaraan!” “Fine but can you please go on your date with Mr. Dominguez? He’s really expecting you.” Nagtaray at nag-rolled eyes ako kay uncle dahil ipipilit niya talaga ang gusto niya. “Just try, ngayong gabi lang, kung hindi mo talaga siya type, fine, maghahanap nalang ako ulit ng iba.” “Uncle naman, hindi negosyo ang buhay ko. I want to marry for love and not just some stupid business contract!” “Hindi mo alam ang sinasabi mo Danice, ang mommy at daddy mo, arranged marriage lang din naman sila pero tignan mo naman diba? they love each other kaya nga hanggang ngayon halos mamatay sa lungkot ang tatay mo eh… pakiramdam niya wala ng ibang babaeng makakapantay sa mommy mo.” “Wala na talaga Uncle, nag-iisa lang ang mommy ko.” “That's what I’m saying Danice. Alam mo, someday you will thank me dahil ginagawa ko ito para sayo.” saad ni uncle at saka lumabas ng kwarto ko. Napakamot nalang ako ng ulo dahil mukhang kailangan ko nga talagang umattend ng date na sinasabi ni uncle. Bagama't labag sa kalooban ko ay nagbihis na lang ako at sinunod si uncle. Binigay rin naman ni Mr. Dominguez ang location kung saan kami magde-date. Isang luxurious restaurant iyon at ang halaga ng mga pagkain ay umaabot ng libo-libo. Pagpasok ko ay naghihintay na sa akin si Mr. Dominguez. The man is in his 40’s and he looks so prim and proper and a little bit strict. Just like uncle. Well, ano pa nga bang aasahan ko? eh halos ka-edaran nga lang ni uncle at ni daddy ang ka-date ko ngayon. He’s good looking naman and aging like fine wine pero… sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay hindi ko siya type. Nakakatakot siya. Lalo na ang mga tinginan niya na pakiramdam ko ay ang katawan ko lang ang habol niya sa akin. I’m a virgin pero hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ang mga mata ba ng lalaking kaharap ko ay sinsero o nagpapakita lamang ng kalaswaan at makamundong pagnanasa. Sinimulan niyang kunin ang kamay ko at hinalikan iyon. Pinagtitinginan kami ng mga staff dahil parang tatay ko na talaga itong kasama ko ngunit hindi naman magtatay ang kilos namin. Kitang-kita ko ang paghuhusga sa kanilang mga mata at pakiramdam ko ay pinag-uusapan nila kami dahil para akong sugarbaby at sugardaddy ko naman itong kaharap ko. Nahiya ako kung kaya't nang maupo kami ay nakayuko lang ako. Ibinigay naman sa akin ni Mr. Dominguez ang menu kung kaya't tinanggap ko iyon. “You can order what you want. It's on me, wag kang mahiya.” saad niya. Mabait naman siya ngunit gumagapang pa rin ang takot ko sa mga titig niya dahil naka off shoulder ako na dress at pakiramdam ko ay gusto niya na akong hubaran. I’m not comfortable pero anong magagawa ko? sigurado akong magagalit si uncle kapag umalis ako at baka may gawin pa ‘tong si Mr. Dominguez sa Romualdez group pag nagkataon. Nang makapag order kami ay kinausap niya ako. “Kamusta ang trabaho mo sa tiyuhin mong si Renzo?” “Uhm, okay naman po, Mr. Dominguez, natututo ako sa mga daily operations.” “Louie na lang.” “Uhm, hindi po ako sanay, pasensya na po.” Pakiramdam ko ay namumula ako sa hiya. “So, uh, tell me, did Renzo forced you to have a date with me?” Naku patay! pag sinabi ko yung totoo baka magalit si Mr. Dominguez! “Uhm, naku, hindi po… hindi po, Mr. Dominguez.” “Danice, matanda na ako, I don't fancy things like this. Alam ko kapag nagsisinungaling sa akin o hindi.” Nagpabuntong hininga na lang ako sa harap niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Napilitan lang ako sa date na ito. “Danice, I want you to be honest with me right now.” “Yes, Mr. Dominguez.” “Pag niyaya kita ngayon sa five star hotel para uminom at mag s*x tayo, sasama ka ba sa akin?” Shit! anong sasabihin ko?! nakatingin siya sa akin ng mata sa mata! pakiramdam ko ay naho-hot seat ako! Napangisi nalang ako. “Mr. Dominguez, masyado naman ho ata kayong mabilis, first date pa lang po natin ito at… magyayaya po kaagad kayo sa hotel?” “Ms. Romualdez, I will be very frank with you. I’m a very busy person. I don't have time for this kaya gusto kong malaman ang sagot mo dahil kung papayag ka then… you're the one I’ve been looking for at kung hindi naman… it's fine, you can enjoy the dinner and leave.” “Then my answer is no. Pasensya na ho kayo pero… hindi ko ho kayang ibigay ang puri ko ng ganun kabilis, gusto ko po kasi ibibigay ko lang ito sa taong mahal ko at sa taong pakakasalan ko.” iyon nalang ang nasabi ko dahil gusto niya akong maging totoo sa kanya. “Thank you for not lying to me, such a brave young girl.” “But don't– please, don't get me wrong Mr. Dominguez. You're good looking. You're kind, smart and obviously rich but… I just don't feel-- I’m not the woman for you.” “I understand. Just have dinner with me tonight and uhm, you're free to leave.” “Salamat po.” iyon nalang ang nasabi ko ngunit siguradong lagot na naman nito kay uncle at maghahanap na naman iyon ng ibang maipagkakasundo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD