bc

Taming The Brat Billionaire Heiress

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
HE
pregnant
powerful
heir/heiress
bxg
bold
soldier
like
intro-logo
Blurb

Danice Romualdez is the daughter of the popular business tycoon named Ralph Romualdez ngunit nang mamatay ang kanyang ina na si Sophia ay inihabilin siya ng kanyang tatay sa kakambal nito na si Renzo Romualdez. Si Renzo ang nakagisnan niyang tatay simula noon. Danice learned to be an independent at a very young age at nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay nagtrabaho siya sa Romualdez Group of Companies ngunit walang ibang ginawa ang uncle niya kundi ipa-blind date siya sa mga kasosyo nito at sa mga anak ng mga elitistang businessman kung kaya't nagrebelde siya ngunit nagulo ang buhay niya nang may magpakilalang secret admirer niya. Sa takot ay kaagad siyang nanikluhod sa nakagisnang ama at humingi ng proteksyon. He met the handsome and dashing Bruce Alvarez na pinsan ng kababata niyang si Dean Alvarez. He will be her bodyguard and fiance ngunit magawa niya pa kayang pakasalan ito kapag nalaman niyang ang stalker/admirer niya at si Bruce ay iisa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Danice's POV: “Argh! kainis! nasiraan pa! kung kailan naman kailangan na kailangan!” singhal ko na sinipa-sipa ang gulong ng bulok kong kotse. Napakalakas ng ulan ngunit nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada at basang-basa na ako at nasira pa ang kotse ko. “Damn it!” asik ko sabay pasok sa kotse ko upang hagilapin ang cellphone ko. Kaagad kong tinawagan ang foster dad/uncle ko na si Renzo Romualdez. “Hello, Uncle!” “Ano?” “Can you please help me? nasiraan ako ng kotse, na-flat ang gulong and I’m in the middle of nowhere right now! natatakot na ako Uncle, it's so dark in here!” “Okay, calm down.” “Anong gagawin ko?!” “Lumabas ka pumara ka ng taxi at magpahatid ka sa Mansyon. Ako nang bahala dyan sa kotse mo, ipapakuha ko nalang.” “Fine! ugh! damn it! such a hassle! bakit kasi hindi mo nalang ako ibili ng bagong kotse eh! ang luma luma na nitong Montero ko eh!” “Aba, anong akala mo sa akin?! nagtatae ng pera?! pasalamat ka nga at tinanggap kita sa pamamahay ko kahit na may sarili na akong pamilya!” “Whatever, Uncle!” “Yan dyan ka magaling whatever, whatever, yung magaling mo ding tatay hindi ko mahagilap kung anu-ano pinag gagawa sa buhay tapos ikaw nagpapasaway ka pa sa akin!” “Sige na, wala akong time sa lectures mo! papara na ako ng taxi!” saad ko at saka bumaba ng kotse ko at pinatay ang tawag. Ayoko ng kausapin si Uncle dahil sigurado ako na mag-aaway lang kami. Nang makatanaw ako ng sasakyan ay kaagad akong pumara at sumakay. “Kuya, sa Romualdez Mansion po.” iyon lang ang sinabi ko at umandar na yung taxi. Maya-maya ay nag abot ito ng puting towel sa akin. “Basang basa ka, Miss.” saad niya. Naka black baseball cap si kuya at mababakas sa kanyang pangangatawan na nag-gy-gym siya dahil maganda ang built ng katawan niya. Medyo kayumanggi ang balat niya ngunit mapapansin ang tangos ng kanyang ilong. Mukhang gwapo si kuya at bata pa, hindi ko kasi maaninag ang mukha niya dahil madilim sa kotse at naka-cap pa siya. Hindi ko alam kung tatangapin ko ba yung inaalok niyang puting towel. “Kunin mo na, baka magkasakit ka pa pag hindi ka nagpunas eh.” “Ah–eh– salamat…” iyon nalang ang nasabi ko at saka kinuha yung towel. Pinahid ko iyon sa mukha ko at amoy na amoy ko ang panlalaking pabango sa towel na iyon. Ang bango. Nakakaadik. Sandali akong napapikit dahil relaxing yung amoy. “Are you… okay?” tanong niya kung kaya't napadilat ako. “Uhm, yes, I’m fine.” saad ko na kaagad ipinagpatuloy ang pagpunas sa basa kong katawan. “Sa Romualdez Mansion ka nakatira?” “Ahh, Oo.” “Talaga? ka-anu-ano mo si Renzo Romualdez?” “Uhm, wala, nagtatrabaho lang ako sa kanya.” “Ah, ganon ba,” iyon lang at hindi na ako kumibo. Hindi ko pwedeng basta-basta sabihin nalang sa ibang tao ang koneksyon namin ni uncle. It should be private. Nang maihatid ako ng taxi sa Mansyon ay kaagad kong kinuha ang wallet ko sa bag ko. “Kuya, magkano po?” tanong ko ngunit ngumisi siya sa akin. “This is not a taxi, Miss, sa susunod, mag-iingat ka nalang.” “What?” “Nakita lang kitang pumara kaya huminto ako ngunit bigla kang sumakay at nagsabi kung saan ka pupunta kaya hinatid na kita.” “Oh my god, I’m sorry, akala ko kasi taxi yung nasakyan ko.” “No problem at saka kilala ko naman ang mga Romualdez eh.” “Pasensya na ho talaga kayo.” “Walang anuman.” saad niya at saka binuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Lumabas na kaagad ako dahil ang creepy ng ngiti ni kuya at dumiretso na sa loob ng Mansyon ngunit natigilan ako nang makita ko ang pinsan kong si Alexander. Masama ang tingin niya sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan. “Hoy! saan ka galing?! hindi mo na naman sinipot si Mr. Dominguez! lagot ka kay daddy!” “Alexander, unang-una, nasiraan ako ng kotse sa highway, tignan mo nga oh! basang-basa ako! pangalawa, wala akong balak magpapakasal kay Mr. Dominguez kaya sabihin mo dyan sa magaling mong tatay na i-cancel na ang proposal ng matandang hukluban na iyon at pangatlo, wala kang pakialam sa buhay ko!” singhal ko sa kanya at saka dumiretso na paakyat ng hagdan. “Danice! hindi pa tayo tapos mag-usap! at saka nakakatandang pinsan mo ako! matuto ka ngang gumalang sa akin!” sigaw niya na galit na galit na. “Wala akong paki sayo! don't disturb me!” sigaw ko sa kanya at saka pumasok sa kwarto ko at binalibag pa ang pinto. Kaagad kong inilapag sa table ang bag ko at hinubad ang basang basa kong damit at dumiretso sa baththub. Napapikit ako sa maligamgam na tubig na dumadampi sa aking katawan. Inilubog ko ang sarili ko doon. Minsan naiisip ko kung bakit ba nabuhay pa ako kung iiwan rin lang ako ng mga mahal ko sa buhay. Katulad nalang ni mommy na namatay dahil sa sakit na cancer at si daddy naman na magulo ang utak at tila nawalan na ng gana pang mabuhay at pinabayaan nalang ako sa kakambal niya. Hindi ko masisisi si daddy. It's like having your best life ever. Buo ang pamilya mo, maganda ang takbo ng negosyo ninyo at bigla nalang guguho ang mundo mo sa isang iglap lang dahil kinuha sayo ng Diyos ang pinakamamahal mo. Dahil sa tulong ng tiyuhin ko ay nakapag-aral ako at ngayon ay nagtatrabaho ako sa kumpanya niya. I’m good at my own job at maayos naman akong kumikita ngunit pansin ko pa rin na may kulang sa akin na kahit anong ayos ng buhay ko ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay. It's like breathing but not actually living. Biglang sumagi sa isip ko ang mga huling katagang binitiwan ni mommy bago siya mamatay. “Magpakatatag ka, Anak, alagaan mo ang daddy mo.” Paano ko aalagaan si daddy? eh ayaw niya na sa akin. Hindi niya na ako gustong makasama. Naalala ko kung paano ako tinaboy ni daddy sa Mansyon namin. Katulad din noon ang panahon ngayon, malakas ang ulam at malamig ang simoy ng hangin. “Umalis ka sa pamamahay ko! tuwing nakikita kita, naaalala ko si Sofia! katulad na katulad ka ng nanay mo! parehas kayong walang silbi! iiwan mo rin ako pag tumanda ka!” Bigla akong napabangon mula sa baththub dahil nagmistulang bangungot ang alaalang iyon. Hindi ko namalayan na nakakatulog na pala ako habang nasa bathtub ako. Tumayo na ako at naligo at saka nagsuot ng puting roba. Kaagad akong dumiretso sa tukador ngunit bigla kong naaninag mula sa aking bintana ang isang kotse sa labas. Napansin kong iyon ang kotse at ang lalaking naghatid sa akin kanina. Nakasandal siya sa kotse niya at naka-cap pa rin, nakapamulsa siya at nakatingin sa bintana ko kung kaya't sinara ko ang bintana ko at hinila ang blinds para sumara iyon. Nakakapagtaka. Bakit nandito pa rin siya samantalang kanina niya pa ako naihatid? sino ba siya? anong kailangan niya sa akin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
39.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.0K
bc

Daddy Granpa

read
277.8K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook