Nagising ako na masakit ang katawan ko. May kung anong nakapatong sa noo ko. I slowly opened my eyes. Medyo malabo pa ang nakikita ko. Pero sigurado ko na wala na ako sa pinaghulugan ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bahay na yare sa kahoy. "Narding! Gising na siya!" medyo may pagpapanic sa boses. Sinubukan kong galawin ang kamay at paa ko. I need to check if I lost one of my body parts. I sighed. Kumpleto pa naman. Pero dahil sa ginawa kong pagkilos nanakit ang mga katawan ko. Impot akong napaungol sa sakit. "Hija, 'wag ka munang mag-gagagalaw. Ipahinga mo muna ang katawan mo." pag-aalalang sabi nung babae. "A-asan p-po a-ako?" hirap kong sabi. "Huwag mo munang puwersahin ang sarili mo. Tsaka na namin sasabihin 'pag kaya mo na." sabi ng matandang babae. Naaaninag ko n

