Sa gagawin kong ito alam kong kakamuhian niya na ako. Hindi na din ako magugulat kong magagalit siya at isusumpa niya ako na sana hindi na kami nagkakilala. Kapag nagsinungaling ako ngayon, dadalhin ko lang 'yon araw-araw. Hindi ko na kayang magsinungaling pa. Papalalim ko lang ang sugat sa puso ko 'pag hindi ko sinabi ang totoo. Gusto kong tumakbo at yakapin siya. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Pero hindi pwede dahil huli na ang lahat. "Naduduwag ka na ba Ave?! Takot kang malaman ni Samuel ang totoo na 'dare' lang ang lahat. Pinaglaruan mo lang siya-" "Shut up!" Samuel harshly said. He looked at me with anger in his eyes. His eyes were dark and terribly scary. Ramdam ko ang matindi niyang galit. "Totoo ba? Pinaglaruan mo lang ako!?" His voice was reduced to a whisper by the f

