Ilang araw ko ding 'di siya nakita. Hindi din kasi nagtext kahit sabi niya mag tetext siya! Ayoko ko naman ang mauna kahit sinabi kong may gusto ako sa kanya.
Tapos ngayon magpaparamdam siya?! Ang lakas pa ng loob na baby ang ilagay sa contact ko. From baby to Samuel real quick.
I smirked. Akala mo diyan ha!
Ano namang ginagawa nito dito?
Pagkabukas ko ng gate, dali-dali na 'kong pumunta sa kanya. Nakahilig siya sa kotse niya, halata din sa mukha niya ang sobrang pagod pero nakangiti siya sa akin. He is wearing white button down shirt.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bago para sa'kin, namatagal ko ng di nararamdaman noon.
Niyakap ko ang sarili habang kaharap siya at ngumiti. Bakit ba parang miss na miss ko sya?! Parang ang big deal sa'kin ng ilang araw na di namin pagkikita.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtataka kong tanong.
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at niyakap ako. My heart beating so fast that it can get out of my chest. I could smell his masculine and minty scent.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ng agad naman kinalas ni Samuel ang pagkakayakap at hinarap ako.
Bakit parang nabitin ako sa yakap niya? Dapat hindi ako magpahalata. Umayos ako ng pagkakatayo.
I studied his face with calm expression. He had such a strong face. Fierce and yet gentle.
"Wala lang napadaan lang." he smiled at me.
Naniningkit mata ko siya tinignan. Siguro na-miss ako nito. Huwag kang assuming Ave!
"Nag dinner ka na ba?" tinuro ko yung bahay namin "gusto mo pasok ka muna at kumain."
Umiling siya agad at binuksan ang pinto ng kotse niya. Napakunot naman ako ng noo.
"If you want, you can join me. Let's have dinner together."
Pinapapili niya ako kung saan ko daw gusto kumain pero mahihiya naman akong pumili kaya hinayaan ko na lang siya. Sumulyap siya sa akin bago niliko ang kotse niya sa restaurant.
Pumili ako ng oorder-in. Ganoon din siya.
Hindi muna ako nagsasalita at hinayaan siyang bumasag sa katahimikan.
"How have you been?" he asked.
"I'm good. Medyo nag aadjust pa sa trabaho."
"Hindi ka ba nahihirapan? Nag-aaral ka pa ah. You should focus first to your study after that you can work."
"It is my idea so it's ok. I want to work while studying. Tsaka hindi naman mabigat ang trabaho, gusto ko lang magkaroon ng idea kung anong career ang tatahakin ko."
I can see his amusement because of what I said.
Nilapag na ang order namin at sinimulan na namin kumain.
"Ikaw? Nasan ka pala? Hindi ka man lang nagparamdam? halos pabulong kong sabi.
"Medyo busy sa work eh tsaka I'm still studying for my MBA" binabasa niya ang ekspresyon ko. "Abroad."
"Kailan ang alis mo?"
"Next month." nakatitig at maingat niya pa ring binabasa ang ekspresyon ko.
I nodded back and forth. Hindi na 'ko nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Next month. Tapos na ang dare nun. Naputol ang iniisip ko ng biglang may dumating.
Napalingon ako sa babaeng pumasok sa restaurant. She looks familiar. I think I saw her somewhere. Tumingin ako kay Samuel at nakita kong nakatingin siya sa akin.
Agad kong binalik ang tingin ko sa babae ng mapansin kong papalapit na siya sa amin. She is wearing a pink spaghetti mini dress. Napatingin ako sa suot ko. I am wearing blouse and jeans dahil sumama agad ako kay Samuel at hindi na nagpalit pa.
"Hi, Samuel." she said in sweet tone.
Nilingon naman siya ni Samuel at binati. Tinititigan ko ang babae para maalala kung saan ko siya nakita. I tilted my head a bit. Nakakainis bakit di ko maalala?!
Nag-uusap sila na parang wala ako. I saw how she put her hand to Samuel's bicep. I gritted my teeth. Nakakairita silang tignan. I saw Samuel lookes at me and never leave my eyes. Nagsasalita ang babae at parang hindi naman siya interesado sa mga sinasabi nito.
Nakasimangot lang ako habang nagsasalita pa rin ng kung ano-ano ang babae habang paminsa'y sinasagot naman ni Samuel. It is obvious that this girl has a feeling for him. Isa na naman sa mga babae niya.
"Excuse me. Powder room lang." kalmado kong sabi kay Samuel even though I started to get irritated.
Tumayo ako agad at nabilis na nagtungo ng c.r. hindi ko na sila nilingon dahil ayaw kong makita ang ginagawa ng babae niya.
I groaned. Nakalimutan ko na wala pala akong dalang bag, kaya hindi ako makakapag-ayos at wala din akong kotse. Hindi na ko babalik sa table namin. Tutal mukhang nag-eenjoy naman siya doon.
Nilingon ko muna sila bago dere-derestong lumabas ng resto. Wala na akong pakialam kung paanong makakauwi dahil wala akong dala kahit na ano. Pati cellphone ko di ko pa nadala. Ano ba kasing katangahan niya Ave?! Kung hindi lang sana dumating yung babae niya.
Habang naglalakad ako palayo sa resto kung nasaan si Samuel at ang babae niya. Naisip ko kung susundan kaya ako ni Samuel? Well, hindi na ako mag tataka kung hindi. Maybe Samuel enjoying her company.
Paliko na ako ng may bumusina sa likod ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Hinarap ko yun at nakitang kotse yung ni Samuel. Umirap ako sa hangin. Kaya kahit pagod na ko kakalakad nagpatuloy pa rin ako.
Bakit pa siya sumunod?! Sana nag-stay na lang siya dun sa babae niya.
But there's a part of me na nagbubunyi dahil sinundan niya ako at iniwan niya ang babae niya.
Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam kong bumaba siya ng kotse niya at sumusunod sa akin. I heard he murmured something pero sa inis ko sa babae niya hindi na ma-process pa ng utak ko kung anong sinabi niya. Kahit gaano ko pa binilisan ang paglalakad naabutan niya pa rin ako. He gripped my hand and he faced me to him.
"Bakit mo ko iniwan doon?" inis niyang sabi.
Pero hindi ko yun pinansin. Hindi ako nagsalita. I pulled away my hand pero hindi niya binibitawan, hindi naman yung mahigpit pero malakas siya.
"Bakit ka ba nagagalit?" the frustration was visible in his voice.
"Just let me go. I want to go home." inis kong sabi.
"No! Hindi ka uuwi hanggang hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit ka nagkakaganyan." he frowns a deep furrow forms in his brows.
Aba! Mas galit pa siya sa'kin ah. Kapag galit ako nagagalit din siya. Hawak niya pa din ang kamay ko kaya 'di ako makaalis.
"Bumalik ka na lang dun sa babae mo" turo ko doon sa resto. "baka naghihintay yun sayo. Nakakahiya naman baka nakakaabala ako."
He smirked at hinilot ang sintido bago tumingin sa'kin.
"She’s just my classmate back in college. Yung nasa club siya yun."
Hindi ako nagsalita. Sabi na nga ba, kaya familiar talaga sa'kin yung babaeng yun. I try to pull away my hand pero hindi nya pa rin binibitawan. I sighed at hinayaan na lang.
"We really should do something about you jealousy. We need to work it out."
"I'm not jealous." mariin kong giit.
"Then why are you acting like that?" medyo pagalit niyang sabi.
Nakakunot ang noo niya at halata na gulong-gulo siya sa inaasal ko.
Oo nga naman kung hindi ako nagseselos dapat nag-stay ako doon. Pero hindi ko kayang tagalang tignan yung babae niya. I groaned. I don't like this feeling. It's hard to control.
Mababaliw na ata ako.
"Cause... I just hate it. I don't know but I didn't like when someone fantasize you." pahina kong sabi.
Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko. Bahala na. Dala na rin siguro ng damdamin ko ngayon.
"You don't have to be jealous. Walang namamagitan sa amin. She just my classmate, nothing more. Tsaka hindi ako pumapatol sa may karelasyon ng iba."
Napaayos ako ng tayo at napakunot noo ko siyang tinitigan.
"So, kung wala siyang boyfriend papatulan mo siya?" lumapit ako sa kanya para mas maipakita ko yung inis.
He licked his lips and closed his eyes. Nangmamulat siya nag-iba ang ekspresyon niya. His facial expression is dark yet calm.
"Nope. Please stop this jealousy of yours."
"I'm not jealous. I'm just saying na masyado ka kasing lapitin ng mga babae." pataray kong sabi.
Hindi ako nakatingin sa kanya nung sinabi ko yun. That's why when I heard him making a small laugh, agad akong umirap sa hangin. Naiinis ako sa sariling kong nararamdaman!
Ngayon ko lang napansin na medyo napalalingon ang iilang tao sa'min. Nakaramdam ako ng hiya, gumagawa pa ako ng eskandalo dito. We're here in a public place. Stupid act, Ave!
Kinalma ko ang sarili ko. Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa'kin kaya hinila ko na agad ang kamay ko. Hindi naman na siya nagulat sa ginawa ko. Humalukipkip ako at umayos siya ng tao.
"It's not my fault then. Whether they like me or not, wala naman akong pake dun." giit niya.
"Kahit na-"
Hinawakan niya ulit ang kamay ko kaya napatigil ako sa sasabihin ko. Tinignan ko ang kamay naming pinagsakop niya. I swallowed hard and licked my lips. I like how my hand fits to his. Pinipigilan ko ang takas na ngiti.
"That's why I am here to chase you because I didn't care about them."
I saw how serious he is. My heart flattered. Ang lakas ng kabog ng puso ko at feeling nakikirinig niya din.
"I want to go home."
Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
Nilubog ko ang mukha ko sa unan at 'di namalayan na nakatulog na ako. Nakatulog ata ako sa pagod o sa mga sinabi ni Samuel, pwedeng both?
Nagising na lang ako ng may yumuyugyog sa katawan ko.
"Ave, gising na." malambing na boses.
Agad naman ako napalingon kung sino ang gumising sa akin.
"Mom." mahina kong sabi.
Bumangon ako agad at kinusot ang mata baka namamalik-mata lang ako.
"Ave, anak. Sumabay ka na sa'ming mag-agahan."
Niyakap ko si Mom. Grabe sa sobrang busy nilang parehas minsan ko na lang sila makita lalo na ngayon may big project.
Nag-ayos ako at bumababa na agad para sabayan sila.
"How's school?" si Dad.
"Ok lang po Dad." masaya kong sabi.
"Eh ang work? Hindi ka ba nahihirapan? Magsabi ka la-"
"Dad, I'm ok. Tsaka gusto ko din naman yun and madali lang naman ang ginagawa ko dun. Pag babasa lang naman ng mga financial reports." giit ko.
"Ano ka ba, Dennis. Kung ayaw na ng anak mo magsasabi naman niya. Hayaan na lang natin siya sa gusto niya." Mom smiled at me.
Pagkatapos naming mag ahahan agad din namang nagpaalam sila Mom. Nakahanap lang daw sila ng timing para makauwi sa bahay namin. Actually parang ako na lang ang nakatira dahil madalas lang tayo dito sa bahay kaya mas gusto kong sa company na lang naming mag-stay ako para kahit minsan nakikita ko sila.
Nag-decide akong hindi muna pumasok. I want to go shopping. So, I text Fern and Clea. But, unfortunately both of them are busy.
Clea:
Ave, I'm sorry I am not free today. Nagpatawag kasi ng meeting si Daddy. Maybe next time.
Fern:
Bakit ngayon ka lang nagsabi?! Tuloy may lakad ako ngayon. Set na lang natin.
I signed. Ayoko namang mag-isa lang mag-shopping.
Natawa ako sa sarili kong naisip. Tama siya na lang ang yayayain ko. Habang nag-iisip ng itetext bilang may nag message sa'kin.
Samuel:
Hi, good morning
Ako:
Good morning din.
Ang swerte ko nga naman. Plano ko pa lang, natupad na agad. Para akong ewan na nakangiti habang nagrereply sa mga text niya.