Kabanata 13- NUIE: "Ang nakaraan ni Nuie"

1562 Words
Dito na kami magpapalipas ng gabi sa dormitoryo ng XXU. Napakasakit ng katawan ko! Iba na ang tumatanda. Nami-miss ko na ang bahay ko. Nitong mga nakaraang araw hindi na ako nakakatambay nang matagal sa akin bubong. Lagi na lang may sinasagupang halimaw. Kung bakit napakarupok ng mga tao ngayon. Konting kapangyarihan lang nagiging parang wild animals na sa kagubatan. Sabik? Gan`on? Nakailang baling na ako ng higa. Hindi ko pa rin mahanap ang antok ko. Gumala pa yata. Hay naman! Sa bawat pagpikit ko pa ay nagpa-flash sa isipan ko ang mga taong humihingi ng tulong. Hooh! Nagtatayuan na naman ang mga balahibo ko. Bumangon na lang ako at naglakad-lakad. Pupuntahan ko na lang sina Lyra sa recovery room. Antahimik naman ditto sa dormitoryo. Bawal gamitin ang kapangyarihan ditto. Mayroong cctv. Kumaway nga ako sa isa e. Nadatnan ko si Lee na nagbabasa na naman ng libro habang nagbabantay sa dalawa. Lumang libro na `yan na makailang beses na niyang binasa. Kahit nga siguro tulog siya kaya niyang i-recite pati comma at tuldok e. "Hindi talaga uso ang tulog sa`yo `no?" Nag-angat siya ng tingin. "`Di ba dapat nagpapahinga ka na?" "Alam mo namang magkarugtong ang bituka natin. Kaya heto hindi rin ako makatulog." Bahagya siyang nangiti. "Bolera..." Bihira ngumiti si Lee kaya big deal na `pag napapalabas ko ang mga mailap niyang ngiti. “Bilis gumaling ng braso mo ah?” Hindi na kasi siya nakabenda. Kakaiba talaga ang cells niya sa katawan. Angbilis gumaling basta mga ordinaryong pinsala lang. Naupo ako sa tabi niya at ikinawit ang kanang braso ko sa braso niya. “Kwentuhan mo ako." "Natatakot ka `no?" Tumango ako. “Nakikita ko pa rin sila sa bawat pagpikit ko." Hinaplos niya ang buhok ko. “Matatapos rin ang bangungot na `to.” "Sana. Ilang pagkamatay pa ba ang masasaksihan natin? Nakakapagod na ang mga boses ng pagsusumamo na naririnig ko." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. “You wanna see her?" Napangiti ako at sumama sa kanya. pinuntahan namin ang kwarto kong saan nagpapahinga si Rich. Naka-swero ito at himbing na himbing ang tulog. "She is our hope. Our only hope." "You woke her powers too early. Hindi siya handa." "It just happened due to what she saw..." May galit na sagot niya. “Good thing we’re able to keep her safe for the past years.” “Hindi ka ba nadismaya?" “saan?” “Nang malaman mong siya ang itinakda?" “Mula nang pinanganak siya ay alam na natin hindi ba? Sa anong bagay pa ako madi-disappoint?" Walang emosyon niyang tanong. Binalik niya ang pansin niya kay Rich. "Hindi mo ba hiniling na sana lalaki na lang ang susunod na itinakda?" Ngumiti siya. Pero alam ko namang gusto lang niyang pagtakpan ang nararamdaman niya. “Tigilan mo nga ako Nuie. Matagal na yun. Ilang siglo na ang lumipas. Pwede bang kalimutan mo na?" Makailang beses akong umiling. “Saksi ako sa bawat pag-iyak at pagluluksa mo nang paslangin siya. Pagkakataon niyo na sana kung sakaling isinilang siyang lalaki." “Huwag mon ang ibalik ang nakaraan. Pakiusap.” Bumuntonghininga siya. “Ngayon ay mas dapat tayong magpokus sa pagliligtas ng sangkatauhan. Hindi dapat unahin ang mga personal na bagay. Kailangan tayo ng mundo.” Napayuko ako."Ipagpaumanhin mo. Ngunit paano mo `to magagawa ng maayos kung paghihiganti pa rin ang nasa puso at isip mo?" Naramdaman ko ang puot sa kanyang puso. "He killed them. He killed her. Hindi pwedeng hindi ako maghigante..." "Bahala ka. Pero sinasabi ko sa`yo, hindi makakatulong ang galit mo. Gagamitin mo rin lang si Rich para sa pansarili mong kapakanan kung sakali. Wala ka rin pinagkaiba sa kanya." “Ikaw ba? Hindi mo ipaghihigante ang pagkamatay ng Ama mo?” Naumid ako sa tanong niya. “Bakit ko ipaghihigante ang taong nang-iwan sa amin? Mas pinili pa niya ang makidigma kaysa pamilya niya.” --- Madaling araw na. Mulat na mulat pa rin ako. Wala na sa isip ko ang ipaghigante pa ang nangyari sa mga magulang ko. Gusto kong magalit sa akin ama n`ong pinili niyang makidigma upang ipagtanggol ang Zafairah kaysa mamuhay nang tahimik kasama kami. Pinapaunawa sa akin ni Ina na tungkulin niya `yong bilang kawan ng palasyo pero sadyang gusto ko lang mabuo ang aking pamilya dahil naiinggit ako sa mga kaibigan ko sa tuwing kasama nila ang kanilang ama. Ang pinakamasakit sa lahat ay nasaksihan ko kung paano siya pinaslang sa tapat mismo ng aming tahanan habang nakatago niya ako sa loob ng malaking bariles ng bigas. Ang huling balita ko ay muli siyang isinilang at kasalukuyang miyembro ng Supil. Siyempre mataas ang posisyon niya. Malakas kaya ang dugong mandirigma na nananalaytay sa kanay. Minanmanan ko rin siya minsan at kahit papa`no ay natutuwa akong may binibigyan niya ng panahon ang kanyang pamilya. Hindi ko na nga siya dinalaw mula n`ong nanganak ang kanyang asawa. Maiinggit lang ako. Ha ha! Sa tinagal-tagal ko dito sa mundo? Natutunan kong umiwas sa mga bagay na mainggit lang ako. Lalo ang mga may kinalaman sa emosyon dahil kahit kailan hindi ko iyong magagawan ng ilusyon. Hindi ko magagaya ang totoong kaligayahan. Makapagsanay na nga lang. Sa likod ng dormitoryo ng mga ako nagsasanay. Lumikha ako ng ilusyon ni Nate. Pati pasusungit niya pinapagawa ko sa ilusyon ko. May mga kalaban din akong ginawa. Mga nakasuot sila ng itim para kunwari kontrabida sa mga palabas sa tv. `Yong tipong kidnapper. Ang focus nila at atakehin nang atakehin si Nate. Combat fighting para masanay ang paggamit ko sa ilusyon ni Nate. Talo na lahat maliban sa isa. Huh? Ginalingan ko pa ang paggawa sa ilusyon na `to? s**t! Ang kamay ng lalaki ay naging kumikinang na patalim. Sinugod niya si Nate. Bale ang ilusyon lang ni Nate. Holy Cow! Ginamit ko ang kuryenteng kapangyarihan ni Nate para sanggahin ang atake niya. Hindi ito ang nilikha ko! Habang kinokontrol ko ang ilusyon ni Nate ay nagpapabaling baling naman ako para hanapin kung sino ang kumokontrol sa halimaw. Nagpalabas ako ng maliit na porsyento ng aking enerhiya. Found it! Sa bintana ng isa sa mga kwarto. Huh? Bata?! Isang bata lang ang kumokontrol sa lalaki? Nice! Pinatagal ko pang konti ang paglalaban nila bago ko pinalibutan ang katawan ng lalaki ng latigong kuryente ni Nate. Tapos! Ang ilusyon ng lalaki at naging baraha! Lumulutang ito pabalik sa kwarto ng bata pero mabilis ko itong kinuha. Joker na itim. Nagpatalon-talon ako hanggang marating ko ang tapat ng kwarto niya. Napaatras ito nang Makita ako. “Hi. Sa`yo `di ba?” Tumango siya. Nababanaag ang takot sa mga mata niya. “Pasensya na po. Naistorbo ko ang pagsasanay niyo.” “Okay lang.” Inabot ko sa kanya ang baraha. “Anong oras na? Bakit gising ka pa?” “Lumulutang ka po?” Tsk! Hindi sinagot ang tanong ko e! Umiling ako. “Nakatungtong ako dito sa puno.” “Pero pine tree lang `yan po. Paanong hindi kayo nahuhulog?” “Basta! Pag nagfocus ka kaya mong gawin din `to.” Bakit ko ba pinapaliwanag e bata pa lang siya. “Matulog ka na. Para tumangkad ka.” “Hindi po ako makatulog. Napapanaginipan ko si Papa, Mama at kapatid ko.” Nag-squat ako sa ibabaw ng puno. Haha! Nakakatawa `yong itsura niya. “Game. Magkwento ka. Makikinig ako. Promise. Hindi ko ipagsasabi.” “Pinatay mo si Papa. Pinaghiwalay kami ng kapatid ko para daw ligtas kami.” Pati ako ay nalungkot sa kanyang pagkukwento. Nasaksihan pa nila kung paano pinaslang ang Papa niya. Nakakuyom ang kanyang kamao. Nagpipigil ng iyak. “Bata, umiyak ka lang. Huwag mong hayaang maghari ang puot sa puso mo.” Pinunasan niya ang kanyang luha. “Ipaghihigante ko po si Papa. Papatayin ko ang lahat ng masasamang tao. Hindi ako mag-iiwan kahit isa.” “Papa mo rin ang nagturo sa`yo na gumawa ng ilusyon?” Tumango siya. “Opo. Pero sa baraha ko lang po nagagawa. Hindi tulad sa inyo.” “Pogi siguro ng Papa mo `no? Pogi mo kasi.” Siyempre bolahin natin ang bata para makalimutan na niya muna ang pag-iyak-iyak niya. Epektib! Ngumiti siya e. “Pogi din po ang kapatid ko. Saka maganda din po ang Mama ko.” Cute naman niya. Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Hindi nahuhuli sa pagbibida e. Ha ha! Proud na proud! “Patingin nga ng picture kung Pogi talaga?” Mabilis siyang tumungo sa bag niya. May hinugot siya ito at inabot sa akin. Ha ha! Sinadya kong hindi lumapit para mag-extend pa siya sa bintana. “Ingatan niyo po ah? Kaisa-isang picture na namin `yan e.” Nanlumo ako nang makita ko ang larawan. Si Suhara. Ang reinkarnasyon ng aking ama. Atubili akong lumapit sa bata. Lumulutang na ako sa ere. Tinutok ang hintuturo ko sa kanyang noo. Nakita ko ang lahat ng nangyari sa kanlang tahanan. Kung paano sila nilooban ng mga bandio at kung paano pinatay si Suhara. Naulit na naman ang kasaysayan. Pinili pa rin niyang mamatay para sa bayan. Hindi ko na napigil ang mga luha ko. Bumalik rin ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Pati ang takot ko noon na baka pati ako ay patayin ng mga bandido. “Okay lang po kayo?” Suminghot-singhot ako saka tumango. “Okay lang. Magpakatatag ka ha? Bayani ang Papa mo. Palagi mong tatandaan `yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD