Kabanata 14-RICH:"Paggising ni Rich "

1892 Words
“Mama!!!” Pilit kong tawag kay mama. Naglalakad sila ni Papa papalayo sa akin. Sinusubukan kong hinahakbang ang mga paa ko pero hindi ko maigalaw. “Papa!!!” Subok ko pang tawag kay papa. Lumingon sila pero nanatili sila sa kinatatayuan nila. Ngumiti sila. Gusto kos ilang lapitan! “Saan kayo pupunta? Sasama ako!” Umiling si mama. “Hindi pa ngayon ang tamang panahon Raio…” Raio? Anong Raio? Ang suot nina mama ay biglang nagbago at nagmistulang silang mga ninja. Nakatakip ang kanilang mga mukha at ang nakikita ko lang ay ang kanilang mga mata. Joke ba `to? Cosplay? Anong nangyayari?! May ginawang hand seal si Papa na hindi ko alam basahin. Bigla na lang silang binalot ng tubig na dragon at umikot sa kanilang dalawa. Nakatingin sa aking mga mata ang dragon na parang pinapahiwatig na nasa mabuting kamay ang aking mga magulang. Gumawa naman si mama ng hand seal at ang kaninang tubig na dragon ay naging yelo na paikot-ikot sa kalangitan. Tumigil ito sa tapat ko na parang nagbibigay galang at sinasabing tumuntong ako sa ulo niya. Napatingin ako sa kanila. Ngumiti silang dalawa at tumango. Ginawa ko naman ito. Humarap ang dragon sa aking mga magulang. Yumuko sila at muling gumawa ng handseal. Umilaw ang aking braso at lumitaw ang isang bracelet. Anong hiwaga na naman ito? Mabilis namang lumipad ang dragon na sinasakyan ko papalayo kay Mama at Para. Muli akong lumingon at unti-unti ay naglalaho sila. Pagtingin ko sa amin harapan ay madidilim na ulap ang aming susuungin. Kumikidlat-kidlat at kumukulog pa. Napahawak ako sa sungay ng dragon. Bakit tuloy-tuloy lang siya? Mapapahamak kami! “Whoah! Umatras ka! Umatras ka!” Hinihila ko ang kanyang sungay pero hindi niya ako pinakinggan hindi bumulusok ito sa mga madidilim na ulap. “Whoaaah!!”Tinakpan ko ang aking mga mata.”Ayoko na!” Isa na namang dragon ang lumitaw at sumabay sa akin. Fire dragon naman ito at may nakatungtong na isang tao. Naka-ninja suit rin siya. Nagkalapit ang mga dragon na tinutungtungan namin. Inilahad niya ang kanyang kamay para maabot ako. Natatakot ako dahil baka mahulog ako. Angtaas kaya ng nililipad namin. Paano pag nag-crash ako `no? Musta naman ang beauty ni Rich! Nag-perform siya ng handseal at ang mga dragon ay lumipad paitaas at pumulupot sa isa’t-isa. Dumagundong ang takot sa puso ko nang nahulog ako pero siya rin namang pagtalon niya patungo sa akin. “Tulong! Tulungan mo ako!” Shit! Nagkakakawag-kawag ako sa ere. Parang lulubog ang puso ko at kalamnan ko! Ibinuka niya ang kanyang kamay at laking gulat ko nang may lumitaw na pakpak sa kanyang likuran. Pakpak na nag-aapoy. Sumulong siya patungo sa akin at sinagip ako. Nakakulong ako sa kanyang mga bisig at nakasubsob sa kanyang dibdib. “Bumalik na tayo.” Ang dalawang dragon ay paikot na sumusulong sa maiitim na kaulapan na parang gumagawa ng lagusan para sa amin. “Don’t give up. The world needs you,” sambit niya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa bibig ko. “Wake up and fulfill the prophecy…” Pagkasabi nito ay inilapat niya ang kanyang labi sa labi ko. LEE Pabaling-baling ang ulo ni rich habang natutulog. She is having another nightmare, I guess. Niyugyog ko na siya ng ilang beses pero hindi siya magising. Heavens! Nagpapawis na siya nang sobra. Ito na lang ang pwede kong gawin. Inilapit ko ang bibig ko sa bibig niya. Konting apoy lang ang padadaluyin ko sa katawan niya. Just enough to wake up up. Hinawakan ko ang kanyang baba at pisngi baka ibuka ng konti ang kanyang labi. Huminga ako nang malalim nang gahibla na lang ang pagitan ng aming mga labi. Here goes nothing Rich. Wake up. We need you. Biglang may tumapik sa balikat ko. “LEE!!! What are you doing?!!!” Oh, f**k! Tuluyang naglapat ang mga labi naming! Ilang segundo akong hindi nakagalaw sa pagkakalapat ng labi ko sa labi ni Rich. Biglang nagmulat rin ng mata si Rich na pareho naming ikinagulat. Napaatras ako nang napasigaw naman siya. Angtinis ng boses niya! Sakasa siya takip niya ng bibig niya. “Anong ginawa mo sa akin?!” “Nuie!” Galit kong hinarap si Nuie. “You stupid!” Ang loko-loko nag-peace sign pa. “Hindi ko sinasadya Lee. Super sorry talaga. Kasi naman..” “Bakit mo ako hinalikan?! Alam mo bang first kiss ko yun?!” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Angsama-sama mo.” Siya na nga ang ginigising siya pa ang may ganang magalit. Humihikbi-hikbi pa ito parang big deal yung nangyari. “Angsama mo,” she said inbetween her sobs. “pinagsamantalahan mo ako…” “What?! Anong pinagsamantalahan ang pinagsasasabi mo? I am just trying to wake you up! You are having a nightmare! You’re f*****g crying, de sana pinabayaan na lang kitang mamatay sa bangungot!” Natahimik naman ito. Pero panay pa rin ang punas sa labi niya. Siya pa ang nandiri? Tatlong beses or more akong nagto-toothrbrush. Siya nga `tong tulog lang e. Ako ang lugi! Natatawa si Nouie sa gilid naman. “Rich, maniwala ka. Hindi ka niya hahalikan. Nagulat lang siya kasi tinapik ko siya.” “E bakit anglapit niya sa mukha ko?” GOD she is so imposible. Inosente nga pala itong babaeng to. “Bubugahan sana kita ng apoy sa bibig para magising ka…” “Susunugin mo ako?!” Natulala kami ni Nuie sa reaksyon niya. Nuie giggled. “Nabagok ba ang ulo niya? Baka need niya ng ibayong check up.” “Hindi! Basta mahirap explain pero mabuti at gising ka na rin.”. Bigla naman siyang nalungkot. “Sina mama at papa.” Lumapit na si Nuei at hinawakan siya sa kamay. “Sorry, hindi namin sila nailigtas…” Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak. I know how it feels to be left alone. “Huwag ka nang umiyak. Binabantayan ka nila kung nasan man sila ngayon.” Tumingin siya sa akin. “Paano mo alam? Diyos ka ba?” Bakit ba para siyang bata? “Hindi pero basta alam ko.” Hinawi ko ang aking buhok at muling naupo. “Hintayin natin sina Master Xeron at Master Xenon. Para mailipat ka na sa magiging bagong tirahan mo. And please, don’t think na hinalikan kita. Lugi ako dahil hindi ka pa nag-tooth brush.” RICH Nagulat talaga ako nang Makita ko si Lee na napakalapit ng mukha sa akin. at ang mga labi namin na magkalapat. Sino ba namang tulog ang gustong magising na hinahalikan no? Si Sleeping beauty siguro! Nalulungkot pa rin ako dahil wala na sina mama pero hindi rin mawala sa isip ko `yong panaginip ko at yung peaceful nilang mukha nang lumipad ang dragon papalayo. Naupo ulit si Lee napansin ko ang kanyang bracelet. Parehong pareho n`ong nakita ko sa panaginip ko. “Lee…” Tumingin naman siya sa akin pero ito na naman yung kasungitan mode niya. “What?” “Saan mo nakuha yang bracelet mo?” “Why?” “Natanong lang.” “Hindi pwedeng natanong lang. Kahit maliit na bagay may dahilan. So, what is it?” Nakakinis naman `to. Kung magsalitan parang mga oldies na napapanood ko sa movies. `Yung tipong kahit anong gawin mong palusot hindi ka makakalusot? Natawa naman si Nuie. “Sensya ka na, Rich. Tandang Lily `yan e.” Tiningnan siya nang masama ni Lee bago bumaling sa akin. “What is it?” “Hmmm…” Nakagat ko ang lower lip ko sa nerbyos. “Ano kasi…” “What? Angdami mong paliguy-ligoy e.” Sasabihin ko na sana nang pumasok sina Master Xeron at Master Xenon. Kinamusta nila ang lagay ko. Chineck ni Master Xeron ang findings ng doctor. “Pwede ka nang ilipat.” “Po? Saan? Gusto ko sa bahay namin.” “Kailangan mong manatili sa isang ligtas na lugar.” Hindi ko sila maintindihan pero kung `yon ang sabi ng head ng XerXen kailangan kong sumunod. Isinakay nila ako sa wheel chair patungo sa likuran ng campus. Nangunang naglalakad sina Master Xeron at Master Xenon habang nasa tabi ko namang naglalakad si Lee. “Rich, Pag magaling ka na gawa ka ulit ng maraming chips ha?” Request ni Nuie habang tinutulak ang wheelchair. “Maraming-maraming chips! Ako na bibili ng softdrinks. Ha ha! Magpicnic tayo nina Brigitte sa rooftop. Masaya `yon!” “Nuie, can you shut your mouth? Hindi ka pa ba pagod magdaldal?” napakasungit ng Tandand Lily na `to. Buti nga si Nuie nakipagchikahan sa akin e. Nababawasan ang lungkot ko. Nagtataka ako kung saan nila ako dadalhin. Parang wala namang bahay dito. Para lang kaming dumadaan sa isang napakahabang daan sa pagitan ng mga naglalakihang puno. Ilang minuto na ba kaming naglalakad? May patutunguhan ba to? Wala bang placard ng street? O kaya sitio? Puro lang puno! May ganito pala sa XXU? Maya-maya ay may natanaw na akong liwanag. Natulala ako sa ganda ng lugar. Maraming puno at mga halaman, mga iba’t-ibang uri ng bulaklak. Parang mga napapanood ko sa ancient Japanese movies. Nagpalinga-linga ako dahil baka may mga sumugod sa amin dito. Iba na ang alerto. “Nasan na ba tayo?” Tanong ko kay Nuie. “Wait ka lang,” ngiti niya. Hindi nga nagtagal ay nakarating kami sa isang bahay na parang mga nakikita sa Japanese ninja movies. May ganitong bahay pa pala ngayon? Pagpasok namin sa parang gate nito ay nagulat ako sa mga taong nakahanay sa main door ng bahay. Sina Lyle, Neon, Lyra, Jisho, Nate at Briggite. Nakasuot sila ng ninja suits. Kulay pula ang ilang detalye ng kanilang mga damit. Nasa cosplay ba ako? Anong Joke ba ito? “Maligayang pagdating Master.” Sabay-sabay nilang bati. Yumuko sina Master Xeron at Master Xenon. “Kumusta kayo dito? Ikaw Shichi? Kumusta ang pakiramdam mo?” “Mas mabuti na po, Master.”sagot ni Brigitte. Nanlaki ang mata ko. Master? Ano ba `to? Panaginip na naman ba? Baka may dragon na naman na lilitaw? Pakibalik na ako sa tunay na mundo! “Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon Rich pero ipapaliwanag namin sayo sa loob.” Malumanay na sabi ni Master Xeron. Pumasok na kami sa bahay. Angdaming sliding door naman dito. Napaka-typical Japanese house. Nangunang naglakad sina master kasunod kami ni Nuie. Bago namin lampasan sina Brigitte ay tiningnan ko siya nang masama. Yumuko siya na parang humihingi ng tawad. Sumunod na rin sila sa amin sa loob. Nang maipasok na ako ni Nuie sa sala ay humanay siya kena Brigitte. Ang pagkakaayos nila ay ganito: Nuie, Lyle, Lyra, Jisho, Neon, Nate at Brigitte. Nasa tabi ko naman sina Lee at sina Master Xeron at Master Xenon. “Master, anong ibig sabihin nito.” baling ko kay Master Xeron. “May practicum po ba dito? Anong subject po ba `to? Special class?” “Hindi namin inaasahan ang maagang paggising ng kapangyarihan mo, Rich.” Pagsisimula niya. “Alam naming naguguluhan at baka hindi mo ito agad matatanggap…” “Master, kahapon pa ako naguguluhan…” Ikaw kaya ang parang sinusunog ang kalamnan mo at kung pagtangkaang patayin ng maraming pangit na halimaw? Sinong hindi maguguluhan dun. “Rich, ikaw ang itinakda para iligtas ang mundo.” Sagot ni Master Xenon. Oh my, Lord! Anong gusot ba `to? Kung panaginip `to gisingin niyo na po ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD