Kabanata 15- RICH: "Si Raio"

1934 Words
“Master naman e. Huwag niyo nga akong bibiruin ng ganito? Nasa cosplay ba tayo?” Angseryoso naman nila. Samantalang ako nagpapanic na dahil hindi ko nauunawaan `yang itinakda na `yan. “Hoy Brigitte! Kailan ka pa sumali sa ganitong costume party?” “Sorry Princess.” Saka siya yumuko. Ano ba `yan? Bakit kailangang yumuko? Ano ako boss ng gang? Kailangang samba-sambahin? Baka kulto `to ha?! “Angdaldal mo humarap ka nga dito.” Utos ni Lee. Nakatutok na naman sa noo ko ang kanang hintuturo niya. “Oh!” tinapik ko sa kamay niya. “Ano na naman ang gagawin mo?” Kumunot ang noo na naman niya. Kailan ba siya matututong maging isang mabait na nilalang at iwas-iwasan ang pagkunot ng noo. Nagperform siya ng handseal at itinapat na naman niya ang hintuturo niya sa noo ko. Ngumisi siya. Hindi ako makagalaw! Gusto kong magprotesta! Gusto ko siyang suntukin. Pero matatamaan mo ba siya? Ah basta nahihirapan akong gumalaw! Sa isang iglap ay nagbago ang paligid. Isang batang babae ang kaharap ko. nakasuot siya ng kimono at gumuguhit ng dragon sa paper. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Inaalok niya sa akin yung pangguhit niya pero umiling ako. Itinuloy lang niya ang ginagawa niya. Nang matapos niya ito ay nag-perform siya ng handseal at ang dragon sa kanyang papel ay lumipad-lipad sa aming paligid. Mabilis lang ito at agad ring naglahong parang bula. Pumalakpak pa ako na tuwang-tuwa sa kanyang palabas. Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Hindi naman ako nagdalawang isip na abutin ito. Nagpunta kami sa isang bakuran. Iba na naman ang suot niyang damit. Parang isang ninja warrior na. OO. Pang-ninja warrior ang suot niya. At Hindi na siya `yong batang kaharap ko kanina. Siguro ay mga kinse anyos na ito. Hawig siya ni Lee? Pero mas magaan ang loob ko dito. Smile-smile kasi siya. Haha! Tinuro niya `yong isang baitang ng hagdan. Naupo ako habang sinasanay siya ng isang matandang lalaki. Maliksi siyang kumilos na naiiwasan niya ang bawat pag-atake ng matanda. Mukhang naglalaro lang ito na maya’t-maya ay napapangiti. Anggaling niya. Para lang siyang lumulutang sa hangin. Nagperform ng handseal sa magkabilang kamay ang matanda at lumabas ang mga fireballs sa kanyang paligid. Pinukol niya ang mga ito sa babae pero naiwasan niya ang bawat fireball. Sa bilis nito ay nasa harapan na siya nung matanda ang nakatutok ang punyal sa leeg ng matanda. Akala ko ay panalo na siya pero nanghina ito nang meron pa palang isang fireball na hindi pinapakawalan ang matanda sa kanyang kamao at sapul sa sikmura yung babae. Napatayo ako sa pag-aalala pero pinigilan ako nung matanda. Maya-maya ay itinapat niya ang kanyang kanang kamay sa noo nung babae at bumalik na ang lakas nito. “Kailangan mo pang magsanay nang maigi.” Sambit n`ong matanda. Tumango lang `yong babae at nagtungo sa kinaroroonan ko. “Mamasyal tayo Raio.” Raio? Tinawag niya akong Raio? Hindi naman ako sumang-ayon pero hinigit niya ako sa kamay. Naglakad-lakad kami sa may bayan. May fiesta ba? Marami kasing dekorasyong nakasabit. Mukhang iginagalang ang kasama ko dahil yumuyuko ang mga nakakasalubong namin. Hinatak niya ako sa isang kainan. Puro Ramen! At mukhang angsarap ng mga luto nila dito. Habang kumakain ay nagkukwento siya pero tango lang ako ng tango dahil hindi ko maintindihan yung mga terms na sinasabi niya. At paulit-ulit na Raio ang tawag niya sa akin. Parehong R ang umpisa ng pangalan namin pero hindi ako `yon! Rich ako! Tsk. Kulit e. Muli naming binagtas ang isang palengke. Hindi ko alam ang tawag sa mga tinitinda nila. tumigil kami sa tapag ng nagtitinda ng mga accessories. Kumuha siya ng hairclip. Humarap siya sa akin at hinawi ang buhok ko bago inilagay ang hairclip. Ngumiti siya at nagthumbs up. Pakiramdam ko nagblush ako. May nakita akong mga kimono. Angganda ng kulay! At may mga disenyo pa ng bulaklak. Agad kong pinuntahan yung tindahan. Paglingon ko sa kinaroroonan niya ay nakatingin lang siya sa akin at tumango. Kinuha ko `yong kimono at kinapa-kapa kung may pera pa ba ako. Muli ko siyang nilingon. Ngumiti siya at itinaas ang lalagyan niya ng pera. Siya na nga ang nagbayad ng mga pinimili ko. Dahil hindi pa siya nakontento dalawang kimono ang binili niya. Tig-isa daw kami. Muli niya akong hinatak patungo sa loob ng tindahan. Itinuro niya ang isang kwarto at itinaas yung kimono. Parang sinasabi niyang magpalit kami ng damit. Hindi ko alam kung paano ko naintindihan yung mga sinasabi niya pero ginawa ko kung ano ang naunawaan ko. Sa kabilang kwarto siya pumasok. Paglabas ko ay may nakatalikod na pigura. Lumingon ito pagkarinig ng Langitngit ng pinto. Nagulat ako dahil si Lee na itong kaharap ko. Yung maitim niyang buhok, ang kanyang mga mata pero kakaiba ang mga mata niya ngayon. Ang-aliwalas. Inilahad niyang muli ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman ito. Magkahawak ang mga kamay namin pero binitiwan rin niya n`ong papalabas na kami ng tindahan. Maging yong babae na kanina ay nagtinda sa amin ay dumami na rin ang kulubot niya sa mukha. Pero kapansin-pansin na yumuko na naman ito at nagbigay galang sa aming dalawa. Ganun rin ang ginawa ni Lee kaya ginaya ko na rin siya. Sumakay kami sa kabayo na nasa tapat ng tindahan. Mabilis kaming nakarating sa isang bahay. Naunang bumaba si Lee para alalayan ako. Pumasok kami sa bakuran na parang gamay na gamay ko ang pasikot-sikot nito hanggang sa makarating kami sa likuran. Pumasok ako sa bahay at may kinuha. Isa itong punyal na may disenyo ng dalawang dalawang dragon. Nakangiti siya habang papalapit ako sa kanya. Dalawang kamay kong inilahad sa kanya ang punyal. Lumapad ang ngiti nito nang makita ang disenyo ng punyal. Gumawa siya ng handseal na tulad nung bata na una kong nakaharap. Ang dalawang dragon ay umangat sa punyal. Lumaki ito nang lumaki at pumaikot sa amin. Lumalakas ang hangin sa paligid pero matiwasay ang mukha niya. Muling lumipad ang dalawang dragon tulad ng nasa panaginip n`ong nasa hospital ako. Tumindi ang liwanag ng paligid at maging ang langit at kumikidlat. Unti-unting pumaikot sa amin ang buhawi na pinaghalong apoy at yelo. Angganda! Parang lagi na naming itong ginagawa. Pero bigla akong nakaramdam ng pagtarak ng isang matalim na bagay sa likuran ko. Napasandal ako kay Lee. “Raio?” Pag-aalala ng boses niya. Hindi ko halos maimulat ang mga mata ko. Nakita ko kung paanong naglaho ang dalawang dragon at kung paanong buhawi ng apoy na lamang ang Pumapaikot sa amin. ”Raio!” ulit niya. Inalog-alog niya ako pero parang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nagdilim na ang paligid. Napasinghap ako nang parang may dalawang kamay na marahang tumulak sa likod ko. Napamulat ako at habol ang aking paghinga. “Rich are you okay?” Inalalayan ako ni Master Xeron para makaupo ng maayos at hinahod-hagod ang likuran ko. “Pasensya ka na Rich napalakas ang awakening seal na ginawa ko.” Hindi ako okay! Parang nalipat yata sa harapan ang baga ko e! Naubo-ubo na ako. s**t! Kinapa kapa ko ang dibdib ko. Baka nandito na nga ang baga ko e. “Ano ba yung mga nakita ko? Saka bakit nand`on ka? Bakit Raio ang tawag mo sa akin?” Sunod-sunod na tanong ko kay Lee. Ikaw kaya parang nagtime-travel at mamatay sa huling parte anong mararamdaman mo. Wait? Time travel? Raio? Si Lee? Nanlaki ang mga mata ko. “Gets mo na ba?” Walang emosyon na tanong niya. “Oo na hindi.” “Ano ba yan!” Sabat ni Nate. “Parang choco na gatas. Gatas na choco e. Ulitin mo nga Lee.” Natatawang suggestion nito. “Gusto mo ulitin ko?”seryosong sabi ni Lee. Makailang beses akong umiling.”Ayoko! Pwede ba! Angsakit sa ulo n`on! Ipaliwanag mo na lang. Bakit gan`on? Hindi ko maintindihan ang mga lenggwahe pero parang nakikipag-usap ako? Parang nagkakaintindihan kami. Bakit nand`on ka? Bakit angbait ng itsura mo dun? Bakit…” Tumigil ako sa pagtatanong nang makita kong kumunot na naman ang noo niya. “Re-encarnation. Maniwala ka man o hindi, Ikaw ang matagal nang hinihintay ng sangkatauhan para ibalik sa normal na kalagayan ang mundo.” Paninimula niya. “Ikaw ang pipigil sa nalalapit na delubyo. Nakasalalay sa`yo ang Hinaharap ng mga inosenteng nilalanag na hindi pa nagigising ang kapangyarihan. Ikaw ang pag-asa ng mga susunod na henerasyon.” Loading ang aking may kaliitan ng utak. Okay, hindi magandang insultuhin ang sarili. LOADING po ang aking 1 GB na utak. Yan. “Tsss…” Naiinis na namang reaksyon ni Lee. “Hindi ko alam bakit ikaw pa! Bakit sa mahinang utak muling isinilang tagapagligtas ng mundo!” “Hoy!” Sigaw ko sa kanya. May kasamang panduduro pa `yan. “Sinong nagsabing mahina ang isip ko?! ikaw lang `tong hindi magaling magpaliwanag e. Subukan mo kayang gawing 1 + 1 lang at huwag mo nang dagdagan ng maraming variables.!” “Fine!” Ganti niya. “ikaw ang re-encarnation ni Raio. Ang tanging may taglay ng kapangyarihang maaring pumigil sa dark element na kasalukuyang gumagambala sa balanse ng mundo.” “E ganun naman pala e! Angsimple!” Humalukipkip pa ako at confident ko pang sabi habang naglo-loading ang mga sinabi niya. “Ano?! Ulitin mo nga yung sinabi mo?!” “Ewan ko sa`yo! Anghina ng utak mo.” Tumayo siya at hinugot ang isang maliit na libro sa bulsa niya. “`Yan! Basahin mo na lang yan!” Initsa niya sa harapan ko `yong libro at lumabas siya ng kwarto kasunod nina Master xeron at Master Xenon. Nilapitan ako nina Brigitte at Nouie samantalang sinundan nina Lyle si Lee. “Nakakatawa ka talaga.” Komento agad ni Nuie. “Alam mo bang ikaw lang ang may lakas ng loob na sigaw-sigaw si Lee?” “E ano naman? Nakakainis siya e! Hindi ko maintindihan yung mga sinabi niya. Anong gusto niya? Isang pa-flashback niya maunawaan ko na? O tanggap ko na?” “Mahirap bang intindihan yung Rich? Re-encarnation ka ni Raio. Ang Ice Dragon Princess. Ikaw lang ang pwedeng makapigil sa mga karahasang nagaganap ngayon.” Malumanay na pagpapaliwanag ni Brigitte. “Tama…”sang-ayon ni Nouie. “Malilinawan ka rin sa paglipas ng mga araw.” “E kayo? Seven dwarfs? Mga alalay ko? Sana ako ano? Hayop? Dragon? Bakit nakakalakad ako sa dalawang paa ko?” “Mga gabay mo kami.” Seryosong sagot ni Brigitte. “Poprotektahan at gagabayan ka naming hanggang sa maging handa ka na.” “Wow ha? May ganun? Kung guardian ko kayo bakit wala kayo d`on sa pinuntahan namin ni Lee? Bakit siya lang ang kasama ko? `Di ba dapat nandoon rin kayo n`ong mapatay yung Raio? “ Anggulo kasi nilang sumagot diba? Kung guardian sila ng Ice Dragon bakit nung araw na namatay siya ay wala man lang nagpakita kahit isa sa kanilang pito. “Ilang libong siglo na ang lumipas Rich. Ang mga nakita mo ay naganap n`ong mga panahong tanging si Lee lang ang pumoprotekta sa Ice Dragon. At n`ong mga panahong iyon ay wala sa hinagap ng mga pinuno na may magtatangka sa buhay ni Raio.” “Sandali lang ha?” Naguguluhan na ako ng ilang libong siglong beses rin! “So ang ibig mong sabihin si Lee ay re-encarnation rin nung babae na nakita ko kanina?” Umiling si Nuie. “Siya yun Rich. `Yong babae na nakita mo at si Lee na kasama natin ngayon ay iisa.” “Anong ibig mong sabihin?” “She is immortal.” --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD