Kabanata 16-RICH: Mahirap ba maging Immortal?"

1590 Words
Hinanap ko si Lee sa buong kabahayan. Gusto kong mas malinawan sa mga pangyayari. Wala naman ibang pwedeng magpaliwanag ng mga ito sa akin kung hindi siya lang kahit labag sa loob ko at nai-imagine ko pa lang na baka gamitan na naman niya ako ng kung anong hokus-pokus para lang makita ang mga pangyayaring maaring may kinalaman sa mga tanong ko. Nakasalubong ko si Nate at tinuro niya na nasa may likuran daw si Lee at nagsasanay. Namangha ako sa itsura ng paligid. Ganitong-ganito yung nakita ko kanina sa pagbabalik ko sa nakaraan. Ito yung lugar kung saan nagsanay si Lee kasama nung matanda. At dito sa kinatataruan ko mismo ako nakaupo noon. Nakapikit si Lee habang nag-eensayo na parang may kinakalaban. Matapos ang huling pagpapakawala niya ng matinding bolang apoy na pumailanlang sa itaas ay nagmulat ito at humarap sa akin. “Anong kailangan mo?” “Ang katotohanan. Lahat ng katotohanan.” “Nakita mo na diba? Hindi ka pa naniniwala?” “Kulang yun! Alam kong marami pa akong kailangang malaman Lee!” Lumapit siya sa akin pero walang pagbabago sa kanyang mga mata. Walang emosyon ang mga ito. “Kung hindi mo naman tanggap na ikaw si Raio mabuti pang huwag mo nang sayangin ang oras ko.” Lalampasan na sana niya ako pero hinawakan ko siya sa braso at pinihit paharap sa akin. “Hindi ako si Raio. Reinkarnasyon lang ako. So, ako si RICH. Pero kung `yon ang kapalaran ko, ang maging tagapagligtas kuno.” Binigyan ko pa ng emphasize ang tagapagligtas. “`Di ba dapat ko lang malaman kung bakit at paano ako nagkaroon ng ganitong kapalaran?” “Okey, sabi mo e.” Itatapat na sana niya ang hintuturo niya sa noo ko peo hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. “Please? Ikwento mo na lang. Sipagin ka naman oh. Bahala na akong mag-imagine kesa ako mismo ang makakita.” “Stupid. May dumi ka lang sa noo mo.” May kung ano siyang tinanggal sa noo ko saka siya naupo sa may hagdan. Namalikmata lang ba ako? O nakita ko siyang ngumiti? Pero saglit lang `yon mga tatlong Segundo lang pero infairness mas bagay niya ang ngumiti palagi. Hmpf. Mapapadalas ang pagngiti mo pangako `yan pero ngayon kailangan ko munang malaman ang mga importanteng detalye ng aking pagkatao. Hmm. Ang ibig kong sabihin yung katauhan ko bilang si Raio. “Gaya ng sabi ko ikaw ang itinakdang maging tagapagligtas ng mundo. Pero magagawa mo lang ito sa tamang gabay ng pitong fire guardians. Kailangan mo ring matutong makipaglaban at magamit ang kapangyarihan mo.” “Fire guardians?” She nodded. “Nabanggit ni Shichi na napansin mo daw ang marka niya sa binti.” Tumango ako. “Cool nga e. Gusto ko ng gan`og tattoo.” “Hindi lang `yon isang simpleng tattoo. It is a mark of a fire guardian. Mayroon din nun sina Lyle, Neon, Lyra, Nate, Jisho at Nouie. Ang marka na nangangahulugan ng kanilang pagiging fire guardian at isinumpang tungkulin para protektahan ang Ice Dragon.” “Ako?”Turo ko sa sarili ko. “Oo. Kapag pinagsanib ang kapangyarihan mo at ng fire guardians ay magagapi niyo Siya.” “Sinong siya?” Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya ngayon. Ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhang ito. Ang gumising sa mga kapangyarihan ng mga ganid. Ang magdadala ng delubyo sa mundo.” “Anggulo naman n`on!” Reklamo ko ulit. “Sina Briggitte? Re-encarnation rin ba sila? Paanong naging guardian si Brigitte? E kaedad ko lang siya.” “If you can remember what you just saw in the past wala akong nagawa noon para protektahan ka. So as time went by, I met these people I trained and molded them to be one of the best fire guardians that can protect the Ice Dragon.” “Pati si Brigitte?” Tumango ulit siya.”N`ong araw na muntik ka nang mapatay ng bestfriend mo ay nandoon kami ni Brigitte. She was too young that time. She saw how your best friend was about to attack you. She tried to run as fast as she can to save you.” “Nand`on ka? Ibig sabihin…” Siya ba yun? Humarap siya sa akin. “Huwag kang magtitiwala agad-agad” “Ikaw yun?!!” Ang ekspresyon ng mukha niya ang nagpatotoo ng hinala ko. “I am watching over you since the day you were born, Rich. Pero hindi pwedeng palagi kitang babantayan dahil baka lalong malagay sa panganib ang buhay mo. So, I need Brigitte. I gave her the mark of a guardian since I saw within her the potential and the purity of her intentions. I trained her secretly and helped her use her ability properly.” “Pero bakit angsungit mo sa akin. `Di ba dapat mabait ka?” simangot ko. “Saka anong papel mo sa buhay ko? Pitong guardians lang `di ba? Ano ka? Extra?” “Tulad ng mga guardians kailangan mo ring matutong lumaban. So, ako ang magtutur,o sayo.” “Lumaban? As in p*****n? May dugo? Papatay ako? Espada? Wishing-wishing?” Kinumpas ko ang mga kamay ko na kunwari may hawak akong espada. “Ganyan? “Oo. Kung hihilingin ng pagkakataon kailangan mong pumatay. Kailangan mong gumamit ng dahas…” Nagtayuan ang mga balahabo ko! Pwede bang mag-back out? Papatay? Hindi ko kaya `yon! Makakita pa nga lang ako ng aso na naaksidente naawa na ako e. Ayokong dumanak ang dugo. “Huwag kang mag-alala. Masasanay ka rin. Isipin mo na lang para sa kaligtasan ng mundo ang gagawin mo. Hahayaan mo na lang bang may mga inosenteng tao pa ang madadamay?” Bahagya kong tinaas ang mga kamay ko. Hindi ko lubos maisip na ang mga kamay ko na ginagamit ko sa paggawa ng pagkain ay mababahiran ng dugo. “Anong iniisip mo? Natatakot ka ba?” Tumango ako. “Hindi ko alam kung kaya ko ba `tong papasukin ko. Paggawa lang ng pagkain ang alam ko e. Hindi pa perpek.” “Magtiwala ka lang kakayanin mo `yan.” May kinuha siya sa bulsa niya at isinuot niya ang kanang kamay ko. “Ano naman yan?” Magbibigay na nga ng bracelet hindi pa kasya. Papasa na `tong kwentas ko e. Nag-perform siya ng handseal ang unti-unting humigpit ang bracelet sapat lang sa wrist ko. “As long as suot mo yan hindi kakawala ang matinding kapangyarihan mo. Habang nagsasanay ka aaralin mo rin ang tamang pagkontrol sa iyong abilidad hanggang sa takdang panahon na pwede ko na `yang tanggalin.” “Ikaw lang ang pwedeng magtanggal nito?” Tumango naman siya. “Huwag kang mag-alala. `Pag mabilis kang matuto ay mapapaaga ang pagtanggal ko niyan.” Nabalot kami ng katahimikan. Gusto ko pa siyang magkwento tungkol sa buhay niya. Marami pa akong gustong malaman tungkol kena Lyle pero ang sabi niya basahin ko na lang yung maliit na librong binato niya sa akin kanina. “Lee.” “Hmmm?” “mahirap bang maging Immortal?” LEE “Mahirap bang maging Immortal?” Ang inosente ng mga mata niya. Matagal na panahon ko siyang hindi pinuntahan mula nung ibinigay ko kay Brigitte ang responsibilidad na bantayan siya. Pakiramdam ko nang mga panahong iyon ay may mga matang umaaligid at nagbabantay sa bawat kilos ko. Ayokong sa murang edad ay muling mapahamak ang Ice Dragon dahil sa kapabayaan ko. “Oo. Mahirap.” “Paano? `Di ba masaya `yon. Hindi ka namamatay.” I gave her a fake smile. “Ilang libong taon na akong nabubuhay Rich. Nalibot ko na ang pitong kontinente. Nasaksihan ko na ang lahat ng okasyon sa bawat bansang napuntahan ko. OO masaya kung sa masaya pero sa ilang libong taong lumipas nasaksihan ko rin ang iba’t-ibang uri ng karahasan sa mundo. Ang iba’t-ibang uri ng kasakiman ng tao. I had been and survived a lot of wars. Mga p*****n na ang tanging dahilan ay ang agawan sa kapangyarihan. Innocent people, even children died in front of me. May mga gabi na naririnig ko ang paghingi ng katarungan ng mga inosenteng kaluluwang nangamatay sa mga giyera. Mahirap Rich. Sobra.” I had witnessed all kinds of death for the last centuries and until now they are hunting me even in my dreams. Ang isa sa hindi ko kailanman makakalimutan ay ang pagpanaw ng isang sanggol na karga-karga ko habang tumatakas kami mula sa isang giyera sa gitnang silangan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sabay ng pagtakip ng dalawang tainga ko dahil naririnig ko na naman ang mga ingay na iyon. Their grievances! Ang mga paghingi nila ng hustiya sa kanilang pagpanaw. It has been a long time since I heard these voices again. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Rich. “Ilang beses mo na ba akong iniligtas? Pwede mo ba akong hayaan pagaanin ang loob mo ngayon?” I just let my tears flow freely. Kailan ba ako huling umiyak? Tama. N`ong araw na inilibing si Raio. Isinumpa kong iyon na ang huling beses ng pag-iyak ko. At paghihigantihan ko siya. Ako mismo ang papatay sa kanya. Hinagod niya ang likod ko.”Don’t worry.secret lang natin na umiiyak ka rin pala.” Hindi ko na ulit hahayaang maglaho ang pag-asa ng sangkatauhan. Pangako kong ituturo ko sayo ang lahat ng nalalaman ko. Sapat nang malaman mong ikaw at si Raio ay iisa. Kung may mga hindi man ako pwedeng sabihin sayo ay mauunawaan mo rin sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD