Kabanata 17- RICH: "Ang Droxis"

2987 Words
Hindi ako makatulog! Ang Bilin ni master Xeron kailangan kong makapagpahinga para mabawi ko ang aking lakas. Pero kahit anong gawin kong pagbali-baliktad ng posisyon wala pa rin.Hindi pa rin ako makatulog. Lumabas muna ako para lumanghap ng sariwang hangin. Angganda ng sinag ng buwan. At ang kapaligiran ay hindi maikukumpara ang naidudulot na gaan ng loob. Naupo ako sa hagdan. Nagpangulambaba at nag-iisip na naman. Binuklat ko ang maliit na kailangan ko raw kabisaduhin. Buti na lant pocketsize e. Pwede dalhin kahit saan. Maraming illustrations dito na patungkol sa kapangyarihan ko. Kung paano ang mga basics at kung paano pa ito mapapalakas. Parang anghirap naman nito. Ne hindi ko pa nga alam kung paano palalabasin ang kapangyarihan ko nang hindi nakakapinsala ng ibang tao e. Napabuntong hininga ako saka ulit ibinulsa ang libro. “Anglalim naman ng iniisip mo.” Naupo sa tabi ko si Nate. “Nag-aalala ka ba?” Tumango ako. “Angbigat kasi ng responsibilidad na `to e. Biruin ko iligtas ang buong mundo? Shocks! Superhero?” Ngumiti lang siya at pinaglaro ang kuryente sa kanyang mga daliri. Bahagya niyang tinaas ang kanang kamay niya at nag-form ng espada gamit ang kapangyarihan niya. Anggaling! “Hindi ko to kayang gawin noon pero sa tulong nina Lee nagawa kong mapalakas ang kapangyarihan ko at magligtas ng maraming tao. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo at kay Lee.” “Paano mo nga pala nakilala si Lee? Saka, anong secret na nakakatagal ka sa ugali niya?” Natatawa siyang humarap sa akin. Humarap siya sa akin.” Gusto mo talagang malaman?” Kumunot ang noo ko. Hindi ko nagugustuhan ang mga ngiti niya. Pati `yong kuryente na lumalabas sa daliri niya. Nag-i-spark-spark pa e! “Huwag mong sabihing kaya mo rin ang telepathy na ginagawa ni Lee? Time travel na naman?!” Tumango siya. “Gayahin mo ako.” Tinaas niya ang kamay niya. Nakaharap sa akin ang . Dumadaloy ang kulay puti at pulang kuryente dito. Tsk! Baka naman matosta ako nito! “Trust me with this Rich. Idikit mo ang palad mo sa mga palad ko.” Kinakabahan kong sinusunod ang sinabi niya. Bahala na diyan. “Close your eyes and look into my past.” Pagpikit ko ay nasa isang nayon ako kung saan may nagaganap na isang pagpupulong. Makaluma ang mga kabahayan dito pero hindi kasingluma ng nakita ko sa panahon ni Lee. Sa mga pananamit nila ay pihadong Japan ulit ito. May mga tumatakbo patungo sa akin napapikit ako dahil hindi na ako makakaiwas sa direksyon niya. Nagtaka ako nang tumagos ito sa akin. Ay. Tanga lang. Rich? Past nga ito malamang hindi ka nila makikita `no?! Naglakad-lakad ako at nakita ko ang isang babae na may dala-dalang samurai. Nakatalikod ito na parang pinupulong ang mga kasamahan niya. “Ang mga kalapit na nayon ay nasakop na ng mga Droxis. Hindi ako papayag na maging ang nasasakupan natin ay maangkin pa nila. Gawin niyo ang lahat para ilikas ang matatanda at mga bata. Ang mga kayang makipaglaban ay isama ninyo para ipagtanggol ang nayon.” “Pero pinuno, ang balita sa kabilang nayon ay sobrang lakas ng mga Droxis at kahit anim lang sila ay nagawa nilang paslangin ang may isang libong katao.” Namayani ang katahimikan bago muling nagsalita ang babae. “Malalaman lang natin kung malakas talaga sila sa mismong pagtungtong nila ditto.” Tumalikod siya sa kanyang mga tauhan at laking gulat ko nang makitang si Nate ito. Mahaba ang buhok niyang nakatirintas at may parteng naka-pusod. Nagmamadali itong lumabas. Sumunod naman ang limang lalaki sa kanya. Sinundan ko rin sila at tulad n`ong sa panahon ni Lee ay para kaming nag-time warp at ngayon ay nasa b****a na kami ng tinatawag nilang nayon. Nakatayo sa harapan namin ang anim na nakasuot ng maskarang dragon. Kulay itim at pula na tulad ng isang ninja ang kanilang damit. May dragon na disenyon ito. “Hindi ako papayag na sakupin mo ang distritong to!” Sigaw ni Nate. Lumapit sa kanya yung may mahabang buhok at may naiibang maskara. Kanang mata lang niya ang nakikita sa kanyang maskara. “Talunin mo ako. At hahayaan ko ang nayon niyo. Pero kung matalo kita wala ne isa ang matitira sa mga mamamayan dito maging ang mga matatanda at batang nilikas nito ay papatayin ko.” Tinuro nung nakamaskara ang bundok sa gawing kanan at ang tatlo sa mga kasamahan niya ay mabilis na nagtungo doon. `Yong dalawa ay lumipad samantalang yung isa ay singbilis ng kidlat kung tumakbo. Nanlaki ang mga mata ni Nate at inutusan ang ilang sa kanyang tauhan na magmadaling pumunta sa bundok. “Ano ang pasya mo?” Ma-otoridad na sabi nung babae. “Tinatanggap ko ang hamon mo.” Akmang bubunutin niya ang kanyang samurai nang muling nagsalita ang babae. Maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Bago mo ako labanan ay paslangin mo muna ang lahat ng tauhan mong nandito. Sa ganung paraan ay mapapatunayan mong karapat-dapat kang labanan ng isang Droxis.” Hindi agad nakasagot si Nate. Hinugot niya ang kanyang Samurai at humarap sa kanyang mga tauhan. Hindi naman kinakitaan ng takot ang mga ito. “Para sa kaligtasan ng nakararami.” Sambit nung isa at lumuhod. Humarap si Nate sa Droxis at itinarak ang kanyang samurai sa Lupa at lumuhod. “Hindi ko kayang paslangin ang mga kaibigan ko. Kung maari buhay ko na lang ang kunin mo kapalit ng buhay ng lahat ng mamamayan ko.” Bumalot ulit ang katahimikan kasabay ng malakas na hangin. Lumapit yung pinuno ng Droxis kay Nate. “Sumama ka sa akin.” Iniangat ni Nate ang mukha niya. Punong-puno ng pagtataka ang mga mata nito. Bumaling `yong pinuno sa mga tauhan ni Nate at itinuro yung lalaking nagpaubaya ng buhay kanina. “Simula ngayon ay pamunuan mo ang nayong ito. Isalin mo ang lahat ng iyong natutunan sa inyong pinuno. Ang mga nakababatang henerasyon ay sanayin niyo nang maging mandirigma. Muli siyang magbabalik sa takdang panahon.” Tumango yung lalaki. “Salamat.” Umiling `yong pinuno. “Sa inyong pinuno kayo dapat magpasalamat dahil handa niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa inyo. Magpadala ka ng mga kasamahan mo sa mga naunang nayong nasakop namin. Ipamalita niyo na natalo ninyo ang Droxis at kayo na ang mamumuno sa lima pang nayon. Gawin niyo ito para magkaisa ang lahat ng mamamayan.” “Hindi ko sila pwedeng iwan.” Apela ni Nate. Binalikan siya ng tingin nung pinuno. “Magtiwala ka. Para rin ito sa kaligtasan ng mga susunod na henerasyon.” “Pero…” “Huwag po kayong mag-alala pinuno. Kami na po ang bahala dito. Sisiguraduhin po namin ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.” “Tumatakbo ang oras.” Sabat ng pinuno ng Droxis. “Kailangan na nating umalis.” Hinawakan ng pinuno sa braso si Nate. Nag-perform ito ng handseal at naglaho sila sa gitna ng makapal na usok. Hanggang d`on lang at bumalik na ako sa kasalukuyang panahon. Para akong itinulak ng kuryente sa katawan ni Nate. “Pagod na ako.” Natawa pa siyang pinaglaro ang kuryente sa kanyang mga palad. “Sorry ha? Hanggang dun lang ang dapat mong Makita. Madugo na kasi ang mga sumunod na pangyayari e.” “Ok lang. Hmm, yung pinuno ng Droxis? Se Lee ba `yon?” Tumango siya. “Sina Lee, Nuie, Lyle, Lyra, Jisho at Neon ang Droxis. Sumama ako sa kanila at nagsanay. Nang handa na ang pisikal na katawan ko ay ginising ni Lee ang kapangyarihan ko at tinulungan niya ako sa pagpapalawak ng kaalaman ko dito.” “Paano niyo naitatago ang mga katauhan niyo? Impossibleng walang nakakakilala sa inyo.” “Low profile naman kami. First name ang pinapalitan naming pero ang pangalawang pangalan ay nanatili bilang palatandaan kung sino sa amin ang unang nakatagpo ni Lee sa mga nakaraang panahon.” “Ha? Parang kung sino ang panganay?” Tumango siya. “Alam mo na. sa edad ni Lee.” saka ito tumawa. “Minsan ang tawag na nga lang niya sa amin ay sa pangalawang pangalan na lang e. Lalo pag galit.” Tumawa ulit ito. “Lagi naman siyang galit.” Humalakhak na naman siya. Parang si Nuie lang ito na masayahin. “Hay naku, Rich. Kulang pa `yang kasungitan niya `no! N`ong bago pa lang ako sa grupo? Araw-araw niya akong pinagsasabihan! Hindi ko kasi magawa ng maayos ang mga techniques ng kapangyarihan ko.” “Hmm, hindi ba siya marunong ngumiti ng matagal?” Sandali siyang napaisip. “Huli ko siyang nakitang ngumiti nung 1996. Hindi ko naman sinadyang marinig ang usapan nila ni Nuie noon e. Pero ang nahagip lang ng pandinig ko ay isisilang na daw ang pinakahihintay niya.” “Ano bang meron sa taon na yun?” Nagkibit-balikat siya. “Nagbantay nga kaming pito n`on sa isang hospital e. Nagpanggap pa nga si Lee na isang nurse noon para lang makapasok sa delivery room. Sa kabutihang palad naman walang gulong nangyari pero nung oras na isinilang ang bata parang nanlamig ang buong paligid. Maging kami ay nanghina rin. Napagtanto ko nga na `yon `yong araw na pinanganak ka.” Naalala ko yung kwento ni mama na nagkaroon daw ng hindi maipaliwanang na phenomenon nung oras na pinanganak ako. Ang tanging naalala lang niya ay may isang nurse na kumarga sa akin at itinutok ang hintuturo sa noo ko. May itatanong pa sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran namin. “`Di ba dapat nagpapahiga ka na?” Ang boses na `yon! Lagot! Si Lee yun. Agad akong tumayo at yumuko para humingi ng tawad. “Sorry. Hindi kasi ako makatulog.” Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay itinuon niya ang tingin kay Nate. Maaga ang pagsasanay niyo bukas. Imbes na ikwento mo ang buhay mo ay magpahinga ka na.” Napakamot sa batok si Nate. “Sorry. Parang hindi mo alam na pare-pareho tayong nakakaranas ng ganito.” “Just rest.” LEE Sinusubaybayan ko ang pito sa pagsasanay nila habang si Rich ay nagpapahinga. Siguro ay kalahating araw ng tulog si Rich sa dimension na ito. Ang katumbas ng isang araw dito ay isang oras lamang sa tunay na mundo. Minsang nagsasanay ako ay aksidente akong nakapagbukas ng isang lagusan. Isinama ko si Nuie upang tingnan kung ano ang nasa kabila nito. Ikinagulat naming nang sa mismong harapan ng kamukhang-kamukha niya kami lumitaw. Hinabol kami ng mga mamamayan sa pag-aakalang mga mangkukulam kami. Buti at nakabalik kami nang ligtas. Simula noon ay nagsaliksik ako kung paano makakalikha ng dimension na pwede sa pagsasanay. Dito kami nagsanay at nagpalakas ni Nuie ang aking unang kakampi sa paghahanap ng hustisya sa pagpatay kay Raio. Matalik kong kaibigan si Nuie. Dinamayan niya ako sa lahat ng pagkakataong napapatulala ako sa kakaisip kay Raio. Sumailalim kaming pareho sa pagsasanay hanggang sa naging pinuno ako ng Zafairah. Naging maayos naman ang takbo ng lahat hanggang sa matuklasan ko ang isang lihim. Ang magiging epekto ng pagkamatay ni Raio sa hinaharap at kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Ako ay isinumpang maging immortal. Simula noon ay muli kaming nagsanay ni Nouie at inaral ang mga banal na kasulatan na kinuha ko sa himpilan upang maging immortal rin si Nuie katulad ko. Ngunit naging pabaya ako sa aking nasasakupan at hindi ko na namalayan ang pagtatraydor ng ilang ministro na hindi nakakaalam ng aking lihim. Nalaman ito ni Nuie at binuo namin ang isang planong maaring hindi magustuhan ng aking magulang pero para na rin sa ikabubuti ng mga susunod na henerasyon. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang mapagtagumpayan naming ni Nuie ang pagsasanay at tulad ko ay immortal na rin siya. Nalakad-lakad kami sa kagubatan at nagkunwareng nawawala. Naramdaman namin na may mga sumusunod sa amin. Sa kalagitnaan ng kagubatan ay tinambangan kami ng humigit-kumulang dalawangpong nakamaskarang mandirigma. Nagkipaglaban kami pero sa huli ay nagpatalo rin kami ni Nouie. Maraming tarak ng espada ang aming natamo. Siguro ay ilang araw rin kaming nakatulog sa gitna ng kagubatan. Nagising na lang ako sa tindi ng sikat ng araw. Unti-unti na ring naghilom ang mga sugat namin at namalagi kami sa kuweba para tuluyang magpagaling. Nagpanggap kaming ibang tao at umalis sa aking nasasakupan. Ang nabalitaan ko na lang ay ang kanang kamay ng aking ama ang namumuno na sa Zafairah. Ang aking mga magulang ay ipinatapon niya sa malayong lugar maging ang lahat ng kamag-anak ko ay nagging mga alipin. Lihim kaming bumalik ni Nuie sa templo upang kunin lahat ng kasulatan na maaring magbunyag ng lihim ko at amin itong sinunog. Nagsimula kami ng panibagong buhay ni Nouie. Naglakabay kami sa iba’t-ibang bansa. Nakianib sa iba’t-ibang samahan para magkaroon ng bagong kaalaman sa pakikipaglaban. At makapag-adjust sa pagbabago ng lipunan. Ilang libong taon ang lumipas. Nakilala namin si Lyle sa Korea. Isang mamamatay tao. Pero pumapatay siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Binantayan namin ni Nouie ang bawat araw na isinasakatuparan ni Lyle ang kanyang misyon. At sa bawat misyon na ito ay nasasaksihan namin ang kanyang pag-iyak. Hindi niya gusto ang ginagawa niya pero pinagbabantaan rin ang buhay ng kanyang pamilya. Hanggang sa tumanggi siyang gawin ang isang misyon dahil hindi na niya kinakaya ang konsensya niya. Pagkauwi niya ng bahay ay wala ng buhay ang kanyang asawa at dalawang anak. Mula sa labas ng kanyang tahanan at tanaw namin ni Nouie ang tatlong lalaking nag-aabang sa kanya at may mga bitbit na baril. Gamit ang kapangyarihan ni Nouie ay gumawa ito ng ilusyon ni Lyle at ito ang kanilang pinaputukan. Nagpalabas naman ako ng apoy at sinunog ang bahay ni Lyle pero sinigurado kong ligtas ito sa loob. Nang makaalis na ang mga lalaki at saka ko pinasok ang bahay at inilabas si Lyle. Wala itong malay nang dinala naming siya ni Nuie sa aking tahanan. D`on nagsimulang sumama sa amin si Lyle at inihanda ko rin ang kanyang pisikal na pangangatawan para sa paggising ng kanyang natatagong kapangyarihan. Binigyan ko siya ng Pangalawang pangalan na “Soong.” Naglakbay ulit kami at napadpad sa bansa na mas kilala na ngayon sa pangalang Thailand. Nagtrabaho sina Lyle at Nuie sa isang palaisdaan. D`on nila nakilala sina Lyra at Jisho. Lihim silang magkasintahan pero dahil pareho silang babae at hindi sumasang-ayon ang kanilang pamilya. Naging malapit si Nuie sa dalawa at naging sumubungan nila ito. Nakiusap si Nuie sa akin na kung maari ay isama na rin naming sila sa grupo. Hindi ako agad pumayag dahil una sa lahat mandirigma ang kailangan ko at hindi magkasinatahan! Pero itong si Lyle ay sinanay silang dalawa nang palihim. Hanggang sa dumating ang araw na kinompronta ako ng dalawa. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung nakita ko sa mga mata niya pero. “Hindi ako basta-basta pumipili ng hindi karapat-dapat.” Bulong ni Nuie sa akin. “You saw it don’t you?” Ang mga mata nilang dalawa ay tulad ng mga mata nina Lyle at Nuie. Nananalaytay rin sa dugo nila ang fire dragon blood. Sa lagay na to ay pisikan na lakas pa lamang ang nasaksihan ko sa kanila pero ramdam ko na ang kanilang potential. Dahil nga sa bagay na `yon ay pinalabas namin na nagpakamatay ang dalawa at ang mga labi na inilibing ng kanilang mga magulang ay pawang mga ilusyon lamang na nilikha ni Nuie. “Lee!” Mabilis na lumapit sa akin si Neon. “Tatayo ka na lamang ba diyan? Mag-unahan tayo hanggand doon!” Turo niya sa pinakamatayog na bundok. Hindi ko makakalimutan kong paano ko nakilala si Neon. Isa siyang magnanakaw at minsan niya akong nabiktima. Lugmok sa hirap ang kanyang pamilya kaya ito na lamang ang tanging paraan niya para mapakain ang labing-dalawa pa niyang kapatid. Bata pa siya noon at napabalib niya ako sa bilis niyang tumakbo at kung paano niya naililigaw ang mga humahabol sa kanya. Minalas lang siya minsan nang mahuli siya ng tauhan na hari at ikinulong sa dungeon. Itinakas namin siya ni Lyle at dinala sa kanilang tahanan. Nagkakagulo ang lahat dahil nasusunog na ang palasyo. Hindi kasi maiwasan ni Nuie na ma-excite sa paggamit ng ilusyon ni Lyle. Isinama namin si Neon sa grupo matapos siguraduhin ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Sa araw na `yon ay nabuo ang Droxis na itinuring ng hari na numero unong kalaban ng batas. “Tinatamad akong tumakbo” Tugon ko sa kanya. “Duga mo naman e! si Nate na nga lang.” Tumakbo siya patungo kay Nate na inambaan siya ng suntok sa mukha. Nakasimangot itong bumalik sa kinatatayuan ko. “Bakit?” “Ayaw niya e.” “Malamang. You have the speed Neon. Walang pwedeng tumalo sa`yo.” “Except you.” ngiti niya.”Lee, sige na. Isang round lang naman e.” Umiling ako. “Kung kinalaban mo ang sarili mo parang kinalaban mo na rin ako. Gets mo?” Napabuntonghininga siya at inilahad ang kamay sa akin. “Timer.” Binigay ko ang timer sa kanya at kumaripas na ito ng takbo. Nilapitan ko si Nuie na kasalukuyang nakikipag-sparring sa ilusyon ni Brigitte. Tumigil siya at yumuko sa akin. “Tayo naman?” Umiling ako. “Tinatamad ako. Gisingin mo na si Raio.” “Walang Raio dito.” Masungit nitong sagot. “Tandaan mo yan. Ikaw ang gumising sa prinsesa mo. Busy kami dito.” “Sinusuway mo ba ako?” She giggled and nodded. “Oo. Siya. Umalis ka na. Gisingin mo na siya. Alam ko naming gustong-gusto o na siyang makita e.” “Baliw!” “Your eyes can’t lie, Lee. I miss those eyes. The same eyes I saw when we were in the hospital that day she was born.” Inirapang ko siya. Nang makalayo akong kaunti ay muli ko siyang nilingon. Nakahalukipkip siya at taas-baba pa ang kilay. I shoot her with a fire ball and she just dodged it laughing. “Pikon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD