Kabanata 6- RICH: "Black Wolf Gang"

2435 Words
Sinisipat ko ang aking repleksyon sa salamin nang kinatok ako ni mama. Maganda ka ngayon, maganda ka bukas. Maganda ka kahit lamya ng powers mo. Haha! Ganyan dapat ang pag-motivate sa sarili. Love yourself dapat! “Anak, kumain ka muna bago pumasok ha?” Hinigit ko naman ang bag ko bago siya pinagbuksan ng pinto. “E mali-late na ako e.” “Pinagluto pa naman kita ng paborito mong agahan.” Malungkot niyang sabi. Wow ha. First time sa history na paborito ko ang niluto niyang agahan. Tumingin ako sa relo ko kung kakain pa ako mali-late na naman ako. Late kasi akong gumising paano kasi ang-alinsangan ng panahon kagabi tapos hindi mawala sa isip ko yung mga nasaksihan ko sa zone 7. Shocking kaya! Muntik na akong madedo dahil sa flying motor. “E mama, malilate na ako e. Pwedeng baunin ko na lang? Sa school ko na kainin?” Hindi naman siya sumagot. Tumalikod na siya at nagtungo sa kusina. Sinundan ko siya para kumuha ng lunch box at maglagay ng breakfast. Dalawa ang nilagyan ko para kay Brigitte. Malakas pa man ding kumain yung pag luto ni mama. Si Papa naman nagkakape na. Nagbabasa siya ng newspaper. Sana walang bad news baka pagsabihan na naman ako e. Binaba ni Papa ang newspaper. “Ayaw mo talaga kaming sabayan `Nak? Nagpunta ka daw sa Zone 7 kahapon? Totoo ba `yon?” Huli! Naku naman. Sinong tsismosa ang nagparating ng balita sa kanya? Naku! Dapat talaga sa mga tsismosa sinusuplong sa pulis e. “Ah opo. Pero saglit lang kami ni Brigitte.” Chineck ko ang relo ko. Baka i-corner niya ako e. Masabi ko pa ang buong katotohanan. Mas malalagot ako. “Mali-late na po ako papa. Promise bukas aagahan ko ang gising.” Tumango lang siya. Matapos kong maglagay ng pagkain ay nagpaalam na ako sa kanila. Hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko. “Galingan mo palagi sa school Rich ha?” Mama ko talaga. Mangiyak-ngiyak pa siya. “Opo mama.” Ngiting-ngiti ako para makampante naman siya. Ginagalingan ko naman e. Sadyang pang-average lang ang kaya ng aking brain. Hihi. ”Darating ang araw ililigtas ko an gating bansa pag may food shortage.” Biro ko pa. Gan`on kasi ang future ng mga tulad ko. Atleast may silbi. Hihi. Niyakap niya ako nang mahigpit. “Ingat ka ha? Kung ibubully ka magsumbong ka sa professor mo.” “Grabe naman mama. Uuwi pa naman ako mamaya.” Binitiwan niya ako at pinatong ang kanang kamay niya sa ulo. “O, sige na. Mali-late ka na.” Nagpaalam na rin ako kay Papa. “Ingat ka.” Wow. Bago `yon. At dahil ngayon ko lang narinig si papa ng pag-aalala sa akin ay niyakap ko siya at hinalikansa pisngi. “clingy ni papa ngayon. Ba-bye po. See you later my gwapong Papa at napakagandang Mama.” Hinihintay na ako ni Brigitte sa tapat ng bahay nila. Tahimik lang siya habang patungo kami sa bus terminal. Hindi na kami dumaan sa bakeshop. Ibang rota nga ang dinaanan namin ngayon e. “Ok ka lang?” Para kasi siyang may malalim na iniisip. Hindi ako sanay na ganito kasi siya. Mas gusto ko `yong nagbabardagulan kami. Tumango naman siya. “Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?” “Hindi nga e. Ang-alinsangan kasi.” Nakatodo na nga `yong electric fan ko pero napakaalinsangan ko. Pakiramdam ko nga tunaw na ang lamang-loob ko. “Saka iniisip ko `yong mga nangyari kahapon. Muntik na akong madeds.” “Hmm… Huwag kang aalis sa paningin ko ha?” Umabre-siete ako sa braso niya. “Naks… Bakit? Ipagtatanggol ba ako ng mga manika mo?” “Tsss…gago…”Tinanggal niya ang pagkaka-abresiete ko sa kanya. “Baka pagkamalan pa tayong magjowa e. Kahiya naman sa akin e no? Lugi.” “Yay!” Tinulak ko nga siya. “Kilabutan ka naman uy. Ikaw pa ang lugi ah. Ganda-ganda ko e.” Nagsway-sway pa ako ng buhok gaya ng mga na sa komersyal sa tv. “Swerte ng magiging boyfriend ko kaya.” “Paniwalain mo ang sarili mo.” Tatawa-tawa pa siya ha. Itatampal ko ditto kung magkajowa ako ng gwapo talaga. Matiwasay naman kaming nakarating sa school. Parang masyadong mapayapa ang paligid. Maging sa school grounds ay walang mga nakatambay na nambu-bully sa amin. Tinitingnan lang nila kami habang papunta sa klase namin. Siniko ko siya. “Bakit parang walang nambubully sa atin?” Nagkibit-balikat lang siya. Baka absent yung mga siga. O baka napagod sila? Day off ng pambubully nila? Ano bang araw ngayon? Baka cease fire muna sa campus? Habang nagkaklase ay nakatingin lang sa labas si Brigitte. Kung may kapangyarihan lang ako tulad ni Lee baka mababasa ko ang iniisip niya e. Pero hindi magandang gawain `yun kaya huwag na nga lang. Siniko ako ng katabi ko. “Hindi ka pa nilalamig?” “Eh?” Full pala ang aircon at hindi nila tinanggal ang mga sweatshirts nila samantalang ako e manipis ang suot kong sleeveless blouse. Sobrang init kasi ang pakiramdam ko parang sinusunog ang lamang loob ko. Walang gaanong nangyari sa klase. Lecture-lecture lang. Nag-recite nga ako kaso mali. Haha! Ibang page siguro ang narebyu ko. Sakit sa ulo talaga ang Math. Hindi nga pala nagbibigay ng assignments sa university pag sa mga ganitong subjects. Pero pag patungkol sa pagsasanay ng aming mga kapangyarihan ay nagbibigay sila ng mga dapat naming gawin at ipe-present kinabukasan kung may progreso ang mga kapanyarihan namin. As if may magpoprogress sa kapangyarihan ko no? Baka ipamaster sa akin kung paano gumawa ng spaghetti gamit ang mga sinulid. Haha! Iba-ibang flavors pa. Yumyum! Halos mapuno na rin ang canteen dahil marami na ang may breaktime sa oras na `to. May mga nagyayabangan pa ng kapangyarihan sa ibang mesa. Mayroong tamad tumayo napapahaba niya ang kamay niya na parang goma. Sana lahat astig ang powers! Tinampal-tampal ko ang mukha ko. Huwag mainggit, Rich. Nilagay ni Brigitte ang mga gamit namin sa katabi niyang upuan. Bumili na rin siya ng drinks habang inihahanda ko ang baon ko. “Isang litrong tubig talaga ang naubos mo?” Nilapag ko ang basyo ng bottled water. “Napakainit kasi. Kain na tayo.” “May sakit ka ba? Todo na nga ang ercon dito.” “Ewan. Baka magiging taong apoy na ako. Ha ha! Level up ng kapangyarihan.” “Magiging gas stove ka! Haha! Pwede na rin.” Nilalantakan na namin ni Brigitte `yong luto ni Mama. Sangag at spam is life! May ginisang ampalaya rin. Hindi nga siya nagsasalita e. `Yan si Brigitte basta pagkain at luto ni mama hindi ako kilala niya. Galit-galit muna kumbaga. Naalala ko si Nuie. “Hindi ba naglalagi dito si Nuie? Anong course niya?” “Ewan ko. Hmm. Ang alam ko kasi pagala-gala lang yun sa campus…” Oo nga pala. Baka naghahanap ng mapagtitripan naman `yon. Tapos tatakutin niya gamit ang mga ilusyon niya. Parang angsaya maging friend si Nuie. Pwede ko kaya i-request na gawan niya ng ilusyon `yong mga poging artista. Ha ha! Tuloy lang kami sa pagkain nang may naglapag ng tray sa mesa namin. Pag-angat namin ng tingin ni Brigitte ay ngumiti ito. “Pwedeng makijoin? Busy yung mga kasabay ko e.” Si Neon. Anglapad ng ngiti niya at hinihintay ang sagot namin. Natulala naman kasi ako dahil sa dami ng bakantang mesa ay dito niya gustong maupo. Sumimangot naman siya. “Ayaw niyo?” “Ha? Ano. Sorry.”Umusog ako ng upuan. “Ok lang. Maupo ka na…” Magiliw naman siyang naupo at inumpisahang kumain pero napapatingin siya sa baon ko. “Gusto mo?” “Can I have some? Parang angsarap e.” Hinatian ko naman siya. Nagshare rin siya ng food niya sa amin ni Brigitte. Mayaman siguro `to si Neon, hindi ko kasi kilala `yong ulam niya. Ha ha! Basta may lasa ng oyster sauce `yong gulay. Hindi ko maiwasang pansinin yung mga schoolmates namin na panay ang tingin sa kinauupuan namin. Bakit parang may nakikita akong aura na nakapalibot sa mga katawan nila. Hindi naman ako hinawakan ni Brigitte. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pagmulat ko ay normal na naman ang paningin ko. wala na akong naaninag na aura. Nagpaypay ako gamit ang notebook ko. tsss. Ang-alinsangan talaga. “Are you okay?” Tanong ni Neon. “Hindi…mainit sobra…” Natawa naman si Brigitte. “Naligo ka ba? Hindi naman gan`on kainit ah. Aircon pa man din dito oh…” Inirapan ko siya. Naligo kaya ako. Angtagal ko ngag nagbabad e pero parang hindi naiibsan ang alinsangan. “Hanggat hindi talaga nakakahanap ng mapaglalaruan `tong mga `to hindi sila titigil.” Napatingin kami sa tinutukoy ni Brigitte. Ang Black Wolf Gang. Sila `yong tumambang sa amin kahapon at gustong gawin kaming alipin ni Brigitte. “Nagkakamali yata kayo ng inupuan. Pwesto namin yan.” Maotoridad na sabi ng leader nila. Siya `yong nambato sa amin ng bola. Wala sa sarili kong nahawakan ko ang likuran ng ulo ko. Parang naalala ko `yong sakit bigla. Tss. Kainis ha. “Wala naman kayong pangalan dito.” Sagot ni Brigitte. Tinaas niya niya yung lunchbox at sumilip rin sa ilalim ng mesa. Si Neon naman tuloy lang sa pagkain. Ipinatong ng lalaki ang dalawang kamay niya sa mesa. “Hoy, Babygirl.” Pang-iinsulto niya kay Brigitte. “Laruin mo na lang ang mga manika mo…” Matapos higupin ni Neon ang sabaw ay nag-inat-inat ito. “Wow! Busog!” Saka lang niya pinansin ang Black Wolf. “Oh, Johnny! Anong ginagawa mo dito?” Sinilip pa niya at parang binilang ang mga kasama niya. “May party ba? Kasama mo pa ang mga aso mo ah?” Buong ngiti pa niyang sabi dito. Nagpalinga-linga muna si Johnny bago hinarap si Neon. “Matagal na akong nagtitimpi sa`yo e. Hindi porke kadikit mo si Lyle ay kakaya-kayanin mo na ang grupo ko.” “Wala akong sinabi…” Kalmado lang na sagot ni Neon. “Saka nakakatamad lang. Mauna na ako…” Bumaling ito kay Brigitte. “Ikaw na ang bahala dito ha? Huwag ka nang magpigil.” Kinindatan pa niya si Brigitte. May alam ba siya? Bakit parang biglang natuwa si Brigitte sa sinabi ni Neon. Nilapitan niya si Johnny.. “Kung gusto mo ng laban. Huwag dito. Sayang naman tong building kung mapapabagsak lang ni Brigitte.” Nagtawanan naman ang mga Black Wolf. Nagbulung-bulungan pa ang mga ito. “Bakit? May malaki pa siyang manika ha?” tawa ulit n`ong isa. Neon cross his arms calmly. “Look, puro ka daldal kung gusto mo dito. Sige. Pero I am telling you. Hindi ko problema kong mababalian ng buto ang mga kaibigan mo.” Tumawa lang si Johnny at walang anu-anong hinablot sa likuran ng damit si Brigitte. Parang wala namang pakialam ang ibang schoolmates namin at tuwang-tuwa pa sila sa live show na napapanood nila. Sa lakas ni Johnny ay naingat niya sa lupa si Briggite. “Gusto mo isama ko pa yang kasama niya?” Ngisi nito habang nakatutok sa leeg ni Brigitte ang mga kuko niya na naging singtalas ng punyal. Mabilis akong nilapitang ni Neon. Pumalibot sa amin ang mga kagrupo niya saka lang nagsilabasan ang ilang Estudyante. “Oh, ano? Asan ang mga manika mo?” Nakahawak lang sa braso ni Johnny si Brigitte na nahihirapan na sa pahinga. Napatingin ito kay Neon. Bigla niya akong kinarga at wala pang sampung segundo ay nasa labas na kami malayo sa canteen. Iyong siguro ang kapangyarihan niya. Ang bilis ng pagkilos. Binaba na niya ako. Dala-dala din pala niya ang mga bag namin. “Neon naman. baka mapahamak yung kaibigan ko e!” Tumawa lang ito at pi-nat ako sa ulo. “Don’t act as if you don’t know her ability, Rich. Alam mo naman kayang-kaya niya ang mga `yon e. It’s about time, she shows the real Dragon Fist. Saka rated SPG `yon `no! Striktong Patnubay ng Gwapo ang kailangan.” Ano naman ang sinabing dragon churva ng lalaking to? Tumingin siya sa relo niya. Saka anong hindi ko pwedeng makita e nakailang beses na ba akong nakasaksi ng mga gan`ong bugbugan? Pero tama siya hindi pa gaanong malala ang mga nasaksihan ko. Wala pang napapatay. “Shall we?” “Saan na naman?” Naku! Anong feeling nag karga-karga ni Neon sa gan`ong bilis? Parang matatanggal ang pisngi ko! At nalalagas ang bawat hibla ng buhok ko! “Pwedeng lakarin na lang natin?” Napahawak siya sa tiyan niya sa kakatawa. Parang nabasa niya ang iniisip ko. Teka? Baka nga nabasa niya? Piningkitan ko siya ng tingin. “What? Nakakatawa kasi ang itsura mo. Huwag na nga tayong bumalik sa canteen. Magulat ka pa sa itsura ng mga Black Wolf.” Na-curious tuloy akong bigla sa sinabi niya. Baka nga nagkanda lapnos lapnos ang balat nila. “Balikan kaya natin?” Hindi siya sumagot kinarga niya ulit ako tapos ay nararamdaman ko talagang nalalagas ang buhok ko at natatanggal na ang pisngi ko. Dinoble pa niya kasi ang bilis niya. Lord, bakit napapaligiran ako ng mga ganitong klase ng kalalakas na tao? Pwede bang yung mga sing-level ko lang ang kapangyahan para hindi ganito kagulo ang buhay ko? Naratnan na lang namin ang canteen na sira-sira ang pinto at nakahandusya sa sahig ang ilang black wolf members. Lahat sila ay may sunog na parte ng katawan dahil siguro sa mga suntok ni Brigitte. `Yong leader na lang ang natitira na hawak-hawak niya sa leeg. “Brigitte!” Sigaw ko sa kanya. Tumingin naman siya pero yung mga mata niya kulay pula na nag-aapoy sa galit. Mabilis siyang nilapitan ni Neon at hinawakan sa noo. Doon lang niya binitiwan si Johnny na nabalutan ng apoy. Natumba naman ito saka lang ako lumapit. Nawalan siya ng malay sa sobrang paggamit ng kanyang lakas. Tinapat ni Neon ang kanang kamay niya sa noo ni Jonhny. Ang apoy ay unti-unting nawala na wari damaloy sa kamay ni Neon. Gamit ang kaliwang kamay ay hinawakan niya si Brigitte at lumipat sa katawan niya ang apoy na nagpanumbalik ng dating lakas niya. Napa-ubo ito ng dugo pagmulat ng mga mat. “Tsss. Damn it…” Singhal ni Neon. “Sinabi ko bang patayin mo sila?!” Umiling si Brigitte. “Gago ka rin. Hindi mo sinabing Uno silang lahat.” Natatawa pa nitong sabi. Kinarga siya ni Neon papuntang clinic. Bakit kayang dumaloy sa katawan ni Neon ang apoy na galing sa katawan ni Brigitte? Siya ba yung sinasabi ni Brigitte na sinusubaybayan ang bawat kilos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD