Naghiwa-hiwalay na kami.Kasama ko na sina Lyle, Neon at Nate. Nagtungo kami sa “Sibol” isang ampunan. Dito dinadala ang mga batang may kapangyarihan na hindi matanggap ng kanilang mga pamilya o kaya naman ay walang kakayahang buhayin sila.
Magkakaroon ngayon ng isang pagtataya sa kapangyarihan ng mga bata. Pinatong ko sa motor ang helmet ko. Magtatakip-silim na. Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Sana ay ganito palagi.
“Bakit ba palaging ganitong oras ang pagtataya ng kapangyarihan sa Sibol? Napakahilig sa gabi. Nigh shift?”
“Hindi ka na nasanay. N`ong nakaraan nga pinapunta tayo dito ng madaling araw e.” Nag-inat si Lyle. “This better be good.”
“I’m so excited!” May galak na kinumpas pa ni Nate ang kamay niya sa ere. “Sino kaya sa kanila ang katulad ko.”
“Mainitin ang ulo?” Biro ni Neon. “Sigurado `yong laging pinapagalitan. `Yong nang-uumit ng ulam! Ha ha!”
Akmang sasakalin siya ni Nate pero mabilis na lumipas sa kanan ko si Neon. “Oh. High blood! Pagsabihan mo `yan.”
Hindi ko na nga silang pinansin. Walang araw na lumilipas na hindi sila nagpipikunan. And as usual, si Nate ang laging pikon. Tinatakbuhan na lang siya ni Neon.
Sinalubong kami ng isa sa mga namamahala ng Sibol, si Sir Fredilein. “Good afternoon po. Kayo po ba ang pinadala ng XXU?”
Tumango ako.
Tinaas ni Neon ang kanang kamay niya. “Makikinood lang kami. Officers din kami sa XXU.”
Natawa si Sir Fredilein. Bakas na sa mukha nito ang guhit ng katandaan. “Ikaw talagang bata ka. Hindi mo na ako maloloko. Halina kayo at magsisimula na ang mga bata.”
Sa isang court kami dinala. Nakaupo sa bench ang ibang bata. Nakahilera naman sa gitna ang mga batang magpapamalas ng kakayahan. Nakikita ko na ang kanilang mga aura.
“Siguradong may iiyak mamaya.” Natatawang sabi ni Neon. “Ano kaya ang kapangyarihan n`on. Ha ha!”
“Please, shut your mouth.” Maotoridad na saway ni Lyle sa kanya.
“`Yan epal kasi.” Ganti ni Nate.
May tatlong organisasyon ang nangangasiwa ng aktibidad. Ang “Lakbay”, ito ay nasa ilalim ng gobyerno. “Supil”, ang isang pribadong organisyon. Ang XXU na kami ang kinatawan. Pare-pareho lang kami ng layunin. Sanayin ang mga bata sa kanilang kakayahan nang sa gan`on ay maging mabuti silang mamamayan.
Matapos magbigay ng speech ni Sir Fredelein ay nagsimula na ang pagpapamalas ng kakayahan.
Hindi nga nagkamali si Neon. May umiyak dahil ang kakayahan niya ay lubhang pangmababang uri, pagpapalit ng kulay ng mga bagay na nahahawakan niya.
Isa siya sa tatlong batang napabilang sa Tres, pinakamababang kategorya ng kapangyarihan. Hindi sila pinapahintulutang makipagdigma. Hinahayaan silang mamuhay nang normal kasama ng mga taong walang kapangyarihan. Bibihira ang mga Tres na marunong makipagdigma.
Dalawa ang napabilang sa Dos. Mas mataas sa mga Tres ang kanilang mga kapangyarihan. May mga Dos na ang kapangyarihan ay maaring mapanganib. Kadalasan sinasanay ang mga Dos para maging tagalupig ng mga may kapangyarihang lumalabag sa batas at naghahasik ng takot.
Tatlong bata ang may kapangyarihan na Uno. Pinangingilagan ng marami ang mga ganitong Antas dahil lubhang mapanganib ang kanilang kapangyarihan. Maraming Uno ang naglalagalag at naghahasik ng lagim.
Hindi kapani-paniwalang may dalawang batang Incognito. Ang mga nagtataglay ng ganitong kategorya ng kapangyarihan ay mga dumaan sa matinding pagsasanay upang malampasan ang kanilang kakayahan bilang Uno. Ngumit minsan ay may mga batang sa murang edad ay nakikitaan na ng ganitong antas. Maaring sila ay supling o kaya ay inapo ng mga sinaunang Incognito.
Nagpupulong kaming mga kinatawan kung sinong bata ang aming gagabayan. Samanatalagang sina Lyle at pinuntahan ang mga bata. Hinayaan ko silang pumili. Ganito naman ako palagi. Kung ano ang matitira, `siya ang gagabayan ng XXU.
Ang mga Tres ang naiwan sa akin at isang Uno. Tig-isa na sila sa mga matataas pang kategorya.
“Hindi mo ba gustong magsanay ng Incognito?” Tanong ni Derosa, kinatawan ng Lakbay.
“Bakit? Ibibigay niyo ba kung hihilingin ko?” Nanunuya kong tanong sa kanya.
“Hindi ka na talaga nagbago. Sadyang mayabang ka pa rin.” Iiling-iling nitong komento. Isang ordinaryong tao si Derosa pero mataas ang respeto ng mamamayan sa kanya at ng pangulo kaya siya ang nangangasiwa sa Lakbay. Bilang isang ordinaryong tao, lagi siyang may kasamang tagabantay upang masigurado ang kanyang kaligtasan gaya ngayon. Kasama niya ang Uno na nakauniporme ng pulis.
“Marami nang TRES ang XXU. Akala ko ba ay prestihiyosng unibersidad iyon? Bakit pinagtitiyagaan niyo ang mga Tres?”
“Dahil wala namang gustong magsanay sa kanila kaya kami na lang. Lahat naman ng batang may kapangyarihan ay may karapatang gabayan. Hindi ba?”
“Paano na lamang kung magkaroon ng digmaan? Paano ninyo poprotektahan ang inyong sarili?” Isang hindi na naman makabuluhang tanong ni Suhara, ang kinatawan ng Supil.
“Hindi ba’t iyan ang inyong tungkulin? Ano bang balak ninyo sa mga ginagabayan ninyo? Maging tagapagtanggol ng bansa o ng inyong mga sarili?”
“Maigi na lamang kung ang mga tagapamahala ng XXU ang pinadala dito kaysa sa`yo na napakatabil ng dila.” Naiinis nang sabi ni Derosa.
“Nagbabago ang panahon.” Pinaglalaruan ni Suhara ang baraha sa kanyang kanang kamay. Pinapaikot niya ito sa dulo ng kanyang hintuturo. “Hindi ba’t mas maigi ring pakinggan ang mga nakababata?”
Silang dalawa rin lang pala ang magkakapikunan. Kita ko sa mga mata ng tagabantay ni Derosa na nagpipigil lamang ito. Hay! Nagpangalumbaba ako at humikab.
“Ganyan ba talaga kayo? Nagpapataasan ng ere? Nagyayabangan? Ah alam ko na! Parang mga bata.”
Buti at bumukas na ang pinto at pumasok si Sir Fredelein. “Handa na ang mga bata.”
Ako na ang unang lumabas. Bahala na ang dalawa kung magsusuntukan sila o kung ano pa man. Mag-aalas diyes na ng gabi.
Nakahilera na ang mga bata sa main entrance. May kanya-kanya na ring helmet ang mga ito. Sa akin aangkas ang Uno.
“Magbabait kayo ha?” Bilin ni Sir Fredelein sa mga ito.
“Opo! Ginoong Fredelein!”
“Ayos ah! Sabay-sabay. Haha!” Pumalakpak pa si Nate. “Pwede ring choir ang mga `to pala.”
Unang aalis ang mga Lakbay at Supil. Niyakap ng mga bata ang isa’t-isa. Sana ay maging maayos ang kanilang pagsasanay. Ang dalawang Incognito ay pumunta sa harapan ko.
“Sanayin niyo po silang Mabuti. Pangakong magsasanay din kami at ipagtatanggol sila kapag malalaki na kami.”
Ginulo ko ang buhok ng dalawa. “Makakaasa kayo.”
---
Nakabalik na kami sa dormitoryo ng XXU. Ditto muna sila pansamantalang mamamalagi habang hinahanapan namin sila ng pamliyang kukupkop sa kanila.
Tinulungan ako ni Zeo sa mga gamit nila. Siya ang kauna-unahang Uno na galing sa ampunan.
“Anong pakiramdam mong XXU ang magsasanay sa`yo?”
Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi ko po alam. Basta masaya na magkakaroon ako ng pamilya. Pero pwede po bang magkakasama kaming apat?”
“Huh? Bakit?”
“Sinong poprotekta po sa kanila kung hindi nila ako kasama? Tuturuan niyo din po ba silang makipaglaban? Sana gan`on po. Para hindi sila laging awayin.”
“Gagawan natin ng paraan `yan ha? Huwag kang mag-alala. Magpahinga na kayo.”
---
Maghahatinggabi na. Hindi ako dalawin ng antok. Magmamanman na muna ako sa paligid. Nang wala akong maramdamang panganib ay nagpatalon-talon ako sa mga bubong hanggang marating ko ang bahay ni Master Xenon. Talagang mahusay siya dahil may nakahanda na siyang inumin para sa akin.
“Gusto mo ng Sake?” alok niya sa akin.
Pinagbigyan ko naman siya at kung anu-ano lang ang napag-usapan namin hanggang sa natalakay na ang sinadya ko dito.
“Nagkatagpo kayo kanina, tama ba?”pag-uumpisa niya.
Tumango ako.
“Does this mean nalalapit na ang katapusan?”
Umiling ako. “Master Xenon, huwag kang mag-isip ng ganyan…”
Hinila niya ako sa kwelyo “Sabihin mong wala kang ginawang kahangalan…”
Napatungo ako. “Kailangan kong gawin.”
Wala sa loob niyang naitulak ako at muling uminom, “Hangal ka. Magagawan naman ng paraan lahat diba?!!”
Ngumiti lang ako. “Master, Alam ko ang ginagawa ko. Nakatakda na ang lahat. Hindi natin alam kung hanggang saan na umabot ang kanyang kapangyarihan… ”
“Kaya nating lampasan ang mga kakayahan natin at iligtas ang sangkatauhan..” Pagpupumilit pa niya.
“Isang isinumpang nilalang mula sa nakaraan ang maglalakbay sa oras at panahon upang maghari sa sangkatuhan. Gigisingin niya ang halimaw sa bawat nilikha at dadanak ang dugo. Malulupig ang mga mahihina, maghahari ang mga ganid, at ang dating tahimik at mapayapang mundo ay magmimistulang dagat ng kamatayan. Ang tanging makapipigil lang sa kanya ay ang taong nagtataglay ng natatanging kapangyarihang minsan lang sa ilang libong taon isisilang at ang pitong itinakdang gagabay sa kanya.”
Ang katotohanang kahit pagsama-samahin ang kapangyarihan ng mga sinanay ng Lakbay, Supil at XXU ay hindi nila malulupig ang panganib na paparating.
Muli niyang ininom ang sake mula sa bote. “Ayokong inuulit-ulit mo ang propesiyang `yan.”
“Pero yun ang totoo…” Tumayo ako at yumuko para magpaalam. “Alam kong tutulungan niyo, Master.”
---
Bumalik na ako sa dormitoryo upang muling tingnan ang mga bata. Mahimbing nang natutulog ang mga Tres. Samantalang si Zeo ay nakaupo sa paanan ng mga ito na wari binabantayan sila.
“Bakit hindi ka pa natutulog?”
“Madalas po kasi silang magising at umiyak. Baka po bigla silang umalis nang hindi ko alam. Delikado po.”
Isa-isa kong hinawakan ang noo ng mga bata. Parang pelikula nag mabilis dumaan sa isip ko ang mga nangyari sa kanila. Kahit siguro sino ay babangungutin kung makailang beses kang itakwil ng pamilya mo at ibenta para maging alipin.
“Magpahinga ka na. Huwag kang mag-alala. Ligtas kayo dito.”
Dali-dali siyang pumunta sa kanyang higaan. “Good night po.”
Goodnight muntik mandirigma.