Kabanata 4- RICH: "Mental telepathy"

1617 Words
Napakamisteryoso naman ng babaeng to. Siguro ay thirty minutes na kaming magkaharap habang kumakain. Hindi pa rin siya umiimik. Nakatuon lang siya sa librong binabasa niya. Gusto ko sanang hanapin na sina Brigitte pero ang sabi niya ay maghintay daw muna kami ng sampung minuto. “Hmmm…” Tiningnan lang niya ako. “Pwedeng magtanong?” “Nagtatanong ka na.” Wala talaga siyang ekspresyon e. Para tuloy akong may kaharap na propesor. Bakit angsungit niya naman. “Kainis ka naman e! Kung kaya ko lang ipagtanggol ang sarili ko hindi ako sasama sa`yo dito.” Gusto ko siyang buesetin. Magbago man lang ang ekspresyon niya pero wala talaga! Humigop siya ng kape pagkatapos ay tumayo at muling pumunta sa counter. Pagbalik niya ay may dala siyang lima pang cakes at isang strawberry juice. “Angdami naman niyan?” Nilapag lang niya ito bago muling naupo. “Para kanino yan?” “Five minutes.” Nilagay niya sa tapat ko ang strawberry juice saka printing umupo ulit siya. Humalikipkip at nagde-kwatro. Patingin-tingin siya sa relo niya. Siguro nga ang motto niya ay don’t talk to strangers kaya ganito siya. Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi hintayin matapos ang five minutes na yan. Bigla siyang tumayo. Hinawakan ako sa kanang balikat at mabilis akong hinawi sa kanyang paningin. Oh, my G! Parang may bumawi na dumaan! Mabilis ang mga pangyayari hindi ko napansing nakaapak na ang kanang paa niya sa mesa. May nakaipit nang maliit na kutsilyo sa kanyang kaliwang kamay. Nakatitig lang siya sa kabilang direksyon. “Huwag kang lilingon.” Maotoridad nitong utos. Lilingon sana ako dahil matigas nga ang ulo ko a naku-curious ako pero hinawakan niya ako sa ulo. “Magbilang ka ng dalawampu.” `Yan na naman! Panay ang utos! Madadaig na niya ang nanay ko e! Ginawa ko nga yun sa isip ko pero hindi pa man din ako nakakarating sa labinglima ay muli na siyang naupo sa tapat ko. Siya namang pagbukas ng pinto. “Whooaahhh! May party pala dito.” Nilingon ko kung sino ang pumasok. Ngumiti pa ito at kumaway. Sorry it took us a while.” Oh, my G! Nanlaki ang mga mata ko. Si Lyle! Siya ba talaga `yan? Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Baka ilusyon ulit `yan. May kasama silang babae na nakaleather jacket. Lumapit sila sa amin at yumuko bilang paggalang. “Maupo na kayo…” Agad naman naupo ang tatlo. Kung kasama nila si Lyle ibig sabihin malalakas ang kapangyarihan ng mga ito. Balita kasi sa campus na mataas ang lebel ng kapangyarihan ni Lyle at hindi siya nakikipagkaibigan sa mga hampaslupang kapangyarihan. E de out ako dapat dito? Assumera yata ako sa part na ifi-friend niya ako. Tsk! Wala naman silang ginagawa pero parang tumatagos sa tuktok ko ang hindi matatawarang kapangyarihan nila. Parang pumipintig sa may noo ko e. Hoooh! Kalma Rich. Baka tulad ng Wolf Gang e naghahanap din sila ng alipin! Kabado bente na ko talaga! Asan na ba si Brigitte? Parang lulubog na ako dito. Nakakatakot ang mga `to. Pasimple ko lang na sinisimsim ang strawberry juice. Feeling ko tuloy parang pati paglunok ko naririnig nila. Tumingin sa akin si Lee. Sabi ko na nga ba e! Baka may bionic ears pa sila. Patay. Nababasa pala niya ang nasa isip ko. Angtanga mo Rich! Dapat pagkain na lang ang iniisip ko e. “How was the match?” Basag niya sa katahimikan. Buti naman naisipan niyang mag-open ng topic. “Don’t wanna talk about it…” Sumubo si Lyle ng cake. Bumuntonghininga siya saka bumaling kay Lee. “Masarap `to. Bili pa tayo ng buo.” “Hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo?” Sabat nung babae. “She looks so….” Tumingin ito sa akin. “..cold. Interesting.” Sabi ko na e! Alipin talaga ang nais nila! Diyos ko! Marami pa akong pangarap sa buhay! At hindi kasama doon ang maging alipin! Saka anong pinagsasabi niyang cold? Hot ko kaya. Self-proclaimed hot personality! Tsk! The only Rich Gozon! Pero ako lang nakakaalam na hot ako. Tipid na nangiti si Lee. “She is Rich. Isa sa mga new students ng school. You know her believe me.” Paano naman niya nalaman ang pangalan ko? Yah! Kababanggit ko lang pala sa isip ko kanina. Kainis `to. Tiningnan ko siya ng masama. “Hoy! Pwede bang tigil-tigilan mo na ang kababasa sa iniisip ko?!” “Wala akong binabasa sa isip mo. Not even a thing.” “Pero kababasa mo lang sa isip ko ng pangalan ko.” Reklamo ko na naman. Pero imbes na makipagdiskusyon ay tinuro niya ang tapa ng dibdib ko. Luh?! May pagkamanyak pa yata tong babaeng to e. Tomboy siya? Angganda naman niyang maging tomboy. Ngumisi ito. “Rich Gozon, Freshman. Student number 13-0625” Yumuko ako sa tinuturo niya at muli akong napahiya. Suot-suot ko pa pala ang ID ko. I pouted halatang nagpipigil ng tawa si Lyle. Nilahad nung isang lalaki ang kamay niya. “I am Neon Daseot. Nice to meet you Rich Gozon. Friends na tayo ha?” Sumunod naman yung babae na may chinitang mga mata. “Nate Roku, nice to meet you.” Nakipagkamay naman ako sa kanila. “Rich. Pero hindi ako mayaman.” Natawa si Nate. “Nice nice! Joker ka din! High five tayo.” Nakipag-apir naman ako sa kanya. Nahiya ako bigla. Hindi naman nakakatuwang dahilan kung bakit ako sikat e. Gusto ko na nga mag-quit sa XXU kaso sayang din ang oportunidad lalo at invited akong iskolar doon. Sina Nate at Neon ang madalas magsagutan sa kwentuhan. Si Lyle tulad ni Lee na tahimik lang. Paminsan-minsan sumasagot kung tinatanong siya. “Anong kapangyarihan mo?” Biglang shift sa akin ang topic? Nate naman! Nakakahiya ang kapangyarihan ko! Nangiti si Lee. Whut! Marunong din pala siyang ngumiti e. Kaso nakakainsulto `yong ngiti niya. Wala naman siyang binibitawang salita pero naiinis na ako. Napatungo ako. Angbaba kasi ng level ko. Walang karapatang ibida. “Sige na, Rich. Sabihin mo na…” Pamimilit ni Nate. “Kahit ano pa `yan tanggap namin…” Mas lumapad ang ngiti ni Lee. “Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” sinipa ko ang paa niya. Nagulat naman ang tatlo dahil napaigtad si Lee. “Tsss. Grabe parang hindi ka babae ah!” Tinaasan ko siya ng kilay. “E ikaw e! Nakakainsulto ang mga ngiti mo. Porke angbaba ng uri ng kapangyarihan ko…” “Wala akong sinabi. Ikaw lang nag-iisip niyan. Bakit mo ba masyadong binaba ang sarili mo? Lahat ng bagay sa mundo may silbi. Just find yours…” Nabalot kami ng katahimikan. “You are so harsh on her, Lee. ” Puna agad ni Nate. “Huwag mo ng pansinin yan si Suun...” Pabulong pa niyang sinabi pero rinig naman ng lahat. Tumango ako. “Sorry din…” Sinabi ko na rin kung ano ang kapangyarihan ko. Natuwa pa nga si Nate e at gaya ni Nuie pag gutom daw siya e pupuntahan ako sa classroom ko. Factory ng pagkain yata ang tingin nila sa akin. Parang si Brigitte lang magdadala ng maraming ginupit-gupit na papel tapos magre-request ng spaghetti. Speaking! Asan na sila? Baka iniwan na nila ako ditto. Kawawa naman ako. Paano ako lulusot d`on sa barrier? Baka masunog ako. Magpapaalam na sana ako ng muling bumukas ang pinto. Paglingon ko ay mas napunta ang atensyon ko sa limang lalaki na nakahandusay sa hindi malayong mesa. “s**t!” Natutop ko ang bibig ko. . Maging sina Nuie at Brigitte na kararating lang ay napatingin rin sa dakong `yun ng cafeteria. “Don’t worry buhay pa sila.” Walang emosyon na sabi ni Lee. Mabilis na lumapit sina Nuie at Brigitte. Gaya nina Lyle kanina ay yumuko rin silang dalawa. “Sorry Suun.” Hingi ng tawad ni Nuie. “Ito nga pala si Brigitte Shichi. Kaibigan ni Rich.” “Maupo kayo…” Alok ni Lee Agad naman silang naupo. Tumabi si Nuie kay Nate. Magkakaibigan yata sila dahil agad tiningnan ni Nuie kung may sugat si Nate at kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala. “Sorry…” Hingi ng tawad ni Brigitte. “Nagkagulo kanina…” Sumabat naman si Lee. “Nnext time huwag mong aalisin ang tingin mo sa kaibigan mo kung papasok kayo sa mga ganitong lugar…” Tumango naman si Brigitte. Napakapakialamera naman nitong Lee. Kung makaasta parang angtagal na naming magkakilala at concern sa akin. Concern nga ba o sadyang mahilig lang siyang manghimasok sa buhay ng iba? Yung tingin na naman niya. “Eee! Pwede ba Miss Lee? Huwag mo nang babasahin ang iniisip ko? Nakakinis na e!” Siniko ako ni Brigitte. Parang sinasabi niyang huwag kong pagsalitaan ng ganito itong nakakairitang babae sa tapat ko. Tumayo si Lee at tinapat ang hintuturo sa Noo ko. “In this manner you can communicate with me whenever you are in danger.” Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Ano bang ibig niyang sabihin? “Tsss. Mental telepathy. You dont know that?” Napalo ko ang kamay niya. “Siyempre alam ko! Anong akala mo sa akin?” “Good. Parating na ang mga guardians para linisin ang kalat sa labas. We better get going.” Tumayo na silang lahat maliban sa akin na na-shock sa ginawa niya. Alam ko yung mental telepathy, hindi ako tanga. Pero may kung anong pwersa akong naramdaman. Ang-init ng noo ko at parang may natutunaw sa loob-loob ko. “Rich tara na…” Niyugyog ako sa balikat ni Brigitte. “Marunong ka na ngayong matulog na nakamulat?” “Ha? Hmm. Sige.” Umiling-iling ako para maibsan ng konti ang biglang pagsabi ng ulo ko. Puwera usog! Hooh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD