Kabanata 3- RICH: "Unang pagkikita"

1287 Words
“Sundan natin sila!” Excited na yaya ni Nuie sa amin. “Saan ba?” Tanong nitong si Brigitte. “Parang ngayon ko lang nakita yung kasama ni Lyle.” “Sa zone 7. Kakarera si Nate…” “Si Nate?” ulit ni Brigitte. ”Wala pang talo yun diba? Hindi pa rin sila nadadala?” Aba! Parang hindi ako nakikita ng dalawang `to ah. Nakakatampo na. Ako ang bespren mo Brigitte. Tapos OP ako? Saklap ha. “Baka gusto niyo akong isali sa usapan niyo?” Sabat ko sa kanila. Ne hindi ko nga maunawaan kung ano ang pinag-uusapan nila e. Lyle? Kilala ko si Lyle pero yung Nate hindi. Hinigit ako sa braso ni Nuie. ”Tara bilis…” Natigilan siya. “Mas mapapabilis tayo pag may sasakyan.” Nilabas ni Brigitte yung mga skateboards niya. ”Pero dalawa lang to.” Natawa lang si Nuie. “Gamitin niyo na yan. Sundan niyo lang ako.” Ewan ko ba kung bakit ako sumang-ayon? Siguro dahil na rin curious ako sa kung anong meron sa zone 7 at parang na-eexcite tong si Nuie na pumunta. Si Nuie ay tumatalon-talon sa mga pader, kotse at kung ano man ang pwede niyang gamitin para mahakbangan. Habang kami ni Brigitte ay nakasunod lang sa kanya. Matapos ang ilang minutong pagsunod at pag-iwas namin sa mga sasakyan na muntik na naming mabangga ay narating na rin namin ang aming destinasyon. “Ito na ba ang zone 7?” Inosente kong tanong. “Brigitte naman! Intramuros lang `to e! Ginandahan niyo pa ang tawag.” Pumapasyal kami dito dati pero bata pa ako noon. Malabo na sa isipan ko. Isinara na kasi ito sa publiko. Sina Brigitte ay nakatingala dito. “Hoy? Anong tinitingala niyo diyan?” E kasi parang may nakikita silang hindi ko nakikita. Hinawakan ako ni Brigitte sa braso at pinadaloy sa katawan ko ang kanyang aura. Unti-unti ay nagiging malinaw ang imahe sa akin. Ang zone 7 ay napapaloob sa isang malaki at kulay bughaw na aura. May mga kulay puti at silver na wari kuryente na pumapainlalang sa kalangitan. “Halla? Parang matutusta tayo pag pumasok tayo diyan!” Tumawa lang si Nuie. “Hindi mo pa nga nasusubukan e…” Hihilain ko na sana si Brigitte para umuwi pero sa likuran namin ay mga bikers na waring susugurin kami. Ang mga motor nila ay nagbabadyang sumulong patungo sa amin. Hindi ko na makita kong gaano sila kalakas dahil bumitiw na sa braso ko si Brigitte. “Mukhang may tatlo tayong alipin dito.” Sabi nung isang panget. Oo. Pangit siya dahil mahaba ang bigote niya na parang may naninirahan ng kuto. Lumakas ang pagpapatunog nila ng mga makina na. Napahawak ako sa tainga ko. Bakit ganun? Parang mga hiyawan na nanghihingi ng katarungan ang naririnig ko sa bawat pagbuga ng tambutso nila. Napaupo ako sa sakit ng tainga ko. Tumatagos ang mga pagsusumamong naririnig ko. “Kailangan nating pumasok sa Barrier.” Narinig kong sabi ni Nuie. Papasok? Paano pang nakuryente kami. “Tara Rich!” Hinawakan ako sa kaliwang braso ni Brigitte. Umiling ako. ”Ayoko pang mamatay?” Walang anu-ano ay hinila ako ni Nuie papasok sa Zone 7. Napatakip ako ng mga mata ko at hinintay na lang si San Pedro para gisingin ako at sabihing nasa langit na ako. Biglang nawala ang mga nakakabinging tunog na kanina lamang ay halos pumunit sa eardrum ko. “Imulat mo nga yang mga mata mo. Buhay ka pa.’ Boses ni Briggite. Hindi pa ako patay? Onti-onti ako nagmulat. Hindi pa! Tinulungan niya akong tumayo. ”Umayos ka nga. Mukha kang gusgusin oh.” -- Naglakad-lakad lang kami. Malawak pala ang zone 7. Binigyan ako ni Nuie ng earplug para hindi ko na raw marinig ang mga kahalingtulad ng ingay na narinig ko kanina. Narating namin ang hilera ng mga motor na parang may inaabangan. “Nagsimula na ba?” Tanong ni Nuie sa isang biker. Tumango ito.”Gumilid ka miss kung ayaw mong malagutan ng hininga.” Makakauwi pa ba ako ng buhay nito? Napalunok ako sa pwede kong kahinatnat dito. “Briggite, doon muna ako.” Hindi ko alam kung narinig niya pero nababagot na kasi ako kaya nagpasya akong maglakad-lakad na muna. Dahil nagugutom na ako ay napagpasyahan kong maglagi muna sa isang Cafeteria. Angdami ko ng gutom! Mukhang masarap ang mga binebenta dito. Nagniningning ang mga mata ko sa dami ng cakes. Bumili ako ng tatlong piraso ng caramel flavored at isang chocolate drink. Hmmm! Kakatakam! Papalabas na ako. Iniisip ko pa lang kung anong lasa ng mga to e para na akong lumulutang sa ere. Hinawi ko ang buhok ko at hindi inaasahang natanggal ang earplug sa kaliwang tainga ko. Pupulutin ko na sana to paglingon ko sa kaliwa ko ay isang motor na mabilis at paikot-ikot sa ere and papunta sa kinaroroonan ko. Sunod-sunod na pagsabog ang pumapailanlang sa piligid. Katapusan ko na ba? Halos lumuwag ang lalamunan ko sa hiyaw ko! Napahawak ako sa ulo ko at napaupo. Sorry Lord kung naging masamang tao ako. Kung hindi ko sinusunod ang mga magulang ko. Isa pang chance Lord at magbabagong buhay na ako promise. Wait lang? Dapat nahagip na ako ng motor sa mga sandaling ito ah? Saka bakit parang may nakayakap sa akin? Sinundan ito ng malakas na pagsabog na sa lakas ay masasabi kong sobrang lapit lang sa amin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at sumilay sa akin ang isang babae na naka-itim na jacket, mahaba ang kanyang buhok na ang ilang hibla ay napunta na sa mukha ko. ilang Segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon. Nang naging kalmado na ang paligid ay bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. “Ok ka lang?” Tumango ako. ”Salamat…” “Walang anuman. Sa uli-uli huwag kang hihiwalay sa mga kasama mo.” Paano niya alam na may kasama ako? “Nakita ko lang kayo kanina.” Halla! At paano niya naman nalaman ang iniisip ko? Sino ba tong mukhang mamamatay tao na bigla-bigla na lang sumusulpot. “Una sa lahat. Hindi ako mamamatay tao. Pangalawa nung nahawakan kita kanina ay nagkaroon na tayo ng koneksyon sa isipan so pwede kong mabasa ang iniisip mo. Pangatlo ko ang pangalan ko ay Lily. Pero mas gusto kong tawagin mo akong Lee.” Pahiya ako do’n! s**t! Nababasa pala niya ang iniisip ko! Luuh. `Yung mga cakes. Sobrang lungkot ko dahil natapon ang mga iyon sa nerbyos ko kanina. Ngumiti siya.”`Diba kaya mong gawin pagkain ang kahit anong bagay? Bakit mo iniiyakan `yung mga cakes?” “Pwede bang tigilan mo ang pagbabasa sa iniisip ko?! Saka mahal kasi ang mga `yon. Bibigyan ko rin sana yung mga kaibigan ko.” Ano ba kasi ang nakakatawa sa sinabi ko? Kupal to na tatawanan ang pagiging thoughtful ko. Wala siguro itong prens. Sad ghorl. ”Tara sa loob. Mas marami pang magliliparang motor mamaya. Mukhang nasaid nila ang galit ni Nate e. Kumain ka muna kesa madisgrasya ka dito.” Nauna siyang naglakad papasok sa café. `Yung tindig niya, `yung paglalakad niya parang nakita ko na siya. “Lee!” Lumingon ito. “Bakit?” “Nagkita na ba tayo dati?” Tumango siya. Sabi ko na nga ba! Pamilyar siya e! “Kanina. Sa gate ng school. Kasama mo ang kaibgian ko, si Nuie.” Kainis naman! Bukod pa doon! Tsk! Tiningan niya ako na parang sinasabi na ano? Tatayo ka na lang ba diyan? Tsk! Kung hindi lang ako takot gumala hindi ko siya susundan e! Feeling cool ng babaeng `to! Ay s**t! Nababasa pala niya ang iniisip ko! Napatakip ako sa bibig ko. Bibig ba o noo ang dapat kong takpan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD