Kabanata 2-LEE: "Si Master Lee"

1719 Words
Nakakapagod na araw na naman ang natapos. We took time to look into some incidents involving people with special powers. Nakakapagod talaga! Tinatanaw ko lang ang buong siyudad mula dito sa rooftop ng XerXen Main building. “Parang walang paparating na delubyo `no?” Sabi ng isang boses sa likuran ko. “Kung kaya pa naman pigilan. Bakit tayo mag-aalala hindi ba?” Tumayo siya sa tabi ko.”Paano mo nagagawang maging kalmado gayong alam mo na ang pwedeng mangyari sa hinaharap Lee?” “Walang magandang mangyayari kung magpa-panic ako hindi ba?” Sagot ko habang nakatingin pa rin sa malayo. “Ilang taon na rin ako dito. Mas lumala ang sitwasyon. Ilan kaya sa mga namumuno ng bansa ninyo ang kampon niya?” Ano kaya ang anyo niya ngayon? Kaytagal na ng panahon mula nang huli ko siyang nakita. Siguradong mas mapanganib na siya ngayon. “Kumusta ka na?” Tanong ni Mater Xeron. “Nabawi mo na ba ang dating lakas mo?” Tumango ako. “Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat.” “Malapit na ba?” he seriously asked. “Hindi ko alam. Dumadami ang sakim. Iba talaga ang pag-iisip ng mga tao kapag nagkakaroon ng kapangyarihan.” “Totoo kaya ang propesiya?” “Ang tungkol sa apat na makapangyarihang dragon ba? O ang pitong itinakda?” “Alam naman nating dalawa kung alin ang tinutukoy ko Lily…” Bahagya akong nangiti sa tinawag niya ako sa tunay kong pangalan. Lily ng Zafairah. Matagal na kaming magkakilala ni Master. Tinulungan nila akong makapag-adjust sa kultura ng Pilipins. ”Ang propesiya ay nagbibigay lamang ng pag-asa sa mga nabubuhay. Maaring totoo, maaring hindi. Pero hindi masamang paghandaan kung ano man ang parating na sakuna.” “Nakausap ko na ang ibang leader ng unibersidad buong bansa. Sa ngayon ay pumipili na sila ng pinakamagaling para ipadala dito at magsanay.” Tumango lang ako kahit alam kong maliit ang tsansa na makaligtas ang sangkatauhan sa pwedeng mangyari. Humarap ako sa kanya at nag-bow ng 90 degrees. “Master Xeron, salamat sa pakikinig niyo sa akin.” “Kami ang dapat magpasalamat sa`yo dahil sa pagbibigay mo ng babala sa amin. At kung maari, tanggalin mo nga yang Master. Alam naman nating tatlo na ikaw ang nagturo sa amin kung paano kontrolin ang aming mga kapangyarihan.” Silang dalawa ni Master Xeron at Master Xenon ang una kung sinanay dito sa Pilipinas. Sinadya kong paimebestigahan sila nung nasa Thailand pa ako. May dugong Zafairah na nananalaytay sa kanila kaya hindi ako nagdalawang isip na sanayin sila. Umling ako. “Master ko pa rin kayo sa maraming bagay.” “Oh siya. Umalis ka na. Alam kong may importante kang lakad ngayon.” Tumakbo ako patungo sa may hagdan. “Hindi ka na lang ba tatalon dito? Mas mabilis…” sigaw niya. “Gusto kong tumakbo. Sayang lang ang enerhiya ko kung tatalon pa ako.” Pagbibiro ko sa kanya. Marami pa kasing mga estudyante sa ibaba. Ayokong Makita nila akong nagtatatalon sa kung saan-saan. Mabilis akong tumatakbo sa hallway. Makakasalubong ko si Lyle na may dala-dalang mga libro. Gamit ang aking ang aura ay mas mabilis pa sa kidlat na nilampasan ko siya na naging dahilan para maghulugan ang mga libro niya. “Lee!!!” nag-echo sa hallway ang boses nia. Tumigil naman ako at nilingon niya. “Catch me if you can!”. Paghahamon ko dito. Ngumisi ito at itinutok sa akin yung chalk. “Takbo!” sigaw niya. Pero imbes na tumakbo ay binabaan ko pa ang aura ko and pinanatili sa gilid ko ang mga kamay ko. ”C’me on sniper. Show me what you got.” Nababalot na ng kanyang aura ang chalk at handang-handa na ako para dito nang bumukas ang pinto ng classroom sa pagitan namin. Niluwa n’on si Neon. Nakatungo ito sa cellphone niya. “Fireball!” Sigaw ni Lyle. Tatagos ang chalk sa pinto at matatamaan si Neon pero mabilis itong nakaiwas gamit ang kanyang pambihirang sa bilis at liksi. Ang fireball naman na mabilis na umaasinta sa akin ay sinangga ko gamit ang aking forcefield. Pinalawak ko ito na siyang dahilan ng konting paggalaw ng mga dingding sa paligid namin. Naupos ang apoy nito at abo na lang ang nahulog sa sahig. “Susunugin niyo ba ang building?!” Sigaw ni Neon na ngayon ay hawak-hawak sa leeg si Lyle. “Angbaho mo Neon! Bitawan mo nga ako!” Naiiritang sigaw ni Lyle dito. Binitawan naman siya ni Neon. Dalawang segundo lang ay nasa tapat ko na siya. Ngumiti ito nang nakakaloko.”Tuloy ba tayo?” Tumango ako at tumingin sa relo ko. “May 30 minutes pa tayo bago magsimula ang karera…” Nilingon niya si Lyle. ”Suung! Bilisan mo diyan!” “Tulungan mo akong dalhin to sa fifth floor. Sa laboraty” Lyle said Coldly. Suung nga pala nag tawag sa kanya ni Neon minsan. Inabot ni Lyle kay Neon ang mga libro. Walang anu-ano ay tumalilis na si Neon. “5…4…3…2…” Pagbibilang ni Lyle. “Phew! Nandito na ako!” Humangin lang saglit at nasa harapan na ulit namin si Neon. “Naka-lock yung laboratory…” Lyle said seriously. Napakamot sa ulo si Neon. “Babayaran ko na lang bukas. Promise…” “Tsss…” Wala na kaming nagawa. Pang-ilang pinto na bang nasira ni Neon `yan sa linggong to. --- Sumakay kami sa aming mga motor. Bumaling ng tingin si Lyle kay Neon. “Umiwas ka sa gulo Daseot!” Hindi siya pinansin ni Neon at sinuot ang helmet nito. Pinaandar niya ang makina ng motor niya at pinainit ito. “Daseot…” Seryoso kong tawag sa pansin niya. Tinaas niya ang cover ng Helmet niya at tumingin sa akin.”Don’t worry Lee. I won’t lose my temper this time. “ Tumango ako. Palabas na kami ng gate. Madadaanan namin si Nuie na may kasamang dalawa pang estudyante. It’s her. Ang pinag-uusapang estudyante sa campus. Singputi ng nyebe ang kanyang aura. Maging ang mga mata niya ay hindi nakikitaan ng emosyon. Bahagyan yumuko si Nuie nang dumaan kami. Kinausap ako ni Lyle gamit ang mental telepathy na nag-uugnay sa aming tatlo. “Nakita mo yun Lee?” “Oo. Anglamig ng mga mata niya. Pero hindi pa nagigising ang tunay niyang kapangyarihan” “We better keep an eye on her for her safety.” “Tama ka. Pero mas unahin muna natin iligtas ang mga buhay natin. Konting minuto na lang bago mag-umpisa ang karera.” Mas binilisan pa namin ang pagpapatakbo. Papalapit na kami sa destinasyon namin. Ito ang zone 7. Makalumang komunidad ito sa Maynila. Ayon kay Master Xeron at Master Xenon ay naging tirahan ng mga dayuhang sumakop sa bansang ito. Makasaysayan. Marahil ay piping saksi ang bawal pader dito sa kasakiman ng tao. Hay. Dito gaganapin ang karera kung saan ang nakapusta ay buhay at distrito sa iba’t-ibang siyudad. Ganito na ang kalakaran ngayon. Wala nang maayos na pamamalakad. Kanya-kanyang pagpapalakas ng kampo. Ikaw na mahina ay luluhod sa mas makapangyarihan. Ang may malakas na kapangyarihan ay mas naghahangad pa. Nakakasuka. Gumilid ang mga ito nang makitang paparating na kami. Kasabay ng pagbusina at pagpapalakas ng makina ng mga motor nila. Masakit sa tainga! Dahil parang mga ligaw na kaluluwa ang tunog ng karamihan ng motor nila. Mga kaluluwang humihingi ng katarungan. Mga kaluluwang biktima ng pagiging ganid ng mga taong sakim sa kapangyarihan. Napakahayop niya talaga. At ito ang nais niya. Magpatayan ang mga tao para makita kung sino ang pinakamalakas. Ang mga dayo ay hindi maialis ang tingin sa amin. Hindi dahil humahanga sila kundi dahil gusto nila kaming sagupain. “Ngayon niyo sabihing kontrolin ko ang init ng ulo ko. tingin pa lang nila parang gusto nan g away. “Ipaubaya natin to sa kanya.” Kumaway na siya sa amin. Naka-makapal na coat na naman siya. Kulay abo ang kanyang buhok na hanggang lampas tainga nag gupit. Nakasakay ito sa kulay itim niyang motor na may disenyo ng fire dragon. “We are not late,” said Neon.”Tama lang diba?” Tinaasan lang siya ng kilay ni Nate. Bumaba ito ng motor at hinila niya si Neon sa kuwelyo ng damit niya gamit ang kanang kamay samantalang nagpalabas naman siya ng kuryente sa kaliwang kamay niya. ”Anong hindi late? Dalawang minuto kayong nahuli.” Sa mga daliri ni Nate ay pupapaikot ang kulay pula at asul na kuryente. She is shaping a knife at itinutok sa leeg ni Neon. Ngumisi naman si Neon at mabilis na nahawi ang kanang kamay ni Nate bago niya ito naitulak. “Yah! Kumarera ka na nga! Buti nga nagpunta kami dito e…” Lumapit sa amin ang isang lalaki na may dog collar sa leeg. “Magdadaldalan na lang ba kayo? O magkakarera tayo?” Tinitigan siya ni Nate mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba ang makakalaban ko? Anong maipupusta mo bukod sa buhay mo?” Ngumisi yung lalaki.”Distrito na nasasakupan ko. Marami kang mapapakinabangang doon. Idagdag mo na rin tong babaeng kasama mo.” Bumaling siya sa akin at akmang hahawakan ako sa mukha. Humarang si Lyle. ”Back your ass off doggy.” He said coldy. “Hayaan mo siya.” Ngumisi ako at nilapitan yung lalaki. “Gusto mo ako?” Para siyang manyak na tumango-tango. I sweetly smiled and held his face. N’ong una ay marahan lang ang paghawak ko. Tuwang-tuwa ka pang manyak ka ha? Sa isang iglap at winaksi niya ang kamay ko sa sakit na naramdaman niya. Napahawak ito sa bahagi ng mukha niya na hinawakan ko. Napamura pa siya sa hapdi ng lapnos na balat niya. tinalikuran ko na siya. “Stupid,” said Neon. “Bilisan mong tapusin ang karera Nate. We need to meet Xeron and Xenon.” Nag-high five silang dalawa. ”Burn some tire but not their souls!” Payo ko sa kanya. “Yah! Wala pa akong napapatay!” reklamo niya. “Wala ka pang napapatay ng direkta. You just left them in a coma.” Sumakay na ito sa motor niya and headed to the starting line. Sinigawan pa siya ni Lyle. ”Nate! We need you Alive!” Nag-okay sign siya at sumaludo sa akin. “Bye, boys!” --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD