Second chance ( PART 1)

4633 Words
LISA's POV Breath in.... Hmmmm... Amoy ng pilipinas. Napangiti akong dumilat. Finally.. im back. Its been 5 years simula ng umalis ako dito. Pero parang walang nagbago haha. Polluted pa din ang hangin haha. " Mom!" Napalingon ako ng marinig ang tinig ng isang batang lalaki. Napangiti ako ng makita ang isang napagwapong anghel. " Yes, baby?" Ngiting salubong ko. " Is this your hometown mom? Its freaking hot." Parang binatang sabi nito. Take note. 5 years old lang yan. " It's not, you're just wearing thick clothes baby." Sabi ko sabay gulo ng buhok nito. Hindi naman ito sumagot na tinignan ang damit na suot. Galing kasi kaming america. 5 years din kaming nanirahan doon. May natanggap kasi kaming tawag mula kay mama na gusto nitong makita ang apo niya. Wala naman akong nagawa kundi ang umoo. " Mhie. Ready na yung kotse." Napalingon ako sa kaliwa kung nasaan ang taong nagsalita. Bumungad sakin ang napakagwapong lalaki. Ngumiti ako at tumango saka tumingin sa baby ko. " baby lets go." Tumango naman ito. Sumakay na kami sa kotse. " Does lola has white hair na mom?" Tanong ng anak kong si bambam. Bamyre Talaga ito. Pero syempre gusto kong cute ang tawag kaya naging bambam. Marunong na din itong makaintindi ng tagalog kasi tinuruan ko na ito. " Siguro baby. I haven't seen her for a while." Sagot ko. " Does lola looked like you?" Tanong pa nito. Halatang excited makita ang lola nya. " Sure she is, baby." Nakangiting sagot ko. " Am i gonna see my dad?" Tanong nito. hindi naman ako nakasagot agad. Napatingin ako sa lalaking nagmamaneho sa tabi ko. Sumulyap ito sakin saka halata kong pilit na ngumiti. Hindi si lay na katabi ko ngayon ang tatay nito. Hindi ko naman itinago iyun kay bambam. Matalino ang anak ko kaya alam kong nararamdaman nyang hindi ito ang tatay nya. " Why? Do you want to see him?" Si lay na ang nagtanong. " opo." Sagot agad nito. Nahihiyang napapatingin ako kay lay. " I wanna meet him and kick his butt for leaving me and mom alone." Patuloy nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. " How could he leave a handsome child like me? Tsk. He is sure an idiot." Iiling iling na sabi nito. Gusto ko ng matawa sa mga sinasabi nito. Napatingin ako kay lay na seryoso na sa pagdadrive. Alam ko kahit hindi nya sabihin.. nasasaktan sya. Hinawakan ko ang kanang kamay nito na nasa manibela. Napasulyap ito sakin. " Bakit, mhie?" " You know i love you, right?" Sabi ko dito. Napatawa ito ng mahina pero kita ko ang ngiti nito. " Wag mo kong pakiligin mhie. Nagdadrive ako." nakangiting sabi nito. Ako naman ang natawa " Sira ka." Sabi ko na natatawa. Sinulyapan ko ang anak ko na nasa likod na nakatingin sa labas. He sure inherits everything from his father. Sa tuwing titignan ko ito ay nakikita ko ang lalaking minsan kong minahal. Flashback... 6 years ago. College pa lang ako noon. Actually graduating na ako ng makilala ko sya. Transfer student kasi ito. Gwapo ito kaya sa unang araw palang ay naging sikat na ito. Si bobby kryron gozen Tilihan dito, tilihan doon. Nakakarindi. Kaya minsan naaasar akong katabi ito. Yes. Seatmate kami. Kaya minsan. Ah hindi lagi pala akong napagtitripan ng mga babaeng palayasin sa upuan ko ng dahil sa kanya. Wala naman akong magawa kundi ang umalis na lang. Mahirap na. Baka umuwi akong may pasa. Pero masama ang tingin ang lagi kong pinupukol sa lalaking yun Sa tuwing mapapaalis ako ay nagpupunta ako ng rooftop at doon naglalabas ng sama ng loob Pero di ko akalain na darating ang araw na.. " Alis panget." Sigaw sakin ng isang babae. Inis na sumimangot lang ako pero kinukuha ko na ang gamit ko. Naririnig ko naman silang nagtatawanan. Inis na tumayo ako pero nagulat ako ng hawakan ako sa kamay ng lalaking katabi ko. Pagtingin ko ay kamay ito ng transfer student. " Stay." Tanging sinabi nito. Napatingin naman ako sa mga babaeng nasa harapan ko at gigil na nakatingin sakin. Bigla kong natabig ang kamay ng lalaki sa takot. Kinuha ko na ang gamit ko at nanakbo palabas. Bakit ba kasi ginawa yun ng lalaking yun? Lalo nya akong pinapahamak! Naiinis na nagtungo ulit ako sa rooftop at doon nagpalipas ng sama ng loob. Umupo na ako at sumandal sa isang pader ng makarinig ng ingay sa pinto. Sinilip ko kung sino at laking gulat ko ng mapagsino ito. Yung transfer student! Hingal itong parang may hinahanap ng mapadako sa pwesto ko. Huminga muna ito ng malalim bago lumakad papunta sakin. Napahawak naman ako ng mahigpit sa gamit ko. Teka.. ano bang kasalanan ko sa kanya? Parang mananapak na eh. Napapasiksik ako sa pader na sinasandalan ko ng tumigil ito sa harapan ko at naupo doon. Nagtataka naman ako sa ginawa nito. Tumingin ito sakin. " Sinabihan na kitang wag kang aalis pero umalis ka pa din. Tsk. " Hindi naman ako umimik. " Halata naman sigurong ayaw ko sa kanila diba? Tsk. Bat ka ba kasi pumapayag? Ilang ulit tuloy akong tumatakas sa kanila" naiiling na sabi nito. Teka.. tumatakas sya? You mean sa tuwing papalayasin nila ako umaalis din sya? " Di mo sila type? Gaganda kaya nila." Sabi ko pa. Bored na tinignan ako nito. " Seriously? Eh mas maganda ka pa dun." Namula naman sa sinabi nito. Ngayon lang may lalaking nagsabi sakin nito. Kaya nakakaoverwhelm. " Alam ko. Di ko naman nakakalimutan." Sabi ko sabay usod palayo dito para hindi mahalata na namula ako. natawa naman ito. " Eh bakit lagi kang umaalis?" " Syempre.. baka matalbugan sila. Sayang naman make up nila." Sabi ko kaya lalo itong natawa. Natawa na lang din ako sa nasabi ko. At least nakakabawi ako sa mga maaarteng yun. "Haha ayos ka miss." Naiiling na sabi nito. Tumawa lang ako. " anong name mo?" Tanong nito. " lisa. Lalisa manoban." Sagot ko. Ngumiti naman ito at naglahad ng kamay. " bobby. Bobby kyron gozen" Pinaunlakan ko naman iyon. Wala naman sigurong masama diba? Hindi naman pala kasi sya bad. Yung mga babae lang talaga. " Then, starting today. Kaibigan na kita." Sabi nya saka umusod at tumabi sakin saka sumandal din. " Ah. Kaya ka pala laging nandito. Maganda ang view." Sabi nito sabay tingala sa langit. Naconfused naman ako sa sinabi nito. " Alam mong lagi akong nandito?" Tanong ko. Tumingin ito sakin saka tumango. " Mukha kasing may tinatago ka. Malay ko ba kung drug dealer ka." Napanganga naman ako aa sinabi nito pero tumawa ito. " Haha joke. Balak ko sana kasing magsorry kasi lagi kang nabubully dahil sakin." " Buti alam mo!" Asik ko. Pero pabiro. Natawa naman ito. " Pero sa tuwing babalakin kong lumapit. Nahihiya ako. Baka kasi bugbugin mo ko. Haha" sabi pa nito. Tinaasan ko ito ng kilay. " De joke. Pero nahihiya talaga ako. Sa mga pinagsasasabi sayo ng mga babaeng yun. " sabi nito. Natahimik naman ako at pinagmasdan na lang ito. Mukhang mabait naman pala. Kala ko tulad ng iba na bully. Mukha kasi itong matrip. " Talaga. Buti alam mong kasalanan mo." Sabi ko na lang. Huminga na lang ito ng malalim. " Well. Kaya nga I'm here to apologize." Hindi naman ako agad nakaimik. " I'm sorry okay?" Sabi pa nito. Tinignan ko naman ito. Mukha naman talaga syang mabait. Siguro naman okay lang na pagkatiwalaan to. Pero kasi... " Ah.. bakit kasi ang gwapo mo? Napagtitripan tuloy ako." Sabi ko. Narinig ko naman itong natawa. " Haha sorry. Guilty talaga ako pagdating dyan. Haha. " inis na tinigna ko lang sya. Kapal. Dapat pala di ko pinupuri to eh. " Spell kapal? B-o-b-b-y." Sabi ko. Natawa naman ito saka ako tinitigan. " Well at least ngayon i heard you say my name." natahimik naman ako. Oo nga no. Lagi kasing masamang tingin ang binibigay ko sa kanya. " Haha kala mo naman pogi ng pangalan." Pang aasar ko. " Ok lang. Gwapo naman ako." Binigyan ko sya ng nagbibiro-ka-lang-diba-look. Natawa naman ito. Natawa na lang din ako. Ang kulit nya. Hindi ko akalaing pagkatapos ng araw na yon ay magbabago ang buhay ko. Kung dati ay lagi na lang akong sumusunod sa utos ng mga kaklase kong babae, ngayon ay hanggang tingin na lang itong nakatingin saming magkwentuhan ni bobby. Matagal na pala nilang kinakausap ito pero walang iniimik si bobby. Marami tuloy ang nagulat ng kausapin ako nito. Kaya din pala kasi nila gustong akitin ito dahil napakayaman naman pala. Apo sya ng may ari ng school na to. Pag naging boyfriend mo nga naman to. Siguradong jackpot ka. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit. Pinoprotektahan na ako ngayon ni bobby sa lahat ng pwedeng mambully sakin. Katulad ng sinabi nya. Naging kaibigan ko nga sya. Ang nag iisa kong kaibigan. Dumaan ang araw, mga buwan na lagi na kaming magkasama at nagkukulitan. Hindi ko pinalano, Hindi ko sinasadya, Pero nahulog ako. Napakakulit nito pero napakabait din. Napakacaring pa. sinong hindi maiinlove? Pero syempre hindi ko kayang magtapat. Baka lumayo lang ito sakin. Kaya sinarili ko na lang. Dumating ang araw na niyaya ako nitong kumain aa labas na madalas naman naming ginawa. Walang bago doon para sakin. Pero parang sakanya mayroon. Mukha kasi itong kabado. Ayoko na lang pansinin dahil hindi ko ugaling magtanong. Sya kasi ang kusang nagsasabi ng problema nya. Pumunta kami sa tabing ilog pagkatapos kumain na malapit lang din sa kinainan namin. Habang naglalakad ay tumigil ito at humarap sakin. Nagtatakang nakatingin lang ako. Kabadong huminga pa ito ng malalim bago tumingin sakin. " Okay.. kaya ko to." Sabi pa nito. Mukhang may problema nga ito. " Lisa.. ano kasi.." Nakaabang lang ako sa sasabihin nito. Huminga ulit ito ng malalim bago nagsalita. " Gusto kita!" Hindi naman ako makaimik. Para kasi akong nabingi sa narinig. tama ba ko ng dinig? " Pwede ba kitang maging girlfriend?" Tanong pa nito. Pero nanatili lang akong nakatingin dito. Napahawak na ito sa batok na parang nahihiya. " Alam kong kaibigan lang ang turing mo sakin pero nagbabakasakali pa din ako. Gusto na talaga kita. Lisa. Sorry kung nararamdaman ko to." Sabi pa nito pero hindi pa din ako makaimik. " Hoy. Lisa.. Lisa!" Sigaw nito kaya napakurap ako.. "Ha?"wala sa sariling sabi ko. " Wag mo sabihing hindi mo narinig ang sinabi ko?" Parang nanghihinayang na sabi nito. Gusto ko tuloy matawa. " Bakit? Ano bang sinabi mo?" Pang aasar ko pa. " tang*nang yan." Rinig kong bulong nya. Kaya mas lalo akong natawa. Pumikit na ito para sana ulit huminga ng malalim at bumuwelo. " Okay sasabihin ko ulet. Lisa manoban. Gusto kita---" Putol ko sa sasabihin nya ng halikan ko ito sa pisngi. Tulala itong nakatingin sakin. " Gusto din kita. Baliw." Sabi ko pa. " Ibig sabihin narinig mo na kanina?" Tumango ako na may kasamang tawa. sumimangot naman ito " Haha sorry na. Gusto ko lang marinig ulit haha." Nginusuan lang ako nito pero napangiti din saka ako niyakap sa likod. " Akin ka na ha? Girlfriend na kita." Sabi pa nito. Natawa naman ako dahil parang bata ito. " Walang aagaw. Ang pangit ko kaya haha." Sabi ko pa. " Buti naman. Kasi gusto ko sakin ka lang." Sabi pa nito. Hindi ko tuloy alam kung maiinsulto o kikiligin haha pero sigena nga, kiligin na lang haha *end of flashback* " Mom, we're here." Tapik sakin ni bambam. Nakatulog na pala ako sa pagbalik tanaw ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ang bahay namin. Medyo nagevolve ito dahil nga kumikita na ako ng pera ngayon. Tinanggal ko na ang pagkakaseatbelt nito at lumabas ng kotse. Lumapit sakin si bambam at lay. Huminga ako ng malalim. Ha.. nandito na talaga ako sa pinas. Nagdoorbell ako. " Will lola gonna recognize you mom? Daddy lay told me you used to be ugly." Napatingin naman ako kay lay na natatawa. Guilty ang loko. " Sure she is, baby. Im her daughter afterall." Sabi ko na lang. Saka tinignan si lay ng masama at kinirot ito sa tagiliran. " Haha. I love you mhie." Naiiling na nakangiti na lang ako. Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang gate at iniluwa ang isang magandang babae na nasa 50's. Matanda na ang mama ko pero ang ganda pa din. Napangiti agad ako saka ito sinugod ng yakap. " mama!" Ramdam ko naman ang pagtawa nito pero gumanti din ng yakap. "Kala ko ako lang ang nakakamiss haha." Sabi nito. Kumalas naman ako aa pagkakayakap. Saka ngumuso. " pwede ba naman yun?" Tumawa lang ito sa sinabi ko. Napalingon ako sa gilid ko ng makaramdam na may tumapik sakin. Pagtingin ko ay ang baby ko. " Is she lola, mom?" Tanong nito. Ngumiti ako saka tumango. " yes baby." Tumingin naman ako sa mama ko. " Ma, sya na yung baby ko." Ngumiti naman ang mama ko na nakatingin sa anak ko. Nagsquat ito sa harap nito. Parang pinagmamasdan ng husto. " kamukhang kamukha ng tatay nya." Sabi nito saka tumingin sakin. Nawala naman ang ngiti ko. Tumingin naman ulit ito sa anak ko. " Hello apo." Nakita kong ngumiti ang anak ko saka ito niyakap. Tuwang tuwa naman si mama. Niyaya na nitong pumasok sa loob si bambam samantalang iniwan kami ni lay dito sa labas. Sabagay. si bambam talaga ang gusto nitong makita. " You can't deny the fact that he is HIS son, mhie. Nasa mukha na nito ang pruweba. " tapik sakin ni lay. Hindi naman ako makatingin. Nahihiya ako dito. Ilang taon na ito ang tumayong tatay nito pero... Ganito pa din ang nangyayari. " Tara na sa loob. Naghihintay na sila. Saka gutom na ko." Nakangiti ng sabi nito saka ako inakay papasok. Wala na kong nagawa kundi ang lumakad. ---- Kinabukasan.... Parang hindi maubusan ng oras ang maglola sa kwentuhan nila. Ang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa kasi sila naguusap pero hindi mga magsawa. Napapangiti na lang ako na pinapanood sila. " Haha mukhang may kahati ka na sa oras ni bambam." Napalingon ako kay lay na kauupo lang sa tabi ko. Napangiti naman ako. " Mukhang magkasundong magkasundo ang dalawa." " Buti naman." Sabi nito. Napalingon naman ako dito at naalala ang nangyari kanina. Magsasalita na sana ako ng makitang palapit na samin ang maglola. " Anak. Ilaboy mo muna itong si bambam. Mukhang sabik na makalibot dito. Abay napagkukwentuhan lang namin ay nagniningning na ang mata. Haha ilaboy mo muna. Magpapahinga din muna ako saglit. Naubusan ako ng laway haha." Natatawa naman ako. Kinuha ko si bambam dito. " Sige ma. Kala ko di mo na ibabalik eh. Haha" natawa naman ito Nagpaalam na ito saka lumakad papunta ng kwarto. Tumingin naman ako sa anak ko. " Saan mo gustong pumunta?" " Let's go to the mall, mom. I wanna buy lola a gift." Sabi nito na ikinangiti ko. Tumango agad ko. " Okay! We're going to mall! Let's go!" Tuwang tuwa na lumabas kami ng bahay Nakakatuwa na magkasundo ang maglola haha. ----- THIRD PERSON's POV Nasa loob na sila ng mall at nagtitingin tingin. Hindi kasi alam ni lisa kung ano ang gusto nitong iregalo. Basta daw ituturo ng anak nya. Nakangiti lang itong sumusunod ng may makasalubong itong dating kakilala. Puring puri ito ng dating kaklase dahil nga napakaganda na nito. Sasabihin na dapat nito na meron na syang anak ng mapansing wala na ang anak sa paningin. Agad itong nagpanic at agad hinanap ang anak. Nagpaalam sa kakilala at naghanap. Hindi nito napansin na pumasok sa isang boutique ang anak. Gusto nitong ibili ang lola nya ng magandang damit dahil nakita nitong daster lang ang suot suot nito. Pumipili ito. Gusto nya ay yung babagay sa kanyang lola. " Mom, what do you think suits the best for lola?" Sabi nito na lumingon sa lingon. Lumingon lingon ito sa paligid ng mapansin na nawawala ang mama nya. Umikot ikot pa ito sa paghahanap ng mabangga ito sa isang lalaki. Napaupo itong nasaktan. Nakangiwing sinapo ang pwet nito. Agad naman itong kinamusta ng lalaking nakabangga. Tinignan ito ng bata na ikinatulala nito. Nagtataka naman ang lalaki pero kinabahan na din dahil baka napano na ang bata. Hindi kasi nagsasalita. " Kid, are you okay?" Tanong pa ng lalaki. Nagising naman ang bata saka tumango. " I'm fine, thank you." Sagot ng bata. Ngumiti naman ang lalaki. " Oh bakit anak. Anong nangyari?" May nagsalita sa likuran ng lalaki. Lumingon ito at iniluwa ang isang Matandang babae na halata mong mayaman. " Nabunggo ko ma. Mukhang may hinahanap."sabi ng lalaki Tumingin naman ang matanda sa bata. Makikita ang paglaki ng mata nito ng makita ang bata. Napaupo pa itong hinawakan sa mukha ang bata. " Ma? Bakit? Kilala mo? Anak ba ng amiga mo?" Tanong ng lalaki. Tumingin sa lalaki ang matanda. " May nabuntis ka ba ng di mo alam?" Tanong nito. Naguguluhan naman ang lalaki. Wala syang natatandaang nabuntis nya. Nag iisa lang naman ang babaeng nagalaw nya.. Iniwan pa sya. Umiling sya bilang sagot. " Pano nangyari to? Kamukhang kamukha mo sya nung bata ka pa." Sabi ng matanda. Nagulat naman ang lalaki saka napalingon din sa bata Noon nya lang napansin na totoo nga ang sinasabi ng mama nya. Kamukhang kamukha nya ang bata. Pero naguguluhan sya kung pano nangyari iyon. Sigurado syang wala syang ibang nagalaw na babae. Biglang may naramdaman syang tambol sa dibdib. May naiisip syang pwedeng maging dahilan nito. Sana ito nga. " Kid.. whose your mother?" Tanong nito. Napalingon sa kanya ang bata. Sasagot na sana ang bata ng may babaeng tumabig sa kanila at bigla itong niyakap. " God! Baby! I thought I'm gonna lose you for real!" Hangos ng babaeng tumabig. Tinitignan naman ng lalaki ang bulto nito. Iniisip na ito ang babaeng hinala nyang dahilan kung bakit kamukha nya ang bata. " Ikaw ba ang nanay ng batang yan?" tanong ng matanda. Tumango naman ang babae saka lumingon. Parang tumigil ang mundo ng magtagpo ang mata ng lalaki at babae. Parehas itong nanlalaki ang mata na gulat. Sa loob ng lalaki ay tama ang hinala nito. Pero ang hindi nya maintindihan ay bakit hindi ipinaalam ng babae? Pananagutan nya naman ito. Napatayo ang babae sabay tago ng bata sa likod nya. kitang kita iyun ng lalaki. Kaya mas lalong lumakas ang hinala nyang sa kanya yun. " He's my son.. right." Napalingon sa kanya ang babae pati na din ang matanda. Nangingilid ang luha ng babae na hindi makasagot. Sa loob loob ng lalaki. Sa kanya nga ito. Nakaramdam ito ng tuwa. Lalapit na sana ito ng may lalaking lumapit dito. " Mhie ang bilis mo palang tumakbo? Haha oh bambam kamusta? Nakapili ka na?" Sabi ng bagong dating na lalaki na hindi alintana ang tensyon sa paligid. Ng lumingon ito ay saka lang nakita ang mga pamilyar na mukha. Ang bestfriend nito... dati. Nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya ang lalaki. " Lay?" Tawag sa kanya ng lalaki. " Yow." Sagot nya. Hindi nya napaghandaan na makikita ang lalaki. Balak sana nito na hindi ipakita ang mag ina. Pero nahuli na sya. Nakita na nito ang mag ina nito. " Teka.. bakit... kasama mo sila." Takang tanong nito. " simply because he is my husband." Parehas gulat na napalingon ang dalawa sa babae. Nagpipigil ng luha na hindi tumitingin sa isang lalaki ang babae saka lumapit sa lalaking nagngangalang lay. " tara na." Sabi nito. Pero bago makalakad ay hinawakan agad ito sa kamay ng isang lalaki. Naguguluhan ang lalaki. " S-sandali... anong.. ibig mong sabihin dun?" Huminga ng malalim ng ang babae bago ito hinarap. " Kasal na kami. At sya ang tatay ng anak ko." Sabi nito. Umiling ang lalaki. " No.. im damn sure he is mine. And you." Sabi ng lalaki saka tumingin sa itinuring na lalaki. Tinignan lang naman sya nito. " Walang kahit isang nakuha ang anak nya kuno sa tatay nya." Sabi pa ng lalaki saka tumingin sa babae. " so don't try to fool me. He takes after me." Sabi pa nito. Hindi naman agad nakasagot ang babae. " Any proof? dahil lang magkamuka kayo ng anak ko. Anak mo na din? Haha. Napakadaming magkakamukha sa mundo bobby." Sabi ng babae. Sa pagkakataong yun ay ang lalaki naman ang hindi nakasagot. Pero sigurado itong anak ang bata Hindi nya lang alam kung bakit itinatanggi ng babae. " Aalis na kami. " sabi ng babae sabay talikod sa kanila. Hahabulin sana niya ng pigilan sya ng mama nya. Kaya naihatid na lang nga ng tanaw ang babaeng mahal at ang anak nya palabas. " Tatanongin ulit kita. Nakabuntis ka ba?"tanong ng mama nya. Lumingon sya saka napahilamos ng mukha. BOBBY's POV Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay mama. Sa pagkakatanda ko ay may nangyari samin ni lisa isang beses na malasing ako tatlong buwan bago ang graduation ko. Birhen ito ng makuha ko na alam ko noon pa. May nangyari samin pero hindi ko alam na nabuntis ko pala ito. lumipas ang dalawang buwan Pagkatapos na may mangyari saming dalawa ay bigla na lang itong nawala na parang bula. Kasabay ng pagbabakasyon ng kaibigan kong si lay sa america. Ngayon ko nasiguro na hindi coincidence ang lahat. Alam kong may gusto ito noon pa kay lisa. Noon palang na kasintahan ko ito. Ramdam ko yun. Lalaki ako kaya alam ko kung may karibal sa paligid. Nag-usap na kami tungkol dito. Nagkasundo na din kami na hindi nya gagalawin ang girlfriend ko. Nangako pa sya. Pero tangina. Anong nangyari ngayon? Asawa na nya? Tangina lang! Napapapikit ako sa galit. Pano nila nagawa sakin to? Wag mo sabihing.. na may relasyon na sila noon pa habang kami pa? Putangina lang. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Wala akong pakielam sa ego ko. Yung nararamdaman ko para kay lisa ang inaalala ko. Mahal na mahal ko ito. Wala akong ibang naging karelasyon pagkatapos nito. Nang mawala ito ay halos mabaliw ako sa paghahanap. Hindi ko alam kung saan hahanapin. Kinulit ko pa ang mama nito na sabihin sakin kung nasaan sya pero ang tanging sagot lang sakin ay. " Hayaan mo na ang anak ko." Tangina. Mahal ko ang anak nyo. Yun ang lagi kong sinasabi. Halos umiyak na ako sa harap nito pero talagang ayaw nitong sabihin kung nasaan ang mahal ko. Nakakatawa ngayon na.. minsan ko pang kinontak si lay para itanong din kung nakausap ba nya. Sinabi nitong hindi nya alam pero kita naman ngayon na napakatagal na pala nilang nagsasama. fvck! matagal na pala nya kong niloloko! kaibigan pa man din ang turing ko. tang*nang yan! " How come you didn't know about you having a child?" napalingon ako kay mama na umupo sa tabi ko. naiiling na napakamot ako ng ulo. hindi ko din alam. Bakit nga ba hindi ko man lang napansin? bakit wala akong alam? " That girl kinda looks familiar... di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita." nag-iisip na sabi nito. Napakunot naman ako ng noo. look familiar? hindi ko pa sya naipapakilala sa kanya. I haven't. not because I wanted to hide our relationship. it was her own choice. god knows how I wanted to introduce her to my family. " Oh? sya nga yun!" napalingon naman ako dito. lumingon ito sakin. " I remember!" nanatili lang akong nakatingin at hinintay itong magsalita. " sya yung babaeng tumakbo palayo ng makita ko." sabi nito. lalong kumunot ang noo ko. bakit sya tatakbo? " I was on a meeting with dean, your grandpops, regarding the director of flinstone university wanting you to study in france when I saw her hiding. when I called her she just froze and ran away. I was about to ask what is she doing.." nag-isip naman ako. sa ugali nito... malamang na ito ang dahilan kung bakit bigla itong nawala. she gave me my future. napahilamos na lang ako ng mukha. kaylangan ko syang makausap. " Nakita din kita!" napalingon ako kay mama ng magsalita ito. hawak nito ngayon ang isa sa mga album ko noong bata pa ako. ngumiti ito saakin. " Look at your son" kunot noo ko itong tinignan pero lumapit pa din ako ng simula nitong buklatin ang album. laking gulat ko ng makita ang batang lalaki kanina. " K-kamukha ko nga sya..." " Kaya hindi maipagkakailang anak mo sya, parang carbon copy anak! " natutuwang sabi nito. kinuha ko dito ang album saka nagpalipat lipat ng pahina, kamukhang kamukha ko talaga ang bata Bakit? Bakit lisa? Bakit kaylangan mo saking itago ang anak ko! -------------------- Kinabukasan... Nakatingala ako sa harapan ng bahay ni lisa. Habang naghihintay ay napagmasdan ko ang bahay nito. talaga ngang mayaman na ito, gumanda at lumawak ang bahay nito, di tulad ng dati. Sana lang ay ito lang ang nagbago sayo at hindi ikaw. Napaayos ako ng tayo ng may magbukas ng gate Ang mama mismo ni lisa. Napatungo ako bilang paggalang. " Good morning po" Tumingin ito saakin saka nagisip saka ulit tumingin saakin at bumuntong hininga. " Tigilan mo na ang anak ko bobby, may sarili na syang buhay" Umiling naman ako" No ma'am, mahal ko ang anak nyo, hindi ako titigil ngayon pa't nakita kong may anak kami! sabi ko nagulat naman ito sa sinabi ko " Sandali... pano mo nalaman..." " I saw the kid yesterday, accidentally. ma'am hindi nyo maipagkakailang anak ko ito, look! kamukhang kamukha ko sya nung bata pa ako!" sabi ko sabay labas pa ng phone ko para ipakita ang mga kinuhanan kong litrato ko noon, tinignan naman nito iyon saka ngumiti " Kaya wag nyo na naman sana akong pagtabuyan, handa kong panagutan si Lisa, mabubuo na ang pamilya namin, makakasama ko ang mag ina ko" hindi naman nagsalita ito at nakatingin lang sakin na para bang nag iisip " Lola, why are you taking so long? who visits you?" napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang sarili ko noong bata pa ako " Anak..." masayang anas ko ng makita ito, napahinto naman ito ng makita ako, napaisip saka ako muling tinignan. lumakad ito palapit. Nakaramdam naman ako ng tuwa ng makitang palapit ito, ganyan nga anak. lumapit ka kay daddy. " Lola, that man... he is my dad right?" saakin nakatinging sabi nito napangiti naman ako sa sinabi nito. damn! kilala ako ng anak ko! hindi naman makasagot ang mama ni lisa " Ano kasi... bambam..." so bambam is the name... haha napakachildish talaga ni lisa " you are my dad right?" sabi nito sakin, ngumiti naman ako at tumango. umakto na ako na yayakapin dahil mas lalo itong lumapit ng sipain ko nito sa kayamanan ko. tang*na! napaluhod ako sa sakit " Finally I met you! I've always wanted to kick your ass for leaving me and mom! how dare you hurt my mom!" tuloy tuloy na sinabi nito saka ako pinaulanan ng suntok at sipa " Ah! wait! sandali anak! ah! aray! masakit! ah! wait! let me explain! ah!" salag ko sa mga suntok at sipa nito " Explain nothing ugly!" sigaw nito saka patuloy akong binugbog " Ah! wait! ugh! ah! why am i getting the beatings when im not the one who left? ah! that hurts son" sabi ko. huminto naman ito sa pagsuntok saakin, para bang naguluhan sa sinabi ko " What are you talking about? Don't tell me you forgot who leave who?" sarcastic na tanong nito sakin Ah... so iba ang alam ng bata " Listen son, I don't know what your mom tell you but I, never leave. she was the one who left me." paliwanag ko. sinamaan naman ako ng mukha nito. "Like I would believe you over mom!" may part 2!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD