-----
Sa wakas ay nakapasok na ako sa loob ng classroom.
Ah.. Feeling ko napakahaba ng araw na to.
Parang pagod na umupo na ako sa upuan ko ng mapansing lahat ng kaklase ko ay nakatingin saking nakangisi. Kunot noo ko naman silang tinignan saka naalala ang sinabi ni Kai kahapon.
Ah.. sinabihan nya nga pala itong mga to kaya may mga alam din. Aish.. nakakainis. Ako lang pala ang parang tanga dito
Naiiling na kinuha ko ang phone ko. Phone ko... Teka..sandali? Nasan na yun?
Natatarantang naghanap ako pero talagang wala! Hala ka.. san ko ba naiwan un? Sa bus kaya? Ah! Pano ko pa makukuha yun? Masyado ka kasing lutang eh!
Inis na napatungo na lang ako. Tanga tanga ko! Naramdaman ko naman na may biglang tumabi sakin Sina Kaye at Justin.
Hindi konaman pinansin. Galit ako sa kanila. Nagawa nila akong lokohin. Hmp!
" Mukhang alam na ng loka. Hindi tayo pinansin oh." Sabi ni Justin.
" Rin~ wag ka na magalit. Napag utusan lang kami oh?" Inuuga akong sabi ni Kaye. Hindi ko pa din pinansin.
" Saka.. mas bagay kayo ni Kai. Kesa sa crush mong si Jonas, kaya pumayag kami." Sabi pa nito na ikinatunghay ko.
" St sino kayo para magdecide kung sino ang mas bagay sakin?" Tanong ko. Napatahimik naman sila. " Diba dahil friend ko kayo ay susuportahan nyo ako sa gusto ko? Pero hindi eh.. pinipilit nyo pa ako sa taong ayaw ko!" Sabi ko. Tahimik lang sila pero tumingin ito sa likod ko.
" I ordered them to do so kaya wag ka sa kanila magalit." Napalingon naman ako sa nagsalita. Ako naman ang hindi nakapagsalita. Seryoso na kasi ito.
May inilapag ito sa table ko. " Phone mo, nahulog mo kanina sa bus" saka tumalikod na. Hindi pa din ako nakapagsalita. Feeling ko kasi ang laki ng kasalanan ko.
" Ah.. about that bastard, friendly advice. Know him more before you try to like him." Sabi pa nito bago tuluyang umalis.
Naguluhan naman ako sa sinabi nito Ang tagal ko ng kilala si Jonas kaya bakit kaylangan ko pang kikalanin?
" Friendly advice rin.. kung friend pa din ang turing mo samin.."napalingon naman ako sa kanila. " Take his words seriously." Sabi nila saka pumunta sa upuan nila.
Ano bang ibig nilang sabihin dun? Ang bait bait kaya ni Jonas! Mga judgemental tong mga to! Piliin ko lang si Kai, sisiraan at sisiraan si Jonas! Nakakainis sila!
Bahala sila sa buhay nila.
----
After ng araw na yun..
Araw araw ng nagbabago ang pakikitungo sakin ni Kai. Kung dati ay lagi ako nitong inaasar.. ngayon ay napakacaring nito. Pero syempre.. hindi mawawala ang paminsang minsang pang aasar neto.
Hindi ko alam pero hindi ako naiinis.. Actually.. parang ang saya ko pa.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
" Rin.. nakikinig ka ba?"narinig kong sabi ni Jonas kaya napalingon ako dito. " Ha?" Nailing naman ito. " Lutang ka ata ngayon." Sabi neto pero natatawa. Kaya pilit na ngumiti lang ako.
Eto pa ang isang nakakapagtaka saakin.. Nakakasama ko din naman si jonas pero.. hindi ako ganung kasaya.. Iba eh.. Ang hirap nyang i-explain.
" Ah.. Rin.. tutal tayong dalawa na lang ang nandito.. may gusto akong sabihin.." sabi nito. Nakatingin lang naman ako sa kanya.
" I like you. Pede ba kitang maging girlfriend?" Napatulala lang naman ako dito.
Hindi ko alam pero kakaiba sa pakiramdam. Dati diba.. eto ang gusto kong marinig? Pero bakit feeling ko.. walang epekto?
" Oi Rin.. " napatingin ako dito. Hindi ko alam ang sasabihin.
" Gusto mo na ba ang gagong yun? Ayaw mo na sakin?" Nag iba ang aurang sabi nito. Inis itong nakatingin sakin. Si Jonas ba talaga ang kaharap ko?
" Malandi ka din pala eh." Sabi pa nito pero hindi ko magawang makapagreak.
Ayaw pang lamunin ng sistema ko ang nangyayari.
" Tanginang yan. Sayang lang ang inubos kong panahon sayo. Tsk. Kala ko magagantihan ko na ang gagong yun!" Sabi pa nito saka tumingin sakin.
Ngumisi ito. " Hindi mo ba kilala ang taong yun? Magpagpanggap sya! Makamandag! Tarantado!" Galit na sabi pa nito.
" T-teka.. a-ano bang n-nangyayari sayo Jonas?" Naguguluhang tanong ko pa.
Ibang iba ang nakikita kong jonas ngayon.. Sya ba talaga to?
Tumawa naman ito ng nakakaloko.
" Wala ka talagang alam." Naiiling pang sabi nito. " Akala mo ba talaga gusto kita? Ha? Eh napakapangit mo! Mukha kang lalaki. Pwe!" Gulat na nakatingin naman ako dito.
Naluluhang di makapagsalita.. Si Jonas ba talaga ang nagsasalita?
Naiiyak na akong hindi makapagsalita ng makarinig ako na may nahulog sa sahig. Pagtingin ko ay si Jonas. Nasa sahig na punas punas ang bibig na may dugo. Sa tabi ko naman ay sapatos ng lalaki.. Kilala ko ang sapatos na yun..
Pagtingala ko ay tama nga ang hinala ko. Si Kai!
Galit itong nakatingin kay Jonas.
"F*ck you!" Sabi pa nito kay jonas. " say another word. I'll f*cking tear you up!"
Mas lalo akong naluha ng makita ko itong galit na galit.
" Do it!" Matapang na sagot nito. Susugurin pa sana ito ni Kai ng hawakan ko ang pantalon nito. Umiling ako. Inis naman itong sumunod na lang.
" See? She loves me that much!" Natatawang sabi nito.
Ako naman ang napalingon dito.
Hindi ko na kilala ang taong nasa harapan ko ngayon.
Feeling ko.. ibang tao ang nakasama ko at ang nasa harapan ko.
" now i finally got my revenge." Sabi pa nito.
Napakunot naman ang noo ko.
Revenge?
Tumingin ako kay kai at nakitang galit na galit itong handang sumugod. Nakahawak pa din ako sa pantalon nito.
" now how does it feel? Taking your woman by other man?" Nakakalokong tanong pa nito kay kai.
Hindi naman nakasagot si kai.
Napatungo naman ako.
Pumikit ako saka huminga ng malalim.
" i.. " ramdam kong napatingin sila sakin kaya tumunghay ako at tumingin ng deretso kay jonas. " was never been yours."
Jonas clicked his tounge. " never? Eh konting kibot ko lang kinikilig ka na? Haha."
Susugurin na sana ni kai pero agad ko itong hinigit.
Let me.
" i was foolish to admire you by those sweet gestures and words." tumango ako." i admit. I.. thought i like you. I just thought." Umiling ako. " still.. you cant beat kai."
Ramdam ko ang pagtingin sakin ni kai.
Pero nanatili lang akong nakatingin kay jonas.
Naiiling na pinipilit nitong tumawa.
Mukha na syang nasisiraan ng bait.
Naiiling ako ditong nakatingin.
Nakakaawa.
Tumayo ako saka humawak sa braso ni kai.
Inaya ko na itong umalis ng may maalala ako. Lumingon ako kay jonas. " nga pala." Napalingon nito saakin. " thank you for everything.. even its all faked. Still, i appreciate the effort." Sabi ko saka tuluyang hinatak si kai palabas.
hindi ko na alam kung anong naging reaksyon nito.
Wala na akong pakialam.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng pahintuin ako ni kai.
He looked at me. " umiiyak ka." Sabi nito saka pinunasan ang baba ng mata ko.
Umiiyak ako?
" you love him so much right?" Saka tumangong sabi nito. Gusto ko namang tumutol sa sinabi nito.
Pilit itong ngumiti sakin saka ako hinila para magpatuloy ng lakad.
hindi ko alam kung ano ang dapat isagot.
Kasi hindi ko pa alam kung ano ba ang nararamdam ko.
-----
Nasa kwarto ko na ako ngayon at nag iisip pa din.
Dati.. sabi ko.. si jonas ang gusto ko..
Pero nang mga nakakaraan...
Kay kai ako masaya..
Si kai na ba ang gusto ko?
Naguguluhang tumihaya ako ng higa.
Nang may biglang nagbukas ng pinto.
Si kuya.
" hindi ka ba marunong kumatok?" Tamad na tanong ko.
" para san? Nakabukas naman." Bored na sagot lang nito saka pumasok at naupo sa swivel chair ko.
Hindi ko na ito pinansin.
Nag iisip ako. Mas mahalaga to kesa sa kanya.
" i told you right? Kung paseryosohan lang naman si kai na ang piliin mo." Sabi nito. Tinignan ko naman ito.
Teka.. may alam yata to.
" what actually do you mean by that?" Tanong ko.
Bakit nga ba ako kaylangang lokohin ng ganun ni jonas?
Sumandal ito. " alam mo namang gwapo si kai diba?" Hindi ako sumagot. " madaming babae ang nahuhumaling sa kanya. Isa na dun ang girlfriend ng tarantadong jonas na yun." Sabi nito.
Hindi naman ako nakapagsalita.
" nakipagbreak sa kanya yung babae kasi mas gusto nito si kai. Kaya iyun. Gumanti ang loko. Nakipalapit sayo para mabawian si kai." Sabi pa nito saka tumingin sakin. " ang manhid mo kasi sis. Ikaw lang ang hindi nakakaalam na matagal ka ng gusto ng kaibigan ko." Naiiling na sabi nito.
Napanguso naman ako.
Aba malay ko ba? Eh lagi syang nang aasar eh.
" dinadaan ka lang sa pang aasar nung isa kase pagdating sayo. Natotorpe ang gago." Natatawang sabi nito. Hindi naman ako nakapagreak.
Kung ganun..
Talagang mahal nga ako ni kai...
Si kuya na mismo ang nagsasabi..
Gusto kong ngumiti kaso nanjan si kuya. Baka mang asar.
Mamaya na lang.
Maya maya ay may naalala ako.
" eh alam nyo naman pala na may balak sakin yung tao.. bakit di nyo na lang sinabi?" Inis na sabi ko.
Kasi naman. Alam naman pala nila. Pinagmukha pa kong tanga.
" edi magmumukha kaming pinapalinis namin ang pangalan ni kai sayo. Saka si kai na ang nagdesisyong wag. Ayaw nyang isipin mong sinisiraan nya lang ang crush mo." Hindi na naman ako nakasagot.
Ahhh! Nakakainis ka kai!
Bakit ba ganyan ka!
Pumikit na dumapa ako
" kinikilig ka na no? Sige lalabas na ako ng di ka na magpigil." Natatawang sabi nito saka lumabas ng kwarto.
Umupo ako.
Nakakainis kang kai ka.
Humanda ka sakin bukas!
-----
Kinabukasan...
Sumakay na ako ng bus.
At tulad ng inaasahan. Nandun na ito.
Simula kasi ng sabihin nitong manliligaw sya lagi ng sumasabay saking magcomute.
Napangiti ako.
Pero nawala ito ng makita kong may nakatabing malanding babaeng kanina pa sya tinitignan.
Bakit ba kasi natutulog ka sa bus?
Inis na lumapit ako dun sa babae. " excuse me. Thats my seat." Sabi ko.
Tinaasan naman ako nito ng kilay. " sorry? Pero this is a public property. Anyone can seat anywhere they like." Maarteng sabi nito.
I rolled my eyes.
Patience rin.. patience.
" ah.. but my boyfriend reserved that seat only for me. Ask the driver if you like to?" Sabi ko pa. Tumingin naman ito sa driver.
" ah bayad na po iyang seat na yan. Binayaran na ni sir." Sabi nito.
Napangisi naman ako.
Lagi kasi nitong ginagwa yun kaya alam ko.
Inis itong tumingin sakin. Nginitian ko lang.
" alis." Sabi ko sabay kumpas ng kamay.
Wala naman itong nagawa kundi ang tumayo.
Ngiting tagumpay naman ako.
Aalis ka din pala eh.
Tss.
" so tayo na pala.. hindi ako nainform." Gulat na napalingon ako sa katabi ko.
Si kai. Gising at nakangisi sakin.
Namula naman ang mukha ko.
Iniwas ko ang tingin ko
Yung heartbeat ko ang bilis na eh!
" so dahil GIRLFRIEND kita.. pede kong hawakan ang kamay mo." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko.
Nanlalaki ang matang napaigtad ako.
" at dahil GIRLFRIEND pa din kita.. pede kong gawin to." Nilapit nito ang mukha sa mukha ko.
Pulang pula ang mukhang nakatigil ako.
Hindi ako makakilos.
Akala ko hahalikan ako.. sasandal lang pala sa balikat ko.
Disappointed ka no!
" ah.. mas masarap matulog pag katabi mo ang GIRLFRIEND mo." Sabi pa nito.
" tumigil ka na nga sa pang aasar mo. Pag ako naasar. Babawiin ko ang sinabi ko." Sabi ko.
Gulat na napatingin ito sakin. " y-you mean... totoo yun?"
Tumango naman ako.
Napaayos ito ng upo saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "seryoso?"
Gusto kong matawa sa itsura neto eh.
Para kasing batang hindi makapaniwala.
Tumango ulit ako. " ayaw mo ba?"
" hindi! I mean. Gusto ko. Ah.. ewan." Sabi nito na naguluhan sa sariling sagot.
" so girlfriend na nga talaga kita?" Hindi pa din makapaniwalang tanong nito.
" sige kung ayaw mo wag na lang----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yakapin ako nito. " hindi na. Tayo na nga. Tayo na." Naiiling na natatawa naman ako sa ginawi nito. Parang bata eh.
Nakangiting sumandal naman ako dito.
Ah.. sarap ng feeling.
Sarap ng feeling kasama mo ang taong mahal mo. At mahal ka din.
Sana dati ko pa to narealize.
Pero at least. Hindi nahuli ang lahat.
" girl.. ang gwapo nya talaga!"
"Mukhang model be!"
" ang yummy!"
" girlfriend nya ata yung kasama eh."
" wala akong paki. Basta ang gwapo nya!"
Napapakunot ako ng noo saka lingon kay kai.
" bakit?" Tanong nito.
" next time magdala ka ng mask saka ka maghood. Para hindi nakikita ang mukha mo." Napangiti naman ito sa sinabi ko. "Ngayon alam mo ng gwapo ako."
Inirapan ko naman ito.
Sumandal ito sakin habang nakayakap. " ah.. ang sarap makitang nagseselos ka." Sabi nito sabay lingon sakin saka ngumiti. " wag kang mag alala. Sayo lang ako."
" dapat lang. (*murmur* Sayo lang din ako.)" Pabulong na sabi ko sa huli.
Parang hindi naman nito narinig kasi hindi nagreak.
Umayos na ako ng upo pero nakayakap pa din ito.
Nasa ganun kaming ayos ng makarating kami sa school.
Sabay kaming bumaba.
Gulat ako ng makitang napakadaming kaklase naman ang nakangiti samin ng makitang magkaholding hands kami.
Agad ko yung binitawan.
" oh bakit? Kala ko ba akin ka lang din.. princess?" Napalingon ako dito. Nakangisi itong nakatingin.
Shit! Narinig nya!
The end.