Princess (PART 1)

4326 Words
RIN's POV " Sabi ng wag mo kong tawaging princess eh!" Inis na bulyaw ko sa pinakakinaasaran kong lalaki. Ngumisi naman ito sakin. " Prinsess ang pangalan mo diba? So walang mali sa sinabi ko." Matalim ang tinging nagpipigil akong maupakan ito. Oo. Princess nga ang pangalan ko. Princess Anchinette QuinMae Gutierrez. Sobrang feminine diba? Kaya nakakainis! Napakadaming nagsasabing maganda ang name ko.. Hindi lang bagay sakin! Argh! Ano bang magagawa ko kung hindi ako feminine na katulad ng iba? Babae ako pero hindi ako mahilig sa girly stuffs. Mas hilig ko ang mga panlalaki kasi mas may thrill. " Talagang tuwang tuwa ka kapag inaasar ako no? Bwiset ka! Bwiset ka! Makalbo ka sanang panget ka!" Inis na tinalikuran ko to. Nagtatatakbo ako palabas ng room. Nakakainis! Bakit ba kasi trip nya kong asarin? Kung tutuusin napakadaming babaeng may gusto sa kanya para pagtuunan pa ko ng pansin. Nakakainis! Ano bang problema nya sakin! Argh! Bakit ba kasi nalaman nyang ayaw kong nagpapatawag ako ng princess? Bakit ba kasi naging kaibigan pa yan ng kambal ko? Edi sana.. hindi nya alam! Flashback... 3 years ago " Princess! Tanghali na!" Tawag sakin ni mama. Antok man ay bumangon ako. " opo ma." Bumaba ako pagkatapos maghilamos. "Hay nako late na naman gumising ang munting prinsesa" sabi ng kambal ko na 20 minutes lang ang tanda sakin. Sinamaan ko ito ng tingin. "Shut up. Evil prince!" " Woohh. Mukha kang babae kapag ganyan, sis." Natatawang sabi nito kaya binato ko ito ng kutsara. " Tigilan nyo na yan. Mahiya nga kayo sa bisita. Ikaw prince asikasuhin mo ang bisita mo." Sabi ni mama kaya napalingon naman ako sa lalaking nakatayo malapit samin. Ang... tangkad! Cool! Yan ang kulang kay kuya eh! " Ma, ok lang yun. Para naman magkakagusto tong si Kai sa kanya. Haha mas lalaki pa kumilos yan!" Tawa-tawang sabi pa nito kaya binato ko ulit. Bwisit talaga kahit kaylan! "At least hindi babakla baklang katulad mo." Dila ko pa sa kanya. " Ang gwapo kong bakla sis." Natatawang sabi lang nito. " Heh! Ang pangit mo!" Sabi ko. " Kung pangit ako sis, pangit ka din! Tandaan mo. Kambal tayo!" Natatawang sabi nya. " Heh ewan! Basta pangit ka! Di bagay sayo pangalan mo! Mukha kang muchacha ng prinsipe!" Inis na sabi ko. Napangisi naman ito. " haha parang bagay sayo pangalan mo eh no sis. Princess." Napakuyom naman ako. Boyish ako kaya alam kong hindi bagay sakin ang pangalang yun. " Bwisit ka! Manahimik ka!" Inis na sabi ko pa " Haha opo, princess." Binato ko naman ito ng tinidor. Bwisit talaga! " Maganda naman ang princess ah.. " Napalingon naman ako sa lalaking kasama nito "Hindi lang bagay sayo." Sabi nito saka tumawa. Nag-init tuloy ang mukha ko. Siya ang unang lalaki bukod sa kuya ko na nagsabi sakin nun. "Oh kitams. Hindi lang ako ang nagsasabi!" Sabi pa ni kuya. " Ewan ko sainyo! Hindi ko hinihingi ang opinyon nyo!" Maktol na pumanhik ulit ako sa kwarto ko. End of flashback. Starting nun.. Hindi na ako nagpatawag pa ng princess. Kahit sina mama sinabihan kong wag akong tatawagin sa pangalang yun. Kaya lahat sila, Rin ang tawag sakin. ( pRINcess- jan ko po kinuha yun. Haha) Pero mukhang kahit anong gawin ko. May bwisit talaga sa buhay ko. Bukod sa kuya kong hindi naman mukhang prinsipe, may isa pang dumagdag sa pang aasar sakin. Ang bwisit na si Kai! Nanggigigil na nalukot ko ang coke in can sa kamay ko. Naiinis talaga ako! " Walang kasalanan ang lata." Napalingon ako at nakita ang lalaking matagal ko ng hinahangaan. Ang napakagwapo at napakabait na si jonas. Kinikilig na napatayo ako. "J-jonas!" Utal na banggit ko sa pangalan nito. Kahit boyish ako, babae pa din ako no! Marunong akong mainlove! Ngumiti naman ito sakin saka lumapit. " Inasar ka na naman ba nya?" Alam nya ang araw-araw na pang aasar ni Kai. Nakikita naman nya eh. Tumango ako, " tsk. Wala talagang magawa sa buhay ang isang yun." Sinabi mo pa! " teka.. maiba tayo. Kumain ka na ba?" Tanong nito. Umiling naman ako. " Ganun ba? Tara, Sabay ka na sakin."ngiting aya nito. Oh lord! Kung eto ang kapalit ng pang aasar araw araw ni Kai.. sige lang. Asarin nya pa ako! Thank you lord! Love mo talaga ako! Kinikilig na tumango ako. Nagtitinginan ang lahat samin ng makarating kami sa canteen. Hindi ko alam pero lahat sila nagkuhanan ng phone. Grabe.. kung ayaw nilang tumingin edi di wag. Grabe. " Ang weird nila. Haha pero tara na, gutom na ako." Nakangiting sabi nito. Ngumiti din ako. Bawal ang bad vibes! Shooo. Shooo! Namili na kami ng kakainin. Sya na ang pumili para sakin Feeling ko tuloy nagdedate kami! Waaah! Ang landi ko ba? Umupo na kami sa isang vacant seat ng makuha ang order namin. " Kain na tayo." Sabi nito. Ngumiti naman ako at tumango. Ah.. kahit walang lasa ang pagkain sa canteen feeling ko ang sarap nya ngayon! Ganito pala ang feeling kapag kasama mong kumain ang taong gusto mo! " Ah.. nga pala.. rin.. may gusto nga pala akong sabihin.." napatunghay naman ako. Namumula kasi itong nakatingin sa pagkain. Maanghang ba? Parehas lang naman kami ng kinakain ah.. " Ano yun?" Tanong ko. " Ano... gusto-----" " Bakit di nyo man lang ako inaya. Tsk. Nakakatampo kayo." Sabat ni Kai na biglang umupo sa tabi ko at kinain ang burger ko. " Ya! Bumili ka kaya ng sayo." Inis na saway ko dito. " Ayoko. Mas masarap pag libre." Sabi nya naman. Bwisit talaga kahit kaylan! Panira ng araw! " Kai, kumakain kaming dalawa." Sabi ni Jonas. " Nakikita ko nga." Balewalang sabi nito na ngumunguya pa. " Kaming dalawa lang." Sabi pa ulit ni Jonas. Natawa lang ng pagak si Kai. " Nah, not a chance." Sabi nito saka umiling. Bwisit talaga to! Pati sa lovelife ko pambwisit! " Pwede ba Kai, kumakain kami. Wag kang istorbo." Inis na sabi ko. Napatingin naman to sakin saka ngumiti ng pagak. " You're not going to eat with him, not a chance." " Anong karapatan mong pigilan ako?" Inis na sabi ko. Mang aasar na napakapakielamero pa! " The hell with rights! Just dont eat with him!" Bulyaw din nito sakin. Ano bang paki nya? Bwisit talaga! Kapal ng mukha! " Bakit? Bakit kita susundin?" Inis na tanong ko pa. " Just dont eat with other men!" Sigaw pa nito. Napatulala ako. Grabe makasigaw to. Pero... Napatingin ako sa mukha nito.. He is blushing! Wait.. dont tell me.. No. No. Imposible eh. " And eat with me instead." Sabi pa nito. Hindi naman ako nakapagsalita agad. Ano bang nakain nito? " Hoy kai, anong trip mo?" Tanong ko pa. Napapikit naman ito saka napasabunot ng buhok. Nakita ko namang natatawa ang katabi kong si Jonas. Bakit? Bakit? May mali ba sa sinabi ko? " F*ck! Hindi ka lang slow! Ang tanga mo pa!" Sabi nito saka tumalikod. Aba! Ang kapal talaga! Siya na nga tong kung ano anong sinasabi ako pa ang tanga? Bwisit sya ah. " Bakit ka tumatawa?" Tanong ko kay Jonas. Umiiling naman ito na ikinocompose ang sarili. " Wala. Tara kain na tayo." Sabi pa nito saka kinuha na yung kutsara nya. Ganun din na lang ang ginawa ko. " Ah ano nga pala yung sasabihin mo kanina?" Tanong ko. Napaubo naman ito. Hala hala. Kasusubo lang pa naman nya. Inabutan ko ito ng tubig. " Uh, Salamat." Sabi nito. Nakatingin lang naman ako. " Ano.. about dun.. mamaya ko na lang sasabihin. Sunduin kita after school, ok lang?" Sabi nito. Kinikilig naman ako. Waaaah! Susunduin ako ni crush! Magpapakipot pa ba ko? Naku di na uso yun! Tumango ako habang pilit tinatago ang kilig. Ang swerte ko! -------- Tapos na ang klase at ngayon ay nag aayos na ako ng gamit. " Rin.. tara na." Aya sakin ng dalawang kaibigan ko. Hala..hindi ko pala nasabi sa kanila na susunduin ako ni crush! " Ano.. Kaye.. Justin.. kasi mukhang hindi ako makakasabay sa inyo ngayon.." namumulang sabi ko. " Ha?bakit?" Tanong naman nila. " Eh kasi.. susunduin ako ngayon ni.. Jonas.." impit ang kilig na sabi ko. Ineexpect kong sasabay sila sa kilig ko pero mga seryosong nakatingin lang ito. Kumuha sila ng phone saka may tinipa. Napakunot naman ako ng noo. May nagtext ata. Kaso wala naman tumunog ah. Well, baka nakasilent. Maya maya tumingin sila sakin. " Kung ganun.. una na kami. Bye bye." Sabi pa nito. Naguguluhang kumaway na lang ako. Anyare dun sa dalawang yun? Ang weird nila ha. Naiiling na tinapos ko na ang pag aayos sa gamit ko. Lumabas na ako ng room. Nakangiting nag iimagine kung anong pwedeng sabihin ni jonas. Kyaaah! Baka magtatapat na! Pero parang napakaimposible! Hindi naman ako popular.. Pero hindi din naman ako loser.. Siguro naman.. kahit konti.. may chance na magustuhan nya ako.. Sana talaga.. magtapat na sya ngayon! Pramis! Di nya na kaylangan manligaw! " Ah!" Nawala ang pananaginip ko ng gising ng mabunggo ako sa isang matigas na bagay. Hindi pala bagay... dibdib pala.. ni Kai. " Marunong ka naman sigurong tumabi no?" Inis na sabi ko sabay himas sa noo ko. Ang sakit kaya. " Go home with me." Sabi nito kaya napaarko ang kilay ko. " Nagpapatawa ka ba? Hindi ko gugustuhing makasama ka pag uwi!" Sabi ko pa. He clench his jaw. Natahimik ito. Nakakapanibago ah.. Ni hindi na nakipagsagutan.. " Do you really hate me that much?" Tanong nito. Ako naman ang hindi nakasagot Nakakabigla kasi yung tanong. Bakit pa kasi nya tinatanong. Obvious naman diba? " Why ask the obvious?" Tanong ko naman sa kanya. Napaiwas naman ito ng tingin. " Go home with me.." Napatingin naman ako sa kanya." ... please?" Nagulat ako sa idinuktong nito. Akala ko kasi mang aasar na naman to pero hindi.. nakakagulat.. Pati na din sa facial expression nito. Hindi ito nag uutos na katulad ng dati. O nang aasar. Nakikiusap talaga ang nakabalandra sa mukha nya. Hindi naman ako makapagsalita agad. Ngayon lang kasi ito nangyari. Hindi ko alam ang sasabihin. Ano bang nakain nito? Bago pa ako makapagsalita ay lumapit ito sakin saka walang sabing niyakap ako nito. " O-oi! K-kai! Ano bang.. lumayo ka nga!" Pinipilit ko syang itulak. Pero mas humihigpit ang yakap nito. " Don't push me away. I want to stay closer." Napatigil naman ako sa pagtulak sa kanya. Ano ba talagang nakain nito? " Ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ko dito. Nakakapanibago ang kinikilos nito. " I'm m in the middle of liking you." Sagot nito. Napatingin ako dito. Seriously? Pinagtitripan nya naman ako no? " pwede ba kai. Wag mo ----" " im serious. I like you." Sabi nito kasabay ng paglayo sakin. Tinignan ako nito sa mata na hindi ko kayang tagalan. Shit. Ang ganda pala ng mata nya! Waaah! Hindi! Mas maganda ang mata ni crush! Umiwas ako ng tingin. Saka tinawanan ito. " haha pwede ba kai. Tigilan mo----" " im not joking. I do like you. Ask your brother kung gusto mo." Sabi pa nito. Nganga namang nakatingin ako. Seriously? Si kai na mapang asar may gusto sakin? Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko! Pero teka.. alam ni kuya? " Alam ni kuya?" Tanong ko pa. Tumango naman ito. Naiiling na hindi pa din ako makapaniwala. Nag iisip ako ng bigla nitong sinandal ang ulo sa balikat ko. " H-hoy.." " Go home with me.. Princess.." ok na sana eh. Mukha syang bata ngayon kaso yung tawagin akong Princess? Panira eh. " Sabi na nang aasar ka lang eh." Tulak ko sa kanya. " I'm not and i never tease you. Ikaw lang ang nagcoconclude nun. I love your name kaya kita tinatawag ng Princess." Paliwanag pa nito. Ewan ko sa kanya. " Edi pakasalan mo pangalan ko. Mahal mo pala eh." Sabi ko pa. Bwisit eh. " I'd rather marry the owner of that name." Nakangiti ng sabi nito. May kung ano akong naramdaman sa bandang tiyan ko. Hindi ko alam kung ano pero nakakakiliti. Ano bang nangyayari sa tyan ko? " Heh! Ewan ko sayo. Baliw ka. Walang maniniwala sayo." Sabi ko sabay talikod. Naiilang kasi ako sa kiliting nararamdaman ko sa tyan ko. Pero bago pa ako makahakbang pa ay niyakap nya na kaagad ako mula sa likod. Mas lalo kong nararamdaman yung kiliti sa tyan ko. Ano bang nangyayari sakin? Sabi nila ang butterflies sa tyan kay crush mo lang mararamdaman.. bakit.. sa kanya? May crush din ako sa kanya? Waaah! Imposible! Enemy ko yan eh! " Wag kang makipagkita kay Jonas.. please.." sabi nito na ikinatingin ko sa kanya. Pano nya nalamang makikipagkita ako kay Jonas? " Panong.." " I have connections." Sagot lang nito. Naiiling naman ako. Iniisip kung sino ang pinagsabihan ko. Ha! Si na justin at kaye! Hindi kaya.. Yung tinext nila kanina ay si Kai? Napatingin ako kay Kai. " Sina justin ba ang nagsabi sayo?" Tanong ko pa. Tumango naman ito. " Yeah. Actually hindi lang sila ang spy ko. The whole school. I told them to set their eyes on you. And if some guys tries to hit on you, tell me." Balewalang sabi nito. Napapatulalang nakatingin ako sa kanya Wow. Just wow. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang pwede kong sabihin. " Who give you rights to do that?" Tanong ko. He shrug. " Me." Naiiling nakatingin ako. He's a psycho. " I know im crossing the line. I just love you that much." Sabi pa nito. Hindi naman kaagad ako nakapagsalita. Ewan ko kasi dito sa tyan ko. May problema. Parang may bulateng nagsasayaw. Kanina pa ko nakikiliti. Tapos sinasabayan pa ng kabog ng dibdib ko. " Please.. go home with me." Sabi pa nito. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung talaga bang nagsasabi sya ng totoo saka hindi ko naman sya gusto diba? Bakit ko sya susundin? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko.. Parang tinutulak akong maniwala sa kanya.. Na sumama sa kanya.. Bakit ganito? Pumikit ako at nag isip. Isa lang ang dapat gawin. Confirmation. " Ok." Mulat na sabi ko. Kita ko kaagad ang pag aliwalas ng mukha nito. "Talaga?"parang batang tanong pa nito. Parang gusto ko tuloy matawa. Pero ang cute nya dun. Teka.. anong cute?Erase erase erase! Ano bang naiisip ko? Si Jonas ang gusto ko! Tumikhim ako para hindi ipahalata ang naiisip ko. Tumalikod na ako. " Ano pang tinatayo mo jan? Kala ko sasabay ka?" Sabi ko. " Ah. Oo. Eto na." Sabi pa nito. Ewan ko pero napangiti ako ng kusa. Waaah! Malandi na ba ako? Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng tao. Sikat tong lalaking to. Number 1 bully kaya to. Kaya siguro sikat. Yung iba ngumingisi. Yung iba naman ngumingiti. " Finally, Pre." Sabi pa ng isang nakasalubong namin. Ngumiti lang naman si Kai at nakipag apir. Tinignan ko lang naman sila at nagpatuloy sa paglakad pero naririnig ko pa din ang iba na sinasabi ang word na finally sa kanya. Ano bang meron? Nakalabas na kami ng building ganun pa din ang bungad sa kanya ng iba. Naiiling na hindi ko na lang pinapansin. Nagpatuloy ako sa paglakad ng hawakan nya bigla ang kamay ko. Para akong biglang nakuryente. Kaya gulat na napalingon ako. " Ba-bakit?" Ngumiti ito. " Nasa parking ang motor ko." Sabi nya. Ah.. oo nga pala. Nasanay akong pacomute lang lagi eh. Tumango ako. Hindi binibitawan ang kamay kong nagsimula itong lumakad. Ramdam ko ang kuryente sa kamay ko. Gusto kong alisin. Nakakailang. Saka baka makita kami ni Jonas. " Nakanang. Sa wakas tol! Dumamoves ka din!" Sabi pa ng isa saka tinapik si Kai bago umalis. " Teka nga. Kanina ko pa naririnig yung finally na yan ah. Ano bang meron dun?" Di makatiis na tanong ko. Napangisi naman itong tumingin sakin saka ako biglang inakbayan. " Mamaya. Malalaman mo" sabi nito saka naglakad. Naglakad naman ako kesa makaladkad pa. Paminsan minsan ay tumitingin ako dito. Nakakapagtakang napakaaliwalas ng mukha nito. Totoo nga kaya ang sinasabi nito? May gusto ba talaga to sakin o talagang nantitrip lang ito? Napapakiling na nag iisip ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng motor nito. Hinagis nito sakin ang helmet nya. Ah! Ang bigat ah. Walang pasabi man lang na ihahagis. Tsk. Ugali talaga. Sumakay na ito saka pinastart ang makina. Maya maya ay tumingin ito sakin. " Gusto mong sumabay ng palakad? Hindi ka ba sasakay?" Baba nito sa mask nya. Napangusong sumakay na lang ako. Ugali talaga. " Ok na." Sabi ko. Pero tinignan lang ako nito. " Hold on." Sabi nito kaya kumapit ako sa likuran. I saw how he rolled his eyes. Haha bagay din pala sa lalaki yun? Ang cute! " Don't blame me if you fall." Naiiling na sabi nito. Mahigpit kaya akong kumapit kaya malabo ang sinasabi---- waaaahhhhh! Napayakap ako bigla dito ng bigla ito kumambyo at pinaharurot ang sasakyan. Ni hindi ko maidilat ang mata ko. Ang tanging nasa utak ko ay sana buhay pa ako. Maya maya ay naramdaman ko na huminto na ito. Dumilat ako at nakitang tatawa tawa ito. " You're liking it, don't you?" Sabi nito. Napalaki naman ako ng mata ng maalala na nakayakap nga pala ako sa kanya. Agad akong kumalas at bumaba ng sasakyan nito. Pero naririnig ko pa din ang tawa nito kaya naiinis na ako. Sinamaan ko ito ng tingin pero tawa pa din ito ng tawa. Kaya pinaghahampas ko na ito. Mabigat ang kamay ko kaya alam kong masakit ang bawat paghampas ko. " Tangena. Babae ka ba talaga? Ang bigat ng kamay mo!" Natatawang sabi pa nito. Mas lalo ko tuloy syang pinaghahampas. Eto ba ang lalaking nagsasabi kaninang gusto nya ako? Grabe kanina pa sya ah! " Ewan ko sayo! Bahala ka jan!" Irap na sabi ko ng magsawa ako ditong hampasin. Natatawang umiiling lang ito. Tumalikod na ako at naglakad ng tawagin ako nito. Nakasimangot na lumingon ako. " Ano?" Nakangiti itong sumagot. " Yung helmet." Napahawak naman ako sa ulo ko saka napapikit ng makapa na nasa ulo ko pa din pala ito. Ahhh! Nakakahiya! Agad ko itong tinanggal saka ihinagis sa kanya. Alam kong namumula ang mukha ko. Kaya walang sabing tumalikod ako at naglakad. " Haha ang cute mo." narinig ko pang sabi nito na mas lalong ikinapula ng mukha ko. Tinakbo ko na ang gate namin saka walang sabing isinara ito. S-si heart.. nagpapalpitate. Ang lakas ng t***k. Plus yung pisngi ko.. kanina pa nag iinit. Pinalo palo ko ang pisngi ko. Hindi. Hindi dapat ganito. Si Jonas ang gusto ko diba? Ano to.. hindi lang ako sanay. Tama. Iyun yun. Hindi lang ako sanay na ganyan sya. Na makarinig na cute ako galing sa kanya. Tama. Iyun lang yun. Tumango tango ako saka huminga ng malalim Wag kang mag alala Rin. Si Jonas pa din ang gusto mo. Tumango ako saka naglakad papasok. " Oh nasan si kai? Nakita ko yung motor kanina sa labas ah." Sabi ni kuya na kumakain ng nachos. " Hindi mo ba nakita? Parang magkasabayan lang kayo ng dating eh." " E-ewan ko." Sagot ko lang saka tuloy tuloy tumaas ng kwarto pero dinig ko pa din itong nagtatanong sa tao sa bahay kung nakita daw ba si Kai. Nagmamadali tuloy akong pumasok ng kwarto. Baka kung anong isipin nila kapag nalaman nilang nagpahatid ako kay Kai. Baka mang asar lang iyan. Pero... diba.. sabi ni kai.. alam ni kuya? Alam nya nga kaya? Nag iisip ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si kuya. Pang asar itong nakangisi. " Ewan pala ah, eh hinatid ka pala ng gago." Nakangising nakasandal ito. Namula naman ang pisngi ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat sabihin. " Sa wakas. Kumikilos na din ang gago." Sabi nito kaya napatingin ako dito. Ibig sabihin.. alam nya nga. " Alam mo kuya?" Tanong ko pa. Ngumisi naman ito. " Ako pa ba? Eh alam ko ang likaw ng bituka nyan." Pumasok ito at umupo as swivel chair ko at nagpaikot ikot. " Na-love at first sight sayo ang gago." Naiiling na kwento nito. , "Pinagbantaan ko na din ito na wag ikaw. Ilang beses ko nading pinahirapan ng sabihing gusto ka nya. Aba akalain mo nga namang seryoso pala ang gago?" Naiiling na patuloy pa nito. Nanatiling nakatingin lang ako dito. Natawa naman ito. " May epekto na ba sayo ang gagong yun?" Tanong nito. Alam kong nag-init ang mukha ko dun. Umiwas ako ng tingin. " S-si Jonas pa din ang gusto ko!" Sabi ko. Ramdam ko naman na umiling ito dahil nakatagilid lang naman ako dito. " Kung paseryosohan lang naman, sis. Si Kai na ang piliin mo." Napalingon naman ako dito. " Hindi dahil kaibigan ko sya, kundi dahil alam kong seryoso sya." " Bakit? Si Jonas ba hindi?" Inis na tanong ko. Kasi naman. Hindi pa naman nila kilala si Jonas ah Umiling ito " Don't fall easily on sweet gestures, sis. Sometimes sweets are dangerous." Hindi naman ako nakapagsalita. Tumayo na ito pero naglast look pa ito sakin. Tapos umiling saka tuluyang lumabas ng kwarto. Ano bang gusto nyang gawin ko? Piliin ko si Kai? Eh ni hindi ko naman gusto yon! Saka si Jonas ang gusto ko eh. Saka.. pumayag lang naman akong magpahatid kasi gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi nito. Eh ngayon alam mo nang totoo, so ano na? May isang bahagi ng utak ko ang nakikipagtalo Umiling ako. Ah basta. Si Jonas pa din ang gusto ko. ---- Kinabukasan.. Palabas na ako ng gate namin ng makita ko si Kai na nakasandal sa motor nyang nag iintay. " Oh, tara na." Sabi nito ng makita ako. " At bakit? Wala sa usapang susunduin ako diba?" Sabi ko. Ngumiti lang ito. "I'm finally courting you." Napalaki naman ako ng mata sa sinabi nito. T-teka... A-ano daw? " C-court?" Utal na tanong ko pa. Tumango naman ito. " T-teka t-teka! Walang naman sa napag usapang ganito ah!" Sabi ko sabay atras. " Dun din naman papunta yun." Sabi nito. Umiling naman ako. " Ayos ka ah." Sabi ko. Ngumisi lang ito. " Hop in." Sabi nito. Umiling naman ako. " Ayoko." " Sumakay ka na. Male-late ka na oh?" Sabi pa nito. " Wala kang paki. Gusto kong ma-late." Sabi ko. Sumandal naman ito. " Ok then let's be late together." Ha.. ang weirdo ng taong to. Naiiling na nakapameywang ako. Ano bang gagawin ko sa taong to? " Oh. Nandito ka pa din, sis?" Sabi ni kuya na kalalabas lang ng gate. " Kuya pagsabihan mo nga yang kaibigan mo. Ang lakas ng trip eh." Turo ko pa dito. Natawa naman si kuya. " Wala akong magagawa sa isang yan, sis. Ang lakas ng tama sayo eh." Ngising sagot nito saka sumakay ng bike. " Jan na kayo. Baka ma-late pa ko." " Kuya! San-- aish! Kita mo yung isang yun. Kahit kaylan walang kwenta." Nakasimangot na sabi ko. " Tara na kasi." Sabat ni Kai. Inirapan ko naman ito. " Magbabus ako." Sabi ko saka tinalikuran ito. Hindi ko na nilingon at baka kung ano pa ang sabihin nito. Pero wala pa ako sa kalahati ng nalalakad ko at nalagpasan na ako nito. Napahinto naman akong sinundan ito ng tingin. Tignan mo yun. Talagang iniwan ako. Eh ang arte mo kasi! Eh sa ayaw kong sumabay sa kanya! Iniwan ka na nya! Ang arte mo! No big deal. Magbabus naman talaga ako eh. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero may nararamdaman akong bigat sa pakiramdam. Naiinis ako. Maya maya ay nakasakay na ako sa bus. Paupo na ako ng makitang may nakaupo sa upuan malapit sa bintana. Sad life. Gusto ko pa man din dun. Walang nagawang dun na ako umupo. Wala na kasing vacant kundi dun. Swerte ko pa nga eh. Nakahood ang lalaking nakatabi ko. Plus may nakapatong na libro sa mukha nito. Pero pansin kong parehas kami ng uniform. Baka schoolmate ko. Hindi lang naman ako ang nagaaral sa school na yun. Kibit-balikat na kinuha ko na lang si phone at nag-sounds. I put my headphones on. 10 minutes ang byahe kaya kaylangan ng pampalipas oras. I turn the lights off of my phone ng muntik ko na itong mabitawan. May nakita kasi ako sa reflection ng phone ko. Agad akong napatingin sa katabi ko para maconfirm ang nakita ko. At tulad ng nakita ko. Ito nga. Si Kai! " T-teka.. a-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumisi naman ito sabay sara ng librong nakatakip sa mukha nito kanina. " Ayaw mong sumabay edi ako ang sumabay." Nanatili lang naman akong nakatingin dito. Ano bang trip neto? " I know na eto ang lagi mong sinasakyan at mas lalong alam kong sa pwesto ko ka lagi umuupo. Sinadya kong dito umupo para tatabi ka talaga sakin. Saka.. dapat nga magthank you ka, pinagreserve na kita ng upuan." Sabi pa nito. Hindi naman makain ng sistema ko ang sinasabi nya.. Yung tyan ko kasi ayan na naman. May nangingiliti na naman. " A-ang lakas ng trip mo." Iyun lang ang nasabi ko saka umayos ng upo at nagsalpak ulit sa tenga. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko. Dapat kay Jonas ko lang to nararamdaman eh. Umiling na pinalo ko pa ang pisngi ko. Gising rin. Hindi dapat ganito. ----- Sa wakas ay nakababa na ako ng bus. Ni hindi ko na ito hinintay. Hindi ko na kasi maintindihan ang tyan ko. Kanina pa parang may gustong kumawala. Yung bulate ko ata. Sobrang likot ngayon. Nakikiliti ako! " Hoy. Bakit di mo man lang ako hinintay?" Sigaw nito kaya kahit ako ay napalingon dito. Lahat sila ay napalingon sakin ng makitang ako ang sinasabihan nito. Napapikit na tumalikod ako at nagmadaling naglakad. Aish! Ang lakas ng trip neto! " Rin! Sandali!" Rinig kong sigaw panito pero hindi ko pinansin. Bahala sya jan! May part 2!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD