" San mo sila nakita?" Tanong ko agad. Nagtataka naman itong napatingin sakin. " bakit sir?"
" Basta san mo sya nakita?" Tanong ko ulit.
" Chill lang sir. Kasasabi ko lang kanina. Sa ****. Yung **** restaurant." Sagot nito. Dali dali naman akong umalis sa harapan nila. Kinuha ko ang coat ko at susi saka lumabas ng pinto.
Walang mangyayari kung maghihintay lang ako na dumating sila.
Malay ko ba kung di na sila babalik pa? Paano pa ako makakapagtapat?
I drove my car and the next thing I know is nasa harap na ako ng restong iyon.
Glass window ito kaya kita ko ang loob.
Puno ang lahat ng tables. Nakita ko kung gaano kabusy ang mga service crew. I saw Anne and Larmie na busy sa pagtake ng orders. Nilibot ko pa ang mata ko. Hindi ko pa nakikita ang gusto kong makita.
May babaeng lumabas ng kusina dala ang mga pagkain sa tray.
Pawisan pero nakangiti pa rin na nagseserve sa isang table.
Napatitig na lang ako dito.
"Sabi mo sa paglipas ng oras, lalamig at lalamig. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa Paglipas ng oras na nakikilala kita.. lalo kitang nagugustuhan?" Sabi ko na nakatitig pa rin sa maikling buhok na babae.
Bumuntong hiningang nakatitig lang dito.
----
Kinabukasan nagpunta ulit ako dun pero hindi ko sya naabutan. Pang-umaga daw. Bagsak ang balikat na umalis ako. Di ko alam kung galit ba sa akin ang tadhana at ayaw nitong makita ko siya.
I drove my car pabalik ng resto ko
I was thinking about her when suddenly.. I saw her.
Naglalakad ito sa gilid ng kalsada.
Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse ko sinusundan ito hanggang sa hindi ako makatiis at tumigil sa tapat nito.
Nakita ko ang paghinto nito pero nagpatuloy din agad sa paglakad ng makita ako. Agad akong bumaba para tawagin sya. Lumingon ito. " Bakit?"
" Can we talk?" Tanong ko.
Napalunok ito sabay iwas ng tingin. " About what?"
" About us." Sabi ko na ikinatingin nya sakin. " Please." Sabi ko pa.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nya. Hindi ko maintindihan. Parang nag aalangan na basta, ang hirap iexplain.
Matagal syang nag-isip pero pumayag din ito. Dinala ko sya sa isang kainan malapit lang din dun. Bago pa ako makatawag ng waiter ay nagsalita na ito. " i dont plan on eating with you. So just spill it out." Sabi nito.
Binaba ko naman ang kamay ko sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim saka tumingin dito. " I like you." Sabi ko. Hindi naman ito natinag na parang alam nya na ang sasabihin ko. " Please, let me court you."
Maya-maya umayos ito ng upo saka tumingin sakin. " Bakit ako?" Tanong nito.
" I dont know. It's just you." Sagot ko. Natawa naman ito ng pagak.
" Isn't it because of the looks? The body? Or you just have time to spare?" Sabi nya hindi naman ako makapaniwalang napatingin dito.
Is she.. testing me? Like she did with those suitors of her.
" I.. never saw you beautiful.." sabi ko. Napatingin naman ito sakin na parang nainis. " Not until i fall in love with you." Hindi ito makatingin ng diretso. Tumatalab ba?
" it's true that you are beautiful but I'm not looking for beautiful faces. I just love you, no reason behind it. Sabi naman nila, kapag nainlove ka, walang dahilan." Sabi ko pa. Hindi naman nakasagot ito.
" Kasalanan mo naman kasi." Napatingin ito sakin. " Anong kasalanan ko?"
" Kasalanan mo kung bakit ako nainlove sayo. Kaya panagutan mo to." Takte. Ano ba tong sinasabi ko?
Napakunot naman ito ng noo. " At kelan pa naging pananagutan ng babae yun? Kasalanan nyo yun, ang dali nyong mahulog." Sabi naman nito.
Ako naman ang napaayos ng upo. " Hindi ako yung tipo na madaling mahulog. Sadya lang na hindi ko kayang i-resist ang nararamdaman ko sayo." Sabi ko pa. Hindi na ito sumagot. Napatitig naman ako sa kanya.
Yes, she was beautiful indeed. Fair skin, tantalizing eyes with natural red lips. She's gorgeous.
But that's not why I love her.
She just catches my attention. I never been this idiot. Never akong naghintay sa babae. Never akong nagpapansin. At mas lalong never akong nageffort. Sa kanya lang.
Kung hindi sya humugot ng ganun, ewan ko na lang.
Bigla itong tumayo. Napaayos naman ako ng upo. " Teka. San ka pupunta?"
Tumingin sya sakin. " We're done talking right? Im going home."
Napatayo naman ako. " Lets.. eat at least. Nandito naman na tayo." Sabi ko. Umiling naman ito. " No thanks. Im full." Sabi nito saka tuloy tuloy na umalis. " I'll be waiting!". Pasigaw na sabi ko pero parang hindi na nakaabot pa dito. Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.
Bakit ba ung sino pa ang gusto mo, sya pa ang mailap?
Napabuntong hininga akong napaupo na lang.
---
The next day..
I was busy inventoring when Anne suddenly pop up infront of me.
" Anne.." napalingon agad ako sa likod nito expecting na may kasunod pa sya. Kaso wala. Sya lang talaga. " Ine-expect mo sya no?" Sabi nito. Napangiti na lang ako." Bakit ka nandito?" Tanong ko.
" Kaya ako nandito is because may kaylangan akong ayusing relasyon." Napakunot naman ako ng noo.
Kinuha nya ang wrist ko saka hinila sa isang upuan. Umupo din ito. "Kayong dalawa ni Zen. Halata naman kasing gusto nyo ang isa't isa." Sabi pa nito. Wala sa sariling napatingin ako dito. What did she said?
Zen.. likes me?
" Wait.. I'm confused.. how come na.. sinasabi mong gusto nya ako? " tanong ko. Ngumiti naman ito.
" Zen always check you out." Sabi nya. " what?" Tanong ko.
" Diba sabi ko sayo nun tinotopak. Na ayaw ng pumunta dito? Ayun pala dumadaan sya ng palihim dito para makita ka. Nahuli namin minsan yun kasi hindi na samin sumasabay ng uwi." Sabi pa nya.
Nakaramdam ako ng tuwa sa mga sinasabi nya. Totoo ba?
" Saka Zen is the type of girl na hindi basta basta nakikipag usap sa guy, not unless, interesado din sya dun sa guy." Sabi pa nito.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Kasi laging magkaiba ang sinasabi nila ni Raizen..
Sino ba ang dapat kong paniwalaan?
" Si Zen din yung tipo ng taong, kayang magsinungaling wag lang malaman ang totoo nyang nararamdaman. " sabi pa nito. Napatahimik naman ako.
" Takot siyang masaktan kaya ganun na lang sya kaprotective sa sarili nya na kaya nyang ipagtabuyan ang lahat ng lalapit sa kanya. Nasaktan na kasi sya noon. Kahit pa sinasabi nyang move on na sya, alam kong hindi pa rin. Kasi hanggang ngayon, takot pa rin syang tumanggap ng panibagong mamahalin." Sabi pa nito.
So that what is it..
Kaya ba ganun na lang sya makapagsalita noon?
" Zen needs time to heal. Can you wait for it?" Tanong pa ni Anne. Tumingin naman ako dito.
" Absolutely."
-----
Dumaan ang araw na hindi ako nagparamdam dito. Hinayaan ko syang makapag isip pero lagi ko pa rin syang kinakakumusta kina Anne.
Sabi nila.. para daw laging lutang. Laing may iniisip. Napapangiti ako kapag naiisip kong ako ang dahilan nun.
" Ren.. may naisip akong plano." Sabi ni Anne sa phone.
" Ano? Baka naman pahahalikan mo na naman, Ayoko nang ideyang yon." Naalala ko kasi yung unang sinabi nito tungkol sa first kiss ni Zen.
" Hindi, hindi na yun. Promise. "
" Eh ano? "
" Let's repeat the first meet!" Sabi nya kaya napakunot ako ng noo.
Ano bang binabalak nito?
Tahimik lang akong nakikinig pero napapangiti na rin ng maintindihan ang gustong mangyari nito.
Gusto ko to.
-----
Gaya ng napag-usapan sa phone. Nagpunta ako sa pinagtatrabahuhan nila bilang costumer.
It's been two weeks na hindi ako nagpakita kaya natuwa ako ng makita ang gulat sa mukha nito.
Sumimangot ito saka inismiran lang ako. Tumingin ako kina Anne na iiling iling lang.
Nagbusy busyhan yung dalawa para maisagawa ang plano. Nakausap na rin pala nila ang iba pa nilang katrabaho na wag akong lalapitan.
Nagtaas ako ng kamay para tumawag ng waitress.
Sakto naman na ito na lang ang available na magseserve.
Inis itong nagmamaktol na ipinapasa pa kina Anne. Kaso syempre kakuntsaba ko sila kaya hindi pumayag.
Nakasimangot na lumapit ito sakin. " Good evening, Sir. May i take your order." Sabi nito na walang kalatuy latuy.
" Why not take my heart instead? " sagot ko sabay tingin sa kanya. Kita ko naman ang biglang pagpula ng pisngi nito kaya napangiti ako.
" Oops. You already have it na pala." Sabi ko pa na mas lalong nagpapula ng mukha nito. Haha ang cute nya.
" Sir, just choose what you like. " Sabi na lang nya na itinatago pa rin ang pamumula ng mukha.
" I already choose you, right?" Nag eenjoy na ako sa ginagawa ko. Napapatingin na ito sa iba at kita ko ang paghinga-hinga nito.
" Sir, hurry up. I still have loads to do." Sabi ba lang nito na halatang gusto nang umalis.
Napangiti ako. Halata namang umiiwas lang.
" Alam mo, hindi dapat minamadali ang mga bagay. Dapat marunong kang maghintay." Sabi ko. " May nakapagsabi nga sakin dati na, waiting is a proof of love. Kaya nga hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako." Napatingin naman ito sakin
" Sabi din niya dapat lahat ng bagay sineseryoso. Kaya nga nung makilala ko sya. Nagseryoso ako." Nakita ko ang paglunok nya, napangiti naman ako saka kinuha ang kamay nito. Nagulat naman ito sa ginawa ko na pilit tinatanggal. "Hindi lang ako sang-ayon sa isang sinabi nya noon, Yung sa paglipas ng oras, na kahit anong init ng isang bagay lalamig at lalamig din? Kasi.. sa paglipas ng oras.. mas lalong umiinit ang nararamdaman ko, mas lalo ko lang syang nagugustuhan. " Sabi ko pa. Napatingin na ito sa iba.
Hinatak nya ang kamay niya. " Sir, kung hindi pa po kayo oorder. Mamaya ko na lang po kukunin ang order nyo." Sabi nito sabay talikod.
" Sabi nila, may mga tipo daw ng tao na madalas itinatago ang nararamdaman nila sa pag-iwas." Sabi ko. Napatigil ito kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. " Ipagtatabuyan ang lahat wag lang ulit masaktan, pero pano kung sa pagtataboy mo mawala sila ng tuluyan?" Sabi ko pa. Nanatili pa din itong tahimik. Tumayo na ako saka pumunta sa harap nya, nakatungo ito na mukhang nag-iisip.
I grab her hand na ikinagulat nya. " Please, don't ont push me away. I would like to stay beside you and hold this hand." Sabi ko na nakatingin sa kamay nyang hawak ko. Ramdam ko ang pagtingin nito sakin.
Maya maya ay walang sabing isinandal nito ulo niya sa dibdib ko. Nagulat ako sa ginawa nya pero hinayaan ko lang.
" Kapag ba nagtiwala ako.. di na ako masasaktan?" Tanong nya. Napatungo ako sa kanya. " Hindi ko masisigurado." Sabi ko. Bigla naman ito napatunghay. Irita ang makikita sa mukha. " Pero pipilitin ko ang sarili kong hindi mo na ulit maranasan yun. Hindi ako perpekto kaya hindi ko kayang ipangako ang isang perpektong relasyon." Lumambot ang expression nito. " Hindi ako mangangako, gagawin ko na lang." Sabi ko sabay ngiti. ngumiti na din ito saka ako niyakap. Rinig ko ang hiyawan sa buong restaurant.
" Woooohhhh! Congrats!"
" Kyaaaahhhh! Nakakakilig!"
" Yun oh? Pumoporeber! Hayp!"
Natatawa ako sa mga komento nila pero mas itinuon ko ang pansin ko sa babaeng nakangiti ngayon sa harap ko. Pinagmasdan ko ito. Napatingin sya sakin saka napakunot. Ngumiti naman ako.
" Mas maganda ka kapag nakangiti." Sabi ko. Hindi na tuloy ito ngumiti kaya tawa ako. Loko talaga to. " Pero pinakamaganda ka kapag natural na expression lang. Dun ako tinamaan eh." Sabi ko pa. Namula naman ito, tumalikod na lang at balak ata akong takasan.
Ngumiti ako saka mabilis na nahawakan ang kamay nito saka kinabig para mayakap ko. Lalong nagsigawan ang lahat sa ginawa ko pero wala sa kanila ang atensyon ko. Sa babaeng namumula ngayon sa harapan ko.
Tumungo ako ng kaunti para makita ng buo ang mukha na pilit nyang itinatago.
" May isa ka pang sinabi noon na ewan ko kung totoo. gusto ko sanang i-try kung totoo." Sabi ko pa. Natigilan ito saka tumunghay sakin. Nagtatanong na nakatingin. Ngumiti ako. " Diba sabi mo noon, what is yours is yours? Eh ngayon.. am i already yours?" Sabi ko na ikinapula lalo ng mukha nito. Napaiwas ito ng tingin pero kita ko ang pagtango. Niyakap ko ito sa sobrang tuwa. " So ibig sabihin nun.. walang pwedeng umagaw sakin? Uhm. Gusto ko yun." Sabi ko pa, ramdam ko ang pagngiti ito. Gumanti na din ito ng yakap. " Uhm. Uulitin ko. What is mine is mine. Walang pwedeng umagaw." Sabi pa nito na ikinangiti ko.
Hindi ko akalain ng dahil sa simpleng hugot. Nahulog ako