JARREN's POV
" Is she there yet?" Tanong ko sa mga empleyado ko pagkababang pagkababa ko ng resto.
Nasa itaas kasi nitong two-storey building ang condo ko. At pagmamay ari ko ito pareho.
" Sir wala pa po eh. Mukhang hindi po sila magpupunta ngayon." Sagot ng waiter ko.
Disappointed na tumango na lang ako. Tumingin ako sa pinto ng resto, hinihiling na sana iluwa sya nito.
I let out a deep sigh.
I've been like this since i met her. Lagi ko syang hinihintay magpunta at kumain dito kasama ng barkada nya. Sa totoo lang inirereserve ko na ang table na lagi nilang ginagamit. Sinasabihan ko pa ang mga empleyado kong tawagin ako kapag nanjan na sya.
Hindi ko alam kung anong ginawa nya sakin pero.. talagang hinahanap hanap ko sya.
Natawa ako ng maisip kung paano ang naging unang pagkikita namin.
Believe it or not, pero nagsimula ang lahat sa simpleng hugot..
* flashback*
It was a busy hours. Madaling araw na kasi at karamihan ng mga night shift ang trabaho, dito samin kumakain.
At kapag ganitong busy ang lahat, tumutulong akong magtake ng orders.
May dumating na tatlong babaeng nakapang-elementaryang uniform. Black and white na may suspender. Nakakatawa pero bumagay naman sa kanila dahil lahat naman sila masasabi kong magaganda.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti. " Good morning ma'am, table for three?" Ngumiti sakin yung babaeng mukhang amerikana. " Yes please?" Sagot nito. Lumingon ako sa paligid at naghanap ng available na table." This way ma'am." Aya ko sa kanila sa tabi ng salamin. " Sa dulo?" Tanong nung babaeng mukhang manika.
Ayoko sana sila dun papwestuhin dahil dulong dulo pero talagang wala ng mauupuan. Alanganin tuloy akong napatingin sa kanila. " Ok na yan. Kesa naman maghintay tayo na may umalis. Alam mo namang nakakapagod maghintay diba?" Napalingon ako dun sa babaeng maikli ang buhok na umupo na.
Natawa ako. Pero syempre hindi pwedeng ipakita.
Narinig ko naman ang tawa nung dalawa. " Babes, nag-uumpisa ka na naman ng hugot mo." Sabi nung mukhang amerikana. " Haha gutom na yan kaya yan ganyan. Tara na't mamili ng kakainin." Naiiling na sabi lang nung mukhang manika. Naiiling na natatawa din naman yung babaeng humugot.
" Kuya amina po yung menu. " agad ko naman binigay. Namimili na sila. Pinagmamasdan ko sila, hindi alintana na maraming costumer.
Lahat sila tinignan ko pero dun sa short hair ako napatitig. Seryosong seryoso kasi sa pagpili samantalang yung dalawa parang wala lang.
Napansin siguro nung mukhang amerikana. " Hoy babes, hindi test yan. Wag kang seryoso." Natatawang sabi nito.
" Babes, dapat nagseseryoso tayo. Bad ang manloko." Hugot na naman nito kaya natawa nanaman ang kasama nya pati na ako. " Loka ka, pati si kuya natatawa na sayo." Sabi ni manika na napatingin sakin. Napapakamot na nakangiti naman ako. Tumingin naman si short hair sakin. " Diba tama naman. Bad manloko?" Parang inosenteng tanong nito. Nakangiting tumango na lang ako. " Oh kitams, kayo kasi eh. Lahat ng bagay kala nyo lokohan." Sabi pa nito saka tumingin ulit sa menu. Natawa naman ulit kami. Haha ang kulit nya. " Loka. Pumili ka na lang. Bilisan mo at naghihintay si kuya, Oh. Parang di mo trabaho yan ah." Sabi ni amerikana.
Ahh. So it means, service crew sila..
" Waiting is a proof of love remember that babes." Sagot ni short hair sabay tingin sakin saka ngumiti.
Damn. Ang cute nya!
" Sus. Eh sabi mo kanina. Nakakapagod" pambasag nung mukhang manika. " parang di mo naman ranas, baby."sagot ni short hair. Naiiling lang yung mukhang manika.
Babes at baby ata ang tawagan nitong tatlo, kanina ko pa kase napapansin. Ang kulit lang, hindi yung pangkaraniwang bes at bestie ang naririnig ko sa kanila.
" bilisan nyo ng mamili. Nakakahiya na kay kuya. Sige kuya. Tatawagin ka na lang namin." Sabi nung mukhang amerikana.
" No, its ok ma'am. Hintayin ko na po ang order nyo." ( haha nag-eenjoy ako dito) sabi ko. Tumango lang yung mukhang amerikana.
Sa wakas ay nakapili na sila ng matino. " Pansit bihon ang sakin saka.. iced tea." Sabi nung mukhang manika. Ok, noted.
" Ang sakin ay.. eto. White chicken at sprite." sabi naman nung mukhang amerikana. Ok, noted.
Lumingon ako dun sa short hair na nakatingin pa din sa menu.
" Burger na lang saka fries. Ah saka pala malamig na kape, yung kasing lamig ng boyfriend ko." Sabi nito.
Napatigil ako sa pagsusulat.
Taken na.
Geez. Bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang?
" Wag ka nga babes. Wala kang boyfriend!" Natatawang sabat nung mukhang amerikana. Napatunghay ako bigla at nakitang pati si short hair ay tumatawa.
Weird pero nakaramdam ako ng tuwa sa narinig.
" Nothing else ma'am?" Tanong ko pa na nakangiti. Umiling naman sila. " ok ma'am, just wait for 15 minutes." Sabi ko saka sinarado na ang order slip na hawak ko.
" Balewala ang 15 minutes sa taon na sinayang kong maghintay sa kanya." Sabi ni short hair na nakapangalumbaba na.
Natatawang binato na ng tissue ni amerikana ito. Natatawang naiiling naman ako.
Ayaw ko pa sana silang iwan pero kaylangan pang ipaluto ito.
Nagpaalam na ako saka tumalikod.
Binigayko na yung stab sa kusina para mailuto na. Lumabas agad ako ng kusina at tumingin sa paligid. Humuhupa na ang tao. Sabagay, saglit na oras lang ang breaktime nila.
ginala ko pa ang mata ko at nahagip ang nagtatawanang naka-elementartyang uniform.
Ang cute nilang tignan. Actually, halos karamihan ng costumer, mapababae man o lalaki, nakatingin sa kanila at nakangiti.
mga mukha kasing foreigners. Yung isa mukhang amerikana, yung manika, mukhang japanese, yung short hair, mukhang korean. Kaya siguro pinagtitinginan. Nangingibabaw kasi.
" Sir ren, mukhang napatagal kayo sa pagtake ng order nila ah." Sabi ng tauhan ko na kumukuha ng platito sa cabinet sa harapan ko.
Napalingon naman ako saka napangiti. " Ang kulit nila eh."
" Hala, edi sir sana kami na lang ang pinag-assist nyo."' Sabi nito. Umiling naman ako. " No. Im glad i took their orders." Nakangiting sabi ko. " Ah, by the way. Ako ang magseserve sa kanila." Sabi ko na ikinatulala ng mga tauhan ko.
Haha siguro dahil kapag tinutulungan ko sila, sa pagtetake lang ng order. Never akong nagserve.
Di ko na lang pinansin ang mga tingin nila at tinignan na lang yung tatlong babae.
Pero ang totoo, dun sa maikling buhok ako nakatingin.
Ewan ko ba pero.. ang sarap nyang titigan.
Naghikab ito ng walang emosyon ang mukha samantalang nagdadaldalan ang nasa harapan niya. Napapangiti na lang ako.
Halata kasing antok na.
Napapitik ako ng may maisip. Pumunta ako sa kusina para baguhin yung order.
-----
Pagkatapos ng ilang minuto, nasa harapan na ako ng tatlong dalaga.
" Pansit bihon with iced tea for you ma'am." Sabi ko dun sa mukhang manika. " White chicken and sprite for you" hain ko naman kay amerikana. Tumapat naman ko kay short hair saka ngumiti. " Lastly, burger and fries na may kasamang mainit na kape, kasing init ng pagmamahal ko."nakangiting sabi ko. Napatingin sakin yung dalawa na parang gustong matawa.
Damn! Ang corny ata!
Di ko tuloy alam ang gagawin. Bakit ba kasi naisip ko pang humugot ng ganun?
" Kahit gaano pa kainit yan ngayon, sa paglipas ng oras, lalamig at lalamig din yan." Napatingin kami kay short hair na hinahalo na yung kape. " Malamig yung order ko diba?" Tanong pa nito.
Napakamot naman ako ng batok. " I saw you yawning kaya naisip kong mas maganda kung mainit para hindi ka antukin." Sagot ko.
Tumango naman ito. " Ah.. thank you." Sabi lang nito. Ngumiti naman ako. Napatitig ata ako sa kanya kaya nagulat ako ng marinig ang tikhim ng dalawang kasama niya. Napatingin din si short hair.
Damn! Nahuli ba nila akong nakatingin?
" Kuya anong pangalan mo?" Tanong ni amerikana na ngiting-ngiti.
" Jarren, but call me Ren." Sagot ko. Tumango naman sila. " Anne nga pala." Lahad nung mukhang amerikana. Ngumiti naman ako at tinanggap ito.
"Larmie here. " Sabi naman nung mukhang manika. Ngumiti ako at nakipagkamay din sa kanya. Lumingon ako sa babaeng kanina ko pa gustong malaman ang pangalan. But to my disappointment, busy na ito.sa pagkain. Natatawa naman yung dalawa. " Hoy babes! hinay hinay lang, walang aagaw nyan." Sabi ni anne na natatawa na naman.
" What is mine is mine, walang pwedeng umagaw." Sabi nito na ikinangiti ko.
" Buset."natatawang sabi pa ni anne. " Raizen nga pala ang pangalan ng huguterang babaeng yan." Turo nito sa babaeng kanina ko pa tinititigan.
So Raizen is the name. Cool.
ngumiti ako. " Nice to meet you ma'am. " sabi ko.
"Ay naku kuya wag mo na kaming tawaging maam. Waitress din ang trabaho namin." Sabi ni Larmie.
Sabi na eh.
" Ah.. ok po." Sabi ko na lang ng nakangiti. " Tawagin nyo na lang ako kung may kaylangan kayo." Sabi ko pa.
" okie! Salamat kuya!" Masayang sabi ni anne.
Magalang na nagpaalam ako saka pahagip na tinignan si Raizen na busy sa pagnguya. Haha ang cute nya talaga.
* end of flashback*
Starting that night, gabi gabi ng kumakain sila sa resto ko. And yes, natutuwa ako. Gabi gabi ko syang nakikita.
Ako din ang laging nagseserve sa kanila. Minsan nga nirerequest talaga nila na ako ang magserve which is i do really like. Nakakalapit ako sa kanila, lalo na sa kanya.
Pero sa tagal ng panahon nilang kumakain dun, tanging yun dalawa lang lagi ang nakakausap ko.
Minsan lang kasi magsalita si Raizen. Bilang lagi ang sasabihin nito.
Hindi ko tuloy alam kung paano i-aapproach ito para makuha ang number nito.
Yeah. It started with just a crush but eventually.. i think im already inlove. Lagi ko na syang hinahanap. Napapangiti ako sa simpleng gesture nya. At higit sa lahat. Napapangiti ako sa tuwing ngingiti sya. So tell me, am i not inlove?
Tumalikod na ako para bisitahin ang kusina ng bigla akong kalabitin ng tauhan ko. " Sir ren.. nanjan na sila." Agad naman akong napalingon sa sinabi nya. Mabilis na lumingon at nakitang nakapasok na silang.. dalawa..
Dalawa lang sila.. wala sya.. tumingin ako sa pinto kasi baka nahuli lang ng pasok pero talagang wala.
" Sir, sino ba ang type nyo jan? At gusto nyo laging nakikita?" Tanong pa nito. Napabuntonghininga na lang akong kinuha ang menu. " Wala sa kanila." Sagot ko saka lumapit sa dalawa.
Nakangiti agad akong sinalubong nung dalawa. " Hello Ren!" Bati ni anne, gumanti ako ng ngiti. " Hello Anne, kulang ata kayo?" Sabi ko pero ang totoo gusto kong malaman kung nasaan ito.
" Ah si Zen ba? Pang-umaga eh. Kanina pa umuwi." Sabi nito na iba ang ngiti.
Ah.. pang-umaga naman pala.
" Ah.. kaya.." sabi ko saka ngumiti.
" Type mo ang kaibigan namin no?" Biglang sabi ni Larmie, napatingin naman ako dito.
" Umamin ka na. Halata ka namin. Sa kanya ka lagi nakatingin eh." Mapanukso naman na sabi ni Anne. Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact.
Kung napansin nila.. ibig sabihin.. napansin na din nya..
" Wag kang mag-alala. May pagkaslow minsan yun kaya tingin ko, di pa nya alam na gusto mo sya." Sagot ni Larmie na para bang alam ang itatanong ko. " panong--" putol na sabi ko. Ngumiti ito. " It's written all over your face."sagot nito. Hindi naman ako makapagsalita.
" So. Tama kami diba? Gusto mo ang friend namin?" Tanong pa ni Anne pero sa tono ay siguradong sigurado ito.
Napatingin naman ako sa kanila. Mukhang wala naman akong lusot kundi ang umamin. Saka baka matulungan pa nila ako. " Uh. Yeah." Napatili agad yung dalawa sa pag-amin ko.
" Sabi sayo eh! Kyaaaah! Oh my gosh! Oh my gosh! May lovelife na rin sa wakas ang kaibigan nating walang forever!" Sabi ni Anne kaya natawa ako.
" Eell, ngayon may forever na sya!" Sabi Larmie sabay tili. Naiiling naman akong pinagmamasdan sila. Haha mukhang boto naman sila sakin.
Pero teka lang.. sa ganda nya.. imposibleng walang nanliligaw dito. Kaya paanong..
" wala ba syang manliligaw?" Tanong ko. Napatingin naman sakin yung dalawa. " Well, meron naman kaso hindi nya ineentertain. Masyado kasing nasaktan noon sa dati nyang naging boyfriend na iyon pala ay pinagpustahan lang sya."
What? Pinagpustahan? Sino namang gago ang makakaisip ng ganun?
" Yun ang first boyfriend nya and last na rin para sa kanya. Inayawan nya na lahat ng lalaki kaya grabe makahugot yun." Sabi pa ni Larmie.
Napatahimik na lang ako. So ibig sabihin.. mukhang malabo pa rin kahit na manligaw ako?
" Gusto mo bang tulungan ka namin manligaw?" Tanong ni anne.
Napatingin naman ako sa kanila. Paano? " Paano? Eh diba hindi nga sya nag-eentertain?"
Ngumiti sila. " May alam kaming method haha. Biggest secret to na sayo lang namin sasabihin dahil boto kami sayo." Sabi pa Anne.
Napakunot naman ako ng noo.
-----
Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog sa sinabi ni anne.
Hindi ko ata kayang gawin yun.
* flashback*
" W-what? " nauutal na sabi ko. Nagkamali lang ako ng rinig diba?
" That's the only way. Naikwento kasi samin ni babes na, kung sino ang magiging first kiss nya, iyun na ang mapapangasawa nya. Kaya ang kaylangan mo lang gawin ay halikan sya." Sabi pa nito kaya napapalunok ako.
Hindi ko ata kayang gawin yun.
" Kung gusto mong mabigyan ng pansin at maisip ka din nya. Halikan mo na. " sabi pa nila.
Naiiling na napapaisip naman ako.
*end of flashback*
Damn! Hindi ko kayang gawin yun! Ni hindi naman kami kaya baka masampal lang ako kapag ginawa ko yun!
Hindi ayoko. That's so not gentleman. Hindi dapat ganun ang approach.
Mag-iisip na lang ako ng iba.
----
Kinabukasan...
Naisipan kong mamili ng ingredients na kulang na sa stocks.
Nasa SM na ako ng makita ko sina Anne, Larmie kasama si Raizen.
Napansin ako ni Anne at agad itong ngumiti saka kumaway. " Ren!" Ngumiti din ako saka lumapit.
Napatingin naman sakin si Raizen. Parang irita ang tingin saka tumingin sa iba.
Teka. Galit ba sya?
" Buti nakapunta ka." Pasimpleng bulong sakin ni Anne. Napakunot naman ako ng noo sa kanya. " Huh?"
" Tinext kita ah. Di mo ba na-receive?" Dali ko naman kinuha ang phone ko at nakitang nagtext nga ito. " Ngayon ko lang nabasa.." sabi ko.
" Hala.. edi panong.. bat ka nandito?" Tanong pa nito.
" Namimili ako ng ingredients na kulang na ang stocks sa resto." Sagot ko.
" Pati ba naman yun, crew pa ang gumagawa?" Tanong ni Anne na tama na ang lakas ng boses. Tumingin naman samin sina Larmie.
" Ah about dun.. hindi ako crew.. ako ang may-ari ng resto." Sabi ko na ikinalaki ng mata nila. " Hindi nga?" Tanong pa nila. Alangan naman akong tumango. Napatingin ako kay Raizen na nakatingin din pala saakin. Ngumiti naman ako. Tumingin ito sa iba.
May problema ba sya sakin?
" Tara. Samahan ka na namin mamili. " aya ni Anne.
" Hindi na. Baka may mga lakad kayo." Sabi ko.
" Meron nga. Kaya nga dapat matapos na ang gagawin mo para yung lakad naman namin ang pupuntahan " sabi nito sabay kindat.
Naiiling na nagpadala na lang ako sa kanila.
Nauunang maglakad sina Anne at Larmie samantalang iniwanan nila si raizen na katabi ko.
Hindi ko alam kung paano sya i-aapproach.
" Magkakasabwat kayo no?" Biglang tanong ni Raizen kaya napalingon ako dito. Straight lang ang tingin nito na hindi man lang ako nilingon.
" No. This was coincidental." Sabi ko agad.
She smirked." Coincidence.. huh."
" Well, ang totoo tinext nila ako.. pero hindi ko nabasa yun. Ngayon lang. Mamimili lang talaga ang purpose ko dito." paliwanag ko. Tumingin naman ito sakin pero nagbawi din ng tingin. " Hindi mo kaylangan magpaliwanag. Hindi naman kita boyfriend." Sabi nito.
Napatahimik naman ako.
Yeah. Totoo naman.
" I know what you all plan to do. Wag mo ng subukan." Matalim ang tinging lingon nito sakin saka tumingin sa harapan.
Sabi nila.. may pagkaslow to.. bakit ang lakas ata makiramdam?
" Wala akong balak gawin yun. I want to get the right impression." Sabi ko na ikinatigil nya. She look at me saka huminga at nagpatuloy sa paglalakad.
" I'm m sorry about my rudeness. Ayoko lang na inerereto ako kung kani-kanino." Sabi pa nito.
" No, its ok. Gusto ko yung mga totoong tao." Sabi ko na ikinangiti nya.
" Wag kang maniniwala sa dalawang yan. Halos lahat ng lalaking nagkakagusto sakin sinasabi nila ang sekretong yun, magkaroon lang ako ng boyfriend. " naiiling na sabi nito. " Nagsisisi akong sinabi ko pa sa kanila yun."
Napatingin naman ako sa kanya. " so totoo nga yun?" Tanong ko. Tumingin ito sakin saka tumingin sa harap at tumango. " well, sad to say yes. Kaya ko lang naman nasabi yun ay dahil gusto kong makuha ang first kiss ko sa harap ng altar, kung ikakasal man ako." Sabi nito.
Mas lalo naman akong na-amaze sa kanya. Hindi lahat ng babae, ganyan ang mindset.
" Eh balita ko, manhater ka daw. So paano?" Sabi ko na feeling close na.
Umiling naman ito. " I'm not, I just wanna test those suitors if they can handle my temper and sadly none of them pass." Sabi nito. Mas lalo akong na-amaze sa kanya. Kakaiba.
" Ah.. sabi kasi nila.. minsan ka na daw nasaktan kaya.. alam mo na.." sabi ko pa.
" Ah.. iyon ba. Totoo yun. But what is past is in the past. Moving forward na ko. " sabi pa nito na ikinangiti ko.
" Eh bakit grabe ka makahugot?" Sabi ko pa.
Napangiti naman ito. " Haha wala lang, gustong gusto kasi nilang dalawa yun." Sabi pa nito. Napangiti na lang ako.
Haha so hindi naman pala ganun kalalim. Haha iba lang magkwento yung dalawa. Buti na lang at nakausap ko sya.
" Bilisan mo na. Iba na ang tingin nung dalawa. Tsk, sinasadya talaga nila." Sabi nito na binilisan ang lakad.
Humabol naman ako. " What do you mean by that?" Tanong ko.
" Pansin mo naman siguro na ikaw lagi ang nirerequest nilang magserve. Sadya yun para ireto sakin." sabi pa nito. Napatango naman ako. So iyun pala yun.. noon pa lang tinutulungan na ako ng dalawa.
" Ok lang naman kasi nakakalapit ako sayo." Wala sa sariling sabi ko.
Napatigil naman ito sa paglalakad. Napatapik ako ng bibig.
Damn! What did i just say?
" Bilisan mo na, nang matapos na ang araw na to." Sabi nya sabay lakad.
Natitigilang sumunod naman ako.
Hindi ko alam kung tama ba yung nasabi ko..
Hindi nya kasi ako iniimik. Ni hindi na rin ito tumatabi. Mas tamang sabihing lumalayo ito samin. Nakatingin lang. Ni hindi man lang ito namili na katulad ng ginagawa ng dalawa.
Di ako nakatiis kaya lumapit ako sa kanya ng magpaiwan ito sa labas ng shop.
" Iniiwasan mo ba ako dahil sa sinabi ko?" Tanong ko. Lumingon naman ito. " Huh?"
" Eh kasi.. kanina ka pa hindi nakikisali sa pamimili..baka dahil yun sa nasabi ko kanina." Sabi ko pa. Natawa naman ito.
" Haha hindi dahil dun. Wala naman kasi akong perang pambili kaya hindi na ako nakikisali. Anong gagawin ko? Kayo kayo na lang. Nahatak lang naman ako ng dalawang yan." Natatawang sabi nito.
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Akala ko may nagawa na naman akong hindi tama eh.
" Ah ganun ba.. kala ko.." sabi ko na nagkakamot ng batok.
"Hindi ko tinatablan ng sweet words kaya wala lang sakin yun." Sabi nya sabay lakad lagpas ng pwesto ko. " Ok na? Tara na." Aya nya na nakita na atang palabas sina Anne.
Balewala lang sa kanya?
Mukhang mahihirapan pa rin ako..
" Ren! Tara na!" Narinig kong tawag ni Larmie kaya lumingon ako at naglakad na palapit sa kanila.
-----
Pagkatapos ng araw na yun ay nasundan pa ng ilang pamamasyal ma syempre kagagawan nung dalawa. Pabor naman sakin ang nangyayari pero syempre pinakikiramdaman ko pa rin sya.
Nagkukwento si Anne kaya madami akong nalaman tungkol sa kanya.
Apat pala silang magkakapatid. Pangalawa sya at sya lang ang nagtatrabaho. Sya din pala ang nagpapaaral sa dalawa nyang kapatid. Ang kapatid nya ay naghahanap pa rin ng trabaho.
Mahirap ang pamilya nya kaya daw ni hindi ito nagbibigay ng pansin sa buhay pag-ibig.
" Enough with my life. Magsikain na lang kayo." Sabi nito na kumain na lang din. Napapangiti ako sa simpleng gesture nya.
Tumingin ako kina Anne na nakangiting umiiling.
-----
Then the next day.. I plan to formally ask to court her. Baka maunahan pa ko ng iba.
Hinintay ko silang magpunta dito sa resto. Nagkadami na ang tao pero hindi pa sila dumarating. Tinext ko si Anne kung makakapunta sila.
Maya maya lang ay sumagot na ito.
' Mukhang hindi. Tinotoyo si Zen.'
Huh? Bakit naman kaya?
Tinext ko ulit sya. Nagreply naman agad ito. ' Ayaw na daw nyang kumain jan.'
Teka.. bakit?
Kinakabahang nagtype ako. Nagreply din ito agad. ' Hindi ko din alam.'
Iyun lang ang tanging sagot nito.
Kinakabahang napaisip naman ako.
Bakit? Bakit ayaw nya ng kumain dito? Dahil ba sakin? Ayaw nya na akong makita? Nagsawa na sa mukha ko?
Naguguluhang napaupo ako.
Ano ba kasi?
Damn! Wala naman kaming relasyon pero daig ko pa ang boyfriend na kinakabahang hindi na sya mahal ng girlfriend nya.
-----
Ilang linggo ang lumipas ng hindi na sila nagpupunta dito. Ilang linggo din akong nahihintay.
Nawawalan ako ng ganang magbantay ng resto.
" Sir ren, ok lang po ba kayo? Ilang linggo na kayong ganyan ah?" Tanong ng isa kong tauhan ng makita nya akong nakapangalumbaba sa counter.
" Nagsimula yan nung hindi na nagpupunta dito yung tatlong babae." Narinig kong bulong nung isa.
" Ah. Oo nga no. di na sila nagpupunta dito. Bakit kaya?" Narinig kong sabi pa nila.
" Ah yung tatlo ba? Nakita ko sila kahapon sa restaurant malapit sa ****. Yung maikli ang buhok nga ang nagserve samin ng barkada ko." Napalingon ako ng marinig ito. Tumayo ako saka nilapitan ito.
" San mo sila nakita?"
-----
May part 2!