My life was perfect...
I have a mom who supports me in everything I want to do and a dad who is extremely protective but still prioritizes my desires over his.
Nag-iisa akong anak kaya lahat ng pagmamahal, luho at pag-aaruga ay sa akin napupunta. Hindi sila nagkulang, bagkus ay sobra-sobra pa.
I was born on an average family, hindi mayaman pero hindi din naman mahirap. Kayang kaya lang bayaran ang mga gastusin sa bahay at kahit na ganon ay nagpapasalamat pa din ako dahil hindi namin naranasan magutom.
And by "perfect life," I don't just mean that I have perfect parents; I also have a perfect husband.
A kind and caring person I've ever met, a man who makes me smile and feel love every day. The man who never forget to say I love you especially when I needed it the most. The man who could put up with my limitations and frustrations. And the man who could respect my family. Who wouldn't fall by someone like that?
At dahil don, nahulog na ako nang tuluyang na ang kinahantungan ay kasal. Yes, after dating for two years; we have decided to tie the knot. I was twenty while he was twenty-four. We're both on the right age to decide for ourselves. My parents was not against as they see how good he treated me. Such a lovable parent, isn't it?
My first year of marriage was so magical, and I still get butterflies from him. He never changes. Even after we've been married, he continues to make me feel special.
Binigyan nya ako ng buhay na katulad ng sa magulang ko, hindi mayaman at hindi din salat. Tamang-tama lang.
At kung itatanong ninyo kung anong source of income nya, He has a small business na naipamana sa kanya ng kanyang ama. It's was a gaming center which he enjoys being in it as he was a gamer. He could drop by anytime and still got paid. Perfect job? Yes it is.
We have time for ourselves, travelling and enjoying the fullest. Wala na akong mahihiling pa, sobrang perfect na ng buhay ko.
Until that year came...
He decided to take another course on college dahil wala pa naman kaming balak mag-anak at gusto pa niyang madagdagan ang kaalaman.
He was a graduate of information technology while I'm still on my third year on college taking culinary.
Masaya ako sa naging desisyon niya dahil maaari ko itong maging schoolmate ngunit ang course na gusto nitong kunin ay wala sa university na pinapasukan ko. He wants to pursue Computer Science. Malungkot man ay wala akong magagawa, lahat ng gusto ko ay binibigay nito kaya bakit hindi ko ito hahayaan sa gusto nito? Pumayag ako at naging masaya dito.
Araw-araw masaya akong naghahanda ng umagahan at nang baon naming mag-asawa sa eskwela. Araw-araw din ako nitong tinutulungan, mabawasan man lang ang mga gawain ko sa bahay. Napaka-sweet diba?
At pagkatapos ng klase ay hindi nito nakakalimutang magkwento ng mga nangyare sa buong maghapon para lang hindi ako makaramdam ng selos.
Pero matapos ang anim na buwan na pagpasok nito ay nangyari ang hindi ko inaasahan...
It's 7:00 in the morning; nagluluto ako ng agahan at baon naming dalawa nang bumaba ito galing kwarto, tumatawa hawak ang kanyang cellphone.
Ngumiti ako at binati ito na ginawa din naman niya ngunit agad binalik ang atensyon sa cellphone nito.
" Ang saya ata ng umaga ng asawa ko?" Masayang tanong ko pa dito dahil hindi pa din mawala ang ngiti sa mga labi nito. Tumingin ito sakin saka tumango, " Tanda mo yung grupo ng lalaki na tumulong saken nung mapagtripan ako ng kabilang department? eto ka-chat ko sila ngayon, kung ano-ano ang mga sinasabi. Mga siraulo haha "
Ngumiti naman ako kasabay ng pagtango, masaya na nag-eenjoy ito at may mga naging kaibigan na ito." Masaya ako para sayo"
" Thank you, wife." Ngiti pang sabi nito nang mapadako ang tingin sa dalawang baunan na puno ng pagkain naming dalawa. " s**t!" Rinig kong mura nito. " Wife, sorry! Hindi ko nasabi sayo. Wag mo na kong ipaghanda ng baon simula ngayon, etong mga barkada ko na kase ang sasagot ng pagkain ko. Para na din hindi ka nahihirapan magluto. "
" Hindi naman ako nahihirapan, it's my obligations. I'm your wife. Ano ka ba. " Natatawang sagot ko pa. Ngumiti naman ito saka yumakap sakin. " Kahit na, hanggat kaya kong i-lessen ang trabaho mo dito sa bahay gagawin ko. " Sabi pa nito na nagbigay na naman nang kilig sakin. Alam na alam talaga ng lalaking to kung papaano ako pakikiligin.
" Oh sya sige na. Dami mo pang sinasabe dyan, oh edi hindi ka na magbabaon ngayon? " Tanong ko dito. Nag-aalangang tumango naman ito. "It's okay, sabihan ko na lang si Sabrina na wag nang magdala ng foods today" ngumiting sagot ko dito. Kita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito at biglang pagyakap nito sa akin na para ba itong batang pinagbigyang lumabas ng tanghali.
" Thank you, wife," Sabi pa nito bago tumaas at mag-ayos ng sarili habang ako ay naiwan at nakatitig sa dalawang baunang puno ng pagkain.
I always enjoy cooking. Bata pa lang ay gusto ko nang magluto, ito din ang dahilan kung bakit culinary ang kinuha kong kurso. At mas lalo ko itong kinaaliwan sa tuwing pupurihin ng asawa ko ang mga ito. Kaya kahit kaylan ay hindi ito naging abala sa akin. Gusto ko ang pagluluto lalo na ang pagsilbihan ito.
Buntong-hiningang sinilid ko ang mga ito sa lunch bag ko saka naglinis ng kusina. Sabay pa kami nitong kumain at ang topic ng usapan ay ang mga bago nitong kaibigan.
His friends seems nice for me base sa mga kwento niya at mukhang mayayaman din para sagutin ang pagkain niya sa araw-araw.
Pumasok na ito habang ako ay naiwan pa para maglinis kahit papano ng munti naming bahay. Mas maaga kasi ang pasok nito kaysa sa akin ng isang oras.
Nag-ayos na din ako para pumasok. Pagdating sa school ay napangiti agad ako ng makita ang nag-iisa kong kaibigan na kalog na walang iba kung hindi si Sabrina. Masaya itong kumaway sa gate saka lumapit sa akin.
" Anong meron, girl? Pinaggawa mo ata ako ng foods today?" Maarteng tanong nito habang kami ay naglalakad.
" Hm? Ah, nakalimutan kase ni hubby na sabihin sakin na wag na syang gawan ng pagkain at sasagutin na daw ito ng mga kaibigan niya." Ngiting sagot ko.
" Hmmm, bait naman ng mga friendship nya. "
" Oo nga e, biruin mo sasagutin na nila ang pagkain nya sa buong taon ng course nya. " Sabi ko pa.
" Hindi ba parang nakakapagtaka naman yan? Kung ikaw nga ngayon mo lang ako nilibre kung hindi pa makalimutan sabihin ng asawa mong wag syang pabaunan e, " Sabi nito na ikinatawa ko, " sorna haha"
" Pero seryoso, bes. Hindi ka ba nagtataka? Bakit nila sasagutin yung pagkain niya ng ilang taon? Mayaman ba sila at ginawang charity ang asawa mo? "
Natawa na naman ulet ako sa sinabi nito, " haha, baka mayaman naman kase. Saka base naman sa kwento ng asawa ko, okay naman ang mga kaibigan nya. Diba naikwento ko pa sayo na tinulungan nila ang asawa ko ng mapagtripan ito? Kaya wala naman kaylangan ipagtaka." Naiiling na sabi ko pa. " Kung meron man akong mararamdaman, yun ay panghihinayang. Alam mo naman kung gano ko kagustong ipagluto siya diba?"
" That's it. Di man lang ba naisip ng asawa mo yun? Hello? Mas pinili nya pagkain ng kaibigan nya kesa sa luto ng asawa nya? " Di pa din tumitigil na sabi nito.
Sa totoo lang ay nakaramdam sya ng kirot sa dibdib nang sabihin ito ng asawa nya. Hindi lamang niya gustong humadlang sa kaligayahan nito.
" Hindi nya naman intensyon yun, bes. Ayaw nya lang akong mapagod magluto" pagtanggol ko pa sa asawa ko.
Umikot ang mata nito na alam kong hindi gusto ang naging sagot ko." Hay nako, manhid ka talaga Winter Blake Buenavidez"
" Kaylangan talagang banggitin ang full name ko? " Natatawang sagot ko lang dito.
Alam ko ang gusto nitong sabihin, ayoko lang paghinalaan ang asawa ko. Pagkain lang naman ang nagbago, hindi ang relasyon namin. Sweet at palakwento pa din ito ng mga nangyare sa maghapon niya kaya wala akong rason para paghinalaan ito. Kaylangan ko na lamang masanay na hindi na ito pabaunan pa ng pagkain.
Lumipas ang ilan pang buwan ay napapansin ko na ang pagbabago nito. Kung dati, pagdating ko ay sasalubong na ito at yayakap sakin; ngayon ay tatawa-tawa pa din itong nakatingin sa cellphone nya na para bang walang dumating. Kung dati ay sabay kaming natutulog, ngayon ay mas madalas na itong magpuyat kagagamit ng cellphone nito. Kung dati ay nakakasabay ko pa itong kumain sa umaga, ngayon ay nagmamadali na ito sa pagpasok dahil nandon na sa labas ng bahay namin ang kotse ng kaibigan nito. Kung dati ay nagagawa ako nitong tulungan sa gawaing bahay, ngayon ay mas madalas na ang paglabas nito kasama ang barkada. Kung dati ay hindi nito nakakalimutang iparamdam ang pagmamahal nya, ngayon ay ni hindi ko na marinig ang tatlong salitang madalas niyang sabihin sa akin.
Nagbago na talaga ng tuluyang ang asawa ko, hindi ko man gustong aminin sa sarili ko pero mukhang tama nga ang hinala ng kaibigan ko. May babae ang asawa ko.
Kahit na ramdam ko ang mga pagbabago nya ay hindi ko pa din sya magawang komprontahin, natatakot ako. Natatakot ako sa maaari nyang maging sagot.
All my life I was loved. Through my parents up to him. I only experience love... And never had rejections. Kaya takot akong sabihin nitong hindi na niya ako mahal. Na nakahanap na siya ng iba.
Ako ang asawa pero bakit ako nakakaramdam ng takot?
Ayokong maiwan... Ayokong mawala sya... Mahal na mahal ko ang asawa ko.
Nasasaktan man ay mas pinili kong manahimik. Hinayaan ko lamang ito at iniiyak ang lahat kapag nag-iisa. Ngingiti at pagsisilbihan ito pero pag-alis nito at walang katapusan ang luhang pumapatak sa mga mata ko, naaawa sa sitwasyong kinasasadlakan ko. Laging ganito ang gawain ko sa araw-araw nang mabigyan ako ng pagkakataon na makita ang babaeng dahilan ng pagbabago ng asawa ko.
Umaga noon at hinahanda ko ang gamit nito pagpasok ng may bumusina sa labas ng aming tahanan. Pagkarinig sa busina ay agad na kumilos ang asawa ko at mabilis na nagtungo papunta sa pinto. Dahil sa pagmamadali nito ay naiwan nito ang kurbata, agad kong inihabol ito sa kanya nang pagbungad ko sa pinto ay nakita ko ang isang babaeng nakasuot din ng unipormeng katulad ng sa asawa ko. Nakatagilid ito katabi ng minsan nang sumundo sa asawa ko kasama ang iba pang kaibigan nito.
Kumaway pa ang asawa ko dito bago sumakay katabi ng babae na nanatili lamang nakatingin sa harap. Para naman akong naestatwa sa nakita. Hindi makagalaw at hindi din makareak pero ang paningin ko ay patuloy na nakasunod sa bawat paggalaw ng mga taong nasa harapan ko.
Nagtatawanang nagbabatian pa ang mga ito nang sumakay ang asawa ko samantalang ang babae ay hindi nagbabago ng pwesto. Saka lamang tumingin sa akin ang asawa ko ng ituro ako ng isa sa mga kaibigan nito. Ngumiti ito saka kumaway bago isinara ang pinto ng Van na kanilang sinasakyan.
Tulala akong naiwan kapit-kapit pa din ang naiwang kurbata nito. Unti-unting tumulo ang mga luha kasabay ng pagdausdos ko sa sahig ng aming veranda. Hindi ko na napigilan pa at ako'y napahagulgol sa tindi ng nararamdaman ko.
Tama nga ang hinala ko. May babae ang asawa ko. Pero ang hindi ko matanggap ay kawalang pakialam nito kahit nakita ko na ang babae nito. Mas lalo kong nararmdamang tuluyan na itong lumalayo sa sakin. Wala na talaga itong pakialam pa sa nararamdaman ko.
Kasalanan ko din ito, hinayaan ko ito imbis na komprontahin agad. Para ko na ding kinunsinti ang pambabae nya.
Hindi ko magawang tumigil sa pag-iyak hanggang sa hindi ko na din nagawa pang makapasok, maghapon puro iyak lamang ng aking ginagawa; iniisip kung ano ang mga maling nagawa ko. Kung bakit nya ako nagawang lokohin?
Sa dalawang taong namin bilang mag-asawa wala akong ibang ginawa kung hindi mahalin at pagsilbihan ito kaya pano niya ito nagawa sakin?
Hindi ko alam kung ano pang-iisipin, pagod na ako. Pati na din ang mga mata ko. Tulala lang akong nakaupo sa sofa ng sala, naghihintay sa pagdating niya.
Hanggang sa narinig ko na ang pamilyar na busina ng sasakyan. Alam kong dumating na ito pero hindi ko magawang bumago ng pwesto. Kahit napagdesisyunan ko ng komprontahin ito ngayon ay natatakot pa din ako... Mahal ko ang asawa ko...
Bawat paglakad nito papalapit ay nagbibigay kaba sa sistema ko. Unti-unti nitong pinapatay ang apoy sa natitirang pang pag-asa sa aming mag-asawa.
Pumikit ako bago ito tuluyang makalapit. Ayokong simulan ito ng iyak, ayokong magpaawa.
" Oh, wife. Nandito ka na agad? Diba seven pa ang uwi mo? " Bungad na tanong nito na hindi ko pa din hinaharap. Nakatalikod Kasi ako dito, " teka, hindi ka naligo? Yan pa din ang suot mo kanina ah? Hindi ka pumasok?" Tanong pa din nang mapansin ang suot ko.
Simula ng makita ko ang babae nito ay hindi ko na magawang kumilos. Hindi nakaligo, ni hindi nakapagluto, at mas lalong hindi ko nagawang kumain.
" Wife? Oy? Okay ka lang ba? May problema ka ba sa school?" Tanong muli nito.
Yung mga luha kong pilit na pinipigilan ay tuluyan nang naglandas sa mga pisngi ko kasabay ng hikbing pilit ko ding pinipigilang kumawala.
Pano nya nagagawang maging concern sakin ngayon at hindi nitong umaga? Bakit wala akong narinig na paliwanag man lamang galing sa kanya kung sino yung babae bago man lang ito umalis?
Ang mga tanong sa isip ko ay lalong nagbigay bigat sa nararamdaman ko na nagresulta ng malakas na paghikbi.
Agad na naalarma ang asawa ko at pumunta sa harapan ko, saka lamang nito nakita ang mga mata kong maga na sa kaiiyak. " Bakit? Anong nangyare? Bakit ka umiiyak?" Tanong pa nito na kakikitaan pa nang pag-aalala sa mukha.
Hindi ko alam kung tunay pa ba ang ipinapakita nito kaya diretsong nakatingin lamang ako dito habang umiiyak. " Wife? Oy? Sumagot ka naman, kinakabahan ako sayo e! Ano? May problema ba sa school mo?" Sunod-sunod na tanong nito.
Nakatitig pa din akong nakatingin sa mga mata nito naghahanap ng katotohanan sa mga sinasabi nito. Nang sa wakas ay nagkaron ako ng lakas na magtanong, " Sino yung babae?"
" Ha? Sinong babae?" Takhang tanong pa nito.
" Yung babaeng katabi mo sa sasakyan kaninang umaga. " Sagot ko dito.
Nag-isip naman ito saka nagsalita muli, " ah, iyon ba wala yon. Wag kang mag-alala hindi ko babae yon." Iling pang sabi nito.
" Kung hindi, bakit mo katabi? "
" Sa tabi lang nya may bakanteng pwesto. Teka nga, iyon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Tanong pa niya kaya tumango naman ako. Natawa naman ito saka ako niyakap. " Wife, hindi kita ipagpapalit don, ano ka ba! Wala akong babae haha"
Dahil sa sinabi nito ay nakaramdam ako muli ng sigla pero dahil na din sa mga iba pang ipinapakita nito ay hindi ko magawang tuluyang maging masaya.
" Bakit may babae kayong kasama? Sabi mo puro lalaki lang ang myembro ng grupo nila?" Tanong ko muli. Nilayo naman nito ang sarili sa akin bago nagsalita, " I don't know how should I put this but she's their toy."
" What? " Gulat at takhang tanong ko dito.
" Nasabi ko naman sa iyo na mayaman ang pamilya ng mga naging kaibigan ko kaya lahat ng gawin nila sa university, legal. Kasama na don ang pambubully nila. At malas nung babae kase sya ang napagtripan ng barkada." Paliwanag nito kasabay ng pagbaba ng suot nitong bag sa likod. " At tanda mo yung sinabe ko sayong wag mo na kong gawan ng baon? Dahil din yon don. Yung babaeng yon na kase ang gumagawa ng baon ng barkada at dinamay na nila ako. Wala naman syang magagawa dahil kapit nila ang video niya. "
" Anong video? " Tanong ko kahit nahihirapan ang sistema kong intindihin ang mga sinasabi nito.
" s*x video." Sagot nito. " Kasama ang mga barkada ko. Kaya wala syang magawa kung hindi sumunod sa utos nila."
" Gang r**e?" Tanong ko ulit at tumango naman ito. " Ginusto ba ng babae yon?"
" Hindi. Lasing daw yung babae non tapos kinuhanan nila ng video habang ginagawa yon kaya ayun, unlimited na nilang nagagalaw yung babae, may free foods pa sila everyday haha" tawa-tawa pang sagot nito na ikinatitig ko dito. He really change. Hindi na talaga siya ang lalaking pinakasalan ko.
Part two is coming up!