" Paano mo nagagawang tawanan ang ganyang bagay sa harap ko ng hindi man lang naiisip na babae ako?" May hinanakit na tanong ko dito.
" Hindi yon ang intensyon ko, wife. Ayoko lang magselos ka pa don, e ang dumi-dumi na non. " Sagot naman nito na para bang nandidiri.
" Bakit, Marvic? Sa tingin mo ba hindi ka madumi? You were friends with those people! Alam mo yung mga ginagawa nila! And yet nakipagkaibigan ka pa! "
" E sa masaya silang kasama. Nag-eenjoy ako. Hindi ko yun naranasan sa school natin dati. Saka ang issue mo lang naman diba ay may babae ako? At ang sagot ko ay wala. Oh bakit ang dami mo ng sinasabi ngayon? " Inis na tanong nito.
" I am a girl! Your mom and sister are also girls! How can you say those things? Na para bang wala kaming kwentang nilalang? Papaano kung sa amin mangyari yon? Papaano kung sa akin nangyari yon? Estudyante din ako, hindi mo ba naisip yon?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasigawan ito.
" Hindi porke nangyari sa kanya e mangyayare sayo. Saka sa tapang mong yan? Malabo. " Iling na sagot nito. " Prinsesa ka nga ituring sa school nyo. "
Napatitig na ako dito, pilit na kinikilala ang taong nasa harapan ko, "You've changed." Napalingon naman ito sakin. " You really have changed. " At tumulo na naman ang mga luha ko. " Hindi na kita kilala... "
" I'm not. Hindi ka lang sanay na may barkada ako dahil lagi tayong magkasama. I have my life too! Hayaan mo kong i-enjoy ang self pace ko! Bakit ba parang big deal sayo yon? Lahat naman ng gusto mo binibigay ko? Nagkaron lang ako nang kaunting kasiyahan, nagbago na? Awit sayo." Iling nitong sagot saka hinablot ang bag na kanina lamang ay ibinaba nito. Tumayo saka walang sabing tumalikod sa akin. Pero bago pa man ito makalayo ay nagsalita ako. "Tell me who your friends are, and I'll tell you who you are; being friends with those rapists implies that you, too, are doing those things to her, don't you?"
Nakita ko ang pagtigil nito pero hindi nito nagawang sumagot. Doon pa lang ay alam ko na. Nagalaw na niya ito.
Tumango-tango ako trying to comfort myself." I'll take that as a yes. I hope you won't regret this."
Pagkatapos nito ay nagpatuloy na muli ito sa paglalakad habang ako ay naiwang umiiyak na naman sa sala. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong umiiyak at hindi ako maubusan ng luha.
Nagbago na talaga ang lalaking pinakasalan ko. Hindi na ito ang nakilala kong mapagmahal sa magulang, kapatid at lalo na sa asawa. Hindi ko maisip kung papaano niya nagagawang sabihin ang mga salitang binitiwan kanina na para bang wala itong kasamang babae sa bahay. At ang mas lalong hindi ko maintindihan ay papano nito nagawang gumalaw ng iba kahit na mayroon na itong asawa.
He's cheating. That still count as cheating. Hindi man niya girlfriend, he still had s*x with her and I don't even know how many times he did.
He was my husband, but I have no idea who he is anymore! How could a gentle-hearted man like him have turned out this way? How can he still believe he's innocent when he was doing exactly what they were?
Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa pinakasalan ko...
Tumungo ako at patuloy na iniiyak ang nararamdamang sakit sa pag-aakalang maaalis nito ang katotohanang nagloko ang asawa ko.
Lumipas ang araw na iyon at mas lalong naging malayo ang asawa ko sakin. Hindi na ito bumababa hanggat nandito ako sa bahay at mas lalong hindi ito umuuwi sa tamang oras. Para bang sinasadya nitong hindi ko makita pa.
Nagdulot ito nang mas matinding sakit sa akin. Dahil kahit na alam ko na ang lahat ay nagawa pa din nitong talikuran ako at magpatuloy makisama sa mga r****t nyang kaibigan. Tanging sa kaibigan ko na lang ako humuhugot ng lakas wag lang sumuko at magpatiwakal.
Sinabi ko dito ang lahat at maging ito ay hindi nagustuhan ang ginagawi ng aking asawa.
" Sabi sayo, bes. Unang beses mo pa lang kinuwento saken yan, iba na pakiramdam ko e. " Iling na sabi nito.
" Nagtiwala kase ako sa sinumpaan namin sa altar. Ako na lang pala ang kumakapit don. Hindi ko alam na napakadali lang sa kanyang bitawan yung apat na taon naming pagsasama." Naluluha kong tugon, pinipilit na wag itong tumulo.
" Nasa taon kase kayo kung saan nasusukat ang katatagan ng relasyon nyo. At kaya mo nasasabing perfect ang asawa mo kase laging mong kasama. Hindi kayo mapaghiwalay. E ngayong magkaiba na kayo ng pinapasukan? Ngayon mo nakita ang tunay nyang kulay diba?" Sabi pa ni Sabrina. " Alam mo bes, lahat ng mag-asawa dumadaan sa ganyang phase ng buhay. Pagsubok yan e. Nasa sainyo na yun kung kaya nyong lampasan yang temptation na yan. At sinasabe mo sayo hindi lang nasulsulan ang asawa mo, ginusto nya din yon. May asawa sya kaya bakit sya papayag diba? Ayaw man kitang masaktan pa bes, pero tanggapin mo na. Ginusto nya lahat ng nangyayari ngayon. "
Hindi ko na tuluyan pang napigilan ang mga luha ko at napahagulgol na ako. Kahit kase alam ko naman ang sitwasyon ay masakit pa din lalo na't ipagduduldulan pa sa akin ang lahat.
Hinihimas nito ang likod hindi para patahanin kung hindi para ipaalam sa akin na nandito lang siya at nakasuporta sa akin. Patuloy lamang ko sa pag-iyak nang may anim na pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko. Tumunghay ako para malaman kung sino ang mga ito nang makita ko ang anim na kalalakihang nakatingin sa akin.
-----
Pagkatapos nang araw na iyon ay tulala akong nagluluto ng pagkain. Lumilipad ang isip na hindi ko pa malalaman na nasusunog na ng priniprito kong isda kung hindi pa ito naamoy ng asawa ko. " Hindi mo man lang ba naaamoy sunog?" Inis na tanong nito kasabay ng pagpatay nito ng kalan. Hindi naman ako nagsalita at nagpatuloy lamang sa pagluluto. Itinapon ang nasunog na isda at nagsalang ulit ng panibago. Aalis na sana ang ito nang mapansin ang mga nakalagay sa lamesa.
" Bakit ang daming baunan?" Takhang tanong nito.
Walang buhay na tumingin ako dito saka mapaklang ngumiti, " Bakit ba kayo pinagluluto nung babae?"
Nanlaki ang mga mata nito sa narinig at mabilis naintindihan ang ibig kong sabihin. Agad nitong hinawakan magkabila kong balikat. " Sino sila? Sabihin mo sakin at papatayin ko!" Galit na sigaw nito. Walang buhay ko lang itong tinignan. Iniisip na papaano nito nagagawang magalit sa mga taong katulad nya.
" Tara, hindi ako papasok. Ituro mo sa akin kung sinong hayop ang tumarantado sayo!" Muli pa nitong sigaw bago ako hatakin.
Nagtungo kami sa paaralan ko katulad ng gusto niyang mangyari. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa bawat estudyanteng lalaking dadaan sa harapan namin habang ako ay walang reaksyon sa nangyayari. Walang ekspresyon na tinatangay lamang ako nito papunta kung saan ang sinabi kong tagpuan ng mga lalaki.
At doon ay nakita niya ang anim na lalaki, agad niya itong sinugod at inundayan ng isang malakas na suntok ang isa. Nagulat naman ang mga kasama nito at maging ang mga estudyante sa paligid. Nakita din ito ng best friend ko na mabilis na lumapit sa akin, " bes..."
Tahimik na nakatingin lang ako sa asawa ko at sa anim na lalaki.
" P*tang Ina nyo! Anong ginawa nyo sa asawa ko ha! Mga g*go kayo! Wala ba kayong magulang!" Sigaw ng asawa ko na tinawanan lang ng mga kalalakihan. " Bakit ba galit na galit ka? E balita ko pre, gawain mo din to. Diba nga hahaha" sagot ng isa na tinawanan ng mga kasamahan nito.
Hindi naman agad nakasagot ang asawa ko saka napatingin kung nasaan ako. Wala akong binigay na kahit na anong reaksyon dito. Walang buhay na nakatingin lamang sa mga ito.
" Di nakapagsalita pre, totoo nga! P*ta! Haha!"
" Lakas manugod, r****t din pala ang G*go! Haha! "
Ilang pang komento ng anim na lalaki, pinagtatawanan ang hindi makaimik na asawa ko.
" Alam mo pre, tutal sa iba ka na kumukuha ng aliw, kami na lang ang magbibigay ng aliw sa asawa mo. Masyado na kasing malungkot e haha" umakbay pang sabi ng isa dito. Itinulak naman ito ng asawa ko. "T*rantado! Tigilan nyo ang asawa ko!"
" We don't take orders, we do the orders. Tignan mo to, baby girl! Tara dito Dali!" Sabi nang isa sabay kaway sa akin. Sumunod naman ako at lumapit dito. " Pwede bang pakisabi dito sa asawang mong galit na galit e magself-reflection muna. Kasi papaano naman kami makikinig sa kanya diba? E gawain din nyang mangrape ng babae. " Sabi nito kasabay ng paghimas sa buhok ko.
Tumingin ako sa asawa ko at kita ko na hindi na maintindihan pa ang reaksyon nito. " Go home." Ang tangi kong nasabi dito. Tumingin naman ito sakin na para bang gustong tumutol. "Just go home. You can't solve my problem anyway." Sabi ko saka tuluyang umalis sa Lugar. Hindi ko na ito tinignan pa.
Sapat na ang mga reaksyon nya para magpatunay na hindi nya ako kayang protektahan.
Lumipas muli ang maghapon at nakauwi na ako, doon ko nakita na naghihintay sa pintuan ang asawa ko suot pa din ang damit nito kanina. "Wife..."
Hindi ko ito pinansin saka binuksan ang pinto at pumasok sa loob, sumunod naman ito. " Wife..."
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong yakapin nito mula sa likuran. " Wife..."
" Wag mo kong yakapin, madumi akong babae." Tanggal ko sa mga kamay nitong nakayapos sa akin pero mas lalo lamang nitong hinigpitan. " Hindi ka madumi. Hindi."
Mapakla akong mapatawa, " Hindi ba, iyon ang nilarawan mo sa babae? Na madumi ito kase madami nang lalaki ang nakagalaw dito?" Natigilan naman ito na nagbigay luwag sa yakap nito. Agad akong kumalas at lumayo dito.
" That's different " sa wakas ay sagot nito. " What's the difference? She and I were both victims. We're the same. "
" No, you're my wife. That's the difference. Kaya kitang tanggapin despite that. Tutulungan kitang makalimutan yon. " Sabi nito na hawak-hawak pa ang kamay ko.
" I can never forget what happened to me, Marvic. I can never! You know damn well what you monsters did! Hinding-hindi yon mawawala sa sistema ko! Mananatili na yon sa ala-ala ko, nakatatak! " Tumutulo na ang luhang sagot ko dito, Nanginginig. " Why should I have to suffer? Why should I bear the consequences of your sin?" Hindi ito nakasagot at nanatiling nakatingin lamang sa sahig habang ako ay patuloy na umiiyak sa harap nito. " This was not part of our vows..."
" I'm sorry ..."
" Does your sorry will change the fact that I am now a victim?"
" No, but I still wanna asked for forgiveness." Mahinang sabi nito saka lumuhod sa harapan ko. " I'm sorry. I'm sorry if I failed to protect you. Kasalanan ko lahat. Naging tarantado ako. Masyado akong nagpadala sa saya ng barkada. Nakalimutan ko na ang tama at mali. Sorry, wife. Sorry Kasi pati ikaw kinalimutan ko din." Sabi nito na kapit pa din ang mga kamay kong nakalapat ang noo nito. " Alam kong naging g*go ako, wife. Pero totoong mahal kita. Kaya kahit na anong nangyari sayo kaya kong tanggapin at tutulungan kitang maglagpasan to. Pananagutin natin ang mga taong tumarantado sayo. Pinapangako ko. "
" Papanagutin mo? "
" Oo, ipapakulong natin. May kakilala sila papa na pwedeng tumulong sa atin kahit malakas pa kapit nila sa pulisya." Tangong sagot nito.
" May kakilala pala ang pamilya mo pero hindi mo nagawang tulungan yung babae." Sabi ko, hindi naman agad nakasagot ito. " Ibig sabihin lang, gusto mo din yung ginagawa sa kanya, ayaw mong matapos yung unlimited s*x at free foods all day nyo, diba? Kaya bakit ngayon iaalok mo sa akin yan? Kasi kakilala mo ko? Kasi asawa mo ko?" Muli ay hindi nakasagot ang asawa ko. Tinanggal ko ang kamay nitong nakakakapit sa akin at walang sabing tinalikuran ito. Naiwan itong nakatayo sa gitna ng sala.
----
Lumipas ang ilan pang mga araw, lahat ay ginagawa nito maibalik lang ang dati kong sigla. Makalimutan ko lang ang mga mapapait na naranasan ko pero kahit anong gawin nito ay hinding-hindi kayang baguhin nito ang mga nangyari na sa akin. Hanggang sa dumating ang araw na Hindi ko inaasahan...
Linggo noon at parehas kaming walang pasok. Nakaupo ako noon sa sala at tahimik na nanonood ng kahit na anong maipalabas sa tv nang pumasok ito kasunod ang ilan pang kalalakihan na pawang naka-uniporme.
" Wife..." Tawag pa nito sa akin. Lumingon ako at nakita ang mga pulis na kasama nito. Noon ko lang napansin ang posas na nakakabit sa mga kamay nito. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa mga ito.
Magsasalita na sana ang isa sa mga pulis na kasama nito ng pigilan ito ng asawa ko. " Please... Let me." Tumingin ito sa akin saka Huminga ng malalim. " I turn myself in. Ako na mismo ang lumapit sa kanila. Pati ang mga barkadang kasama kong gumawa noon ay nasa kulungan na din, nakiusap lang ako sa kanilang personal mo itong makita. "
Tumungo ito saka muling nagsalita, " Sorry, wife. Hindi ko alam kung sapat na ba itong gagawin ko para mapatawad mo ako. Hindi ko alam at ni minsan hindi ko naisip na ganito ang mararamdaman ng babaeng yon. Hindi ko gustong maranasan mo to, wife. Kahit kaylan hindi ko pinalangin na mangyari ito sayo. Pero dahil sa kagaguhan ko, dahil sa pagkakamali ko, ikaw ang dumanas ng kapalit na dapat ay ako. Pinagsisisihan ko ng sobra ang nagawa ko, wife. Kaya ako na mismo ang lumapit sa kanila. Sana sa gagawin kong ito, kahit papano ay mapatawad mo ako." Tumutulo na ang mga luhang sabi pa nito. Hindi ko naman namalayan na bumubuhos na din pala ang mga luha ko.
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo, " Ayokong nakikita kang umiiyak, wife. Please... No more tears. Mahal na mahal kita. Kung ito ang paraan para mapagbayaran ang mga katarantaduhan kong nagawa ay gagawin ko. Mapalaya lang kita sa hawlang ako ang may gawa. Please be happy, wife. I love you so much."
At kahit na sa ganitong sitwasyon ay hindi ko nagawang makapagsalita. Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakatingin sa asawa kong labit-labit ng mga pulis palabas ng minsan naming tinawag na dream house.
Malungkot itong nakatingin lumuluha hanggang sa makalabas ito ng pinto. Naiwan akong nakatingin sa pinto na patuloy pa din ang pag-agos ng luha.
Ito ang gusto kong mangyari pero hindi ko mapigilang masaktan. Mahal ko ang asawa ko, sobra. Pero kaylangan nyang makulong para na din sa inagrabyado nito.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang numero ng kaibigan ko, " Bes, tagumpay ang plano."
Hindi totoong na-r**e ako at naging katulad ng babaeng laruan nila. Palabas lamang ang lahat para ipaintindi sa asawa ko ang pagkakamali niya. At ang mga kalalakihang sinugod noon ng asawa ko ay pawang mga kaibigan ni Sabrina.
Nalaman nila ang ginawa ng asawa ko at nakaisip ng magiging leksyon para dito.
Hindi ko gustong makulong ang asawa ko, pero hindi ko din gustong ipagpatuloy niya ang mga maling ginagawa niya kaya kahit masakit, sumang-ayon ako sa plano.
Muli tumingin ako sa pintuan kung saan huling dumaan ang asawa ko.
Ang asawa kong nagbigay ng kulay sa mundo ko.
Ang asawa kong labis na nagmahal sa akin at minahal ko.
At higit sa lahat, ang taong minsan kong tinawag na perpekto.
Hindi ko akalain na kahit pala Kilala at mahal nyo ang isa't isa ay may darating na pagsubok sa inyong pagsasama. Nasasainyo na ito kung makakaya ninyong lagpasan ito ng magkasama. Pero sa nangyari sa amin ay nagpadala ito sa tukso at hindi nakunteto.
He was a perfect husband, so perfect that I can't ask for more.
I love him so much but he has to pay for his sin...
I wish this would serves him a lesson that not all of your friends could brings good things at you. You will never know, that some has come to become a trigger that will summon a monster inside you.
To my husband I love dearly, now the man who turned out to be a r****t.
The end.