Rebound PART TWO

3163 Words
MOMO's POV It's ts been one month na simula ng maging official kami ni Zach at walang kahit anong sign na rebound ako. Hindi ko dapat masyadong pinag iiisip ang sinabi ni ate, wala naman ako dapat ipag alala. Pero hindi ko akalaing... that happiness will only last for a short period of time. Nasa date kami nun at nagtatawanan, nag aasaran, naglalambingan ng... bigla na lang itong tumigil... na para bang nakakita ng multo ng mapatingin ito sa labas. Tinignan ko ang direction ng tingin nya at may nakitang magandang babae kasama ng gwapong lalaki. Hmmm? kakilala nya kaya? Tumingin ako sa kanya para sana magtanong ng magsalita ito. " D-dennise...." sambit nya ng pangalan. Sa reaksyon nya... mukhang ito ang babaeng mahal na mahal nya I look at the girl as she hop in the car with the guy She... looks gorgeous, mukha syang manika at napakaelegante kumilos, hindi na ko magtataka kung bakit ginusto ito ni Zach. Nandito na ang lahat Lumingon ako kay zach na nagpakirot ng dibdib ko. His gaze....That's the look of someone who can't still get over. I can read his face. It says... ' that should be me' He looks at her as if I don't exist. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako dito, kung hindi pa mabasa ang kamay ko, hindi ko mapapansing umiiyak na pala ako. agad ko itong pinunasan bago nya makita. Tumungo ako " Zach, cr lang ako" paalam ko pero mukhang hindi ako narinig. Mas lalong nangilid ang luha ko. I get up and walk as fast as i can. I don't wanna humiliate myself by crying in public, sa loob ng cubicle ako umiyak ng umiyak. Ang bigat ng dibdib ko, yung luha ko ayaw tumigil... Ang sakit sakit ng puso ko, para akong tinutusok ng karayom. ' Natatakot kang maging rebound ang kapatid mo?' Naalala ko ang sinabi noon ni Kiel, ang mga pinag usapan nila ni ate. Haaaaaa..... eto pala ang ibig nilang sabihin... Ang sakit! Na sampalin ka ng katotohanan. Kahit hindi nya sabihin, sa way ng pagtingin na dun sa babae. Alam ko na ang sagot. He can't still get over her I dont have a place in his heart. Haaaaa...... this pains me a lot.... Lumabas ako ng cr as if nothing happened. I smiled at him saka umupo ngumiti din naman sya. Ang awkward na para sakin pero nakapagdesisyon na ko. Buo na ang loob ko *flashback* I don't have a place in his heart haaaa.... this pains me a lot... but even so... I still like him.... I want to be with him! Then if he still can't get over her, all I have to do is... Capture his heart and make him look at me. *end of flashback* Pinagpatuloy ko pa din ang relasyon ko sa kanya at mas dinoble ko ang effort ko para mapasaya sya I am doing my 200% just to capture his heart. I tried my best to smile kasi kasama ko itong mamili sa mall para sa mga ingredients namin sa cafe. actually dapat ako lang eh, sumama lang sya para daw may taga buhat ako. Gahd! please tell how not to fall? Nasa labas na kami at papasakay ng kotse nya ng may tumawag kay zach. Tatlong lalaking gwapo din katulad ni Zach. Pero mas gwapo pa din si Zach Napatingin naman ako kay Zach at nakita ko ang pagseryoso ng mukha nito. ----- Kaya pala ganun ang reaksyon nito. dahil ang tatlong lalaking kaharap namin ngayon ay ang mga kaibigan nya. sina Marvic, Gervin at Joseph Nagulat pa ko ng magpakilala ang mga ito kasi malay ko namang kaibigan nya diba? Nung una yung babaeng mahal nya at ang boyfriend nito ang nakita namin ngayon naman ang mga kaibigan nya. Nagpakilala ako sa kanila bilang girlfriend na ikinagulat nila. " You're already over denisse?" tanong ni Gervin. Hindi naman sumagot si Zach, pero nasaktan ako dun.. I knew it already, he's not over her. " There's no way he can get over her, first love nya yun" sabi naman ni Marvic. " Yeah, ti-nalo nya nga ang kaibigan nya para sa babaeng yun diba?"sabi naman ni Joseph. Pero hindi pa din nagsasalita si Zach. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga kaharap ko. " What kind of friends are you?" tanong ko sa kanila kaya napatingin sila sakin " Bakit hindi kayo maging masaya sa kaibigan nyong pilit bumabangon? bakit hindi nyo sya suportahan sa pagbabago nya? pinagduduldulan nyo pa saknya na yung denise ang gusto nya, eh may boyfriend na nga yung babae diba? nagmomove on yung tao, bakit di nyo suportahan?" inis na sabi ko, ramdam ko ang paglingon nila saking lahat. Nakakainis kasi Nilayuan nila itong isa tapos puro masasakit na salita ang sasabihin nila? nakakainis sila! " Nilayuan nyo sya tapos ganyan ang sasabihin nyo sa kanya?" naiiling na sabi ko pa" And you even call yourself a friend? ha! what a joke!" " Ha? kelan ka namin nilayuan Zach?" tanong ni Gervin. " Parang baliktad ata ah" si Marvic. " Siya ang lumayo samin" turo naman ni Joseph kay Zach kaya napatingin ako dito. ang gulo ah... Sabi nya nilayuan sya ng mga kaibigan nya... Sumandal ito " It's awkward. besides if I still hang out with you, I will get to see those couples. baka kung ano na naman ang magawa ko" paliwanag nito. Ako naman ang natahimik, just like what happen at our date. He forgot that I existed for a minute. " Maiba ako, girlfriend mo talaga to?" turo sakin ni Joseph. " Alam mo naman ang past nitong gagong to diba? okay lang sayo?" tanong sakin ni Marvic. " Past is past. ang mahalaga ako ang present nya" sagot ko, ramdam ko naman ang paglingon sakin ng katabi ko. " Not that, are you okay? being a rebound?" tanong pa ni Marvic. Hindi ako nakasagot agad, hindi ko ineexpect ang tanong na yan. Pero nasagot ko na yan. I may know nothing about love. I don't have much experience with it so I don't know how to deal with this kind of thing. I have a lot that I don't understand just like how I question my dad back then.... But after meeting Zach, I finally got to understand what dad said. I have grown to understand why people choose that path. It's because they love them. They wanted to be with that person no matter what, kahit na nasasaktan ka na, ok lang, kasi mahal mo. Love is not about self satisfaction, it's about how you make your love one happy. So I want to make Zach happy, kahit na maging rebound lang ako. I wanted to be with him, even for a short period of time. " I will never be his girl if I'm not fine with that" sagot ko sa tanong nila. ------ We chatted for longer than I thought haha. Mababait naman pala yung tatlo, niyaya pa nila ako minsang makipagjammingan kaya ngayon lang kami nakauwi ni Zach. Tinigil na nya ang makina, tinanggal ko na ang seatbelt para bumaba ng magsalita ito. " Why did you say that? that you are fine with being a rebound?" seryosong tanong nito kaya napalingon ako. " Well, if there is a chance that, that will happen, I am still fine with it" sagot ko. " You're not a goddamn rebound!" nagulat naman ako kasi medyo lumakas ang boses nito, natigilan naman ako sa sinabi nito. I feel happy for seconds kahit alam kong kasinungalingan lang to. Minsan maganda ding niloloko natin ang sarili natin eh,, kahit saglit lang sumasaya tayo. " Uhm." tangong sabi ko saka ngumiti " But I don't mind being a rebound, nobody can move on for a short period of time but I don't mind. cause all I need to do is capture your heart with my cuteness!" sabi ko sabay tawa. He looked at me for a minute na parang hindi pa makapaniwala sa sinabi ko, huminga ito ng malalim saka ako hinatak at niyakap " Woah!" gulat na nasambit ko " Thank you for everything, Momo" Sabi nito sabay halik sa buhok ko, gumanti naman ako ng yakap. Maya maya ay nagpaalam na ito. I wave goodbye as he drove his car going far and far until he became a dot. I let out a deep sigh, I still can't make a place in your heart. You havent even noticed... But you never told me you love me.. Mapait ang ngiting pumasok na ko sa loob. ---- I know he doesn't love me pero may mga pagkakataong gusto kong paniwalain ang sarili kong oo. He got jealous over a guy costumer who keeps smiling at me. Those simple things makes me really happy. " Do you have to talk to him?" He asked with a not so good aura " Obviously he is a customer, Zach, so i need to talk to him" natatawang sabi ko. " Fine then! just distance yourself to that jerk" sabi pa nito kaya di ko mapigilang titigan ito. "Are you perhaps... jealous?" nang aasar na tanong ko. tinignan naman ako nito I'm not expecting na o-oo ito, kasi alam ko naman ang katotohanan but still, I'm hoping. " Yes i am" sabi nito na nakapagpatahimik sakin, napatitig lang ako dito. Thank you papa god sa kaunting kaligayahang binibigay mo sakin ngayon. " Well you don't have to" sabi ko, inismiran lang ako ng loko kaya natawa ako. I cupped his face and gave him a peck on the lips. He seemed surprised. Ngumiti ako " I don't kiss anyone but my boyfriend" Mukha namang nawala na ang bad mood nito kasi pumulupot na ang braso sa bewang ko. " Is it wrong for me to get jealous?" pacute na tanong pa din nito kaya ngumiti ako. " nope, it's a proof that I am already taking over your heart little by little" sabi ko kalas sa yakap nito at ngumiti. he shook his head and smiled back. As day goes by, I generally thought that I made a change of heart, He seems to like me now and I'm liking it! But he still hasn't told me he loves me. Then the day I never thought would come... finally happens.. I was at his condo cooking dinner for both of us, natalo kasi ako sa pustahan kaya ako ang taya. Para kaming magbarkada kung tutuusin hahaha. He took a shower habang ako naman ay tinatapos ang pagluluto ko, konting pakulo na lang ok na to. I'm a good cook pero mas magaling ang ate ko kaya sya ang cook namin sa cafe. kay Kiel nevermind na lang hahaha. Hinahain ko na sa bowl yung niluto ko ng may magdoorbell. Agad ko naman tinungo ang pinto para pagbuksan, baka kasi kaibigan ito ni Zach. Nakangiti akong nagbukas ng tumambad sakin ang babaeng minsan ko nang nakita. " D-denisse..." mahinang banggit ko sa pangalan nya. She looked at me " Oh? you know me," pinasadahan ako nito ng tingin at napansing nakaapron " You must be the new maid, where is Zach?" balewalang sabi nya at nagtuloy tuloy sa loob, hindi naman ako nakakilos agad. Denisse is here.... " D-denisse?" narinig kong sambit ni Zach kaya napalingon ako. Ngumiti sa kanya ang babae at walang sabing niyakap nito si Zach " I missed you, babe!" saka humalik kay Zach. Not the kiss we usually do... But a very aggressive one. I quickly looked away, I couldn't stand to look at it. It's tearing me up! Hindi ko alam ang dapat kong gawin, sa mga ganitong sitwasyon sa manga, the lead always runs away and the guy will chase him back. I look at them, natawa ako ng mapait. How come na hahabulin nya ko, nakalimutan nya na ngang nandito ako. Nagsimula ng maglandas ang luha ko sa pisngi ko. Kahit anong gawin mo Momo, si Denisse pa din, tanggapin na natin... Tama na Momo... Kaylangan pa ba talaga sayong isampal para matauhan ka? Nagpipigil ng iyak na kinuha ko na ang gamit ko, nahagip ng mata ko ang niluto ko, mas lalo akong naiyak Enough na Momo... mas lalo mong ginagawang pathetic ang sarili mo. Huminga ako ng malalim saka kinuha yung bowl na niluto ko, ngumiti ako saka nilapag sa table kaharap nila. Napalaki ng mata si Zach ng makita ako " M-momo!" Napansin mo din ako. Ngumiti ako " Tinatawag na ko sa cafe, sorry kaylangan ko ng umalis. di ko na kayo masasabayang kumain. di bale, enjoy na lang kayo, sige babye!" sabi ko saka tumingin kay Zach sa huling pagkakataon. He still looked surprised, he didn't even said a thing. Ni hindi nya ko pinigilan kaya naiiyak na lumabas na ako ng kwartong yun. Nagmamadaling naglakad ako palabas ng building pero bago ako makalabas ng tuluyan, lumingon pa ako, nagbabakasakaling hahabulin nya ko pero wala... Walang sumunod. Yung kanina ko pa pinipigilang luha agos na ng agos na parang walang katapusan. Nakakahiya kasi pinagtitinginan na ako ng tao pero hindi ko magawang tumahan. Ang sakit! Ang sakit sakit! Pumapara na ako ng taxi pero walang magsakay sakin kaya mas lalo akong naiyak. Pati ba naman kayo ayaw din sakin? Iyak ako ng iyak ng may biglang tumigil na kotse sa harap ko. Iyak ng iyak na tinignan ko kung sino ito at nakitang sina Gervin, Marvic at Joseph ito pero... may kasama pa silang isa pang lalaki na pamilyar din yung lalaking kasama nung denisse nung minsan namin silang nakita ni Zach. He looks at me na parang naaawa. " Teka Momo bat ka umiiyak? sandali nga pumasok ka dito" aya ni Marvic. " Tama, nakakahiya ang daming nakatingin na oh" sabi naman ni Joseph. I hop in katabi si Gervin at ang lalaking kasama nung Denisse noon. " Anong nangyari? bat ka umiiyak?" tanong ni Gervin na mas lalo kong ikinaiyak. Tuwing maaalala ko, naiiyak na lang ako. " I-its over.... bumalik na si Denisse sa kanya..." sabi ko between my sob. Nakita kong nagkatinginan naman silang tatlo. " I told you so" sabi nung lalaking kasama ni Denisse kina Joseph. " Tsk! nahuli tayo ng dating!" naiinis na sabi ni Joseph na hinampas pa ang manibela. " Listen momo, you need to get him back" sabi ni Gervin sakin, umiling naman ako. Ayoko na... " Tama na... ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa taong iba ang gusto... sinasaktan ko lang ang sarili ko..." umiiyak na iling ko. " Pero momo---" putol ko sa sasabihin ni Gervin. " He already with the one he loves, bakit pa ko papagitna? I just wanted Zach to be happy, yun naman ang goal ko nung una pa lang. kaya I will stop. tama na.. masaya na si Zach." sabi ko pa. " How can you be so sure na masaya na si Zach? narinig mo ba mismo sa bibig nya?" tanong ni Joseph, hindi naman ako nakasagot " hindi diba kaya wag mong pangunahan ang feelings nya!" Humikbi hikbi naman ako. Ayoko na... Bakit ba pinipilit nyo pako? " Zach seems happy when he is with you, hindi katulad noon na lagi kaming nilalayuan kada makikita kami, he is himself when he is with you" sabi ni Marvic. " you already took over his heart" Napapikit naman ako sa sinabi nito. Can you please not tell me a lie just to make me feel better? I am trying my best to let go. " You love him right? Bakit binigay mo na lang syang basta? ganyan lang ba kababaw ang pagmamahal mo sa kanya?" sabi sakin nung lalaki na katabi ngayon ni Gervin. " Dan, dude..." tawag nila dito ng mapansin na hindi ako nakasagot. I stop them and look at him. " I love him kaya, kaya kong masaktan ng ganito para sa kanya, I love him kaya pumayag ako kahit maging rebound lang!, I love him kaya gusto ko syang maging masaya! don't take my feelings that lightly! you know nothing" sabi ko dito. " If letting go makes him happy, so be it. I will just disappear like they want to" sabi ko pa. Hinawakan naman ako ni Gervin sa balikat " You need to take him back Momo... hindi sya magiging masaya kay Denisse." " They are already happy, Gervin, wag nyo nang palubagin ang loob ko" sabi ko pa na umiiling " Denisse is a goddamn slut! argh!"inis na sigaw ni Joseph kaya tulalang napatingin ako dito. Teka... anong ibig nilang sabihin? " My relationship with her is a failure" sabi ni Dan, I look at him " she's been hanging around with so many guys kahit kami na. She flirted around at isa sa nabiktima nya si Zach" napabuntong hininga pa to. " Zach is more innocent than he looks, he knows nothing about love kaya naiintindihan ko kung bakit sya nahulog kay Denisse" he continued. " But then nalaman kong nagkikita sila ni Zach, and she knew that I already know it kaya nireject nya ito sa mismong harapan ko. " sabi pa nito. Napasinghap naman ako So you mean yun yung una naming pagkikita? Yung may dala syang bouquet? " She put an act para hindi ko sya hiwalayan, natatakot syang putulin ko ang allowance na binibigay ko sa kanya, then just like you, kahit alam ko ng niloloko ako, patuloy pa din ako kasi mahal ko sya...." sabi nito na umiiling. Hindi ko maiwasang makisimpatya sa kanya, parehas kami... "But she keeps on cheating. Even the nicest people have their limits kaya I broke up." sabi nya saka tumingin sakin. " At kaya kami nandito to warn Zach, may hints ako na baka balikan sya ni Denisse at hindi nga ako nagkamali, she knows how he loves her so bad" sabi nito. I clench my fist ng marinig yun. " Now, let me ask you, are you really gonna let him go?" tanong nito sakin, seryosong tumingin naman ako dito. " Hell no!" sabi ko saka lumabas ng kotse saka tumakbo papasok ng building. I'm not gonna let him get hurt! I dont wanna see him sad again! I will never let her hurt you Zach! I'm going to protect you! Buo ang loob na tumatakbo ako, hingal hingal na nasa harap na ako ng pinto ng condo ni Zach. I forgot.... Hindi ko alam ang passcode ng condo nito. Ugh! Bakit ba sinarado ko kanina? " It's your monthsary and your birthday" napalingon ako at nakitang hingal hingal sina Marvic. Sumunod pala ang mga ito sakin. " Zach changed the passcode, kaya alam naming he already got over Denisse" sabi nito. Nakaramdam ako ng pag asa. Huminga ako ng malalim saka nagtype. *click* It is really our monthsary and my birthday! Hindi ko mapigilang mapangiti. Ugh! mamaya ka na magsaya momo, may kaylangan ka pang sagipin! Binuksan ko na ang pinto at tumakbo papasok ng mapatigil ako. I... I... heared someone.... m-moan... Last part coming up!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD