Rebound PART ONE

3734 Words
When I was a child.. I saw many times how mom cheated on dad... but even he knew, he just smiled and blindly accepted it. I can't help myself but to feel disgusted! What the hell is the matter with you dad! She's cheating! you should get mad and beat her up! But everytime I told him that, he just leave me with one answer. ' I love her' I don't understand why do you have to get hurt when all you did was to loved them I don't understand dad at all why would people let themselves fooled? If they knew that it is wrong then why would they bother to go further? Why can't you just choose the right person and be happy? Why choose someone who brings you tears and pains? ah... I don't understand people at all I.. will never be like that. MOMO's POV " Momo! isa pang burger steak sa table 4!" narinig kong sigaw ni Kiel na nasa counter at nagtetake ng orders, agad akong tumalima at pumunta agad sa loob ng kusina ( pay as you order basis) " Ate je, ok na ba yung burgersteak?" sabi ko sa babaeng nagluluto sa harap ko. Nakita kong tumango ito, saka inabot sakin ang plato. Ngumiti ako at lumabas na. Binigay ko na ang order nila. papasok na sana uli ako ng kusina ng may pumasok na costumer, lumingon ako para batiin ng hindi ko naituloy. A handsome guy appeared! Para akong nakakita ng anime character na nabuhay! Kamukha nya si.... " Usui Takumi...." sambit ko na nakatingin dito ( Usui Takumi- The male lead anime character based on the popular manga kaichou maid-sama.) Agad akong tumakbo papasok ng kusina saka pinagtatapik si ate Jeremy, je for short. ang cook namin. " Ate! ate! si Usui! He's real!" excited na sabi ko. napatingin naman ito sakin saka umiling " Momo, anime character lang sya, tsk kaya di ka magkaboyfriend, puro ka anime!" Umiling ako saka hinatak ito " I'm not joking! He is even here! Look!" sabi ko sabay turo sa lalaking nasa isang sulok at mag isa. Tinignan nya ito saka pumikit pikit pa "Momo, malabo na ba talaga ang mata mo? o talagang naadik ka sa kababasa mo ng manga? magkakulay lang sila ng buhok" Naiiling na sabi nito saka bumalik sa paggagayat ng gulay " Ehhhh? kamukha nya kaya!" napanguso ako saka tinignan ulit yung lalaki na nakaupo pa din sa sulok. Di ako nagkakamali, kamukha nya talaga si Usui Ano bang alam nila sa anime? tss, eh hindi naman sila otaku na katulad ko! ( otaku- people who love anime so much) Basta kamukha nya si usui! Tumango tango pang sabi ko saka ito tinitigan ng may mapansin ako dito May hawak itong bouquet of roses and chocolates?.. pero malungkot ng mukha nito, para bang konti na lang iiyak na? Ano kayang problema neto? Waaah! nabasted siguro! Yeah! siguro nga! Hala ka, kawawa naman si usui... tsk. di mo pa kasi nakikita si misaki Naiiling na naiisip ko ng may maisip pa ko na nagpalaki ng mata ko Ohmygahd! ohmaygahd! Napatingin ako dito Sa kwento ng maid-sama, nagkagusto sya sa matapang na president na si misaki na may tinatagong lihim. ito ay nagtatrabaho sa isang maid cafe Tumingin ako sa sarili ko I am currently working at the first maid cafe here in the philippines! Oh my gahd! Hindi ko mapigilang mapatili kaya napatingin sakin si ate Jeremy na umiling na lang, kinikilig na nagtatatalon ako Waaah! nakita ko na ang destiny ko! Usui, ngayon alam ko na kung bakit ka nabasted, kasi ako ang magpapasaya sayo. Ako ang misaki ng buhay mo! Waaah! kinikilig na nagtatatalon pa ko ng bigla akong binatukan ni kel na isa ding maid na katulad ko. " Ano? nabaliw na? kumain na ba to Je?" Tanong nito kay ate. Natawa naman ito at nailing na itinuro yung lalaki " Kamukha daw kasi nyang lalaking yan yung usui na anime character na crush na crush nya" Tinignan naman ito ni Kiel " Ay pogi! bet! hahaha pero kamukha nga ba?" tanong nito kay ate. tumingin sakin si ate Jeremy saka nagsalita " hindi" " tss! kamukha kaya! palibhasa wala kang alam sa anime kaya di mo alam!" nakangusong sabi ko pa Naiiling naman itong nagkibit balikat na lang " Pero pogi bes! yummy!". akbay naman sakin ni Kiel. " Deba? waaah! bes I think I'm inlove!" sabi ko naman napatingin naman ito sakin " oh my gahd... sa wakas, nainlove ka din sa tunay na tao! kaylangan nating icelebrate ito! je! mag iinom tayo mamaya! ang kapatid mo babae na!" tuwang tuwang tumakbo ito kay ate na ikinatawa ko naman Well hindi pa nga pala ako nagpapakilala Let me introduce myself I am Moira Castro, nickname ko yung momo, japanese na japanese kasi yung tunog! hihi alam nyo na! mukha naman daw kasi akong japanese kaya keri lang hahaha! I'm 22 years old, yung cook na tinatawag naming je ay ate ko, si Jeremy Castro. 25 years old. may boyfriend na pero never ko pang nakita yung lalaki,yung kanina naman na tuwang tuwa babae ay an bestfriend naming si MJ Kiel Reyes. 26 years old. I can't say na may boyfriend sya, she just like seeing guys whenever she want to. tsk maganda kasi, kaming tatlo ang may ari ng maid cafe na ito, pero dahil bagong tayo lang, kami muna ang tumatao bilang crew. Saming tatlo ay ako na lang ang walang boyfriend. actually saming magkakaibigan lagi akong tampulan ng tukso kasi puro ako anime, bakit daw sa drawing ako naiinlove? para daw akong tanga It's not that I hate guys, real guys , I just don't feel the excitement sa kanila, hindi ko magawang kiligin. sa anime/manga na lang ako kinikilig. kaya lahat sila hindi na umaasa na magkakaboyfriend pa ko Kung tutuusin kung kanikanino na nila ako nireto pero wala talaga, walang spark! Pero ngayon... iba, kinikilig ako! Yung vision ko sa kanya para bang may nakapalibot na mga bulaklak sa kanya? ganun! kaya sya na talaga! Ang Usui ng buhay ko! " Momo!" tawag sakin ni Kiel " Mukhang brokenhearted ang crush mo, kinukuha ko order pero tinignan lang ako saka bumuntong hininga" sabi pa nito na ibinigay na ang stab kay ate. " bigyan mo ng chocolate cake" Nagulat naman ako sa sinabi nito, para kasi sa mga may birthday na costumer lang yun. Ngumiti ito sakin " Lahat tayo nakakaranas ng rejections. at anong pinakamabisang lunas? sweets! hahaha well, pasalamat sya crush mo sya" sabi pa nito na ikinangiti ko "Bahala ka na jan ah? serve mo na" sabi nya sakin "saka dumamoves ka na din! sa edad mong yan di ka na dapat nagpapakipot! kaya go! ikaw na mag first move!" sabi pa nito na ikinapula ng mukha ko That's not a lady like! Guy's should do the first move! Tumingin ako kay usui at nakitang nakapangalumbaba ito Pero mukhang malungkot talaga ito, saka diba nabasted, Mukhang ako talaga ang kikilos Napapikit ako sa huminga ng malalim. Kaya ko to! Kinuha ko ang isang slice ng chocolate cake sa stall namin at lumapit sa pwesto ni usui. Huminga ako ng malalim. Yosh! Nilapag ko ang cake kaya napatingin naman ito " I don't remember ordering a cake, I haven't though" sabi nito Shocks! ang gwapo sa malapitan bes! Ok kalma momo, kalma lang! "It's on the house, don't worry" ngiting sabi ko Tinignan naman ako nito saka nailing " Do I really look that much pathetic for you to give me that?" uh oh... mukhang nainis ko si Usui! I bite my lip and looked away Hindi ko alam ang sasabihin! Malay ko ba papano dumamoves! wala naman ang alam sa relasyon! Pero... ugh! hindi pwede to! Isip Momo! isip! " Sweet foods has an incredible ability to make a sad person smile na parang magic! ganyan kagaling ang chocolate!" nakangiting sabi ko "Saka gusto namin lahat ng taong lalabas dito ay nakangiti. look at the place," sabi ko sabay turo sa kanya ng paligid " May nakita ka bang malungkot bukod sayo?" hindi ito sumagot pero mukhang nag isip naman kaya ngumiti ako. "Dito sa cafe namin, gusto namin lahat ay masaya, so I am just trying to cheer you up!" Tumingin ito sakin kaya ngumiti ako, pero medyo matagal na yung titig kaya namumula na ako. Do something Momo! " So, i hope you enjoy your cake and I hope to see you with a smile on your face" sabi ko saka yumukod na para umalis. " Can you listen to me and say something?" napalingon naman ako dito. seryoso itong nakatingin Shocks! di ko nga matagalan yung titig mag iisstay pa ko ng matagal? Papa god! bakit napakabait mo sakin ngayon? Lumingon muna ako kina ate, Nakita ko si Kiel na iba ang ngiti sakin, haha sa lahat ng kaibigan ko yan ang gustong gusto na akong mag boyfriend! Dinenyasan ko ito na uupo ako saglit, pumayag naman agad ito na tuwang tuwa pa. Loka talaga Lumingon na ako kay Usui at nakitang nakatingin pa din sakin, ramdam ko ang pagpula ng mukha ko! I clear my throat ng umupo ako, to break the awkwardness " Pwede ka ng magsimula" sabi ko, umayos naman ito ng upo saka huminga ng malalim " I got rejected" simula nya sa kwento Tama ang hinala kong nabasted ito, ang sinabi ni kel na brokenhearted ito kasi nireject sya ng babaeng mahal na mahal nya Pero..... maling tao ang ginusto nya! May boyfriend na ang babaeng gusto nya at ang masama pa sa bestfriend nya pa! Oh god! ang sakit nya sa ulo! Kaya pala may dala itong flowers at chocolates, kasi magcoconfess ito sa babae pero nireject sya at iniwan " I know it's wrong pero mahal ko talaga sya! na kaya kong maging number two." naiiyak na sabi nya. naiiling naman ako " Alam kong mali, alam ko! pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko!" sabi nya pa Napahinga naman ako ng malalim habang nakatingin sa kanya Ang sarap nyang batukan para matauhan! Pero from some other point... hindi naman sya mali, pero hindi din sya tama Kasi nagmamahal lang naman sya, hindi nya ginusto pero nangyayari I don't know much about love pero nakakabasa ako ng mga ganyang sitwasyon sa manga. It was painful to see someone you like belong to someone else. It was even more painful than break up Kawawa naman si usui Kitang kita sa mukha nitong mahal nya nga ang babae, kasi hindi naman sya magkakaganito kung hindi diba? Napakahirap ng pinagdadaanan nya kaya hindi nya magawa kahit ang ngumiti He really deserves a cake! My hands moves on its on and pat his head " You did well" sabi ko. nakita ko namang natulala ito sakin. Agad kong hinila pabalik ang kamay ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, hindi ko naman planong gawin yun, ugh! nadala ako ng mga naiisip ko! " My friends told me I'm crazy, na mali ang ginawa ko ... " sabi nya sabay tingin sakin " You're the first one to tell me I did well" hlhindi naman ako nakapagsalita. Mali ba ang sinabi ko? Waaah! mali ata! it's over momo! its over! Pero bigla itong ngumiti at sumandal. Ngumiti sya... Ngumiti sya! Napatulala ako sa ngiti nyang yun " I did well... hahaha I felt somewhat nice haha" sabi nya na nakangiti pa din at ako ay nakatulala pa din And i did well din! napangiti ko sya! Tumingin ito sakin " What's your name?" Nagising naman ako bigla ng magtanong ito " ah? ah! Momo! Momo is the name!" agad na sagot ko. ngumiti ulit ito saka tumango tango " Nice to meet you momo. Zach here. " sabi nito na naglahad pa ng kamay Napatingin naman ako sa kamay nya. Kahit ang kamay nya ang ganda.... Parang pambabae! " Ah... well I guess you don't want to shake hands, I'm-----" sabi nya na babawiin na ang kamay ng bigla kong hatakin " I like! este I don't mind. Nice to meet you too!" sabi ko sabay ngiti. Napangiti na lang din ito ---- After that day araw araw na itong nagpupunta para umorder ng cake. Araw-araw nya din akong kinakausap. Nilayuan daw kasi sya ng tropa nya gawa ng ginawa nya kaya wala itong makausap. Kaya pala sakin ito naglabas ng sama ng loob kasi wala syang ibang makausap. Gusto kong maawa pero ayokong ipakita. What he needs now is not pity, it's support. Well I don't mind naman kasi pabor sakin ang nagyayari haha. Ok lang din naman kina ate at Kiel kasi minsan lang naman daw ako lumandi. Sa araw araw na pagpunta nya at paguusap namin ay nagugustuhan ko na talaga sya, hindi dahil kamukha nya si usui kundi dahil sa ugali nya. Napakamabiro at masayahin naman pala nya. Nabroken lang talaga. Lumipas pa ang ilang linggo ng pagpunta punta nya ng ayain nya akong lumabas. Kumain sa labas. Sabi ni Kiel, manliligaw na daw ito kasi basic step daw yun ng mga lalaki. Naexcite naman ako ng malaman yun! Kaya nagpaganda ako ng todo sa araw ng date namin. Syempre first date ito! Pero hindi ko alam kung ako lang ang nangarir kasi ang gwapo nya din! Para kong nakikita si Usui na nakaporma. Speaking of that, wag kayong maingay ha? Di nya alam na kamukha nya si Usui. Hindi nya daw pwedeng malaman na otaku ako sabi nina ate, kasi kapag nalaman nya, matuturn off daw ito. Kaya kahit ayaw ko, for the sake of my lovelife, itinago ko! Seryoso ako bes! Gusto ko na kasi talaga sya! I grown to love him na as Zach not as Usui Takumi. Kaya kung talaga ngang manliligaw ito, why not? Nagpunta kami sa amusement park Shocks! nababasa ko to sa manga! Eto yung nakakakilig na part eh! He took my hands saka ako hinila papasok. I can feel a spark! parang may kuryente promise! Shocks! yung puso ko ang lakas ng kabog! He smiled at me, may mga sinabi pa nga sya kaso di ko naintindihan kasi ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Nginitian ko na lang sya. Umayos ka momo! First date ito! Wag kang awkward! baka di na maulit! I try to compose myself pero kahit anong gawin ko talagang ang awkward ko na napansin na ni Zach. " Awkward ba?" tanong nito na binigyan ako ng ice cream. hindi ko naman alam kung pano sasagot. napangiti naman ito. " This is expected. first time nating lumabas ng tayong dalawa lang kaya ineexpect ko na to" sabi nya sabay kain ng ice cream Tumingin naman ako sa kanya " Sorry!" sabi ko. natawa naman ito sakin saka ako pinat sa ulo " no need to. first date is not exciting without awkwardness" nakangiting sabi nya pa sabay gulo ng buhok ko. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti Kung sino man yung babaeng gusto nya, maraming salamat sayo! salamat kasi nireject mo sya! " Tara! libot pa tayo!" sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Nakangiting tumango naman ako at sumama dito. parang magic... Kasi after ng pag uusap naming yun, nawala yung awkwardness! Mas naging friendly sya sakin kaya mas naaadapt ko ang nangyayari Nag adjust talaga sya para makapag enjoy ako. gahd! pano ako hindi maiinlove dito? Sobrang nag eenjoy ako! Sa sobrang saya namin ay din namin na pansin na madilim na pala. Grabe! ang tagal na pala naming nandito! Pero hindi ko maramdaman ang pagod! " Before we leave, let's at least ride that" sabi nya sabay turo sa ferris wheel. Sa manga, dito madalas magconfess ang mga bidang lalaki. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko, ang lakas ng kabog eh! Tapos mali pala ang conclusion nina Kiel, ah nakakadisappoint yun! Kalma lang Momo, wag ka mag expect para hindi ka din masaktan okay? Just go with the flow lang Nakasakay na kami sa loob at magkaharapan na kami ngayon Naramdaman ko na naman tuloy awkward atmosphere! Nakaupong hindi ako makapag open ng topic, kinakabahan ako! sobra! " It's been months ng mareject ako... " napalingon ako dito " and it's been months ng makilala kita" nakatingin lang ako " Hindi ko akalaing makakangiti pa ako ng ganito, na makakapagenjoy pa ko ng ganito" nakangiting sabi nito kaya napangiti din ako " Kung hindi dahil sa cake mo, hindi siguro ganito. hindi siguro tayo magkakausap, at hindi ako sasaya ng ganito" he said looking directly into my eyes " I was saved by that cake, by you. so I'm very greatful to that. thank you" napangiti naman ako sa sinabi nya. Ang sarap palang makatanggap ng thank you? And thinking that I save a life, that was even more flattering. " So because it was all done by you, take responsibility for it" sabi nya na nagpakunot ng noo ko Ha? anong kaylangan kong i-take responsibility? Napansin siguro nito na nakakunot ako ng noo kaya natawa nito ng pagak He giggle and look at me again. Najojoke lang ata to eh agsasalita na sana ako ng bigla itong tumayo at lumipat sa tabi ko. Gulat naman ako sa ginawa nito pero ito, seryosong nakatingin sakin " T-teka... b-bakit ganyan k-ka makat-tingin?" nauutal na tanong ko, ang lapit kasi ng mukha nya sakin eh! Pero instead na sagutin nya ang tanong ko, iba ang ginawa nito na nagpalaki ng mata ko He.... he kissed me! After a while, he pulled apart pero nakatulala pa din ako " Momo, please be my girlfriend" sabi nya. Napapikit pikit naman ako sa sinabi nito Tama ba ang narinig ko? Gusto nya kong maging girlfriend? Tama ang hinala nina Kiel? " Oi are you waiting for another kiss? I can give y---" sabi ko sabay layo ng mukha nito sakin Namumula na kasi ang mukha ko saka.... that.. that was my first kiss! Nagulat naman ito sa ginawa ko at parang natauhan na din " ah haha sorry, you're not used to this kind of this right? sorry" sabi nya na napapakamot ng batok saka umayos ng upo. " I made you feel awkward again. sorry" sabi pa nya Napatingin naman ako sa kanya. Ang cute nya! hahaha Natawa na ako kaya napatingin ito sakin. Nagtatakang nakatingin ito kaya humarap ako dito " Then, please take care of me from now on" nakangiting sabi ko Nakita ko naman ang paglaki ng mata nito " Are you saying... yes?" " Does it sounds like a no?" natatawang sabi ko pa Hindi ko naman maintindihan ang itsura nya, masayang hindi makapaniwala? hahaha parang ganun. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin Magpapakipot pa ba ako? nahalikan na nga ako eh hahaha I hug him back. I can feel how happy he was, ramdam ko sa yakap nya. Je then pulled himself back and look at me. He smiled " Thank you" sabi pa nito Ngumiti naman ako bilang pagtugon. then he start to lean closer and closer until our lips meet. My second kiss... ----- After ng araw na yun, syempre naging official na kami! Tuwang tuwa si Kiel dahil dun! nagpainom pa ito dahil napakagandang balita daw nito haha nakakahiya pang lahat ng kaibigan namin ay nandun para icongratulate ako pero may isang taong hindi masaya. Ang ate ko. Hindi man sya magsalita pero ramdam kong hindi sya masaya. Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman kong yun. Maya maya di ko napansing nakatulog na pala ako sa kalasingan. noon ko lang napansin na umuwi na din ang mga kaibigan namin. kaming tatlo na lang pala ang nandito. Nakahiga ako sa lap ni kel. alam ko kasi kilala ko amoy nito. Kaharap nito si ate at mukhang nag iinom pa din hanggang ngayon. Ang lakas talaga mag inom nitong dalawang gurang na to hahaha. Babangon na sana ako ng magsalita si ate. " Hindi mo ba naiisip bes na nabubulagan lang sya sa nararamdaman nya? na akala nya pag ibig yun pero hindi. bes, she like him as Usui not as him" nagsalita si ate. Naalala ko tuloy na ito nga ang dahilan kung bakit ako nagkainteres kay Zach. Totoong yun ang dahilan nung una... Pero mahal kona sya talaga ngayon. " Saka ayoko sa ideyang official na yung dalawa, hindi sa kj ako pero wag yung lalaking yun" naririnig kong sabi ni ate " Ok sakin na crush lang pero.. yung maging sila... ayoko bes, masasaktan lang si Momo" " Natatakot kang maging rebound lang ang kapatid mo no?" sabi ni Kiel na ikinatigil ko Rebound... So ito ang problema ni ate. Haha para syang tanga, mahal ako ni Zach! " Galing heartbreak yung Zach bes... hindi malabo diba?" sabi pa ni ate. " Malay mo naman seryoso bes! "sagot ni Kiel. " Ayokong ipagsapalaran ang feelings ng kapatid ko bes, ngayon lang yan nagkagusto sa totoong tao kaya malakas ang impact nyan kapag nasaktan sya" sabi pa ni ate. Naiintindihan ko naman na nag aalala lang ito sakin... pero ang nega nya! " Bes, parang hindi ka naman nagdaan sa ganyan, diba nga sayo pa namin nakuha yung hindi ka nagmamahal kung hindi ka nagpapakatanga? hahaha-- ah! bes bayolente ah! hahaha" sabi nito na hinampas ni ate. " Bwisit ka bes!" sabi ni ate " Hahaha" tawa naman ni Kiel kaya napangiti ako. " Pero seriously speaking bes, hayaan mo ang kapatid mong maka-experience, hindi yung puro manga at anime ang inaatupag, hindi masamang masaktan. lesson yun, it will make her stronger and more mature" sabi pa nito. " Pain comes with love, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan, let her see the real world. let us show her that life is not like a manga." sabi nya saka bumuntong hininga." Momo may not be blood related to me but she's special," sabi nito sabay stroke ng buhok ko " I also don't want her to get hurt. let's just wish that she choose the right decision" sabi pa nito. Hindi na nagsalita pa si ate pero rinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Alam kong nag-aalala lang naman ito sakin.. she stand as my mother after both our parent disappeared. But she doesn't need to... I know what I'm doing and I'm gonna prove her wrong. I made the right decision, I chose the right guy and I know I will be happy with Zach. ------ Part two coming up!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD