Bella Donna Vistal I HAD A FEELING since last week, pero ngayon ko lang naisipan na gawin ang bagay na ito. Kung kaya nung makita ko ang dalawang guhit sa pregnancy test ay doon na ako nanghina na may basihan nga ang nararamdaman ko. Mariin akong pumikit at napahilamos ng mukha. I felt my eyes watery on the corner as I stared at the pregnancy test. Napabuntong hininga ako at sinikap na mag-isip ng tamang gagawin. Pero sa huli ay binato ko ang hawak ko at napisagw na lang sa sobrang takot at kawalan ng kakayahan na harapin ang katotohanan. “This is you time para bumawi sa klase, lalo na malapit na ang final exam natin. Bawi ka next year, but for now just make sure your scholarship won’t be taken away from you.” Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Fredah at tulala na lamang ako s

