STUDY SESSION

1417 Words
Bella Donna Vistal I stopped walking when Fredah called me, sinagot ko ang tawag as I sighed in relief. “I’m here at the parking. Where are you?” luminga linga pa ako pero nung magtama ang mga mata namin ni Rive ay napasimangot ako. “What are you doing there?” She paused and gasped. “Oh shooot! I’m so sorry Donna. I forgot to message you. Nataranta na kasi ako, eh. So I went back home immediately without informing you. Halaaa. Sorry,” she apologizes and really seems worried. Napakagat ako ng labi at nung sulyapan si Rive ay nakangisi itong humilig sa sasakyan habang pinapanuod ako. Tama lang ang distansya para bigyan ako ng espasyo. “Ah ganun ba. Okay lang. Uwi na lang din ako…” mahinang usal ko at napailing. When I ended up the call. May iilang grupo ng lalaki na dumaan at akmang hihinto pa sa akin matapos akong titigan, pero naudlot nung maunang lumapit sa akin. “Uwi na tayo?” he casually asked. I saw how the guys looked at each other meaningfully before they walked straight like nothing was about to happen. “Uuwi ako mag-isa.” “Ihahatid na kita.” He cooly pressed his key and the car near us light up. Napatulala ako saglit sa ganda ng sasakyan, bagay na wala kami at siguradong mamahalin iyun. Mahirap bilhin sa mga taong katulad ko. “Saan ka ba nakatira?” “Hindi mo ako kailangang ihatid.” Nagdire-diretso ako sa paglalakad. “Tara na, Donna. Get inside my car and I will drive you home safe. Wala akong gagawin kundi ihatid ka.” Sumunod siya sa akin at sinubukan pang hawakan ako sa siko. Ano bang problema ng lalaking ito. “Ayoko, Rive. Seryoso ako.” Pagod ko siyang hinarap. Kung kailangan kong magmakaawa na tantanan na niya ako ay gagawin ko. Palibhasa mayaman siya, walang responsibilidad at pangarap. “Seryoso naman ako sayo,” paos niyang bulong at mapungay akong tinignan. “Gusto mo ng libangan? Marami akong babae na pweding ipakilala sayo. I can’t believe I am saying this, eh babae na nga ang lumaapit sayo!” hindi makapaniwalang sambit ko at nagpakawala ng tawa. “If girls come to me. What are you then? Hindi ka ba babae?” he smirked and enticingly bit his lower lip. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. “Are they fake? Let me try if I can feel them—” I groaned in frustration and immediately turned my back on him. Nagmamadali na akong lumakad nung may nakitang taxi. Pumasok na ako roon kahit umuusok ang aking ilong sa iritasyon ko sa kanya. WHEN I THOUGHT that he would finally stop, things became complicated to prevent from happening. Especially when Fredah and Conrad become publicly official together. Dumating na sa punto na iniisip ko kung dapat ko bang iwasan muna si Fredah habang sila pa ni Conrad. Dahil lagi kong nakikita ang best friend ng boyfriend niya. Rivenom Buenavista. “Group study?” tuwang tuwa na saad ni Fredah sa akin nung pagbuksan niya ako ng pintuan at maabutan ko ang dalawang lalaki roon sa loob ng kanyang apartment. “Ahm… I invited them, tsaka Rive can contribute to our study session.” “Anong contribute? Eh lagi nga yang bagsak, baka dahil pa sa kanya pati result ng exam natin maapektuhan.” Napabaling ako kay Rive na nasa couch, habang si Conrad ay nasa kama ni Fredah. Ayos lang sa akin kung si Conrad ang nandito, pero kung pati kasama itong lalaking kaibigan niya. Huwag na lang. “Ooy. Grabe ka naman kay Rive,” she sweetly said and pouted her lips. Hinawakan niya ako sa braso at hinila na papunta sa sala. “Ikaw na lang ang tumulong kay Rive. Super smart ka naman, turuan mo na lang si Rive sa major natin.” Nakasimangot akong gumawi sa sala. Rive is biting his lips while waiting for me to come to him. At ang kapal ng mukha dahil umusog pa siya para bigyan ako ng espasyo sa tabi niya. Tinanggal ko ang bag ko at nilagay sa kabilang upuan. Fredah left me to go to Conrad, mas lalong hindi maipinta ang mukha ko habang tinitignan sila. “Paturo naman, Donna.” Nang balingan ko si Rive ay pagoda kong napabuntong hininga at hindi alam kung ano ang ginagawa ko rito. Hindi ko siya pinansin at tamad na nilabas ang aking libro at mga papel. Mag-aaral ako, mag-aaral na lang akong mag-isa. Ang mahal-mahal ng pamasahe papunta sa apartment ni Fredah. Tapos hindi naman pala siya mag-aaral? When I started studying and focusing on my notes, rinig na rinig ko ang taw ani Fredah. I don’t mind hearing her so happy this way, pero nakakatakot lang dahil sa lalaking iyan pa siya nagkakaganyan. “You have a beautiful and clean penmanship.” Dungaw ni Rive sa aking papel. I ignored him. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa para makagawa na ng reflection about the topic. When I felt that I heard no disturbance from Rive, I lifted my head at him. Nagulat at napakurap ako nung maabutan kong nakatitig siya sa akin. Mabilis akong umiwas at uminit ang pisngi. “Hindi ka ba mag-aaral?” sita ko rito habang nagsusulat sa papel ko. “Tulungan mo ako. Hindi ko maintindihan.” Bobo naman nito. Pangchi-chics lang kasi ang alam, eh. “Paano ka nakakapasa? Anong ginagawa mo sa marka mo? Dinadaan mo sa apelyido mo? O pera? Binabayaran mo ang mga prof natin?” Napangisi ako. Nung sulyapan ko siya ay hindi na ito nakangiti, wala na rin ang tuwa sa kanyang mga mata. His lips twisted and his jaw tightened. Ayan, magalit ka. Para malaman mo na hindi tayo magkakasundo. Tumawa si Fredah at nakita ko ang pagtayo ng dalawa. “Bili lang kami ng snacks!” masayang paalam nito kaya napatayo ako. Pipigilan sana sila pero nakalabas na ang dalawa. Kumalabog ang dibdib ko at mabigat na napabuntong hininga. I roamed my eyes around and the silence was becoming uncomfortable now. Ngayong kaming dalawa lang, tila ba kay hirap na huminga. Narinig ko ang pagtikhim ni Rive at nung sulyapan ko at pinaglalaruan niya lang ang notebook niya habang tamad na nakaupo sa couch. His long legs are a bit apart while the two buttons of his uniform are open. Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa pagtitig ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang umupo at pinilit na magpatuloy sa ginagawa. “Ang sabi ni Fredah, wala ka raw boyfriend.” Kunot nuo ko siyang tinignan. “Bakit iwas na iwas ka sa akin?” seryoso niyang tanong. “Kailangan ba may boyfriend ako para iwasan kita? Kung may boyfriend ba ang isang babae ay hindi mo na kinukulit?” “Sila ang nangungulit, hindi ako.” He smirked. “Bakit? Bawal ka bang kulitin?” He licked his lower lip and stood up. Nakapamulsa siyang naglakad at humarang sa harapan ko. Bigla na namang dumoble ang kaba ko nung ginilid niya ang aking mga papel at libro bago umupo sa lamesa sa harapan ko. His legs are wide apart while my knees are in between him. Nagkatitigan kaming dalawa, he looks so gorgeous and smells luxurious. Malakas talaga ang dating ni Rive, lalo na at magaling siya sa babae. Conrad is also handsome, but he doesn’t give much effort. Rive is good at seducing and making every girl especial. “Bakit walang boyfriend ang isang Donna Vistal? Ang ganda ganda mo.” Ang boses niya ay nakakalunod, ang tono niya ay tila humahaplos. And the way he maintained eye contact was mesmerizing. “Mukhang hindi ka naman tinatamad tignan. Bakit ka hindi mag-aral?” “Why do you keep on insisting me to study? Gusto mo ba yung lalaking nag-aaral at magaling sa klase?” “Ano ngayon kung ganun nga?” hindi ka ganun. “Hindi na rin naman kailangan kasi matalino naman yung magiging girlfriend ko?” He chuckled and coughed a bit. “Ayos lang kahit hindi magaling ang boyfriend mo sa klase, basta guwapo at mayaman naman.” Ang yabang talaga. “Oo naman. Basta hindi womanizer.” I smiled at him fakely. Naglaho ang ngisi niya at mataman akong tinitigan. “Pwedi naman magbago para sayo…” marahan niyang bulong. My heartbeat became faster as he didn't leave his stare at me. "Bagong bago yan, ah," sarkastiko kong sambit at pagak na natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD