CAR

1538 Words
Bella Donna Vistal INAYOS KO ang pagkakasalansan ng mga libro sa tamang lagayan at tamang label. Nung umikot ako at nahinto ako sa paglalakad nung makita sa harapan ko ang naghihintay na si Rive, he is smirking and acts like interested in the books around him. “I heard you work here when you have no classes?” he asked indulgently. “At sana nandito ka para mag-aral o magbasa.” Sinubukan kong umiwas. Pumunta sa kabilang section pero sumulpot na naman ito sa harapan ko. “Walang thank you sa pagkain na binigay ko sayo?” He smirked and started walking closer to me. “To see your smile is more than enough, I guess.” “Hindi ko naman sinabi o hiningi sayo yun. Hindi kana rin dapat pumunta sa classroom. Mabilis kumalat ang chismis lalo na kapag tungkol sayo.” Tamad kong nilagay ang libro. I tiptoed to reach the bookshelves na lampas sa aking ulo. I paused when Rive positioned himself behind me perfectly and took the book. Hindi pa siya nakuntento at nilagay ang isang kamay sa bookshelves habang walang kahirap-hirap na nilagay ang libro sa itaas ko. Sinundan ko yun ng tingin at napatingala. He crouched and reached my nape. “Better?” he whispered and his warm breath touched my neck. I can smell the manly scent that is becoming familiar to me. Lalo na at mukhang naiiba ang amoy niya. It will leave a mark. It will leave a name and face that one sniffed and you’ll remember him. “Kapag ako ang kasama mo, hindi ka mahihirapan.” I felt his chest behind me. Even his legs are a bit touching behind me. Hindi pa siya nakuntento at kinulong ako sa kanyang bisig nung hawakan ang bookshelves. Kahit ayaw kong humarap sa kanya ay mas hindi rin ako komportabli sa ayos namin. When I faced him I caught him staring at my nape. Nakatali ako at hindi ko alam kung ano ang tinitignan niya. Batok ko ba o leeg. Bastos talaga nito! “Anong ginagawa mo rito?” kaswal kong tanong sa kanya. I crossed my arms and leaned on the bookshelves, dahil doon ay may konting espasyo na sa gitna naming dalawa. “Andito ka kasi…” he shrugged his shoulders. Nilabas niya ang cellphone at inabot sa akin. “Gusto kong kunin ang numero mo kay Fredah. But I think it is more appropriate to ask you first.” Tinignan ko lang iyun at hindi tinanggap. “Delete mo muna yung mga tinatago mo, baka may makita ako at masira ang diskarte mo.” I smiled a bit in sarcasm. “Wala kang makikita riyan. Check mo pa.” I smirked and pushed his cell phone away from me. “Hindi ko ibibigay ang number ko. Kahit hingiin mo kay Fredah o kanino man, hindi kita sasagutin kapag tumawag o mag-message ka. Kapag nalaman kong ikaw pa yun, ibo-block kita.” I ALWAYS think I am smart. I always thought dreams and goals in my life were the most dominating thing that would never make me swayed by anything in the world. Kahit sa pag-ibig. Tingin ko sa sarili ko noon na mataas ang standards ko sa pag-ibig. Tingin ko mahihirapan akong makahanap ng para sa akin. Akala ko rin ay mahihirapan akong mahulog sa isang tao. But slowly I realized that it is easy to fall in love especially if that person knows what kind of love you need. “Si Fredah?” takang tanong ko nung maabutan sa meeting place namin si Rive mag-isa. “Nauna na…” he licked his lower lip and looked at my clothes. “Yan ang susuotin mo sa outing natin?” “Anong outing?” alarmang tanong ko. He pursed his lips and massaged the temple of his head. Realizing that I have no idea of what is going on. “Mag-aaral kami. Eto oh, dala ko yung libro at notebook ko.” Pinakita ko sa kanya ang bitbit. He glanced at his wristwatch and his nose crinkled. “Maaga pa naman, mamili tayo ng susuotin mo.” Tumayo siya at kinuha sa akin ang mga gamit kong dala. “Huh? Uuwi na lang ako!” Tumigil siya at nilingon ako. Sinubukan kong kunin ang gamit ko sa kanya. “Fredah wants me to deal with you, huh? Seems like she couldn’t convince you to join,” he said in the air like an impossibility happening. “Outing lang ‘to. Relax.” Hinawakan niya ako sa balikat. “I was not informed though.” “Dahil hindi ka siguro sasama. Sumama kana, tapos na ang exam natin.” He smiled at me and tried to fix my hair that was blown by the wind. “Uuwi tayo ng hapon. Hindi ka magpapagabi. You can study there also. I’ll… reserve you a space or private table for you. Or even a room if you just requested to.” “Saan ba?” ani ko sa maliit na boses. Hindi ako nakapagpaalam sa parents ko pero tingin ko ay kahit huwag na rin, lalo na at ngayon lang namang araw. Sinulyapan ko ang suot ko, pants at tshirt lang. “Sa resort namin. Malapit lang yun dito.” He looks pleased when he thinks that I am finally joining them. HUMINTO KAMI sa sasakyan na makintab at mamahalin. Hindi man ako pamilyar sa mga ganito ay kung titignan pa lang ay mukhang mahal ang isang ‘to. At hindi ito ang sasakyan na nakita ko noon na dala niya sa foam party. He cooly opened the door for me while wearing his black sunglasses and, a plain shirt that fit his chest showing enough figures on his body. Pants na itim at kuwintas na tama lang sa kanyang leeg. Outing ba talaga ang pupuntahan nito at bakit pormang porma? “Sa likod na ako.” Sinubukan kong tumakas dahil ayokong maupo sa tabi niya ngunit humarang na siya at humawak sa ulo ng sasakyan niya habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa pintuan na nakabukas at may awang. “We don’t actually have time, sigurado akong hindi ka magpapagabi.” Inabot niya sa akin ang cellphone niya. “Ilagay mo ang size ng damit mo, I’ll ask someone to deliver it to our resort.” “Sige,” hindi na ako nakipagtalo pa. “Sa likod na ako,” dagdag ko sa maliit na boses. “Magtatalo pa ba tayo rito?” He gave me a bit of a smile, but I could sense him being impatient right now. Walang imik akong pumasok sa loob at sinubukang simulang ilagay ang seatbelt. Lagi naman akong nakakasakay sa sasakyan ni Fredah. Hindi naman din ako ignorante sa ganito. Sa huli ay pasimple na lang akong hindi nag-seatbelt at inabala ang sarili sa pagbukas ng cellphone ni Rive. I couldn’t believe that he handed me his phone that easily. Without inhibition. “Search for the secretary’s number of my contact and send her your size.” He wears his seatbelt. Pinanuod ko kung paano niya suotin iyun at ayusin. “Okay lang ba na buksan ko ang inbox mo?” hindi makapaniwalang usal ko. Pero binuksan ko na yun bago pa hintayin ang sagot niya. A smile appeared on my lips and suddenly got excited to know how bad this man is towards girls. Pero naningkit ang mga mata ko nung makita ko na malinis ang inbox niya. Mukhang may nag-delete. There were some messages but mostly were from his relatives, family, and very close friends. “Let me fix your seatbelt.” Nagulat na lang ako nung lumapit siya at hinila iyun para isuot sa akin. My mouth parted when his hand accidentally touched my side boob. Hindi sinasadya, pero dahil si Rive itong kasama ko ewan ko na lang. I looked at him and he didn’t seem bothered or being playful. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at seryosong nagmaneho ito. “I sent it already. Ito na.” Binalik ko sa kanya. “Diyan mo lang, sinabi mo ba kung anong gusto mong damit?” He glanced at me. Minsan ay napapatulala ako lalo na sa porma nito. Damn that sunglasses, bakit bagay na bagay sa kanya? Parang bigla siyang nag-ibang tao kapag umiiba ang ayos. He looks formal and too intimidating, not that he was not. “Did you specifically say that you need a swimsuit?” “Huh?” Sinimangutan ko siya. He licked his lower lip and looked at the road. “Hindi ka ba maliligo? You at least need a swimwear, baby.” Biglang uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung saang parte ng sinabi niya ang dahilan para pamulahan ako. The fact that he is thinking I will wear a swimsuit or what he just called me. “Okay na ako sa shirt at short.” He brushed his lips using his fingers and chuckled. Nasa daan pa rin ang titig, hindi ko alam kung pang-aasar ba ang halakhak niya o ano. “Just include it, perhaps you’ll be needing it,” paos niyang sambit at napatikhim. Sinulyapan ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. “Mainit ba? Pinamumulahan ka.” He increased the air-con.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD