PROLUGUE
Bata pa lang kami, pangarap ko nang ikasal sa kaniya. Isinumpa ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako at mahalin niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kaniya.
Pero last ng akala ko ay hanggang akala lang pala dahil kahit minsan hindi niya ako tinapunan ng tingin. Kahit minsan hindi niya ako napansin. Hanggang dumating ang araw na matupad na ang gusto ko na makasal sakaniya, nagkasundo kasi ang mga magulang namin na ikasal kami. Para daw mas matibay ang kompanya namin.
Hindi ko alam Kung ano ang gagawin ko, sa sobrang saya ko parang hindi na ako makapag -antay na maikasal sa taong mahal ko. Kung ako ay nagtatalon sa saya, siya naman ay galit lang ang makikita sa kaniyang mukha.
Alam ko namang wala siyang nararamdaman saakin...
Akala ko magiging madali saakin ang mahalin niya ako. Pero sa araw araw na magkasama kami ay pinapamukha niya na hindi niya ako kayang mahalin.
Kaya hito ako ngayon nagtitiis sa mga pananakit niya, kahit harap harapan siyang nambabae..
Alam Kung subrang tanga ko pero kaya Kung magtanga tangahan dahil mahal ko siya.
Hindi ako basta bastang susuko,... kahit nasasaktan na ako..
PERO HANGGANG KAILAN KO SIYA TITIISIN??! panno Kung darating ang araw na mawawala na lang bigla ang pagmamahal ko sa kaniya at mapalitan ito ng galit??