Chapter 77–Aksidenteng naiturok Ariana Xiamara I CLOSED my eyes tightly. Gusto kong maniwala. Gusto kong maramdaman sa puso ko na totoo ang bawat salitang binitiwan niya. Ngunit may isang bahagi sa isip ko na hindi kayang magtiwala ulit. Para sa akin, hindi sapat ang mga salita lang, hindi sapat ang matatamis na pangako. Umatras ako palayo sa kanya, bago tuluyang tumalikod. Ayokong manatili sa harap niya nang matagal dahil baka hindi ko makayanan ang emosyon ko at bigla akong bibigay. Kailangan kong higpitan ang pisi sa ngayon, kulang pa ang mga pinapakita ni Azreal sa akin para maniwala ako. "Aria..." Tawag niya, his voice begging. Bahagya akong huminto, pero hindi ako lumingon. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya. "Hindi sapat ang salita, Azreal," mahina kong sabi ngunit mat

